You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
Schools Division Office
Camarines Norte

Eco Athletic Field, F. Pimentel Ave., camarines.norte@deped.gov.ph


(054) 440-1772/(054) 440-4464
Date, Camarines Norte DepEd Camarines
Norte
______________________________________________________________________________
____________________________________________________

CODE F4FB-IVg-j-101

School Daet Elementary School Grade 4 Quarter 4


GRADES 1 to Level
12 DAILY Teacher MARIEL R. GARCIA Learning FILIPINO
LESSON PLAN GISELLE A. PANOTES Area
Teaching Date and April 22, 2024
Time

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsusulat at pagsasalita
Pangnilalaman ng sariling ideya at kaisipan.
B. Pamantayan sa Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcast gamit ang iba’t ibang
Pagganap uri ng pangungusap.
C. Mga Kasanayan Nasasagot ang tanong sa binasang iskrip ng radio broadcasting at
sa Pagkatuto. teleradyo. (F4FB-IVg-j-101)

Kaalaman: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa


pagsasagawa ng radio broadcast. (F4WG-IVd-h-13.4)
Saykomotor: Nakasusulat ng script para sa radio broadcasting.
(F4PU-IVg-2.7.1)
Apektiv : Naibabahagi ang obserbasyon sa iskrip ng radio
broadcasting. (F4PS-IVh-j-14)

Iskrip sa Radio Broadcasting o Teleradyo

1. Mga pahina Yaman ng lahi 4, pahina 194-195


ng Gabay ng
Guro
III. LEARNING RESOURCES
2. Mga pahina LAS-F4Q4-W6 pahina 2-9
ng Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina Yaman ng lahi 4, pahina 194-195
sa teksbuk
4. Karagdagang Aklat
Kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resources (LR)
5. Integrasyon: ESP, Araling Panlipunan, Science
B. Iba pang Laptop, PPT
kagamitang
panturo
A. Balik-aral sa Natatandaan nyo ba ang nakaraang pinag-aralan?
nakaraang aralin at/o Ito ay patungkol sa paksa at balangkas.
pagsisimula ng
bagong aralin Ngayon, ano nga ulit ang paksa?
Kaya na bang matukoy ang paksa ng mga tekstong inyong
babasahin?

Ano naman ang balangkas?


Kaya na bang makapigbay ng balangkas?

B. Paghahabi sa Integrasyon sa Araling Panlipunan at Science / 0:48


layunin ng aralin Flash Report: NCR mananatili sa Alert Level 1 hanggang Hunyo 15 |
Headline Pilipinas (27 May 2022)
https://www.youtube.com/watch?v=E9aF6Jsz_KY

MGA GABAY NA TANONG:


1. Ano ang nararamdaman mo kapag may mga ganitong balita kang
napapakinggan sa radyo o telebisyon?
2. Sa tingin mo, bakit mahalaga na may alam kayo bilang mga bata
sa mga balita tungkol sa inyong paligid?

C. Pag-uugnay ng PINOY HENYO


mga halimbawa sa Panuto: Ang klase ay mahahati sa dalawang grupo. Ang bawat
bagong aralin grupo ay magpapadala ng dalawang kalahok sa gagawing laro. Sa
dalawang manlalaro, may isang tagahula at may isang tagasagot ng
“OO, HINDI, at PWEDE” base sa mga tanong na ibibigay ng
tagahula upang mahulaan ang hinahanap na salita. Ang may
pinakamabilis na makahula ay siyang mananalo.

MGA SALITANG MAAARING HULAAN:


*RADYO
*MIKROPONO/ MIC

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Ano ang mga napansin nyo sa mga salitang inyong hinulaan?
2. Mayroon ba kayong radio at mikropono sa inyong tahanan?
3. Paano nyo ginagamit ang mga ito?
D. Pagtalakay ng PAGTATALAKAY:
bagong konsepto at Ang Iskript ng radyo ay ang nakasulat na materyal na
paglalahad ng nagpapahiwatig ng pandiwa at di-berbal na aksyon na ipakikita ng
bagong kasanayan nagtatanghal at ang kanyang mga katuwang sa isang programa sa
#1 radyo.

