You are on page 1of 14

SITWASYONG

PANGWIKA SA
TEXT
Higit na popular sa pagtawag sa
telepono o cellphone dahil bukod sa
mura ang mag-text mas komportable
ang taong magparating ng maiikling
mensaheng nakasulat kaysa sa
sabihin ito ng harapan o gamit ang
telepono.
Hindi makikita ang ekspresyon ng
mukha o tono ng boses na
tumatanggap ng mensahe.
Ang pagpapadala at pagtanggap ng
SMS (short messaging system) na
kilalang text message o text ay isang
mahalagang bahagi ng komunikasyon
sa ating bansa.
Humigit kumulang sa apat na bilyong
text ang ipinapadala at natatanggap sa
ating bansa sa araw araw na dahilan
upang tayong ay kilalanin bilang “Text
Capital of the World”
Nabibigyan ng pagkakataon na ma-edit
ang mensahe at mas piliin ang angkop
na pahayag o salita kaysa sa aktwal
itong sabihin ng harapan o sa
telepono.
Mas madalas ang paggamit ng code
switching o pagpapalit ng Ingles at
Filipino sa pagpapahayag.
Madalas din na binabago o pinapaikli
ang baybay ng salita para mas madali
o mas mabilis itong mabuo.
Walang sinusunod na tuntunin o rule
sa pagpapaikli ng salita gayundin
kung Ingles o Filipino ang agagmitin
basta maipadala ang mensahe sa
pinakamaikli, pinakamadali at kahit
paano’y naiintindihang paraan.
Pune,
India, 13
– 15 Dec
2010:
ITU-T
Kaleidosc
ope 2010
– Beyond
the 6
Internet?
Innovatio
7
SITWASYONG
PANGWIKA SA
SOCIAL MEDIA
AT INTERNET
Ang paggamit ng social media sites
kagaya ng Facebook, Twitter,
Instagram, YoubTube, Pinterest, Tumblr
at iba pa ay patuloy na yumayabong.
Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada
ang social life at kabilang na rin sa mga
netizen.
Daan sa pagpapadali ng komunikasyon
sa pagitan ng magkakaibigan o mga
mahal sa buhay.
Madaling makabalita sa mga nangyayari
sa buhay sa pamamagitan ng mga
nakapost na impormasyon, larawan at
pagpapadala ng pribadong mensahe
(pm) gamit ang mga ito.
Karaniwang code switching ang wikang
ginagamit sa social media o pagpapalit
palit ng Ingles at Filipino sa
pagpapahayag.
May pagpapaikli o pagdadaglat sa mga
post o komento dito.
Mas pinag-iisipan mabuti ang mga salita
at pahayag bago i-post dahil mas
maraming tao ang maaaring makabasa at
makapagbigay reaksyon.
Sa post o komento ay madalas makita
ang edited na ang ibig sabihin ay may
binago o inayos ang post o nagkomento
pagkatapos niyang mabasa ang kanyang
isinulat.
Sa intenet Ingles pa rin ang
pangunahing wika ng mga
impormasyong nababasa, naririnig at
mapapanood.
Ang nilalaman ng internet ay ang mga
sumusunod na nakasulat sa Filipino:
impormasyon sa iba’t ibang sangay ng
pamahalaan, mga akdang pampanitikan,
mga awitin, mga resipe, rebyu ng
pelikulang Filipino, mga impormasyong
pangwika, video at iba’t ibang artikulo at
sulatin sa mga blog.
GAWAIN: Gumawa ng Larawang sanaysay na may kinalaman sa
Negatibong dulot ng Social Media sa Kabataan

PAMANTAYAN:
NILALAMAN 15 puntos Nakuhang Puntos
• Angkop ang sanaysay sa
tema
MALIKHAIN 10 puntos
• Ang larawan ay konektado
sa sanaysay
MEKANIKS 5 puntos
• Wasto ang ginamit na
salita/gramitika at mga
bantas
kabuuan 30 puntos

You might also like