You are on page 1of 7

Paaralan BERNARDO LIRIO NHS Baitang 8

GRADES 1 to 12 Judyline Capili Pokus ng Pag-


Banghay Aralin Guro Leyalyn V. Coro Filipino
Spencer V. Villegas aaral
Oras at Araw ng Ikatlong
Ika 27- Pebrero - Ika 4 ng Marso Kwarter
Pagtuturo Markahan
Pebrero 13, 2023
1. Natutukoy ang mga mahahalaga impormasyon sa isinasagawang talakayan.
2. Naiisa-isa ang mga maaaring pagkuhanan ng mga ideya at datos (Internet, Aklat,
Survey, Videos, atbp)
3. Nakapagbibigay ng mga halimbawang salita na ginagamit sa impormal na
I. LAYUNIN
komunikasyon {balbal, kolokyal,at banyaga.}
4. Nakapagbabahagi ng sariling opinyon sa paksang tatalakayin.
5. Natatalakay ang mga hakbang sa pagsulat ng balita at komentaryo.

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa


Pangnilalaman kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
Pagganap pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)
1. Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik F8PS-IIIa-
c-30
C. Pinakamahalagang
2. Nagagamit ang ang iba’t-ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
Kasanayan sa
pagsulat ng komentaryo at iba pa. F8PU-IIIa-c-30
Pagkatuto (MELC)
3. Nagagamit sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) F8WG-IIIa-c-30
II. Nilalaman Estratehiya sa Pangangalap ng mga Ideya Gamit ang mga
Salita sa Impormal na Paraan ng Pakikipagtalastasan

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng


K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 157
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang- Mag-
Pivot 4A Learner’s Material Filipino Grade 8 Pahina 11
aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Power point presentation
Learning Resource

Larawan mula sa internet


https://en.wikipedia.org/wiki/Spot_the_difference
B. Iba pang Kagamitang https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/oyby6d/hanapin_ang_naiiba/
Panturo https://www.google.com/search?q=wifi&tbm=isch&ved=
https://www.google.com/search?q=interview&rlz=1C1VDKB q=&aqs

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balitaan
1. Tumutukoy sa saloobing nalikha ng mambabasa sa teksto. Ito ay maaaring tuwa,
lungkot o galit.

D D N

2. Tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat.

O N

2. Balik-Aral sa nakaraang 3. Tumutukoy sa layon o kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat sa
aralin at/o pagsisimula ng kanyang mambabasa.
bagong aralin
L Y I

4. Ito ay tinatawag ding punto de vista. Sa maluwag na pagtuturing,masasabing ito


ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda.

P A N

Aktibiti 1. Panuto:Piliin sa kahon ng pagpipilian ang salitang


tinutukoy sa bawat bilang.

Balita Telebisyon Aklat Dagli Sarvey


Kuro-kuro Komentaryo Internet

1. Isang pandaigdigang network ng kompiyuter na nagbibigay ng iba’t ibang


impormasyon at pasilidad na pangkomunikasyon
2. Ito ay pagsisiyasat upang kumalap ng mga opinyon at karanasan sa
pamamagitan ng pagtatanong.
3. Nakalimbag o nakasulat sa mga pahinang pinagsama na naglalaman ng mga
impormasyon o mga datos.
4. Ito ay anomang pangyayaring hindi karaniwan hinggil sa lipunan na naganap,
nagaganap o magaganap pa lamang
5. Pasulat na pagpapahayag ng mapanuring opinyon o pagpapaliwanag tungkol sa
partikular na pangyayari o paksa.

Aktibiti 2. Panuto:Hanapin sa kahon ng pagpipilian ang inilalarawan sa bawat aytem.


Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
3. Paunang Pagtataya
1.Tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat.Ito ay
maaaring mapagbiro, masaya o malungkot.
2.Tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o awtor sa
kanyang mambabasa.
3.Tawag sa pagpapaikli ng isang salita na ginagamit sa pang- araw-araw na
komunikasyon.
4.Mga salita mula sa ibang wika na walang salin sa Filipino.
5. Ito ang mga salitang kilala sa isang munting pook lamang at hindi gaanong kilala
ng nakararami sa bumabasa o nakikinig.
6. Ito ang mga salitang oo nga’t ginagamit sa kasalukuyan ngunit panlasangan
naman.

