You are on page 1of 48

TUKUYIN KUNG MAY MALI SA PANGUNGUSAP O WALA

1. Kahit walang pasok ay gumigising pa rin nang maaga si Jenny. Walang mali.
A. B. C. D.

2. Ipinasara rin ng gobyerno ang mga botika na ilegal na nagtitinda ng gamot. Walang mali.
A. B. C. D.

3. Iba’t-ibang paaralan ang nakilahok sa isinagawang parade ng mga bituin. Walang mali.
A. B. C. D.

4. Kaming magkakaibigan ay arawaraw naglalaro ng basketball. Walang mali.


A. B. C. D.
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
Kakayahang Pangkomunikatibo
Communicative competence ay nagmula sa
lingguwistang si Dell Hymes (1966). Ito ay
nilinang niya kasama si John Gumperz mula sa
Lingguistic competence ni Noam Chomsky.
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO

Nauukol sa kakayahan sa aktuwal na


paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon.
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

• Kakayahang Lingguwistiko
• Kakayahang Sosyolingguwistiko
• Kakayahang Diskorsal
• Kakayahang Istratedyik
Kakayahang Lingguwistiko O
Gramatikal
Ang kakayahang lingguwistiko ay naaayon
sa mga tuntunin ng wika o balarilang kayarian
na alam ng taong nagsasalita ng wikang ito. Ito
ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga
estruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng
gramatika.
Mungkahing component ng kakayahang lingguwistiko o
Kakayahang Gramatikal
(Celce-Murica, Dornyei, at Thurell 1995)

1. Sintaks
2. Morpolohiya
3. Leksikon (mga salita o bukabularyo)
4. Ponolohiya o Palatunugan
5. Ortograpiya
SINTAKS
(Pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may
kahulugan)
• Estruktura ng pangungusap
• Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos,
padamdam)
• Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
• Pagpapalawak ng pangungusap
MORPOLOHIYA
(mahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng pananalita)

• Iba’t ibang bahagi ng pananalita


• Prosesong derivational at inflectional
• Pagbuo ng salita
LEKSIKON
(mga salita o bukabularyo)

• Pagkilala sa mga
• Content words (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
• Function words (panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-
ukol, pang-angkop)
• Konotasyon at denotasyon
• Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na
salita)
• Semantika
PONOLOHIYA O PALATUNUGAN

• Segmental
• Katinig, patinig, tunog
• Suprasegmental
• Diin, intonasyon, hinto
ORTOGRAPIYA
• Mga grafema
• Titik at di titik
• Pantig at palapantigan
• Tuntunin sa pagbaybay
• Tuldik
• Mga bantas
PANUTO: May mga balitang pantelebisyong
naging kontrobersiyal dahil sa ginamit na
salita ng mga personalidad na na-interbyu.
Basahin ang bawat isa at saka isagawa ang
mga panuto.
1. Naging kontrobersiyal at binatikos ng mga nitezen ang
mga salitang binitiwan ni dating Secretary ng Department of
Transportation and Communication (DOTC) na si Joseph
Emilio Abaya sa isang panayam niya sa ABS-CBN TV Patrol
nang sabihin niyang: “Bagama’t nakasisira ng araw ang
traffic ay hindi naman siguro fatal iyan.” Kung mabibigyan
ka ng pagkakataong maiayos ang sinabi niya, paano mo ito
papalitan ng mas angkop na salita o pangungusap para
maiparating mo pa rin ang mensahe nang hindi magagalit sa
iyo ang mga tao? Isulat sa kuwaderno ang sagot.
2. Naging kontrobersiyal din ang paliwanag ng isang opisyal
sa airport nang bumagsak ang isang bahagi ng sahig sa
NAIA dahil daw sa bigat ng mga pasahero. Sa halip na isisi
ang pagbagsak na ito sa bigat ng mga pasahero, ano sa
tingin mo ang dapat nilang sinabi para hindi umani ng
ganitong batikos mula sa mga mamamayan?
Isulat sa kwaderno ang sagot.
Kakayahang
Sosyolingguwistiko
Kakayahang magamit ang wika sa isang
kontekstong sosyal. Ayon sa dalubwika, ito ay
isang batayang matatawag na interdisciplinary
sapagkat binubuo ng iba’t ibang salik
panlipunan.
MGA KONSIDERASYON SA
MABISANG KOMUNIKASYON

