You are on page 1of 1

KULONG NG

PAGARUGA
By Lishell D Mercado

Tama lang ba mag sustento ang isang


magulang?
Tama naba na ang mataas na marka
lamang?
Tama ba na sila ang pumirma ng buhay ng
anak?
Ni hindi man lang tama kumausap sa kanila
na may balak

Masaya ako sa buhay na nararanasan ko


ngayon
Kundi dahil sa kanila, wala ako ngayon at noon
Sapagkat iba ang aking itutula ngayon
Nang mapakinggan ng lahat ang tunay kong
layon

Iba ang takbo ng buhay ng bawat isa sa


atin
Ako, ikaw, tunay bang nababalisa sa bitin?
Nasasakal ka din ba bilang isang babae?
O lalaki na palaging nagbuhat ng mabigat
bagahe?

Sa loob ng bahay namin'y isang batas


Batas na nakapaloob sa panahong nakalipas
Ipakawala ! Ipakawala nyo ako sa tahanang ito
At nang masabi ko na hindi ako para sa
kanilang ginto

Hindi lahat ng magulang ay pare-pareho


Ngunit sa aki'y ramdam ang pagiging pasahero
Ng isang Jeep na sila ang nagpapatakbo
At sasabihan ng mga salitang habang buhay
magiging barado

You might also like