You are on page 1of 56

Kristong-Hari-K |1

Dakilang Kapistahan ng
Kristong Hari (K)

“Ngayon di’y ipag-sasama kita sa


Paraiso
Kristong-Hari-K |2

Darasalin ng Commentator
ilang minuto bago magsimula ng Misa.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,


at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN PARA SA MGA PARI

Hesus, Pari magpakailanman,


ingatan mo ang lahat ng mga pari
sa kandungan ng Iyong
Kamahal-mahalang Puso,
upang walang makasaling sa kanila.

Panatilihin Mong walang bahid


ang kanilang banal na mga kamay
na sa araw-araw ay humahawak
sa Iyong kamahal-mahalang katawan.
Kristong-Hari-K |3

Panatilihin Mong walang dungis


ang kanilang mga labi
na araw-araw ay nililinis ng Iyong
kamahal-mahalang dugo.

Panatilihing malinis
at di-makamundo ang kanilang puso,
na may dakilang tatak ng pagkapari.

Paligiran mo sila
ng Iyong banal na pag-ibig
at ipagsanggalang
sa mga maka-mundong bagay.

Basbasan mo ang kanilang gawain


ng saganang bunga
at nawa'y yaong kanilang pinaglilingkuran
ay maging ligaya nila at aliw dito sa lupa,
Kristong-Hari-K |4

at sa langit sila nawa ang kanilang


walang hanggang tagumpay.

Panginoong Hesus,
ako ay nagsusumamo
para sa tapat at masigasig na pari,
para sa di-tapat at nanlalamig
na mga pari,
sa mga paring gumagawa dito
o sa ibang bansa,
para sa iyong paring natutukso,
para sa Iyong nalulungkot
at napapabayaang mga pari,
para sa mga batang pari,
para sa mga nag-aagaw buhay
na mga pari,
para sa mga kaluluwa
ng Iyong mga pari sa purgatoryo.
Kristong-Hari-K |5

Higit sa lahat, itinatagubilin ko sa Iyo


ang mga paring mahal sa akin;
ang paring nagbinyag sa akin;
ang mga paring naggawad
ng kapatawaran
sa aking mga kasalanan;

ang mga paring dinaluhan ko


sa pagmimisa
at nagbigay sa akin ng
Iyong Katawan at Dugo
sa Banal na Komunyon;

ang mga paring nagturo sa akin;


ang lahat ng mga paring
pinagkakautangan ko ng loob
sa anumang bagay.
Kristong-Hari-K |6

O Hesus, panatilihin Mong


malapit sila sa puso Mo
at padaluyin Mo sa kanila
ang biyayang umaapaw,
ngayon at magpakailanman.

Amen.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,


at ng Espiritu Santo. Amen.

Hango sa pinagsamang mga panalagin na:


PARA SA MGA PARI ni Santa Theresita taga Lisieux at
PANALANGIN PARA SA MGA PARI
Kristong-Hari-K |7

(Mass Intentions)

Pambungad na Salita

COMMENTATOR: Maligayang pagdating sa


ating pagdiriwang ng Banal na Misa.

Tayo ay nagdiriwang ng Dakilang


Kapistahan ng Pagkahari ng
Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan.

Kakaibang hari ang Panginoong


Hesukristo. Sanay tayong makakita ng
haring maringal ang kasuotan, nakaupo sa
marangyang luklukan, at kinatatakutan ng
lahat dahil sa kanyang malaking
kapangyarihan.
Kristong-Hari-K |8

Subalit ang Panginoong Hesukristo ay


nakahubad, nakaluklok sa krus, at pag-
ibig ang namamayani sa kanyang
Kaharian. At dahil dito, ang kanyang
paghahari ay walang hangganan at
walang katapusan. Makasama nawa
tayong lahat sa mga tunay na
pinaghaharian ni Kristo.

Ang Paring mangunguna sa ating


Pagdiriwang ngayon ay si Reberendo
Padre Bong Gino.

Tumayo ang lahat at sumabay sa koro sa


pambungad na awitin.
Kristong-Hari-K |9

Pambungad na Antipona
(Basahin kung walang pambungad na awit)

Ang Korderong inialay ay marapat


paghandugan ng kadakilaa’t dangal,
pagkilala’t pagpupugay, siya’y Haring walang
hanggan.