Ayon kay Dell Hymes (Bernales, et al.,


2002), kailangang isaalang-alang ang ilang
konsiderasyon upang matiyak na magiging
mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang
akronim na SPEAKING.
S etting (saan nag-uusap?) Ang lugar ay may malaking impluwensya sa
komunikasyon. Importanteng ito ay isaalang-alang kappag nakikipag-usap.
Ang impormal na pakikipag-usap tungkol sa personal na buhay sa harap ng
maraming tao ay maaaring mapagkamalang bastos.
P articipants (Sino ang kausap?) Binibigyang-pansin ang edad, kasarian,
katungkulan, propesyon atbp. Dito papasok ang register ng wika, mahalagang
iangkop ang sarili sa kung sino ang kausap. Pabago-bago ang paraan ng ating
pakikipag-usap depende sa kung sino ang kinakausap (register ng wika).
E nds (Ano ang layunin o hangarin sa pag-uusap?) – Ibagay ang pananalita sa
layunin gaya ng pagiging malumanay, may awtoridad, seryoso, masaya atbp.
A ct Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) – Ang komunikasyon ay
dinamiko, samakatuwid ang isang usapan ay nagbabago. Kasama dito ang
pagbabago ng paksa at paraan ng pag-uusap. Minsan ay nag-uumpisa tayo sa
mainit na usapan at kapag mahusay ang nakikipag-usap ay madalas itong
humahantong sa mapayapang pagtatapos.
K eys (Formal ba o informal ang usapan?) – Tono ng pakikipag-usap. Pagpili ng
salitang gagamitin na babagay sa pormalidad ng okasyon. Wala naman
sigurong magkakagusto kung mga salitang balbal ang gagamitin natin sa isang
normal na okasyon.
I nstrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) –Tsanel o daluyan ng
komunikasyon, maaaring ito ay pasalita o pasulat. Ang midyum ang
humuhubog at naglilimita sa isang mensahe.
N orms (Ano ang paksa ng usapa?) – Mahalagang maisaalang-alang ang paksa ng
usapan. Mga paksang kung minsan ay tinatawag na “usapang eksklusibo,
kagaya ng sinasabi ng mga nakatatanda, may mga “usapang pangmatanda,”
“usapang pambabae lamang,” at “usapang panlalaki lamang.”
G enre ( Anong uri na pakikipagtalastasan) Nagsasalaysay ba, nakikipagtalo o
nagmamatuwid? Naglalarawan o nagpapaliwanag? Mahalagang batid ng isang
tao kung ano ang genre na ginagamit ng kanyang kausap, nang sa gayo’y
malaman din niya kung anong genre ang kanyang gagamitin

Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na ginagamit ng


kanyang kausap, nang sa gayo’y malaman din niya kung anong genre ang
kanyang gagamitin.
Paglalapat ng Modelong SPEAKING

SETTING AT SCENE

PARTICIPANTS

ENDS

ACTS

KEYS

INSTRUMENTALITIES

NORMS

GENRE
Kakayahang
Diskorsal
KAKAYAHANG DISKORSAL

Tumutukoy sa kakayahang mabigyan ng wastong


interpretasyon ang napakinggang usapan/pahayag
upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.
Ang mga sumusunod ay dimensiyon ng
kakayahang Diskorsal
• Konteksto
• Gaya ng inilahad ni Hymes sa kaniyang SPEAKING theory, tungo sa
ikatatagumpay ng isang pakikipagtalastasan, mainam na Makita
ang kabuoang konteksto (settings, participants, ends, acts, keys,
instrumentalities, norms, at genre). Sa pamamagitan nito
maaaring mapaangat ang sensibilidad ng dalawang nag-uusap.
• Kognisyon
• Tumutukoy sa wasto at angkop na pag-unawa sa mensahe ng mga
nag-uusap. Bahagi ng kognisyon ang oryentasyon at kulturang
kanilang kinabibilangan.
Ang mga sumusunod ay dimensiyon ng
kakayahang Diskorsal
• Komunikasyon
• Ang dimensiyong ito ay tumutukoy sa berbal at di berbal na
paghihinuha ng mga impormasyon.
• Kakayahan
• Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Ang mga ito ang siyang
pangunahing kailangan sa mahusay na pagdidiskurso.
Reusch and Bateson
Functional Model (1951)

