You are on page 1of 6

New Era University

No. 9 Central Avenue, New Era


Quezon City 1107, Philippines

KONFIL-18 - Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino

PAGBUBUOD
Modyul 1, 2 , 3

PASSED BY:
MERCADO, LISHELL D.
New Era University
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City 1107, Philippines

REPLEKSYON SA MODYUL 1
● REPLEKSYON SA MISYON
ANG KATALINUHAN AT KATAWAN NA GINAGALAW AY HIRAM NA
BUHAY LAMANG; DITO NASUSUKAT NG NASA ITAAS KUNG PAANO
NATIN ITO MAGAGAMIT. AT BILANG ESTUDYANTE NG NEW ERA
UNIVERSITY, ANG KAILANGANG MISYON AY ANG GABAY NG
PANGINOON SA ATING PAG AARAL, AT NANG MAKABAYAN ANG MGA
PROPESOR SA PAGLALAHAD NG KATALINUHAN. ANG KAGANDAHAN
NG BUHAY AY NAKASALALAY SA KABANALAN AT KAPURIHAN NATIN
SA ITAAS. NANG HINDI DAHIL SA KANYA, HINDI NATIN
MAISASAKATUPARAN ANG TUWID NA PAG AARAL SA LOOB NG
PAARALAN. PALAGING MAGLINGKOD SA KANYA UPANG TAYO’Y
GABAYAN AT MATUTO SA LOOB NG NEU.

● REPLEKSON SA BISYON
ANG NATUTUNAN SA LOOB NG PAARALAN AY DISIPLINANG
NATUTUNAN DIN SA KRISTIYANONG PAMAMARAAN. AT SA
PAMAMAGITAN NG SA KOMUNIDAD, AT MAPA-BUONG MUNDO, DALA
NATIN ANG ASAL NA ITINUTURO SA LOOB NG NEU. SAPAGKAT ITO
LAMANG ANG NAG IISANG PAARALAN NA NAGTUTURO NG
PANGMALAWAKANG KAALAMAN SA PAGBIBIGAY HALAGA SA BAWAT
GAWAIN NA UMIIKOT SA MUNDO. DITO DIN NAKASAAD ANG
KAGANDAHANG KALALABASAN NG KASANAYAN NG MGA
ISTUDYANTE.
New Era University
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City 1107, Philippines

PROMOSYON NG NEU
Ang New Era University ay ang natatanging unibersidad na malayo sa kahit
ano pa ang relatibo sa pamahalaan gobyerno. Dito mapapansin ang disiplina ng
bawat estudyante sa pamamagitan ng pagkakaroon kristiyanong pag iisip habang
pagseserbisyo sa komunidad at sa buong bansa. Makikita ang disiplina sa pagsuot
ng tamang pananamit sa loob ng paaralan, kalinisan, respeto sa mga guro at mga
tauhan sa loob ng silid aralan. Bukas ang isipan ng New Era University sa kahit
anong relihiyon ngunit dito ipinamamalas ang saloobin at turo ng sa bibliya tungo
sa magandang kinabukasan. New Era University ang paaralang tanging
mararamdaman mo'y malaya at mababait, at layo sa kahit ano mang layaw na
maaaring mangyari. Gabay ng guro ang mga estudyante na nag aaral dito.
Sa pamamagitan ng World Wide learning, dito nasaksihan ang kagalingan at
katalinuhan ng mga New Era University na estudyante sa pag serbisyo ng bansa at
sa pag bukas ng kanilang mga isipan tungo sa mga opinyon at galaw ng
pandaigdigang pangyayari. Napag Aralan din ng New Era University ang
Lenggwahe tulad ng Korean, Japanese , Russian at iba pa tungo sa pagharap sa
mga maaaring pang globalisayong pakikitungo. Marami pa ang kagandahan sa
loob ng New Era University, dahil dito mo matutuklasan ang totoong katotohanan
sa pamamagitan ng kristiyanong pamamalakad ng iyong araw araw na buhay.
New Era University
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City 1107, Philippines

