You are on page 1of 10

DISKURSO

Isang pagpapahayag na pasalita o pasulat; isang berbal na


palitan; isang kombersasyon; isang pormal at mahabang
diskusyon; talakayan sa isang mahabang sabjek; isang
proseso ng berbal na pag-uusap gamit ang pangangatwiran
DISKURSO
Pagkilala ng relasyon sa pagitan ng wika at konteksto (Mc
Carthy, 1991)

Pag-aaral kung paanong ang komunikasyon ay angkop dahil


tama ang gramatikal na estruktura at ang makabuluhan nito
(Hatch, 1992)
Isang sistematikong proseso na ating tinitingnan upang sa
ating sinasabi makadiskubre ng mga bagay-bagay na
nakaiimpluwensya sa ating paniniwala at perspektiba sa
pagbibigay kahulugan sa ating sinasabi
DISKURSO-May Teksto at Konteksto
Teksto- nilalaman ng diskurso
Konteksto- binubuo ng mga kultural, historikal, sikolohikal na
elementong nakapaloob sa teksto na kabahagi ng pagbibigay
kahulugan sa ipinahayag, pasulat o pasalita man.
KONTESKTONG INTERPERSONAL

KONTEKSTONG PANGGRUPO
Pulong ng Pamunuan

KONTEKSTONG PANG-ORGANISASYON
Pagbibigay ng memorandum

KONTEKSTONG PANGMASA
Pagtatalumpati

KONTEKSTONG INTERKULTURAL
Pagpupulong ng mga lider ng ASEAN

KONTEKSTONG PANGKASARIAN
7 Paraan ng Pagpapakahulugan
Konseptwal
Konotatibo
Sosyal
Apektib
Replektib
Kolokeytib
Tematik
Tumutukoy ang pagpapakahulugang konseptwal sa
denotatibo o literal na kahulugan ng salita o ang
karaniwang kahulugan nito batay sa depinisyong makikita
sa diskyunaryo. Ang pagpapakahulugang konotatibo
naman ay kabaligtaran ng konseptwal kung saan
tumutukoy ito sa mas malalim na pagpapakahulugan ng
salita at maaaring iugnay ang mga sariling karanasan.
Samantala ang pagpapakahulugang sosyal naman ay
nagpopokus sa pagbigkas at baryasyon ng wika na
nauunawaan sa pamamagitan ng pagkilala sa iba’t ibang
estilo ng wika katulad ng dayalekto at antas ng wika
(pormal, di-pormal, kolokyal, slang at iba pa) gayundin ang
tono at intonasyon nito. Ang pagpapakahulugang apektib
naman ay nagpopokus sa epekto ng mga salita sa personal
na damdamin at pag-uugali ng manunulat o tagapagsalita at
ng mambabasa at tagapakinig.
Nakikilala naman ang pagpapakahulugang replektib
kung nagtataglay ang isang salita ng maraming
papapakahulugang konseptwal. Ang kolokeytib naman ay
tumutukoy sa tamang paggamit at pagkakaugnay ng salita
upang mahusay na maibigay ang kahulugan ng isang salita
sa kabuuan ng pangungusap. At panghuli, binibigyang-
diin sa tematik na pagpapakahulugam ang organisadong
paglalahad ng mga mensahe sa pamamagitan ng tema,
pagsusunod-sunod ng mga ideya at pagbibigay-empasis sa
mga salita.

You might also like