Lalawiganin Layon Kolokyal Balbal


Banyaga Pormal Tono May-akda
B. Paglinang ng Aralin

Hanapin ang naiiba

A. AKTIBITI

Anong mga salita ang nakikita mo?

Panuto: Anong mga larawan ang nakikita mo? Ibigay ang ilang katangian ng mga ito.

A. ANALISIS
“BUUIN MO NAMAN AKO”

Panuto: Isaayos ang mga salita na nasa ibaba upang makabuo ng bagong salita.

1. ORALPM
2. YAGABAN
3. SERBAY
4. LABLAB
5. ANLALAWIGNI

Maaaring Pagkuhanan ng Ideya o Datos

1.Internet- ito ay isang pandaigdigang network ng kompyuter na nagbibigay ng iba’t ibang


impormasyon at pasilidad na pangkomunikasyon. Ang google at yahoo ang karaniwang
ginagamit ng mga Pilipino sa pagsasaliksik ng mga impormasyon na nais nilang
malaman.Ang mga ito ay nakakonekta sa iba’t ibang platforms ng internet na maaari
sayong makapagbigay ng mga kaalaman mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ngunit
kinakailangang maingat sa pagsuri at pagtukoy ng kredibilidad at awtensidad ng mga
nakalagay na impormasyon dito. Kinakailangan na ito ay mula sa pinagkakatiwalaang
ahensya, grupo,o indibidwal na espesyalista o dalubhasa sa paksa o larang.

2. Aklat- Ang aklat ay isa sa mga pinaka-una at batayang pinagkukuhanan ng impormasyon


noon hanggang ngayon.Ito ay nakalimbag o nakasulat sa mga pahinang pinagsama na
naglalaman ng mga impormasyon o mga datos.Siguraduhin lamang na ang aklat na ito ay
hindi obsolete o masyado nang luma. Hangga’t maaari ay hindi lalampas 10-20 taon ang
tagal mula sa pagkakalimbag nito. Kasama ng mga aklat ang iba pang mga printed source
gaya ng dyornal o pahayagan.

3.Sarvey - Isa itong talatanungan na nakalimbag o maaaring elektroniko na naglalayong


makuha ang pangkalahatang opinyon ng grupo ng mga tao. Madalas itong ginagamit sa
pananaliksik upang bigyan ng interpretasyon ang mga numero mula rito. Ngunit may mga
sarvey din naman na ang mga sagot na pahayag ang binibigyan ng diin dito.

B. ABSTRAKSYON 4.Panayam o Intervyu - Ito naman ay ang tahasang pagtatanong sa isang indibidwal o
grupo na dalubhasa o may sapat na kaalaman sa isang paksa. Maaaring isulat o di kaya’y i-
rekord sa pamamagitan ng video o audio ang pagtatanong ng tagapanayam at ang
sagot ng kinakapanayam, ngunit huwag kalimutang humingi ng pahintulot.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita o Komentaryo

1. Pumili ng napapanahong paksa - Mahalaga na ikaw ay magmasid sa iyong paligid,


mula sa iyong mga nababasa naririnig, nakikita at napapanood. Anong suliranin o
pangyayari sa lipunan ang tumawag ng iyong pansin at sa tingin mo ay
matutuwa kang malaman ang mga impormasyon at katotohanan tungkol dito?

2. Magsaliksik- Sa bahagi namang ito ay maaari kang magsaliksik sa iba’t ibang


pagkukuhanan ng deya o datos tulad ng internet, aklat,dyornal, pahayagan,sarvey,
o intervyu. Basahing mabuti ang iyong pinagkukuhanan at isulat ang
mahahalagang impormasyon na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong balita o
komentaryo. Mahalagang makuha mo ang mga sagot sa tanong na ANO, SINO,
SAAN, KAILAN, at BAKIT.

3. Lumikha ng iyong burador - Ang lahat ng manunulat ay gumagamit ng burador o


scratch paper. Mula sa mga detalye na iyong nasaliksik. Lagyan mo ng bilang o
numero kung ano ang pinaka-importante hanggang sa di-gaanong mahalaga. Ang
balita at komentaryo ay nagtataglay ng tinatawag na PAMATBUNAY o Lead.
Pamatnubay - ito ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay unang
pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa dahil ito ay ang buod. Ngunit
maaaring ito ay isang salita lamang, lipon ng mga salitang panghihikayat ng interes ng
mambabasa, o isang parapo o talata.

