You are on page 1of 3

ROMELIA B.

CABELLO

1. Ipaliwanag kung bakit sinasabing arbitraryo ang wika.Magbigay ng


konkretong halimbawa na magpapatibay sa iyong argumento.

Nagsisilbing tulay ang isang wika upang ang bawat isa ay


malaya nilang maipahayag ang kani-kanilang saloobin at ang
bawat isa ay lubos na magkaintindihan. Sinasabi din natin na ang
kaluluwa ng isang lugar ay ang pagkakaroon ng wika na siyang
nagsisilbing buhay ng ating pagkakakilanlan. Masidhing bigyan
natin ng katuturan ang kahalagan ng ating wika magkakaiba man
ang istilo nito, sapagkat ang mga kaibahang ito ang katibayan na
dito naman nahuhubog ang ating pagiging bukod tangi.
Dagdag pa rito, bukambibig din ng nakararami ay ang isang
katangian ng wika, ang pagiging arbitraryo. Nasabing ang wika ay
arbitraryo sa kadahilanang ang bawat pook o lugal ay may
kaibahan sa lahat ng wikang ating ginagamit, kung sa Ilocano ang
tawag nila sa taong baliw ay “maoyong”, ang mga Ilocano
lamang ang nakakaintindi ng salitang iyon, maliban na lamang
kung ating pag-aaralan ang kanilang lenggwahe kung nanaisin
natin na mapabilang sa kanila sa saglit lamang na panahon ay
wari ko’y napakagandang ideya. Isa pang halimbawa nito ay
kung sa Pilipinas marami tayong mga “conyong” salita ay
malamang sa malamang pinagtatawanan na tayo ng mga taga
ibang bansa dahil hindi umiiral ang mga ganoong salita sa
kanilang lugar.
Bilang konklusyon, ang wika ay nagiging arbitrayo sapagka
tayo ay magkakaiba na nilikha lamang upang magbigay kulay sa
mga wikang isa sa naging pamana sa atin ng nakaraan at tiyak na
mapapalawak muli ang lahat ng mga wika sa paraang tayo
naman ang magpapamana ng lahat ng ito sa hinaharap at sa
susunod pang henerasyon.
2. Magbigay ng 20 salita sa Filipino o Tagalog na napabilang na sa Oxford
Dictonary at gamitin ito sa pangungusap.

 Barangay
May pagpupulong daw na magaganap sa harapan
ng munisipyo, ang ating Barangay ay napabilang sa
listahan ng mga inaanyayahang dumalo.
 Barkada
Nay, pupunta pala ang mga barkada ko dito sa bahay
at gagawa kami ng aming ulat.
 Buko-juice
Tara! Buko-juice tayo sa may kanto, malamig lamig pa
yon. Tinda ni Mang Lito, suki niya ako.
 Baro’t Saya at Barong Tagalog
Baro’t Saya at Barong Tagalog ang sinabing susuotin ng
lahat ng mga estudyante sa kanilang gradwasyon.
 Bongga
Dzai bongga ang suot mo kanina sa party! Akala ko
naman kong sinong artista hehe.
 Carnap
Nahuli ang dalawang lalaking sangkot di umano sa
insidente ng pagccarnap sa Ibabang Dupay.
 Comfort Room
Infairness! Mabango ngayon ang Comfort Room ng
Xentro Mall.
 Despedida
May padespedida ang mag-asawang Cardo at Julie
bago sila bumalik sa ibang bansa.
 Estafa
Nakasuhan ng estafa ang kaniyang nanay.
 Gimmick
Bes! Gumimick daw kayo kagabi ah.
 Halo-halo
Halina kayo mga suki! Halo halo kayo jan, pampalamig
sa mainit niyong ulo ngayong mainit na panahon!
Sigaw ng ale sa tindahan malapit sa bahay namin.
 KKB
Labas tayo bukas mga sis ha? Pero dapat KKB haha
 Kuya
Pagpupugay sa lahat ng kuya, sa kanilang pag-
aalaga ng husto sa mga nakababatang kapatid nila.
 Kilig
Kinikilig ako pagpinanapanood ko ang lahat ng
teleserye ng KathNiel.
 Pandesal
Pandesal for sale 5.00 pesos each!
 Pulutan
Hindi mawawala sa inuman ang pulutang masasarap
na lutong bahay.
 Sari-sari Store
Nagpatayo si Akeng ng kanilang maliit na Sari-sari
Store sa tapat ng kanilang bahay.
 Sinigang
Dabest talaga ang sinigang na bangus na luto ng
aking tatay.
 Utang na Loob
Hindi ko makakalimutan na may utang na loob ako sa
mga taong may mabubusilak na puso.
 High Blood
High Blood na naman ang lola mo kanina mamshhh!!!
Alam mo ba na ang daming pinagawa sa amin ang
Prof namin sa Ethics, nakakstress haysss!

You might also like