You are on page 1of 13

MAGANDANG UMAGA

LAYUNIN:
• Nakabubuo ng isang makatotohanang dokumentaryong panradyo.
PAGSULAT NG
DOKUMENTARYONG
PANRADYO
KOMENTARYONG PANRADYO
• Ayon kay Elena Botkin- ito ay ang pagbibigay ng oportunidad sa
kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin
kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang
napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.
• Ang pagbibigay opinion ayon kay Levy ay makatutulong nang Malaki
upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita.
• Ayon parin sa kanya, amg unang hakbang upang makagawa ng isang
mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon
ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad
ng opinion o pananaw.
ISKRIP
• Taguri sa manuskrito ng isang audio- visual material na ginagamit sa
broadcasting.
• Nakatitik na bersyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin.
• Ginagamit sa produksyon ng programa.
• Naglalaman ng mga mensahe ng programang dapat ipabatid.
• Nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, director, taga-ayos ng musika,
editor at mga technician.
PAANO NGA BA
GUMAWA NG ISKRIP?
• Gumagamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.
• Isulat sa malaking titik ang musika, epektong pantunog at ang
emosyonal na reaksyon ng mga tauhan.
• Guhitan ang mga SFX (sound effects) at MSC (music)
• Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong
pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga
ito.
• Kailangan may dalawang espasyo pagkatapos ng bawat linya sa iskrip
kapag makinilya o kinumpyuter.
• Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kabilang
bahagi bago ang unang salita ng linya upang maging madali ang
pagwawasto kapag nagrerecording.
• Ang mga emosyonal na reaksyon o tagubilin ay kailangang isulat sa
malaking titik. Ginagamitan lamang ang mga ito upang ipabatid kung
papaano sasabihin ang mga linya o dayalogo ng mga tauhan.
• Gumagamit ng mga terminong madling maintindihan sa pagbibigay ng
indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang
maririnig.
• Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at
ilagay ito sa parenthesis.
• Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang mga pangalan ng
tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
• Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero
sa bawat bilang.
DYORNAL
• Gaano kahalaga ang pagpapahayag ng katotohanan at opinion sa
pagsulat ng dokumentaryong panradyo bilang bahagi ng radi
broadcast?
Bilang paglalahat sa kabuuan ng arling ating tinalakay ay
punan ang 3-2-1 tsart sa ibaba batay sa hinihinging
impormasyon.

3 IMPORMASYONG IYONG NATUTUNAN


2 BAGAY NA NAKAPUKAW NG IYONG INTERES
SA ARALIN
1 TANONG NA GUMUGULO SA IYONG ISIPAN
TAKDANG ARALIN:
Lumikha ng isang iskrip ng komentaryo sa radio na nagpapahayag ng
iyong pananaw kaugnay sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.
magsaliksik ng mga makatotohanang impormasyon hango sa mga
lehitimong sanggunian. Dapat ay makapagbigay ng apat o higit pang
makatotohaang impormasyo. Sa pagbuo ng diyalogo sikaping sagutin
ang tanong DAPAT BANG MAGPABAKUNA LABAN SA COVID-19?

KOMENTARISTA 1:
KOMENTARISTA 2:

You might also like