Pari : Sa ngalan ng Ama,


at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan : Amen

Pari : Ang pagpapala ng


Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakiki-pagkaisa ng
Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Bayan : At sumaiyo rin.


Kristong-Hari-K | 10

PAGSISISI SA KASALANAN

Pari: Mga kapatid, aminin natin ang


ating mga kasalanan upang tayo’y
maging marapat gumanap sa banal na
pagdiriwang.

Pari: Panginoong Jesus, Hari ng


Sanlibutan, ang lahat ng bagay ay
nalikha, patuloy na umiiral at maliligtas
sa pamamagitan mo:

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari: Kristo Jesus, Hari ng Sanlibutan,


nagtagumpay ka sa kamatayan upang
pagkalooban kami sa buhay na
walang hanggan:

Kristo, kaawaan mo kami.


Kristo, kaawaan mo kami.
Kristong-Hari-K | 11

Pari: Panginoong Jesus, Hari ng


Sanlibutan, nabuhay kang muli at
babalik sa wakas ng panahon upang
tipunin at iligtas ang mga naging tapat
sa iyo:

Panginoon, kaawaan mo kami.


Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari: Kaawaan tayo ng


makapangyarihang Diyos, patawarin
tayo sa ating mga kasalanan at
patnubayan tayo sa buhay na walang
hanggan.

Bayan : Amen.
Kristong-Hari-K | 12

Gloria
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
at sa lupa’y kapayapaan sa mga
taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.

Panginoong Diyos, Hari ng langit,


Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.

Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,


maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama.

Amen.
Kristong-Hari-K | 13

Pambungad na Panalangin

Pari : Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


sa iyong Anak na pinakamamahal
at Hari ng sanlibutan,
niloob mong pag-isahin ang tanan.

Idulot mong ang tanang kinapal


na pinalaya sa kaalipinan
ay makapaglingkod sa iyong kadakilaan
at makapagpuri sa iyo nang walang humpay

sa pamamagitan ni Hesu-kristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen
Kristong-Hari-K | 14

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Unang Pagbasa

Magmumula sa angkan ni David ang


kikilalaning Mesiyas ng sanlibutan: Si
Hesus ang hinirang ng Diyos at hari ng
mundo sa lahat ng panahon.

2 Samuel 5:1–3

Pagbasa mula sa ikalawang aklat


ni propeta Samuel

NOONG mga araw na iyon, nagkaisa ang


lahat ng angkan ng Israel na pumunta sa
Hebron upang makipagkita kay David.
Sinabi nila, “Kami’y laman ng iyong laman
at dugo ng iyong dugo. Nang si Saul ang
hari namin, nanguna ka sa mga kawalng
Israel sa pakikipagdigma.
Kristong-Hari-K | 15

Ipinangako sa iyo ng Panginoon na


gagawin ka niyang hari upang mamuno sa
kanyang bayan.”

Lahat ng matatanda ng Israel ay nagpunta


nga sa Hebron at doo’y nakipagkasundo
sa kanya sa harapan ng Panginoon.
Binuhusan nila ng langis si David at
kinilalang hari sa Israel.

Ang Salita ng Diyos.


Salamat sa Diyos.
Kristong-Hari-K | 16

Salmong Tugunan
Salmo 121

Tugon: Masaya tayong papasok


sa tahanan ng Poong D’yos.

1. Ako ay nagalak, sa sabing ganito:/


“Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”/
Sama-sama kami matapos sapitin,/
ang pintuanglunsod nitong Jerusalem.

2. Dito umaahon ang lahat ng angkan,/


lipi ni Israel upang magsambahan,/
ang hangad, ang Poon ay
pasalamatan,/ pagkat ito’y utos na
dapat gampanan./ Doon din naroon
ang mga hukuman/ at trono ng haring
hahatol sa tanan.
Kristong-Hari-K | 17

Ikalawang Pagbasa

Inilalarawan ni Pablo ang mga walang


hanggang katangian ng Panginoong
Hesus bilang pinakamamahal na Anak
ng Diyos, ang Tagapagligtas ng
daigdig.