• Mapapansin sa modelo na habang


tumataas ang antas ay mas dumarami
ang taong sangkot sa apat na gawain:
(E) Ebalwasyon, (S) Pagpapadala, (C)
Pagcha-channel, at (R) Pagre-record.
Ang tungkulin ng komunikasyon ay
mailalarawan sa apat na antas:
• Intrapersonal – Kung saan nagaganap ang komunikasyon sa isipan ng
tao.
• Interpersonal – Tumutukoy ito sa pakikipagtalastasan sa ibang tao,
maaaring sa pagitan ng dalawang tao.
• Pangkatan – maliit na grupo.
• Hanggang kultural/Komunikasyong Pampubliko – kung dati ito ay
tungkol sa pagtatalumpati o pagsasalita sa harap ng maraming tao,
ngayon ay saklaw na rin ng antas na ito ang komunikasyong
pampolitika, panlipunang pamimili at pagtitinda pagpapatatag ng
samahan, estratehikong pananaliksik.
Suriin ang mga larawan sa ibaba

1. Sa unang larawan, ano ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa motorista? Paano
ipinahatid ang mensahe?
2. Sa ikalawang larawan, ano ang nais ipagawa ng traffic enforcer sa motorista? Paano
ipinahatid ang mensahe?
JEWELRIES
(Worth condominium unit at Rockwell)
PHP 30 million to PHP 70 million

Balmain blazer
PHP 150,000

Alaia (platform sandals)


PHP 64,500
Limited Edition 20th
Anniversary Roland Mouret
PHP 120,000

Total worth:

Source: PEP.Ph
P24,612,500.
Kakayahang
strAtedyik/pragMATIK
Kakayahang
strAtedyik/pRAGMATIK
Kakayahang magamit ang berbal at di
berbal na mga hudyat upang maipabatid nang
mas malinaw ang mensahe at maiwasan o
maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o
mga puwang sa komunikasyon.
Kakayahang strAtedyik
Tumutukoy sa mga estratehiyang ginagawa
ng isang tao upang matakpan ang mga di
perpektong kaalaman natin sa wika nang sa
gayon ay maipagpatuloy ang daloy ng
komunikasyon.
Kakayahang pRAGMATIK
Tumutukoy ang kakayahang ito sa abilidad
niyang ipabatid ang kanyang mensahe nang may
sensibilidad sa kontekstong sosyo-kultural at
gayon din sa abilidad niyang mabigyang-
kahulugan ang mga mensaheng nagmumula sa
iba pang kasangkot sa komunikatibong
sitwasyon (Fraser, 2010).
IBA’T IBANG ANYO NG
KOMUNIKASYONG DI BERBAL
Oras
(Chronemics)

Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang


oras ay nakaapekto sa komunikasyon.
Hal.
• Ang pagdating nang maaga sa isang job interview ay nangangahulugang may
disiplina ang nag-aaplay.
• Ang pagtawag sa telepono sa dis-oras ng gabi ay maaaring mangahulugan ng
pang-iistorbo o may emergency.
Espasyo
(proxemics)

Maaaring may kahulugan ang espasyong


inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang
tao. Ito ay binuo ni Edward T. Hall (1963)

Intimate, personal, social o public.


Espasyo
Public
(12 ft.)

(proxemics)
Katawan
(kinesics/kinesika)

Kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at


kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay. Sa
pamamagitan ng pagkilos ay maipararating natin ang
mensaheng nais nating ipabatid.
Pandama
(haptics)

Paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng


mensahe: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok,
haplos, hipo atbp.
Pandama
(haptics)
Simbulo
(Iconics)

Mga simbolo sa gusali, lansangan, botelya,


reseta atbp.
Kulay
(Chromatics)

Maaaring magpahiwatig ng damdamin o


oryentasyon.
Paralanguage
Paraan ng pagbigkas sa isang salita o tono, diin
at intonasyon ng salita.

Hal. Buntonghininga, pagsutsot, atbp.


Bagay
(objectics)

Paggamit ng mga bagay o objects (pananamit,


palamuti, alahas, atbp.) sa komunikasyon.
Status Symbol

Hermès Birkin Bag


Php. 648,000 – 10,800,000
MGA SANGGUNIAN

• Dayag, A. M. (2017). Pinagyamang PLUMA (K to 12) Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
• Marquez, S. T. (2016). PINTIG Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino (Batayang Aklat). Quezon City: SIBS PUBLISHING HOUSE,
INC.
• Reyes, A. R., & Reyes, M. R. (2016). DIWA Senior High School Series: Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Modyul. Makati City: DIWA
Learning Systems Inc.

You might also like