You are on page 1of 26

MAGANDANG

UMAGA!
CHAPTER II DISKURSO

DISKURSO
ANO NGA BA ANG DISKURSO?
DISKURSO
 Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin
na discursus na nangangahulugang “running
to and form” na maiuugnay sa pasalita at
pasulat na komunikasyon.

 Samakatuwid, ang diskurso ay isang anyo ng


pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang
paksa. (Bernales, et. Al 2006)
DALAWANG ANYO NG DISKURSO

 PASALITA

 PASULAT
PASALITANG DISKURSO
 Karaniwang magkaharap ang mga partisipante
kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga
salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat
kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad
ng paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos, kumpas
ng kamay, tinig, tindig, at iba pang salik ng
pakikipagtalastasan na maaaring
makapagpabago sa kahulugan ng mensahe.
PASULAT NA DISKURSO

 Higit na pag-iingatan ang isinasagawa ng


isang manunulat. Sa sandaling ang
mensaheng nakapaloob sa isang sinulat
na diskurso ay nakarating sa tatanggap
at ito’y kanyang nabasa, hindi na
maaaring baguhin ng manunulat ang
kanyang sinulat.
URI NG DISKURSO
Deskriptib/Paglalarawan

 Pagbibigay ng malinaw na imahen ng


isang tao, bagay, pook, damdamin o
teorya upang makalikha ng isang
impresyon o kakintalan.
Naratib/Pagsasalaysay

 Dito, isinasambit natin ang mga


detalyeng kalakip ng isang partikular na
pangyayari upang maibahagi sa iba ang
mga bagay na nagaganap sa atin o mga
bagay na ating nasaksihan.
Ekspositori/Paglalahad
 Ito ay anyo ng diskurso kung saan
nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya,
kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang
kaalaman na inihanay sa isang maayos at
malinaw na pamamaraan upang magkaroon ng
bago at dagdag na kaalaman ang ibang tao.
Argumentatib/Pangangatwiran

 Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa


pagbibigay ng isang sapat at matibay na
pagpapaliwanag ng isang isyu o panig
upang makahikayat o makaengganyo ng
mambabasa o tagapakinig.
MGA TEORYA NG DISKURSO

 Speech Act Theory


 Etnography Of Communication
 Pragmatic Theory
 Interactional Linguistics
 Contextualization Cues
Speech Act Theory

 Isang teorya ng wika kung saan


sangkot ang kilos o galaw sa
pag-unawa sa pagpapa
kahulugan sa isang diskurso
Ethnography Of Communication

 Gumagamit ng mga kasangkapan


mula sa antropolohiya upang pag-
aralan ang berbal na interaksyon sa
setting nito.
Pragmatic Theory
 Pag-aaral sa mga paraan kung saan ang konteksto ay
nakakaapekto sa kahulugan .

Interactional Linguistics
 Pinag-aaralan nito kung paano ang mga tao ay
nakalilikha ng kahulugan sa isang berbal na
interaksyon,kung paano tayo nakikibahagi sa kaalamang
kultura.
Contextualization Cues

 Ang grammar at referensyal na


katangian ng grammar ang
makapagbibigay ng interpretasyon sa
bawat isa upang makabuo ng
paghihinuha.
Ang Mga Sangkap o
Elemento ng Komunikasyon
1. Tagapaghatid/ Encoder

- Nagpapadala o ang pinagmulan ng mensahe


 Bumubuo sa mensahe
 Nagpapasya sa layunin

2. Mensahe

-ito ang dahilan o layunin ng komunikasyon.Maaaring naglalaman


ng mga impormasyon,ideya,o palagay ang mensahe,o kaya’y
paghahatid ng saloobin damdamin o emosyon.
May Dalawang Aspeto Ang Mensahe

-Mensaheng pang nilalaman


-Mensaheng relasyunal o di-berbal

3.Tsanel
-Daluyan ng mensahe
 Berbal o Di-Berbal
May Dalawang Kategorya ang Daluyang Mensahe

 Daluyang sensori o tuwirang paggamit ng


paningin,pandinig,pang-amoy at pandama.
 Daluyang institusyunal tulad ng sulat
email,telepono, cellphone at iba pa.
4.Tagatanggap / Decoder
-Tumatanggap sa mensahe
-nag iinterpret o nagbibigay kahulugan sa
mensahe.

5.Ganting Mensahe/Feedback
-siyang kumukumpleto sa proseso ng
komunikasyon.Taglay nito ang reaksyon ,sagot at
interpretasyon mula sa tinanggap na
mensahe.Maaring berbal o di-berbal n simbolo.
6.Mga Hadlang /Barriers
-Tumutukoy sa potensyal na hadlang kung balakid sa
daloy ng komunikasyon,nasa anyong
pisikal,sikolohikal,pisyulohikal at semantikong uri
(ingay) ay maaaring panloob o panlabas na
kadahilanan pumipigil sa mensaheng na maabot ang
tamang tatanggap nito.

-tagahatid - katayuan
-mensahe -lugar
-tsanel -edad
7.Sitwasyon o konteksto
- Pinakamahalagang element at tumutukoy sa
sitwasyon o ang particular na pangyayari na siyang
pinagmumulan ng potensyal na interaksiyon sa
pagitan ng tao.

8. Sistema
-nangangahulugan sa relasyon o ugnayan na
nalikha sa pamamagitan ng proseso ng
komunikasyon.
PROSESO NG KOMUNIKASYON
KONTEKSTO
SISTEMA
MGA HADLANG

TAGAHATID O TAGATANGGAP O
ENKODER DEKODER

GANTING MENSAHE
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like