Colosas 1:12–20

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol


San Pablo sa mga taga-Colosas

MGA KAPATID, magpasalamat kayo sa


Ama, sapagkat minarapat niyang ibilang
kayo sa mga hinirang na magmamana ng
kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya
tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at
inilipat sa kaharian ng kanyang
minamahal na Anak.
Kristong-Hari-K | 18

Sa pamamagitan ng Anak, tayo’y pinalaya


at pinatawad sa ating mga kasalanan.

Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-


nakikita, at siyang maykapangyarihan sa
lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng
nasa langit at nasa lupa, nakikita man o
hindi, pati ang mga naghahari at
namamahala, mga namumuno at may
kapangyarihang espirituwal ay pawang
nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at
para sa kanya. Siya’y una sa lahat, at sa
kanya nakasalalay ang kaayusan ng lahat
ng bagay. Siya ang ulo ng simbahan na
kanyang katawan. Siya ang Una, ang
panganay na Anak — ang unang nabuhay
na muli upang siya ang maging
pinakadakila sa lahat ng bagay.
Kristong-Hari-K | 19

Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang


kalikasan ay manatili rin sa Anak, at inibig
niyang ang sandaigdigan ay
makipagkasundo sa kanya sa
pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan
ng pagkamatay nito sa krus, nagkasundo
nga ang Diyos at ang lahat ng nilikha sa
langit at sa lupa.

Ang Salita ng Diyos.


Salamat sa Diyos.
Kristong-Hari-K | 20

Aleluya! Aleluya!
Pagpalain dumarating
sa ngalan ng Poon natin,
paghahari’y kanyang angkin.
Aleluya! Aleluya!
Kristong-Hari-K | 21

MABUTING BALITA

Pari : Sumainyo ang Panginoon.


Bayan : At sumaiyo rin.

Pari : Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay


San Lucas 23: 35-43
Bayan : Papuri sa iyo, Panginoon.

NOONG panahong iyon, nilibak si


Jesus ng mga pinuno ng bayan.
Anila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas
naman niya ngayon ang kanyang
sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang
hinirang ng Diyos!”

Nilibak din siya ng mga kawal,


nilapitan at inalok ng maasim na
alak.
Kristong-Hari-K | 22

Sinabi nila, “Kung ikaw ang Hari ng


mga Judio, iligtas mo ang iyong
sarili.” At nakasulat sa ulunan niya sa
wikang Griego, Latin at Hebreo, “Ito
ang Hari ng mga Judio.”

Tinuya siya ng isa sa mga salaring


nakabitin, at ang sabi, “Hindi ba ikaw
ang Mesiyas? Iligtas mo ang iyong
sarili, pati na kami!”

Ngunit pinagsabihan siya ng


kanyang kasama, “Hindi ka ba
natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y
pinarurusahang tulad niya!
Kristong-Hari-K | 23

Matuwid lamang na tayo’y


parusahan nang ganito dahil sa ating
mga ginawa; ngunit ang taong ito’y
walang ginawang masama.”

At sinabi niya, “Jesus, alalahanin mo


ako kapag naghahari ka na.”

Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo:


ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.”

Pari : Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan : Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
Kristong-Hari-K | 24

Sumasampalataya Ako

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang


makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo,


iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat,
nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao,
nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom
sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako


sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.

Amen.
Kristong-Hari-K | 25

Panalangin ng Bayan

Pari: Patuloy nawang pag-alabin ng


Diyos Ama ang ating mga puso, kung
saan naghahari ang Anak niyang si
Kristo. Buongtiwala tayong manalangin:

Panginoon, dinggin mo
ang aming panalangin.

Lektor: Para sa ating Santo Papa, mga


obispo, pari, diakono, at iba pang mga
pinuno ng Simbahan: masundan nawa
nila ang halimbawa ng paglilingkod ni
Kristong Haring Anak ng Diyos.
Manalangin tayo:
Kristong-Hari-K | 26

Panginoon, dinggin mo
ang aming panalangin.

Lektor: Para sa ating Pangulo at iba pang


mga nanunungkulan sa pamahalaan:
magkaisa nawa sila sa kanilang hangarin
at pagsusumikap na makamit ang
kalayaan mula sa dahas, kapayapaan,
kasaganaan at maunlad na pamumuhay.
Manalangin tayo:

Lektor: Para sa ating pamayanan: makiisa


nawa tayo sa pagsulong ng Kaharian ng
Diyos sa pamamagitan ng ating
mabubuting gawa, pangangalaga sa
dignidad ng tao, at paggalang sa
kalikasan. Manalangin tayo:
Kristong-Hari-K | 27

Panginoon, dinggin mo
ang aming panalangin.