PAGBUBUOD (Modyul 2)
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS
NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
● (Batas Komonwelt Blg. 184) : “na mag-aaral ng mga diyalekto sa
pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang
pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika”
○ Tagalog ang napili
● Tagapagpaganap Blg. 134:
○ 13 Disyembre 1937 : Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ng
Filipinas.
● Kautusang Pangkagawaran Blg .7:
○ 13 Agosto 1959 : tawaging “Pilipino” ang “Wikang
Pambansa.”
● Proklama Blg. 19 :
○ 1896 : napakahalagang papel sa himagsikang nagpasiklab ng
kapangyarihang bayan
○ Agosto 13 hanggang 19 (Manuel L. Quezon), "Ama ng Wikang
Pambansa" ay 'Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino'
● Batas Republika 7104:
○ 4 Agosto 1991: KWF paggamit ng Filipino bilang pambansang
wika.
● Kautusang Pangkagawaran at Sirkular Blg. 26 (1940)
○ pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon
● Kautusang Pangkagawaran Blg. 74
○ Pagtuturo ng Mother tongue simula preschool-grade 3
● Memorandum ng CHED Blg. 20, serye 2013
○ pagturo ng Filipino bilang required subject sa kolehiyo.
● Memorandum ng CHED Blg. 57, serye 2017
○ pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa kolehiyo bilang bahagi ng
new general education curriculum (2018)
New Era University
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City 1107, Philippines

PAGBUBUOD (Modyul 3)
PAGPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON
1. Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
○ Magkaroon ng mapanuring mata, tainga, at isipan
○ Kailangang maging kritikal sa mga impormasyong nakukuha sa midya
○ Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang at pagtatahi ng mga
impormasyon
○ kailangang magtiwala sa kakayahan ng Filipino bilang mabisang wika
ng pag-unawa at pagpapaunawa.
2. post-truth” na idineklara ng Diksyonaryong Oxford
○ maging responsible sa paggawa ng pahayag, maging harapan o
ginagamit ng midya.
3. Pagbabasa at Pananaliksik
○ nakakatulong ito sa atin upang mas maintidihan ang libro, lathalain o
anumang babasahin.
4. Kahalagahan ng Pagbasa
○ 1. Nadaragdagan ang ating kaalaman
○ 2. Napapayaman at napapalawak ang talasalitaan
○ 3. Nakararating sa mga pook o lugar na hindi pa nararating
○ 4. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
○ 5. Nakakukuha ng mga mahahalagang impormasyon
○ 6. Nakatutulong sa mabibigat na suliraning pangkaisipan at
pandamdamin
○ 7. Nagbibigay ng inspirasyon sa nakikita na iba’t ibang antas ng
buhay at anyo ng daigdig
5. Pananaliksik
○ sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin.
6. Kahalagahan ng Pananaliksik
○ bigyan ng solusyon ang mga problema ng lipunan.
○ maraming gawain ang mapapabilis
New Era University
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City 1107, Philippines

○ mas napapa-lawak at lumalalim ang karanasan ng tao


7. Mga Katangian ng isang magaling na mananaliksik
○ Masipag, Matiyaga, Organisado, Mahaba ang pasensya, Sistematiko,
Maingat, Kritikal
8. Katangian ng Pagbubuod
○ pangunahing ideya o punto kaugnay ang paksa
○ gumagamit ng sariling pananalita.
9. Iba pang Uri ng Pagbubuod
○ Hawig : “pagsasalin” ng ideya at pananalita ng manunulat
○ Lagom o Sinposis : pagpapaikli ng mga pangunahing punto
○ Presi : pinaikling buod ng mahahalagang punto
○ Sintesis : pagsasama-sama ng iba’t ibang ideya o mga mahahalagang
punto.
○ Abstrak : naisumite sa komprehensya at iba pang gawain na may
kaugnay sa disiplina
10. Pagbubuod
○ pagbubuo ng sariling pagsusuri batay sa impormasyong nabasa,
narinig, o nakita.
○ pinaiikli nito ang teksto o paksa na nabasa at gagawan ng isang buod

You might also like