You are on page 1of 3

GROUP 1

Mass Media- one way communication


Print media- aklat, magazines at pahayagan
Broadcast media- telebisyon at radyo
Digital media- internet at cellphone
Entertainment media- pelikula at video games
Rodman 2012- ang mass media ay tumutukoy sa mas malawak na pakikipag- ugnayan o
komunikasyon sa mga tao.
Liwesey, 2011- katangian din nito ang pagiging impersonal kung saan ang taong nagpapahatid
ng mensahe ay hindi nakakuha o nakatanggap ng anumang komento o mungkahi mula sa mga
tagapakinig o tagapanood nito.
Telebisyon- malayo ang naabot ng telebisyon lalo na sa pagkakaroon ng cable o satellite
connection. Gumagamit ng wikang filipino ang mga palabas upang mapanatili ang mataas na
rating ng mga palabas at patuloy na tangkilikin ng masang pilipino.
Radyo- maliban a telebisyon, marami sa AM station na gumagamit ng wikang bernakular
maliban sa wikang filipino (Tolentino,2010).
-ipinaliwanag din ni tolentino na may FM station naman na may halong taglish o slang
ang wikang ginagamit.
Pahayagan- ang mga broadsheet na nakasulat sa wikang ingles ang tinitingnan bilang mga
lehitimong pahayagan samantalang ang mga tabloid naman ay naglalaman ng mga bulgar
ipinagbabawal na paksa bastos na larawan at marami pa.
Tolentino,2017- Tulad ng nasa radio at television, kolokyal din ang wikang nababasa ng masang
Pilipino.
Mga Bahagi o Pahina ng Pahayagan
1.Pangmukhang pahina- naglalaman ito ng pangalan ng pahayagan at ang mga pangunahin o
mahalagang balita.
2. Balitang Pandaigdig- mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa ibat ibang
bansa at panig ng daigdig.
3. Balitang Panlalawigan- mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa.
4. Pangulong tudling- naglalaman ng mga kuro-kuro o puna sa isinulat ng patnugot hinggil sa
isang napapanahong paksa o isyu.
5.Balitang komersyo- naglalaman ng mga balita tungkol sa kalakalan, industriya at komersyo
6. Anunsiyong Klasipikado- makikita rito ang mga anunsiyo para sa ibat ubang uri ng
hanapbuhay, baha, lupa, sasakyan at kagamitang ipinagbili.
7. Orbitwaryo- ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay na. Nakasaad dito
kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.
8. Libangan- ito ang pahina sa mga balita tungkol sa artista,pelikula, telebisyon at iba pang
sining.
9. Lifestyle- naglalaman ng mga artikulong may kinalaman sa pamumuha, tahanan, pagkain,at
iba pang aspeto sa buhay.
10. Isports- nagsasaad sa mga balitang may kinalaman sa isports, kompetisyono pampalakasan
ng mga atleta.
GROUP 2
Wika at Social Media
Social media- ito ang naging pamaraan ng interaksyon sa pagitan ng mga tao dahil maari na
silang magbahagi, magkomento at mag edit ng ibat ibang impormasyon sa isang virtual na
komunidad.
Ingles ang wika ng internet, ngunit dahil sa paglaganap ng web publishing tools, ibat ibang wika
na rin ang nakapasok sa mundo ng cyber space.
Pilipino ang maituturing na pinakaaktibong larangan ng internet at dahil dito ibat ibang estilo
ng paggamit ng wika na rin ang lumalaganap sa internet.
Code switching- tawag sa pagpapalit wika at maling pagpapaikli at pagsasama ng ilang mga
salita
Beki Language- hindi maayos o iniiba nila ang paggamit nito, inaakma ng mga ito ang paggamit
nila sa wika ng nagpapakita ng kabaklaan.
GROUP 3
Disenyo ng pananaliksik- inilalahad kung ano ang uri ng pananaliksik na gagamitin. Maaaring
deskriptibo, historical, o eksperimental.
Mga Pamamaraan ng Pananaliksik

 Historikal na Pamamaraan- muling dalumatin o balikan ang mga nagaganap o


nangyari na at ang kaugnayan nito sa mga kasalukuyang panahon.
 Deskriptibong Pamamaraan- mailalarawan ng sistematiko ang katayuan o salik ng
interes nang tumpak at makatotohanan.
 Debelopmental na pamamaraan- masuri ang pattern o sekwensiya ng paglago o
pagbabago sa takbo ng panahon.
 Case at field na pamamaraan- masusing mapag- aralan ang backgrawnd,
kasalukuyang katayuan at kaligirang interaksyon ng isang indibidwal, pangkat.
Lokal na Pag-aaral- inilalahad ang lokasyon na paggaganapan ng pag-aaral.
Respondante- inilalahad at inilalarawan ang mga respndante ng pag-aaral.
n- bilang ng sampol
N- bilang ng populasyon
e- pagitan ng pagkakamali
Probability Sampling

 Random Sampling- sa pamamagitan nito ay may pantay na pagkakataon ang bawat


kabahagi ng populasyon na mapabilang sa sampol.
 Systematic Sampling- gumagamit ng table of random digits
Non-probability Sampling

 Purposive o Deliberative sampling- ang kraytirya o layunin sa pagpili ng mga


respondent ay siyang batayan sa pagpili ng magiging sampol.
 Qouta Sampling- tinitiyak muna ang mahalagang katangian ng populasyon at saka pipili
ng sampol
 Convenience Sampling- ito ay ang pagkuha ng sampol o tagatugon pabor sa katayuan o
kalagayan ng mananaliksik.
Instrumentong Ginamit- ipinaliliwanag sa bahaging ito kung ano-ano ang ginamit na instrument
sa pananaliksik.
Kompyutasyong Istaditika- inilalahad sa bahaging ito ang ginamit na pormula sa pagkumpyot
ng mga nakalap na datos.
Percentage- sinusukat kung ilang bahagdan sa kabuuang populasyon ang sumagot sa ilang
aytem sa talatanungan.
f- bilang ng sagot
n- kabuuang bilang ng kalahok
Weighted Average o Weighted Mean- ang kabuuang product ng frequency at ang katumbas na
bilang ng baryabol ay hinahati sa kabuuang bilang frequency.
Chi-square- sinusubok ang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng naobserbahang frequency
at inaasahang frequency.

PAGSULAT NG INTRODUKSIYON- kung ang pamagat o titulo ang nagpapakilala ng paksa ng


pananaliksik, ang introduksiyon naman ang nagbubukas o nagpapaahayag ng paunang usapin,
at kaalaman tungkol sa paksa.
Paksa- pagpapakilala sa paksa, pagbibigay kahulugan at kung paano ito na limitahan.
Kaligiran(bakgrawn)- inilarawan kung ano ang mga isyu na naging dahilan ng mga mananaliksik
kung bakit ito ay nagiging paksa.
Suliranin- paglalarawan sa lawak ng suliranin at sakop ng problema.
Tesis na pahayag- Makikita at mababasa sa introduksiyon ang testis na pahayag sa mga unang
talata upang maikondisyon ang mga mambabasa tungkol sa magiging direksyon ng pag-aaral at
maaaring maging kongklusyon ng pananaliksik.

You might also like