Lektor: Para sa mga kabataan: tularan nawa


nila ang mabuting halimbawa ng
pagpapakumbaba ni Kristong Hari upang
lumago sila sa kanilang búhay-
pananampalataya. Manalangin tayo:

Lektor: Para sa mga kapatid nating yumao:


Makapiling nawa sila ng Diyos sa kanyang
kaharian at walang hanggang kaliwanagan.
Manalangin tayo:

Lektor: Sa ilang sandali ng katahimikan itaas


natin sa Diyos ang ating personal na kahilingan
gayundin ang mga taong lubos na
nangangailangan ng ating panalangin. (Tumigil
saglit.) Manalangin tayo:
Kristong-Hari-K | 28

Pari: Diyos naming Ama, ipagkaloob


mo nawa ang aming mga kahilingan
upang masalamin sa aming
pamumuhay ang iyong kaharian.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni


Hesukristong nabubuhay at naghahari
kapiling mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen.
Kristong-Hari-K | 29

LITURHIYA NG EUKARISTIA
Pari : Kapuri-purika, Diyos Amang
Lumikha ng sanlibutan. Sa iyong
kagandahang-loob, narito ang
aming maiaalay. Mula sa lupa at
bunga ng aming paggawa ang
tinapay na ito para maging
pagkaing nagbibigay-buhay.

Bayan : Kapuri-puri ang Poong Maykapal


ngayon at kailan man!

Pari : Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa'y magkasalo sa pagka-
Diyos ni Kristo na nagpagindapat
makibahagi sa aming pagkatao.

Kapuri-puri ka, Diyos Amang


Lumikha ng sanlibutan. Sa iyong
kagandahang-loob, narito ang
aming maiaalay. Mula sa katas ng
ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito para maging
inuming nagbibigay ng iyong
Espiritu.

Bayan : Kapuri-puri ang Poong Maykapal


ngayon at kailan man!
Kristong-Hari-K | 30

Pari : (pabulong) Diyos Amang Lumikha, nakikiusap


kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang
aming pagsisisi bilang handog upang kami'y
matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko'y


hugasan at linisin mong lubusan ang nagawa
kong pagsuway.

Manalangin kayo mga kapatid


upang itong paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang
makapangyarihan.

Bayan : Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong sambayanan
niyang banal.
Kristong-Hari-K | 31

PANALANGIN SA MGA ALAY

Pari :

Ama naming Lumikha,


sa paghahain namin ng mga alay
sa ikapagkakasundo ng sang-katauhan
iniluluhog naming ang iyong Anak nawa’y
magbigay ng mga kaloob
na pagkakaisa at kapayapaan

sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen
Kristong-Hari-K | 32

PREPASYO

Pari : Sumainyo ang Panginoon.


Bayan : At sumaiyo rin.

Pari : Itaas sa Diyos


ang inyong puso at diwa.

Bayan : Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari : Pasalamatan natin


ang Panginoong ating Diyos.

Bayan : Marapat na siya ay pasalamatan.


Kristong-Hari-K | 33

Kristong Hari
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan.

Hinirang mong tagapaghain ng tanan


ang iyong Anak
na Panginoon ng sanlibutan.
Pinadaloy mo sa kanya
ang langis ng kasiyahan
tanda ng paghirang mong
pangmagpakailanman.

Sa paghahaing
ginampanan niya sa krus,
siya ang dalisay na taga-pagbuklod,
siya ang gumanap
sa aming pagkatubos,
siya ang sumakop sa sansinukob.
Kristong-Hari-K | 34

Ang kanyang paghaharing lagi sa lahat


ay siyang lubusang naglalahad
ng iyong kadakilaang matapat
upang buhay mo’y sa lahat maigawad.

Sa paghahari niya,
lahat ay hinahatian sa iyong
kagandahang-loob at kabanalan,
sa iyong dangal at kapayapaaan.

