You are on page 1of 5

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

LEARNING ACTIVITY SHEET ꟾꟾ GRADE 11


IKALAWANAG MARKAHAN-MODYUL 4
DISYEMBRE 6-11, 2021 GURO: GNG. JENNIFER S. CABONOT

MELC:
(a) Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng
paggamit sa wika (F11EP-IId-33); (b) natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga
balita sa radyo at telebisyon (F11PN-IId-89)

PANGALAN:_________________________________________________ SEKSYON:____________________________________

Ikalawang Markahan – Modyul 4:


Kakayahang Komunikatibo (Kakayahang Lingguwistik)

Kakayahang Lingguwistik Daw/Raw nating mga Pilipino/Filipino: Bagsak o Pasado?


ni Christian Ann C. Ramos

Nagsimula nating matutuhan ang wika buhat sa pakikinig at pakikisalamuha. Kaya naman, hindi na natin ito
gaano pinagtutuonan ng pansin upang pag-aralan. Ibinabatay na lamang natin ang paggamit nito sa pamamagitan ng
nakasanayang gawi at gamit. Ngunit isang pinto ang nagbukas sa kakayahan nating umunawa lalo. Nang pasimulan ni
Noam Chomsky (1965) at ibang mga lingguwista na pagaralan ang istruktura ng wika.
Sinasabing ang kakayahang lingguwistik ayon sa pagpapaliwanag ni Savignon (1997) ay ang kakayahang
gramatikal, sa kanyang pinakarestriktibong kahulugan. Kung saan nakahanay ang kakayahang umunawa sa mga
ponolohikal, morpolohikal, sintaktik, semantical, at diskorsal na katangian ng wika at kakayahang magamit ang mga
ito sa pagbuo ng mga salita, parirala, sugnay, at mga pangungusap at gayon din sa pagbibigay ng interpretasyon o
kahulugan sa mga ito (Bernales et. al., 2016, 139).
Simulan natin ang pagpapaliwanag sa ponolohikal na aspekto. Ang ponolohiya ay pag-aaral ng
makabuluhang tunog. Nahahati sa ponemang segmental at suprasegmental ang uri ng ponema o makabuluhang
tunog. Ang ponemang segmental ay tumutukoy sa mga indibidwal na tunog ng wika gaya ng patinig (a, e, i, o, u-
nars), katinig (lahat ng titik na hindi nabanggit sa patinig-oto), diptonggo (pag-uugnay ito ng patinig at malapatinig na
/w/ o /y/-halaw), digrapo (dalawang magkasunod na katinig na may iisang tunog-tsinelas), klaster o kambalkatinig
(dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig-pyesa), pares-minimal (dalawang salita na magkaiba ang kahulugan
ngunit magkapareho ang kapaligiran liban sa isang ponema-apo:abo) at ponemang malayang nagpapalitan (isang
titik sa salita na kahit palitan ay nanatili ang kahulugan-lalaki:lalake). Habang ang ponemenag suprasegmental ay
mga tunog segmental na may kaakibat na tunog upang lalong maunawaan ang isang pahayag o salita. Ilan sa mga
suprasegmental na tunog ay ang diin (emphasis ng salita-tulugan (pandiwang nangangahulugang pagtulog): tulugan
(pangngalang nangangahulugang lugar o bagay)), hinto (mahaba o bahagyang paghinto sa pahayag-Hindi ako ang
pumatay// (pagtanggi): Hindi/ ako ang pumatay// (pag-amin)) at tono (damdamin ng pahayag-Dumating na ang
guro.: Dumating na ang guro?) (Bernales et. al. 2016, 138-140).
Nasa morpolohikal na aspeto naman ang wika nating kung pumapaksa ito sa mga salita. Moropolohiya
naman ang tumutukoy sa pag-aaral ng pinagsamasamang mga makabuluhang tunog upang makabuo ng salita.
Morpema ang tawag sa mga salita. May ilang uri ito: Bahagi ng Panalita, Pagbuo ng mga Salita, Alomorp, at
Pagbabagong Morpoponemiko. Narito ang maikling pagpapaliwanag:

1
2
Ang sintaktik o palaugnayan naman ay tumutukoy sa pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap. Narito ang mga nakapaloob sa sintaksis: parirala (binubuo ng paksa/panaguri na walang buong diwa),
sugnay (binubuo ng paksa at panaguri na may buong diwa o walang buong diwa), sambitla (pangungusap na may
iisang salita o mga pormularyong panlipunanSunog!), uri ng pangungusap (paturol, pakiusap, patanong, padamdam),
anyo ng pangungusap (payak, tambalan, hugnayan, langkapan), bahagi ng pangungusap (paksa-pinag-uusapan at
panaguri-binibigyang-turing ang paksa) at ayos ng pangungusap (karaniwan-panaguri+paksa at di-
karaniwanpaksa+pangawing+panaguri).

