You are on page 1of 1

USOK NG PANANAW

Sa araw na nakatirik, sa buwan na ilaw ng dilim,


Ano ang panig, ano ba ang totoo, ano ba ang sakim?
Usok na pumapaligid sayo, emosyon ba ang nilalakim?
Na nadadala sa isang kariton ng buhay na may lihim.

Pang-una, pangalawa o pangatlong batis na pananaw,


Nabubuo ang impormasyong ginawa na may layaw.
Sa tamang pagsusuri ng isang hadlang sa historya,
Nakikita ba ang totong panahon na may ligaya?

Nakasakop man sa panahon ni Rizal at mga bayani ,


Hindi naabutan ng mananaliksik ang ng kanilang pagbati;
Ngunit patuloy ang pagtingin sa hinahawakang kalayaan,
Ng mga Pilipinong mali ang pananaw sa mga presidenteng
gayahan.

Sa gobyernong tapat o mga nakikitang teleserye,


Totoo bang nasasabi? O natatakpan ang detalye?
Ito ang ipormasyong nakalayag sa dagat ng kawalaan,
Ni hindi pinapakawala at tinitignan sa dinadaanan.

Matagal man ang proseso sa pagsulat ng impormasyon,


Ngunit dito matutukoy ang kasipagan na may bakasyon.
Magbigay ng oras sa pagsasaliksik ng batis at libro,
Nang mahawakan ang salita na hindi laman ang biro.

Bilang isang tagapag-balita, tagasuri o tagabasa ng


impormasyon.
Magpatuloy sa pagiging tapat ng wala ni isang bakasyon.
Magsuri ng tapat sa pang araw araw na pag-gising,
Dahi ang layaw ay di tumitingin sa tunay na bisig.

You might also like