You are on page 1of 4

EPEKTO NG “FACEBOOK” SA BOKABULARYO NG

MGA MAG-AARAL NG SHS SA DLSAU.


Napakalaki ng impluwensya ng social media sa ating pang-araw araw na pamumuhay, hindi lamang sa
paraan ng pakikipagtalastasan kundi pati na rin sa atin-ating mga pananaw hinggil sa ating wika. Samu’t saring
mga tao ang nagpapakalat ng mga bagong terminolohiya, na wari’y nagiging parte na rin ng ating bokabularyo
o talasalitaan. Ayon sa Finances online, mahigit 50.64% na populasyon sa mundo ang araw-araw na
gumagamit ng social media (Facebook, twitter, Instagram, tiktok, atbp.) at halos 4.57 bilyon ang gumagamit ng
internet sa buong mundo. Tunay nga talagang makapangyarihan ang impluwensya ng mga “apps” mapa-online
man o offline sa paraan ng ating pagsasalita, na wari’y ang mga balbal ay ginagawa na nating kolokyal o
wikang Pambansa na isinasa-normal at natural ng mga kabataang aking ka-edaran na lubhang nakakabahala.
Dumagdag naman sa problema ng mga guro ang bilang ng mga estudyante na nasa baitang tatlo hanggang
apat na nagkakaroon ng problema o hindi marunong magbasa o magsulat. Marahil ay dahil mas tutok ngayon
ang mga mag-aaral sa tiktok at iba pa’ng pakikiterno sa modernisasyon, na wari’y ito na ang kanilang bagong
eskwelahan, ito na ang bagong paghuhubog at ito na ang magiging kinabukasan at ikabubuhay. Dagdag pa rito
ang pangungunsinte ng mga iilang mga magulang sa kapabayaang ito ng mga anak pagdating sa pag-aaral,
dumating pa sa punto na ang mga magulang na ang natututo at nag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
modyul. Tunay nga namang ma-impluwensya ang “social media” o mga “apps” pag dating sa kamalayan ng
mga mag-aaral.
Layunin ng pananaliksik na ito na magkaroon ng sapat na mga ebidensya o katibayan na malaking bahagi
ng pananaw at talasalitaan ang mga gadgets, telebisyon at iba pa’ng ginagamitan ng mga “application” upang
ang mga haka-haka at pangamba ay mawakasan, at mapagbigay-alam sa tanan ang mga iba’t ibang maaring
maging hakbangin o kaparaaanan para hindi mailibing na lang ang mga kinagisnan at ipinaglalabang pananaw
pagdating sa wika at bokabularyo.

Ang ating maunting pananaliksik ay nahahati sa tatlong puntos/parte:


1. Ang Facebook ay nagpapanibago

Hindi natin maikakaila na malaking tulong ang social media o mga apps, pagdating sa
komunikasyon lalo na sa mga malayo sa ating piling. Gaya na lang telepono, texts at mga dahon nito na
mas nagpapadaling kumonekta sa atin gaano man kalayo. Ito rin ay nagiging daan sa pagbubuo ng mga
bagong relasyon gaya ng pakikipagkaibigan o pagkakasinatahan. Naalala ko noon ang kuwento ng isang
hindi magkakilalang Pinoy at Amerikana na nagkakilala lang sa Pen pal o mga liham. Sa paglipas ng
panahon, at modernisasyon ng mga bagay-bagay, mas napadali at abot-kaya ang paghahatid ng liham sa
kung sino man, ang dating sulat ay naging sulatroniko, ang dating mensahe ay naging “messenger” ang
mga tradisyonal na Nokia ay naging i-phone, Samsung, Huawei, atbp.

Ang tanging kabalintunaan pagdating sa salitang “pagbabago” ay ang pakikisama at


pakikimoderno na rin ng mga talasalitaan kahit saang sulok ng mundo. Gaya ng aking nasabi, ito ay
nakakabahala. Marami ang minamali o nagkakamali ang pagsulat ng salita, ngunit ito’y isinasawalang-
bahala na lang ng iba hanggang sa maging ito’y natural o normal pagdating sa aspeto ng pagsulat,
pormal man o impormal. Nakakakilabot ang ganitong sitwasyon, kahit saan ka lumibot, mapakalsada o
eskwela parang balewala na lang ang pagkakaroon ng maling pagsulat ng mga salita, na matatanong mo
na lang na
“Edukado ba talaga itong mga ito?” Dagdag pa sa kakila-kilabot na pagpapanibago ang
pagkakaroon ng mga bagong kahulugan ng mga salita, kahit sa iisang lugar at iisang wika lang naman
ang ginagamit. Ito’y labis na nakakasindak. Sapagka’t mahirap salitain ang mga salitang hindi mo
naman alam ang ibig sabihin, halimbawa, “Netflix and chill.” Isinasanormal ng iba na ang ibig sabihin
nito’y manood ng mga pelikula at magpahinga, ngunit sa katotohanan, ito ay pagyayayaya sa
pagsisiping, na nakakabastos at nakakahiya kung marinig ng iba, na alam ang kahulugan nito. Marami
pa’ng salita at terminolohiyang bukod dito na patuloy na ginagamit ng ilan, kahit mali o blangko ang
kanilang pagpapakahulugan.