Sa semantika naman na istruktura ng wika, binibigyang kahulugan ang salita batay sa denotatibo
(diksyonaryong pagpapakahulugan) at konotatibong (paraan ng paggamit sa loob ng pangungusap) kahulugan. Nasa
ilalim din ng semantikal na istruktura ng wika ang wastong gamit ng mga salita. Narito ang ilang halimbawa:

•Operahan-tumutukoy sa tao Operahin-tumutukoy sa parte o bahaging titistisin


•Pahiran-paglalagay Pahirin-pag-aalis
•Pinto-binubukas at sinasara Pintuan-hamba ng pinto
•Raw/Rin/Roon-ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig
•Daw/Din/Doon- ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
•Subukan-pagtingin nang palihim Subukin-pagtikim at pagkilatis
•Taga-ang dapat gamitin at nilalagyan ng gitling kapag sinusundan ng pantanging pangngalan
•Tiga-walang unlaping tiga
•Walisan-lugar o pook na lilinisin
•Walisin-ispesipikong duming lilinisin

At ang diskurso ay ang makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawa o higit pang tao. Tinatawag
din itong pakikipagkomunikasyon. Mula sa nabanggit ng istruktura o balangkas ng wika, nakita natin na hindi naging
biro ang pagbuo nito. Pinatunayang masusi itong binuo at binigyangpaliwanag ng mga lingguwista. Kaya naman,
huwag sana itong maisantabi sapagkat nakasanayang gamit na ang sinusunod bagkus salitain ito nang wasto upang
mabigyang parangal ang wikang Filipino.

3
Gawain 1: Mangalap ng mga post sa social media na makikitaan ng maling paggamit sa Wikang Filipino.
Maaaring shared post, status, memes, balita, poster I-screen shot ito at ilagay kung ano ang tamang gamit
ng wika. Sikaping makakalap ng hanggang limang aytem para sa gawaing ito. 10 puntos bawat aytem.

Mga halimbawa:

Pamantayan sa pagmamarka
Pagsusuri sa mga nakalap na materyal sa social media: 5 puntos
Pagwawasto:5 puntos
Kabuuan: 10 puntos bawat aytem

4
Gawin 2: Pumili ng news compilation mula sa mga link na nakapaskil sa ibaba. Panoorin ang iyong napiling
balita at suriin ang script na ginamit ng news reporter kung mayroong mali sa kanyang paggamit sa Wikang
Filipino. I-highlight ang mga iwinastong salita, parirala o pangungusap. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong
sagot. Maaari ring pumili ng ibang news kung maayroon kayong ibang mapagkukunan. Tiyakin lamang na
ilagay ang link ng inyong source.

https://www.youtube.com/watch?v=3na039Mi3Sw
https://www.youtube.com/watch?v=Mr-Yx4wBwuk
https://www.youtube.com/watch?v=tSrdgB1pAuc

Halimbawa:

Iskrip mula sa balita Pagwawasto Kakayahang Lingwistik

1. Ipapakilala sa madla ang mga 1. Ipakikilala sa madla ang mga Mopolohikal


politikong nasangkot sa droga politikong nasangkot sa droga
noong nakaraang taon. noong nakaraang taon.

2. Hindi daw bababa sa pwesto 2. Hindi raw bababa sa pwesto Semantika


ang Pangulo kahit anong ang Pangulo kahit anong
mangyari sa gobyerno. mangyari sa gobyerno.

Pamantayan sa pagmamarka
Pagsusuri sa mga nakalap na materyal sa social media: 5 puntos
Pagwawasto:5 puntos
Kabuuan: 10 puntos bawat aytem

You might also like