You are on page 1of 17

Kakayahang Komunikatibo

Taga-ulat: Marc Symhone Giron


ANO ANG KOMUNIKASYON?
Komunikasyon

• Ang komunikasyon ay isang proseso


ng pagpapalitan ng impormasyon na
kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang sistema
ng mga simbolo.
Kaligiran
Nagmula ito sa linguist, sociolinguist, anthropologist, at
folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes (1966).

Si Dell Hymes ay isang mahusay, kilala at


maimpluwensyang lingguwista at anthropologist na
maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit na
larangan.
• Katunayan, hindi maaring tumbasan ng iisang salita ang
malawak na sakop ng kanyang kakayahang pang-
akademiko. Siya ay bilang sociolinguist, anthropological
linguist, at linguistic anthropologist.

• Di gaya ng ibang lingguwistang tulad ni Noam Chomsky


na ang interes sa pag-aaral ay abstrakto o makadiwang
paraan ng pagkatuto ng gramatika at iba pang
kakayahang pang-wika.
• Mula sa kanyang pag-aaral ay ipinakilala niya ang
konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o
communicative competence na nakaapekto nang malaki
sa mundo ng lingguwistika.

• Nilinang nila ni John J. Gumperz ang konseptong ito


bilang tugon sa kakayahang lingguwistika. Bilang
reaksyon sa kakayahang ligguwistika (lingguistic
competence) ni Noam Choamsky noong 1965.
• Ayon kay Hymes sa nagsasalita ay hindi sapat na
magkaroon ng kakayahang lingguwistika upang
epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.

• Kakayahang Pangkomunikatibo ay nauukol sa aktuwal na


paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon.

Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo


A. Kakayahang Ligguwistiko o gramatikal
• nagbibigay kakayahan sa taong nagsasalita upang
magamit ang kasayanayan sa pang-unawa at
pagpapahayag ng literal na kahulugan.
B. Kakayahang Sosyolingguwistiko
• Pagsasaalang-alang ng tao sa ugnayan niya sa mga
taong kausap, impormasyong pinag-uusapan at lugar ng
pag-uusap.

• ayon kay Fantini (2004) Isang professor ng wika, may


mga salik-panlipunang dapat isaalang-alang sa paggamit
ng wika. Ito ay ang ugnayan ng nag-uusap, ang
paksa,lugar, at iba pa.
• Ang Modelong SPEAKING
• nilinaw ni Dell Hymes ang mahahalagang salik ng
lingguwistikong interaksyon gamit ang kaniyang
modelong SPEAKING:

• S- Setting and Scene: Saan ang pook o ugnayan? kailan


ito nangyari?
• P- Participants: Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?
• E- Ends: Ano ang pakay,layunin,at inaasahang banga ng
pag-uusap?
• A- Act Sequence: paano ang takbo o daloy ng pag-
uusap?
• K- Key: Ano ang tono ng pag-uusap? seryoso ba o
pabiro?
• I- Instrumetalities: Ano ang anyo at estilo ng pananalita?
kumbersyonal o may mahigpit na pagsunod sa
pamantayang panggramatika?
• N- Norms: ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap
at ng reaksyon dito ng mga kalahok?malaya bang
nakakapagsalita ang kalahok o nalilimitahan ba ang ayon
sa uri, lahi, kasarian, edad at iba pang-salik?
• G- Genre- Ano ang uri ng sitwasyon o materyal na
Kakayahang Pragmatik

• Kakayahan ng tao na matukoy ang kahulugan at


mensaheng sinasabi at di sinasabi batay sa ikinikilos ng
kausap.

• Ang komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid o


pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. isa
itong ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-
unawaan.
Iba't ibang uri ng Di-verbal na komunikasyon

• 1. Kinesika
• 2.Galaw ng mata
• 3. Ekspresyon ng Mukha
• 4. Pandama
• 5. Vocalics
• 6. Proksemika
• 7. Chronemics
Kakayahang Istratedyik

• Isa pang kakayahang pangkomunikatibo na dapat


taglayin ng isang mahusay na komukeytor ay ang
kakayahang istratedyik. Ito ay kakayahang magamit ang
berbal at di-berbal na mga hudyat upang maipabatid nang
mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos
ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa
komunikasyon.
• Uri ng Komunikasyon
• 1. Verbal- ito ay isang uri ng pormal o intelektuwalisadong
estruktura ng wika. tuntunin nito na maipahayag ang
mensahe o kaalamang nais iparating sa anyong pasulat o
pasalita.
• 2. Di-verbal- isang karaniwan at lahat ng uri nito o
kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang
mensahe, ng hindi ginagamitan ng titik.
Kakayahang Diskorsal

• Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga


salita o pangungusap na bumubuo ng isang
makabuluhang teksto. Ang isang taong may kakayahang
pangkomunikatibo ay nagbibigay rin ng wastong
interpretasyon ng napakinggan o nabasang pangungusap
o pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang
kahulugan.
Kahalagahan ng Kakayahang Komunikatibo

• upang magamit ang wika sa wasto at


angkop na sitwasyon upang maging
maayos ang komunikasyon,
maipahatid ang tamang mensahe at
magkaunawaan nang lubos.
MARAMING SALAMAT

You might also like