You are on page 1of 35

GROUP 4

ANYO, KONTEKSTO,
KONSIDERASYON, AT
ETIKA NG KOMUNIKASYON
32ECE-1
Bugtong
bugtong
Pagkagat ng madiin,

L A R O naiiwan ang ngipin

PA Dala mo, dala ka,


dala ka ng dala mo

Tumingin ka sa akin,
upang sarili'y makita din
ANYO NG
KOMUNIKASYON

BERBAL AT DI BERBAL
NA KOMINKASYON
BERBAL NA
KOMINKASYON
GUMAGAMIT NG MGA SALITA SA

PAGPAPAHAYAG NG SALOOBIN NG

ISANG TAO
ITO ANG KONGKRETONG ANYO NG

KOMUNIKASYON
DENOTATIBO

ANG SENTRAL O PANGUNAHING

KAHULUGAN NG ISANG SALITA


KONOTATIBO
MAARING MAGTAGLAY NG MGA

PAHIWATIG NA EMOSYON O PANSALOOBIN


PROSESO NG PAGPAPAHIWATIG NG

KARAGDAGAN O KAHULUGANG LITERAL


KONOTATIBO
DI-BERBAL NA
KOMUNIKASYON

GUMAGAMIT NG KILOS
MADALA NAKIKITA KAPAG IBA ANG

IKINIKILOS SA SINASABI NG ISANG

TAO
MGA URI NG DI-BERBAL
NA KOMUNIKASYON
GALAW NG KATAWAN (KINESICS)
PROKSEMIKA/ESPASYO (PROXEMICS)
ORAS (CHRONEMICS)
PANDAMA (HAPTICS)
PARALANGUAGE
KATAHIMIKAN
KAPALIGIRAN
SIMBOLO (ICONICS)
KULAY (COLORICS)
BAGAY (OBJECTICS)
GALAW NG KATAWAN
(KINESICS)
Maraming sinasabi ang ating katawan,
minsan pa nga'y higit pa sa mga tunog na
inilalabas ng ating bibig. (body language)
Ang ating pananamit at kaanyuan ay
maaaring may mensahe rin.
Tindig, kilos at kumpas ng kamay
PROKSEMIKA/ESPASYO
(PROXEMICS)
Maaaring may kahulugan ang espasyong

inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at

ng ibang tao.
Maaaring pormal o impormal
ORAS (CHRONEMICS)
Ang paggamit ng oras ay maaaring

kaakibatan ng mensahe.
PANDAMA (HAPTICS)
paggamit ng sense of touch sa

pagpapahatid ng mensahe.
Hal. hawak, pindot, hablot, pisil, tapik,

batok, haplos at hipo


PARALANGUAGE
paraan ng pagbigkas ng isang salita.
Nakapaloob din dito ang pagbibigay-diin

sa mga salita, bilis ng pagbigkas, paghinto

sa loob ng pangungusap, lakas ng boses,

at taginting ng tinig.
KATAHIMIKAN
paraan ng pagbigkas ng isang salita.
Nakapaloob din dito ang pagbibigay-diin

sa mga salita, bilis ng pagbigkas, paghinto

sa loob ng pangungusap, lakas ng boses,

at taginting ng tinig.
KONTEKSTWALISADONG
FIL

konteksto
KONTEKSTWALISADONG
FIL

Ang konteksto ay ang sitwasyon o kalagayan kung saan

nagaganap ang komunikasyon.


Ayon kina Barker at Barker, ang elementong ito ang isa

sa mga pinakamahalaga dahil naaapektuhan nito ang iba

pang mga elemento kasama na ang buong proseso ng

komunikasyon.

KONTEKSTWALISADONG
FIL

Limang Dimensyon
Dimensyong pisikal
Dimensyong sosyal
Dimensyong kultural
Dimensyong historikal
Dimensyong sikolohikal
KONTEKSTWALISADONG
FIL

Dimensyong pisikal -ng konteksto ay nabibilang ang

lugar na pinangyarihan ng komunikasyon at ang

kondisyon ng kapaligiran.
Dimensyong sosyal- ng konteksto ay pumapasok ang

epekto sa komunikasyon batay sa uri ng relasyon ng

dalawang nag-uusap o ng mga nag-uusap.


KONTEKSTWALISADONG
FIL

Dimensyong kultural- ng konteksto ay naoobserbahan sa kung

minsan ay di pagkakaunawaan sa komunikasyon sanhi sa

pagkakaiba ng pananalig sa Poong Maykapal o pagkakaiba ng

relihiyon.
Dimensyong historikal- ng konteksto ay magkakaroon ng

tuwiran o ng di-tuwirang impluwensya sa pag-unawa ng

kasalukuyang pag-uusap o talastasan ang naunang usapan o

pakikipagtalastasan.
DIMENSYONG SIKOLOHIKAL- ang damdamin at emosyon taglay

ng taong nag-uusap o ng mga taong kasangkot sa usapan ay

nakaapekto sa uri, proseso at bunga ng usapan o komunikasyon.


ANYO NG
KOMUNIKASYON

KONSIDERASYON ng
komunikasyon
KONSIDERASYON NG
KOMUNIKASYON
žUpang maging mabisa, ang komunikasyon,

kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay

nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat

isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes,

kailangang isaalang-alang ang konsiderasyon

upang matiyak na magiging mabisa ang

komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na

S.P.E.A.K.I.N.G. natinalakay sa mga sumusunod na

talata.
KONSIDERASYON NG
KOMUNIKASYON
SETTINGS
PARTICIPANTS
END
ACTS OF SEQUENCE
KEYS
INSTRUMENTALITIES
NORMS
KONSIDERASYON NG
KOMUNIKASYON
ž1. Setting. (saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang

pook o lugar saan naganap ang usapan ay dapat isaalang-alang.

Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono

at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na

pinangyarihan ng salitaan. Hindi maaaring ang pakikipag-usap sa

kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging katulad ng pakikipag-

usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malaking

impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isasaalang-alang,

maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan.


Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang

kahihinatnan mo?
KONSIDERASYON NG
KOMUNIKASYON
ž2. Participants. (sinoangkausap, nag-uusap?) Ditoisinaalang-

alang ang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-

uugali, katauhan, damdamin, maging ang estado sa buhay,

katungkulan, hanapbuhay, gulang kasarian, paniniwala at

pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng

pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap. Halimbawa,

maaari mong sabihing Pare, pahiram nga ng bolpen mo sa iyong

kaibigan, ngunit hindi mo maaaring sabihin iyon sa iyong ama.

Subukan mo kayang sabihin iyon sa kanya, ano kaya ang magiging

reaksyon niya? Bakit? Paano ba ang angkop na pahayag kung ang

gayong diwa ay sasabihin mo sa kanya?


KONSIDERASYON NG
KOMUNIKASYON
ž3. End. (anoanglayunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang

interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa

pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon,

pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan,

pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin, pangangarap o paglikha.

Ano kaya ang layunin ng isang taong mangungutang? Makahiram ng

salapi sa taong uutangan niya, hindi ba? Makakamit ba niya ang

kanyang layunin kung ang sasabihin niya'y Hoy! Pautang nga ng

isanlibo! Samantala, kung siyanama'ymanghoholdap, makakamit ba niya

ang kanyang layunin kung sa malumanay na pananalita'y sasabihin

niyang Para mo nangawa, akin na 'yang pera mo? Hindi

angsagotsadalawang huling tanong. Kung gayon, sapaggamit ng wika,

kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap.


KONSIDERASYON NG
KOMUNIKASYON
ž4. Acts Sequence. (paano ang takbo ng pag-uusap?) Ito

angtumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap

sa uri ng pangyayari. Halimbawa, sa pagtitipan (date)

inaasahang masuyo at malambing ang himig ng usapan at

takbo ng pananalita ng magkasintahan ngunit, kapag may

mga bagay silang pinagtatalunan maaaring magbago ang

ayos ng usapan. Ito ay maaaring magresulta sa di

pagkikibuan o away.
KONSIDERASYON NG
KOMUNIKASYON
ž5. Keys. (pormalba o impormal ang usapan?) Nakakita ka na

ba ng isang taong nakakamiseta at naka-shorts saisang debut

party? O di kaya'y ng isang taong naka-gown o barong

Tagalog habang naglalaro ng basketball o volleyball?

Parangganitorinangmagiging hitsura mo kung hindi mo

isaalang-alang ang pormalidad ng isang okasyon sa iyong

pakikipag-usap. Kung gayon, kung pormalangisangokasyon,

paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang iyong

gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na

kaibigan, gayon di ba ang paraan ng iyong pagsasalita at ang

mga salitang iyong gagamitin?


KONSIDERASYON NG
KOMUNIKASYON
ž6. Instrumentalities. (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?)
Sa madaling salita, kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng

komunikasyon. Daluyang sensori ba o daluyang institusyunal? Bakit

kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo. Maaari mo bang ikwento sa

iyong kaibigan ang nobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text?

Maipapaamoy mo ba sa kanya ang halimuyak ng bulaklak sa pamamagitan


ng telepono? Susulat ka pa ba sa bumbero kung nasusununog na ang

bahay mo? Kung hindi mo kayang magsinungaling nang harapan,

magdadahilan ka ba pa sa iyong kasintahan sa kanyang harapan? Kung

mahusay kang gumawa ng sulat o ng tula, paano ka manliligaw kaya? Ang

midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe. Kung mabisang

maisasaalang-alang ito, kung gayon, magiging kontrolado natin ang hugis

at lawak o limitasyon ng mensahe sa komunikasyon.


KONSIDERASYON NG
KOMUNIKASYON
ž7. Norms. (ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-

alang din ng isang tao ang paksa ng usapan. Halimbawa,

maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katwiran kung batid mong

limitado lamang ang nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo.

Makakabuti ring itikom na lamang ang bibig kung sa gitna ng

isang talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang

tinatalakay. May mga paksa ring eksklusibo. Halimbawa, may

mga paksang pambabae, kung paanong may panlalaki rin.

Makabubuti, kung gayon, sa mga lalaki ang umiwas sa mga

talakayang may paksang eksklusibo sa mga babae kung paanong

makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga

talakayang may paksang eksklusibong panlalaki.


ANYO NG
KOMUNIKASYON

Etika ng komunikasyon
ETIKA NG KOMUNIKASYON
Pagiging totoo at tapat
Pagpapakita ng paggalang
Pagiging bukas sa pagtanggap ng feedback
Pag-iwas sa paninira at pambabastos
Pagpapakita ng pag-unawa at empatiya
Makinig kapag nagsasalita ang kausap
Iwasang magsalita para sa iba
Magkaroon ng limitasyon sa mga ipinapahayag
Iwasan ang biglang pagsingit habang may sinasabi
pa ang kausap

You might also like