Ito ay ginagamit upang magkaroon ng plano ang lahat, maiwasan


ang paglitaw ng mga hindi inaasahang kaganapan at makapag-
iskedyul ng mga anunsyo at ang pagkumpleto ng programa.

Hakbang sa Pagbuo ng Iskrip


1. Alamin ang iyong manonood o tagapakinig
2. Gumawa ng pananaliksik tungkol sa paksa
3. Gumawa ng balangkas
4. Sumulat ng burador
5. Basahin ng malakas at orasan
6. Ilarawan o ivisualized ang iskript
7. Balikan ang iskript at rebisahin ang istilo, tiyempo at katumpakan.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Iskript sa Radio


Broadcasting at Teleradyo
1. Dapat malinaw at madaling maintindihan.
2. Gumamit ng salitang madaling maunawaan.
3. Gawing maikli at simple ang balita ngunit naglalaman ng
mahahalagang impormasyon.
4. Tiyakin ang kawastuhan ng impormasyong ibabahagi.

Halimbawa ng Iskrip:

E. Pagtalakay ng Batay sa nabasa nating iskrip para sa radio broadcasting, sagutan


bagong konsepto at natin ang mga katanungan base sa inyong obserbasyon.
paglalahad ng
bagong kasanayan 1. Ano ang pangalan ng istasyon?
#2 2. Ilang balita ang inilahad sa iskrip?
3. Tungkol saan ang infomercial?
4. Paano nabigyang buhay ng manunulat ang isinulat na iskrip?
5. Anong naramdaman mo habang binabasa ang iskrip?

F. Paglinang ng PANGKATANG GAWAIN:


kabihasaan ( tungo Sumulat ng iskrip para sa radio broadcasting gamit ang iba’t ibang
sa Formative uri ng pangungusap.
Assessment )
PANGKAT 1:
Balita- Tungkol sa matinding init ng panahon

PANGKAT 2:
Balita- Tungkol sa epekto ng labis na paggamit ng cellphone ng mga
kabataan

PANGKAT 3:
Balita- Tungkol sa bullying

G. Paglalahat ng Ano nga ulit ang iskrip sa radio broadcasting?


Aralin
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsusulat ng iskrip?
H. Paglalapat ng Nakikinig at nanunuod ba kayo ng mga balita sa mga radyo,
aralin sa pang-araw- telebisyon, o maging sa social media?
araw na buhay
Sino ang mga kilala nyong tagapagbalita?

Bakit mahalaga na dapat may alam tayo sa mga nangyayari sa ating


bansa o mundo? (Integrasyon sa AP)

Bilang mag-aaral, paano nakakaapekto sayo ang paggiging bukas o


mulat sa reyalidad ng mundo hatid ng mga balita mula sa radio at
telebisyon? (Integrasyon sa ESP)

I. I. Pagtataya ng Panuto: Ang mga pangungusap ay hango sa iskrip ng radio


Aralin broadcast. Tukuyin kung ito ay pasalaysay, patanong, padamdam, o
pautos.

1. Magandang umaga, bayan!


2. Ikaw, nakapagtala ka na ba para sa libreng bakuna?
3. Maraming negosyo ang naapektuhan gawa ng pandemya.
4. Yehey! May bakuna na para sa Covid-19
5. Kailangan mong pumunta sa Health Center para magpakunsulta.

2. Karagdagang KARAGDAGANG GAWAIN:


Gawain para sa Sumulat ng apat (4) na linya na sinasabi sa balita sa radio o
takdang aralin at telebisyon gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
remediation
Pasalaysay-
Patanong-
Padamdam-
Pautos

V. MGA TALA
A. Bilang ng
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
VI. PAGNINILAY
aaral na
nangangailangan ng
iba pang Gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba
ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking naranasan
na solusyonan sa
tulong ng aking
punongguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitanng panturo
ang aking nadibuho
nan ais kong ibahagi
sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda nina:
Mariel R. Garcia
Giselle A. Panotes

Iniwasto ni:
Marilou P. Dalan
MT 1
___________________________________________________________________________
“SDO Camarines Norte: Facilitating Dreams…, Valuing Aspirations…”

You might also like