Ang kakayahang diskorsal ay tinutukoy sa kakayahang
mabigyan ng wastong interpretasyon ang napakinggang pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan. Ayon sa UP diksiyonaryong Filipino, ang diskurso ay nangangahulugan ng “pag-uusap at palitan ng palitan ng kurso”. Mula rito, mahihinuha na ang kakayahang diskursal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika. Kakayahang Tekstuwal – tumtukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, trankripsiyon, at iba pang pasulat na kumikasyon. Kakayahang Retorikal – tumtukoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito ang kakayahang unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o opinyon. Sa pagdidiskurso, mahalaga na: 1. Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dito 2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon ng kilos sa salita 3. Magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga mensahe 4. Maisasaalang-alang ang mga sumusunod na mga dimension: a. Konteksto – gaya ng inilahad ni Hymes sa kanyang SPEAKING theory, tungo sa ikatatagumpay ng isang pakikipagtalastasan, mainam na makita ang kabuoang kontekstong (SPEAKING). Sa pamamagitan nito maaaring mapaangat ang sensibilidad ng dalawang nag- uusap. b. Kognisyon – Tumutukoy sa wasto at angkop na pag- unawa sa mensahe ng mga nag-uusap. Bahagi ng kognisyon ang oryentasyon at kulturang kanilang kinabibilangan. c. Komunikasyon – Ang dimensyong ito ay tumutukoy sa verbal at di-verbal na paghihinuha ng mga impormasyon. d. Kakayahan – Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Ang mga ito ang siyang pangunahing kailangan sa mahusay na pagdidiskurso.