You are on page 1of 13

Pagsulat ng Sintesis

at Buod
(Akademikong Sulatin)
Ano ang SINTESIS at BUOD?
SINTESIS – malaman at pinaikling bersiyon ng iba’t-ibang
batis ng kaalaman at impormasyon.
Maaaring kinuha ang mga impormasyon sa panayam, diskusyon,
nobela, pelikula, blog, maikling kuwento, tula at iba pa. Sa
pagsulat nito nangangahulugang pinagsama-sama ang iba’t-ibang
ideya na may magkakatulad at magkakaibang punto-de-bista
mula sa iba’t-ibang sanggunian. Sa madaling salita ito ay hitik
at pinaikling bersiyon ng mga nabasa upang makabuo pa ng
panibagong ideya.
BUOD – pinaikling bersiyon subalit hindi
nangangailangan ng bagong ideya, opinyon,
o tesis ukol sa nabasang akda. Inilalahad
lamang nito ang mahahalagang punto ng
nabasa. Sa pagsulat ng buod hindi
nangangailangan ng maraming batis upang
makatas ang pinakalaman ng isang akda o
impormasyon.
Bakit mahalaga ang SINTESIS at BUOD?

• Upang higit na maunawaan ang kahulugan ng binasa o


pinakinggang panayam o sulatin.
• Higit na nagiging organisado ang pagkakaunawa sa isang
sulatin.
• Upang makatiyak ng mga akademikong institusyon na nagbasa
at naunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang binasa.
• Upang matiyak at higit na maunawaan ng mag-aaral ang
kanilang binasa para sa sariling pagrerebyu sa panahon ng
pagsusulit.
Haba ng SINTESIS at BUOD
Nakasalalay sa kahingian ng nagpapabuod o
nagpapasintesis ang haba nito. Ngunit ang tiyak, higit
ang haba ng mga sanggunian o pinagkukunang batis ng
kaalaman kaysa isusulat na buod. Hindi maaaring
mangyari na higit na mas mahaba ang buod kaysa sa
material o akdang pinagkukunan nito.
Halimbawa ng BUOD
Wikang Mapagbago
Galing sa liryko.blogspot.com

Ang Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula pa


sa ating mga ninuno. Ito ang nagsisilbing instrumento para sa pambansang
pagkaka unawaan at tulay sa magandang ugnayan. Bilang isang mamamayan
ng bansang Pilipinas at matatag na Pilipino ang ating sariling wika ay regalong
dapat pakaingatan para na rin sa mga susunod pang mga henerasyon. Ugaliin
itong gamitin at ipagmalaki saan man tayo makarating. Laging pakatandaan na
ang wika ang sumisimbolo sa ating pagka Pilipino.Ano ba ang napapansin mo
sa ating sariling wika? marami na bang mga nagbago? ano ba ng naidudulot
sayo ng ating wikang Filipino? Ang pagbabago ay kailanman hindi natin
maiiwasan bagkus gamitin itong tama na magdudulot ng positibong resulta.
Mapapansin natin sa ating kapaligaran na bawat araw ay
napakaraming mga pagbabagong nagaganap maging sa ating
mga sarili merong mga pagbabagong nangyayari. Ang
pagbabago ay hindi masamang bagay marahil minsan ito ay
nagdudulot ng masamang resulta pero kadalasan naman ay
maganda ang kinalalabasan.Kagaya ng ating sariling wika and
wikang Filipino ito ay sinasabing wikang mapagbago na kung
saan maraming mga magagandang naidudulot sa bawat isa sa
atin kagaya na lamang ng mas nauunawaan natin ang ating
mga kausap at mas naipapahayag nating mabuti ang ating mga
nararamdaman at gustong sabihin sa ating kapwa. Iilan
lamang yan sa mga mabuting epekto ng palaging pagamit ng
ating wika.
Laging ugaliing gamitin ang ating wika sa
magagandang bagay at huwag itong abusin. Dahilan na
rin ng mabilis na paglipas ng panahon marami ng mga
pagbabagong naganap sa wikang Filipino kagaya ng
mga nadagdag na mga salita at mga salitang hango sa
wikang Ingles. Ang wika ay isa sa napakahalang aspeto
upang maging maunlad ang isang bansa at ito ang
siyang sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan. Gamitin
ito ng wasto at tama at mahalin para na rin sa bawat isa
sa ating mga Pilipino.
Halimbawa ng SINTESIS

