You are on page 1of 1

INTRODUKSYON

Lumipas ang daang taon marami nang nagbago sa ating paligid. Lalong-lalo na sa larangan ng komunikasyon.
Alam naman natin na ang komunikasyon ay mahalaga kung saan ang wika ay ang midyum na ginagamit upang
makamit ito. Wika, kung saan ang mga tao ay nagkakaunawaan at nagkakaroon ng pagkakaisa. Ang wika rin ang
dahilan kaya nagbubuklod ang iba’t ibang bansa.
Ang sintaksis ay mula sa salitang Griyego na “syntattein” na ang ibig sabihin ay pagsama- sama o pagsama-
samahin. Ito ay tumutukoy sa estruktura ng pangungusap. Sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa
isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa
Ingles laging nauuna ang paksa.
Ayong kay (Gonzales, 1992)ang pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap o sentens ang tinatawag na
sintaks. Mayroon itong dalawang uri ng pangungusap sa Filipino. Ito ay ang pagpapanaguri/predikeytib at di-
pagpapanaguri/non-predikeytib. Ang semantika ay tumutukoy sa pampilosopiya at pang-agham o siyentipikong
pagpapakahulugan. Ito ay galing sa Griyegong “semaino” na ang ibig sabihin ay mangangahulugan o sa noun na
semantikos, makahulugan.(New World Encyclopedia)
Ayon naman kay (Badayos, 2008)ang semnatika ay ang pag-aaral ng mga kahulugan ng isang salita at ng mahahabang
yunit ng salita gaya ng mga parirala at mga pangungusap.
Ang semantiks ay ang sentro ng pag-aaral ng komunikasyon. Dahil sa lalong nagiging krusyal na paktor ng sosyal na
organisasyon ang komunikasyon, kailangang higit na maintindihan at pag-ukulan ng pansin ang semantiks.
Ito ang sentro ng pag-aaral ng isip ng tao ang mga proseso ng pag-iisip, kogniayon, konseptwalissasyon- lahat ng ito’y
magkakaugnay sa pag-uuri’t pagpapahayag ng ating karanasan sa daigdig sa pamamagitan ng wika. Ang semantiks
ang sentrong daluyanng iba’t ibang larangan ng isipan at disiplina ng pag-aaral. Tulad ng sikolohikal na
nangangahuluganng pag-unawa sa isipan, ng linggwistika na pang-unawa sa wika at mga wika at ng pilosofi na pag-
unawa kung paano natin nalalaman an gating naisasaisip gayundin ang tuntunin ng tamang pag- iisip at ng ebalwasyon
ng katotohanan o kabulaanan.Dr. Lydia Gonzales-Garcia (1992)
Semantika ang pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo
ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

You might also like