4. Buoin ang bahagi ng balita o komentaryo - Ang mga bahaging ito ay ay simula
(pamatnubay), katawan, at wakas. Tandaan na sa pagsulat ng balita,iwasan ang
masyadong mahabang talata. Maaari itong putolin upang bumuo ng bagong
talata. “Isang ideya = isang talata.” Gumamit ng mga transitional devices upang
mapag-ugnay-ugnay ang mga talata gaya ng mga salitang: una, ikalawa, sumunod,
sa kabilang banda,gayunpaman,bilang pagwawakas, at iba pa.

5. Basahin at irebisa ang sarili mong gawa - Mahalaga na basahin mo ang sarili mong
gawa upang makita mo ang ilang mga kamalian sa ispeling, pagbabantas, o
nilalaman na sa tingin mo ay kailangang alisin o dagdagan.Maaari din na ipabasa
mo ito sa iyong magulang, kapatid,o kasama sa bahay na may kakayahang sumuri
ng kalakasan at kahinaan ng iyong gawang balita o komentaryo.

Panuto: Humanap ng kapareha, sa isang buong papel bumuo ng isang maikling usapan o
iskit sa pakikinayam o sa pag-iinterbyu na ginagamitan ng mga salitang ginagamit sa
impormal na pakikipagkomunikasyon.

Mga 10 puntos 8 puntos 5 puntos 2 puntos


Pamantayan Napakahusay (Mahusay) (Mahusay- (Nagngangailangan
husay) pa ng
pagpapahusay)
1.Nailahad ng
maayos ang
ideya.
2.Nakatulong
C. APLIKASYON
ang mga
salitang
impormal sa
pagpapagaan
ng usapan.
3. Malinaw na
pagkakasulat
at
pagpapahayag
ng ideya.

PAGSASANAY
I. Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag sa bawat bilang
D. PAGTATAYA
1. Ang balita ay kinakailangang napapanahon, makatotohanan, at walang
kinikilingan.
2. Ang komentaryo naman ay nagtataglay ng saloobin hinggil sa isang paksa na
kinakailangang mapanira lamang.
3. Sa pagsasagawa ng intervyu, kahit sinong tao ay maaari mong tanungin o
kapanayamin hinggil sa paksang iyong napili.
4. Kahit anong aklat ay maaari mong gamitin sa iyong pagsulat.
5. Ang sarvey ay isa sa mga mapagkakatiwalaang puwedeng pagkuhanan ng
detalye.

II. Panuto: Magtala ng tig dadalawang halimbawa ng mga uri ng impormal na salita at
gamitin ito sa pangungusap.

A. Lalawiganin
1.
2.

B Balbal
1.
2.
3.

C.Kolokyal
1.
2.
3.

D. Banyaga
1.
2.

III.Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga hakbang sa pagsulat ng balita.

Buoin ang bahagi ng balita o komentaryo

Lumikha ng iyong burador

Magsaliksik

Basahin at irebisa ang sarili mong gawa

Pumili ng napapanahong paksa

IV. Panuto: Sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang inyong kasagutan sa
inyong papel.

1.Alam kong marami kang natutuhan sa pagtatapos ng araling ito. Ano ang sa tingin mong
pinakamahalagang bagay na natutuhan mo sa araling ito?

2. Ano sa tingin mo ang gampanin at kahalagahan ngpagsulat ng balita sa paghubog ng


kaasalan ng mga kabataang tulad mo?

Takdang Aralin:
E. KASUNDUAN Panuto: Ibigay ang tatlong uri ng Broadcast Media at ang mga kahulugan nito. Isulat ang
inyong mga kasagutan sa inyong notebook.
MGA TALA
Inihanda nina:

JUDYLINE CAPILI
LEYALYN V. CORO
SPENCER V. VILLEGAS
Gurong Nagsasanay

Sinuri nina:

REDENTOR ENCISO
LOVELY BANTOG
ELAINE GARCIA
Gurong Tagapagsanay

Binigyang-pansin:

CATHERINE A. ESCLANDA
Gurong Tagapag-ugnay

You might also like