You are on page 1of 2

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO

 Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi sapat na alam lamang ang tuntuning pang-
gramatika
 Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop
na sitwasyon, maipahatid ang tamang mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang
taong nag-uusap.
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
(Communicative Competence)
• Ang Kakayahang Komunikatibo o Communicative Competence ay nagmula sa
lingguwista at antropologong si Dell Hymes (1966). Ito ay nilinang niya kasama si John
Gumperz mula sa Linguistic Competence ni Noam Chomsky.
• Ang Kakayahang Komunikatibo ay tumutukoy sa kakayahan o abilidad ng isang tao na
makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.
May limang komponent ang Kakayahang Komunikatibo
 Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal
 Kakayahang Sosyolingguwistiko
 Kakayahang Pragmatik
 Kakayahang Istratedyik
 Kakayahang Diskorsal
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O GRAMATIKAL

(Linguistic Competence)
Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.

Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal


(Celce-Murciam, Dornyei, at Thurell – 1995)

Sintaks – pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may


kahulugan

Morpolohiya – mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng pananalita

Leksikon – mga salita o bokabularyo

Ponolohiya o Palatunugan – pag-aaral ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa


isang wika

Ortograpiya – pinag-aaralan dito ang wastong pagbabaybay at pagsulat kasama ang


mga aspetong bantas, pantig at palapantigan, mga grafema at iba pa.

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
• Ang Kakayahang Sosyolingguwistiko ay naglalarawan sa kakayahan ng mga indibidwal
na makamit ang atensyon ng madla.
• Ayon kay Dell Hathaway Hymes. kailangan ng maayos at mabisang paraan ng
pakikipag-usap sa iba upang magkaroon ng malinaw na daloy ng komunikasyon.
• Hindi sapat na marunong ka lang sa lengguwahe at marunong kang magsalita. Dapat
alam mo rin kung paano isaayos ang pakikipag-usap.
Mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan.
SPEAKING
S (Setting) – Ito ang pook o lugar kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
P (Participant) – Ang mga taong nakikipagtalastasan.
E (Ends) – Ito ang layunin o pakay ng pakikipagtalastasan.
A (Act sequence) – Tumutukoy sa takbo ng usapan.
K (Keys) – Tumutukoy sa tono ng usapan.
I (Instrumentalities) – Ito ang tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat.
N (Norms) – Paksa ng usapan.
G (Genre) – Ito ay tumutukoy sa diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo o
nangangatwiran.
• Ang Kakayahang Sosyolingguwistiko ay ang pag-unawa batay sa Sino, Paano, Kailan,
Saan at Bakit nangyari ang sitwasyong Komunikatibo
• Ito ay maiuugnay natin sa mga salitang Competence at Performance
• Competence- ito ay tumutukoy sa kakayahan o kaalaman mo tungkol sa wika.
• Performance- ay tumutukoy sa kung paano mo ginagamit ang wika.
• Sa kakayahang sosyolingguwistiko, hindi sapat na may alam ka lang tungkol sa wikang
ginagamit. Dapat alam mo rin kung paano mo ito gagamitin ng maayos. Isinasaalang-
alang dito ang mga aspetong ibinigay ni Dell Hymes, lalo na ang tatlong aspeto na
participant, setting at norms.

You might also like