Kaya kaisa ng mga anghel na


nagsisiawit ng papuri sa iyo nang
walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi
sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo, Diyos ng mga Hukbo. Ang


langit at lupa napupuno ng Iyong kaluwalhatian.
Hosana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparito sa
ngalan ng Panginoon Hosana sa Kaitaasan!
Kristong-Hari-K | 35

A
ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang
kabanalan.
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu,
gawin mong banal ang mga kaloob na ito
upang para sa ami’y maging
Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo.

B
ago niya pinagtiisang kusang loob
na maging handog,
hinawakan niya ang tinapay,
pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG
LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Kristong-Hari-K | 36

G
ayun din naman,
noong matapos ang hapunan
hinawakan niya ang kalis
muli ka niyang pinasalamatan
iniabot niya ang kalis
sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO


AT INUMIN:

ITO ANG KALIS NG AKING DUGO


NG BAGO AT WALANG HANGGANG
TIPAN,

ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS


PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD
NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO


SA PAG-ALALA SA AKIN.
Kristong-Hari-K | 37

Pari : IPAGBUNYI NATIN


ANG MISTERYO NG
PANANAMPALATAYA.
Bayan : Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

A
ma,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay
ng iyong Anak.
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.

Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo
sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Kristong-Hari-K | 38

(Concelebrant 1)

ma,

A lingapin mo ang iyong Simbahang


laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
Kaisa ni Francisco, na aming Papa,
ni Pablo Virgilio, na aming Obispo,
at ng tanang kaparian.
Kristong-Hari-K | 39

(Concelebrant 2)

A
lalahanin mo rin ang mga kapatid
naming nahimlay
nang may pag-asang
sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila
at patuluyin sa iyong kaliwanagan.

Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat


na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria
na Ina ng Diyos.
ng Kabiyak ng puso niyang si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig
nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin
ang pagpupuri sa ikararangal mo
sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Jesukristo.
Kristong-Hari-K | 40

Sa pamamagitan ni Kristo,
kasama niya, at sa kanya

ang lahat ng parangal at papuri

ay sa iyo,

Diyos Amang makapangyarihan,

kasama ng Espiritu Santo


magpasawalang hanggan.

Amen.
Kristong-Hari-K | 41

ANG PAKIKINABANG

Pari : Sa tagubilin ng mga nakagagaling


na utos at turo ni Hesus
na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-Ioob:

A
ma namin sumasalangit ka,
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa

para nang sa langit.


Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin
sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Kristong-Hari-K | 42

Pari :

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan
araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming
si Hesukristo.

Bayan :
Sapagkat iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan
at ang kapurihan
magpakailanman!
Amen.
Kristong-Hari-K | 43

Pari :

Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.


Ang aking kapayapaan
ang ibinibigay ko sa inyo.”

Tunghayan mo ang aming


pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasaIa.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

kasama ng Espiritu Santo


magpasawaIang hanggan. (Amen)

Ang kapayapaan ng Panginoon


ay laging sumainyo. (At sumainyo rin)

Magbigayan kayo ng
kapayapaan sa isa’t isa.
Kristong-Hari-K | 44

(pabulong)

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga


kasaIanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga


kasaIanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga


kasaIanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa
amin ang kapayapaan.

Pari :

(pabulong)

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama


kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay ang
sanlibutan.

Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo, iadya mo ako sa tanang


aking kasalanan at lahat ng masama, gawin mong ako’y makasunod Iagi
sa iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawaIay sa iyo
kaiIanman.
Kristong-Hari-K | 45

Pari : Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan
sa kanyang piging.

Bayan : Panginoon,
hindi ako karapat-dapat
na magpatuloy sa iyo
Ngunit sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako.

Pari : (pabulong)

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni


Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Ipagsanggalang nawa aka ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Kristong-Hari-K | 46

Antipona ng Pakikinabang
(Basahin kung walang awit sa Komunyon)

Maghahari kailanman ang Panginoon


sa tanan. Pagpapala’y ibibigay ng
Poon sa kanyang bayan upang tana’y
matiwasay.
Kristong-Hari-K | 47

Commentator: Lumuhod po ang lahat.