Teknolohiya sa panahon ng pandemya


(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo
NGAYONG ang lahat ay apektado ng pandemya, naging lalong
napakahalaga at makabuluhan sa buhay ang teknolohiya. Hindi napuputol ang
mga sistema ng komunikasyon dahil sa internet, social media, computer, mobile
phone, at iba pang gadget.
Patuloy na nakakapag-aral ang mga estudyante kahit nasa bahay lamang
sila; hindi nauudlot ang trabaho ng maraming empleyado dahil sa ipinatutupad
na work from home; nagpapatuloy ang mga negosyo at kalakalan kahit merong
mga limitasyon; naisasagawa ang mga kumperensiya, seminar, pulong,
palakasan, at iba pang mga okasyon. Kahit nga mga beauty contest at sports
competition ay hindi napipigilan. Patuloy ang ugnayan ng mga bansa sa buong
mundo dahil na rin sa tulong ng mga makabagong teknolohiya.
Nakakapagpatuloy ang mga transaksyon sa mga opisina ng gobyerno at
ng sa mga pribadong tanggapan nang hindi na kailangang personal na
magtungo sa mga ito dahil humahalili rito ang mga online transaction.
At dahil nga nakakapagpatuloy ang operasyon ng negosyo, nagkakaroon
pa rin ng oportunidad na makahanap ng ibang trabaho ang mga
manggagawang naunang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Dahil na rin sa social media, sa internet sa pangkalahatan at sa mga
gadget, nagkakaroon ng mga libangan o pampalipas-oras ang mga
nakaistambay sa bahay. Naiibsan kahit paano ang lungkot ng mga
nakakuwarantina nang isa o dalawang linggo saan man sila narooon,
dahil sa mga makabagong sistema ng komunikasyon na daan para
patuloy nilang nakakaugnayan ang mga mahal nila sa buhay o ibang
taong kailangan nilang makausap bukod pa sa mga pampalipas-oras na
naibibigay ng makabagong teknolohiya.
Kaya, nakalulungkot isipin ang mga posibleng naging senaryo sa
iba’t ibang bahagi ng mundo noong mga unang panahon na
nagkaroon din kahalintulad na mga pandemya tulad noong 13th,
16th, 17th, 18th 19th at 20th century o kahit sa mga mas naunang
panahon pa rito. Mga panahon iyon na wala pang internet, social
media, computer, cell phone, tablet, at iba pang makabagong
teknolohiya na nakikita sa panahon natin ngayon.
Tiyak na mas maraming aspeto ng buhay ang nakatigil. Mas
matindi marahil ang depression ng mga nagkakasakit o
hinihinalang nahawahan ng sakit lalo na kung kailangan nilang
makuwarantina o tumigil nang nagsosolo sa isang lugar na malayo
sa maraming tao. Malamang na maraming negosyo at kalakalan
ang nakahinto at mas malaking bilang ng mga manggagawa ang
nawalan ng trabaho.
Sarado ang mga paaralan at hindi makapag-aral ang mga estudyante.
Nakahinto ang mga regular na aktibidad at ibang mga okasyong dapat
sanang isinasagawa nang masaya sa panahong iyon. Mga panahon pa
naman iyon na lubhang matagal bago makalikha ng epektibong bakuna
laban sa pandemya. Karaniwang inaabot ng lima, 10 o 20 taon bago
maimbento ang isang epektibong bakuna.
Pero, dahil marahil sa pagsulong ng makabagong siyensiya, medisina at
teknolohiya, nagawa ng mga eksperto at ibang mga dalubhasa na
makalikha ng bakuna sa mas mabilis pero epektibong paraan o sistema.
Isipin na lang na mahigit isang taon pa lang ang nagdaan mula nang
magsimulang maminsala ang COVID-19 pero naglabasan na ang iba’t
ibang klase ng bakuna na sinasabing makakatulong para magkaroon ng
herd immunity at masugpo ang pagkalat ng virus.
Mga Dapat Tandaan:
• Magkatulad na naglalagom ang buod at sintesis.
• Magkaiba ang buod at sintesis sa usapin ng mga ideyang nilalagom. Sa buod,
nilalagom ng isang akda na may pinupuntong iisang ideya. Sa teknikal na
kahulugan ng sintesis, tinatangka nitong tasahin ang iba’t-ibang ideya mula sa
iba’t-ibang batis ng kaalaman at binibigyan ng integrasyon ang magkaibang
mga ideya. Sa layon ng pagsulat ng sintesis, nakatuon ito sa pagtatasa ng
iba’t-ibang punto, paghahanap ng pagkakatulad at pagkakaiba, at pagbibigay
ng sintesis ukol sa mga nabasang akda.
• May sariling opinyon na makikita sa sintesis. Sa buod, kung may kahingian ang
guro na magsulat ng sariling opinyon, saka lamang ito dapat gawin. Kung
walalang kahingian, isulat lamang ang pinakaideya o lagom nito nang walang
ibinibigay na opinyon.

You might also like