Isa sa nakikita ko’ng hakbangin, ay ang pagpapaigting ng pag-aaral sa Wikang Pilipino, hindi lang
sa eskwelahan, kundi maging sa mga ginagamit nating mga “apps.” Nakakatuwang makita na
nagkakaroon na ng mga settings ang iilan sa mga application sa cellphone na naglalayong palalimin pa
at ipaliwanag ang kahulugan ng bawat salita para sa ikauunawa at ikakatalas ng dila ng tanan. Nariyan
ang mga taga-salin o translator na sa aking personal na pakikitagpo ay nagbunga ng malaking
impluwensya para matututunan yung mga salitang wala akong alam o malay. Dagdag pa rito, ngayong
halos kabataan na ang gumagamit sa Social media sana naman ay higpitan ang mga batas na gawing
“munting-eskwelahan” ang mga ito at hindi kahalayan o maling impormasyon ang ipahayag.

2. Ang Facebook at iba pa’ng Social Media apps ay sagabal

Napasiuna na nating sabihing malaking tulong ang mga application pagdating sa pagpapasimple
ng ating buhay, pero hindi nangangahulugan na ito ay pro’s lamang mayroon din namang mga cons-
dis-advantages at advantages. Sa aking pang-araw araw na pagsuri sa aking mga kamag-aral, nagiging
daan ng kalituhan kung minsan ang mga application, nagtatalo ang opinyon ng mga guro, libro, at mag-
aaral dahil sa iba’t ibang daang binubuksan ng mga application o social media, “instant library” ang
turing natin sa mga ito, ngunit kung iisipin at huhusgahang mabuti, di yata’t parang naging kalitu-lito pa
ang paraan ng pagkatuto. Nandiyan din kasi ang mga masasamang-loob na nagmamanipula sa kaalaman
ng mga tao, partikular sa mga estudyante. Mga sanggunian na maaring palitan o sulatan ninuman, mga
sanggunian na nanginginlang na wari’y nagmumukha silang lehitimo, at mga sanggunian na base
lamang sa mga opinion ng mga tagalikha nito na pawang di mga propesyonal. Ano kaya ang maaring
maging hakbangin nito? Hindi naman natin makukuntrol ang limitasyon sa paggamit ng social media
dahil mas episyente o mas conbinyente ang paggamit ng mga database kaysa sa pagpunta ng silid-
aklatan o dili naman kaya’y pagbili o pag-renta ng mga libro.

Ang nakakita ko’ng magandang kaparaanan bilang mag-aaral ng De La Salle Araneta University
ay ang mas paggamit ng iba’t ibang mga libro. Alalaumbaga’y gawing kalansay ang pagbuo ng mga
diskusyon o pagpapalawig ng isang paksa, at gawing pandagdag na lang ang pananaliksik sa social
media o sa internet. Ito’y ‘di lamang tumutungkol sa mga guro, kundi pati sa mga mag-aaral at mga
magulang na nagsisilbing gabay sa amin.

3. Ang Facebook ay kapangyarihan

Sa yugtong ito, mas palalawigin pa natin ang nauna na nating konklusyon na ang “apps” partikular
ang “Social media” ay makapangyarihan. Hindi lamang ito nakaugnay sa mga impluwensya at mga
personalidad na influencer kundi ito rin ay tumutungkol sa ating lahat na bokal at bukal na ipinapahayag
ang kani-kaniyang opinyon. Hindi naman lingid sa ating mga mata na sa bawat post ay nagkakaroon ng
iba’t ibang komento ang mga tao, negatibo o positibo na mas nagiging tulay para mapanibago ang
ideyolohiya ng isang tao, minsan ito’y masama, minsan naman ito’y nagiging mabuti dahil
nakakaimpluwensya ito ng
mga pagpapaunlad at pagpapapabuti sa pag-uugali ng mga tao. Dagdag pa riyan ang mga
kaalamang naibibigay ng mga laro o games sa cellphone na parte rin ng kategorya ng apps. Minsan,
magugulat ka na lang na marunong nang magsalita ng koreano ang ibang mga bata, kumpara noon na sa
mga lumang cellphone na de-key pad ay hindi nagbunga ng pagkatuto ng mga bagong wika sa mga
kabataan noon dahil sa limitasyon ng nilalaman at nagagawa nito.

Makapangyarihan ang mga apps dahil ito’y naging parang pader na pwedeng i-vandalize at ipinta
lahat ng nasasaloob na maaring magpanibago sa pag-uugali o pagka-malay ng isang personalidad o
maging sa paraan ng pagbubulay-bulay nito sa mga posts ng mga tao na tinatawag na motivational o
motibosiyunal.

Sa katapusan, maibubuod natin na ang apps ay maari o hindi makatulong sa kaunlaran ng isang tao
pagdating sa kanyang kamulatan hinggil sa wika. Umaasa ako na lubos na makakatulong ang pananaliksik na
ito na mas palalawigin pa ang aking kaalaman tungkol sa epekto ng mga apps sa pananaw ng mga kapwa ko
kamag-aral at makabahagi man lang, kahit sa mumunting paraan sa mga posibleng maging solusyon para
mapreserba o mapanatili ang ganda, lalim, at pormalidad ng wika sa kabila ng modernisasyon.
Sanggunian:
1. Dr. Tamil Fadil, (2021). The effect of social media on the language. Estados Unidos

2. Investigative Documentaries: Grade 5 student na hirap magbasa, ano nga ba ang dahilan? - YouTube

3. Stand for Truth: Mga mag-aaral na hindi marunong magbasa, paano nakalusot ng elementarya? - YouTube

4. 68 Social Media Usage Statistics for 2022: Time Spent & Impact on Health - Financesonline.com

You might also like