(Revised - January 29, 2022)

ORATIO IMPERATA PARA SA


PROTEKSYON LABAN SA COVID-19

Mahabagin at maawaing Ama,


inaamin namin ang aming mga kasalanan
at mapagpakumbabang dumudulog sa iyo
upang makatagpo ng
pagpapatawad at buhay.

Nagsusumamo kami sa iyo


upang hilingin ang iyong patnubay
laban sa CoVid 19 na nagpapahirap
sa marami at kumitil na ng mga buhay.
Kristong-Hari-K | 48

Tunghayan mo kami
nang may pagmamahal,
at ipag-adya kami
ng inyong mapaghilom na kamay
mula sa takot sa
kamatayan at karamdaman
ltaguyod mo kami sa pag-asa
at patatagin sa pananampalataya.

Gabayan mo ang mga dalubhasang


naatasan na tumuklas ng mga lunas at
paraan upang ihinto ang paglaganap nito.

Pagpalain mo ang aming mga pagsisikap


na mawakasan ng mga nalinang na gamot
ang pandemya sa aming bayan.
Kristong-Hari-K | 49

Patnubayan mo ang mga


lumilingap sa maysakit
upang ang kanilang pagkalinga
ay malakipan ng husay at malasakit.

Pagkalooban mo sila ng kalusugan


sa isip at katawan,
katatagan sa kanilang
paninindigang maglingkod
at ipagsanggalang sa karamdaman.

ltinataas namin ang mga nagdurusa.


Makamtam nawa nila
ang mabuting kalusugan.

Lingapin mo rin ang mga


kumakalinga sa kanila.
Kristong-Hari-K | 50

Pagkamitin mo ng kapayapaang walang


hanggan ang mga pumanaw na.
Pagkalooban mo kami ng biyaya na
magtulong-tulong
tungo sa ikabubuti ng lahat.
Pukawin sa amin ang pagmamalasakit
sa mga nangangailangan.

Sa pagdamay at malasakit
namin sa bawa’t isa,
malampasan nawa namin ang krisis na ito
at lumago sa kabanalan
at pagbabalik loob sa iyo.

Hinihiling namin ito


sa pamamagitan ni Hesukristo
na nabubuhay at naghaharing kasama mo
at ng Espiritu Santo,
Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.
Kristong-Hari-K | 51

Dumudulog kami sa iyong patnubay,


Mahal na Ina ng Diyos.
Pakinggan mo ang aming mga kahilingan
sa aming pangangailangan
at ipagadya mo kami
sa lahat ng kasamaan,
maluwalhati at pinagpalang Birhen.
Amen.

Mahal na Birhen,
mapagpagaling sa maysakit,
ipanalangin mo kami.

San Jose,
ipanalangin mo kami.

San Rafael Arkanghel,


ipanalangin mo kami.
Kristong-Hari-K | 52

San Roque,
ipanalangin mo kami.

San Lorenzo Ruiz,


ipanalangin mo kami.

San Pedro Calungsod,


ipanalangin mo kami.

Commentator: Tumayo po ang lahat.


Kristong-Hari-K | 53

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pari : Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,


kaming pinapakinabang mo
sa pagkaing nagbibigay-buhay
ay nagsusumamong kaisa niyang
makapamuhay
sa kaharian sa langit magpakailanman
pakundangan sa karangalang
sundin ang mga kautusan
ng Haring si Kristo sa sanlibutan

sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen
Kristong-Hari-K | 54

PAGBABASBAS

Pari : Sumainyo ang Panginoon


Bayan : At sumainyo rin.

Pari: Iyuko ang inyong ulo


at hilingin ang pagpapala ng Diyos.

Pagpalain nawa kayo


at ingatan ng Paginoon
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen.
Kristong-Hari-K | 55

Pari:
Nawa’y kahabagan niya kayo
at subaybayan
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen.

Pari:
Lingapin nawa niya kayo at bigyan
ng kapayapaan at kaligayahan
ngayon at magpasa-walang hanggan.

Bayan : Amen.
Kristong-Hari-K | 56

Pari : Pagpalain kayo ng

Makapangyarihang Diyos
Ama, at Anak, at Espiritu Santo

Bayan : Amen.

Pangwakas

Pari : Humayo kayong taglay


ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay
mahalin at paglingkuran.

Bayan : Salamat sa Diyos!

You might also like