You are on page 1of 3

"Sitwasyong kaligiran magagamit o paggamit sa araw araw na pamumuhay

Sa pag –aaral nito, ang ugnayan ng wika sa lipunan partikular ang kaangkupan ng
gamit ng isang wika batay sa ibat ibang konteksto.

Ayon kay Sapir ( 1949), ang wika ay maituturing na gamit o kasangkapan sa


sosyolisasyon, na ang ugnayang sosyal ay hindi magiging ganap o bou kung wala ang
wika.

Paliwanag ni Hymes (1967) ukol sa kakayahang komunikatibo, mahalagang malaman


kung kailan tayu magsasalita at hindi mag sasalita, ano ang paguusapan, sino ang
kakausapin, saan ,at sa anong paraan.

Uri o Barayti

Sosyolek – isang partikular na pangkat

Idyolek – pansariling gamit ng wika

Etnolek – isang etnolingguwistikong pangkat

Pidgin – impormal na wika na nabobuo bunsod ng pangangailangan na gumamit ng tao

Creole – pormal na pidgin tulad ng chvacano

Ang Etnograpiya ng komunikasyon

 Lugar at oras ng usapan


 Mga taong sangkot sa usapan
 Layunin at mithiin ng usapan
 Pagkaka suno-sunod ng pangyayari
 Pangkalahatang tono o paraan ng pananalita
 Anyo o estilong ginagamit sa pag-uusap
 Kaangkupan at kaakmaan ng usapan ng isang sitwasyon
 Uri ng pananalita na nakalahad mula sa isang sitwasyon
Kakayahang Sosyolingguwistiko: Paglikha ng Angkop na Pahayag sa
Tiyak na Sitwasyon
Pano ka nakikipag-usap sa iyong magulang, guro at iba pang nakakatanda sayo?

Batay sa mga sosyolingguwistikong teorya, ang pagbabago sa wika ay dulot din


ng pagmamalagay rito bilang panlipunang phenomenon. Ibig sabihin,
nagkakaroon ng kabuluhan ang anumang salita o pahayag ng indibidwal kung ito
ay nailulugar sa loob ng lipunan atitinalatastas sa kausap o grupo ng mga tao.

Ano ang kakayahang sosyolingguwistiko?


tinutukoy ang kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika
na may angkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa tiyak na sitwasyong
pangkumonikasyon.
Halimbawa inaasahan sa atin ang paggamit naten ng pormal na wika (“
Magandang araw po! Kamusta po kayu?”) sa pakikipag-ugnayan sa mga
nakakatanda at may awtoridad, kaiba sa paggamit naten ng impormal na wika (“
Uy! Kamusta ka naman”) sa ating mga kaibigan at kapareho ng estado
Nilinaw ng sosyolingguwistang si Dell Hymes (1974) ang nasabing mahalagang
salik ng lingguwistikong interaksyon gamit ang kaniyang modelong SPEAKING:

 Lugar at oras ng usapan (setting and scene)

 Mga taong sangkot sa usapan (participants)

 Layunin at mithiin ng usapan ( ends)

 Pagkaka suno-sunod ng pangyayari (act sequence)

 Pangkalahatang tono o paraan ng pananalita (key)

 Anyo o estilong ginagamit sa pag-uusap (instrumentalities)

 Kaangkupan at kaakmaan ng usapan ng isang sitwasyon( norms)

 Uri ng pananalita na nakalahad mula sa isang sitwasyon (genre)

Napakaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng


komunikasyon. Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong
pag aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at
pakikipagugnayan sa mga kalahok sakanilang natural na kapaligiran.

 Pagkilala sa mga barayti ng wika


Bahagi ng kakayahang sosyolingguwistiko ang pagkilala sa mga pagbabago sa
wika at pag-aangkop ng gamit nito ayon sa lunan at sitwasyon. Sa mga naunang
aralin ay natalakay na natin ang mga barayti ng wika. Ang mga barayti na ito ay
nagpaphiwatig ng:
 PORMALIDAD AT IMPORMALIDAD NA SITWASYON- maaring maging pormal o
impormal ang pananalita depende sa kung sino ang kinakausap.
 UGNAYAN NG MGA TAGAPAGSALITA- may pagkakapareho sa paraan ng
pagsasalita ang mga kaibigan. Nilalangkap din nila ang mga biruan at
pahiwatigan na hindi maunawaan ng hindi kabilang sa kanilang grupo.
 PAGKAKAKILANLANG ETNEKO AT PAGKAKA LOOB SA ISANG PANGKAT-
gumagamit ng lokal ng wika at o/ dayalekto sa kausap na nagmula sa
kaparehong bayan ng tagapag salita.
 AWTORIDAD AT UGNAYANG PANGKAPANGYARIHAN- tinitiyak ang pormalidad at
kaangkupan ng salita sa harap ng guro, magulang at iba pang nakaktanda at
may awtoridad.
Heterogenous o pagkakaroon ng ibat-ibang anyo bunga ng ibat ibang anyo ng
heograpiko, pandarayuhan,sosyo-ekonimiko,politikal,at edukasyonal na
kaangkinan ngpartikular na kumonidad na gumagamit ng wika.
Bilang halkimbawa, pansinin ang humigit kumulang na anyo ng dayalektong
Cebuano-Filipino, dulot ng hindi pag-uulit ng pantig gaya ng tagalog at hindi
paggamit ng panlaping UM na hinahalinlang ng panlaping MA-

Halimbawa:
1)Huwag kang mag sali sa laro.
2)Madali ang pagturo ng Filipino.

You might also like