You are on page 1of 1

Ang Pag-asa ng Pamilya

Isang Pilosopikong Pagninilay-nilay Sa Kantang “Numb” (Ni Linkin Park)

Isinulat ni Erl G. Andres

Ang isang mabuting pamilya ay nagmamahalan, nagkakaintindihan, nagtutulungan, at nagbibigay kasiyahan


sa bawat isa sa loob ng isang tahanan. Subalit, minsan ang isang pamilya ay nagkakaroon ng mga pagtatalo at
hindi pagkakaintindihan. Ako ay isa sa mga anak ng isang pamilyang kadalasan ay nagkakaroon ng mga
alitan. Akin naming napili ang kantang ito dahil ito ay tungkol sa anak na sinusubukang gawin ang lahat para
lamang mapasaya ang kanilang mga magulang. Nang aking mapakinggan ang kantang ito, kaagad ko naming
nakita ang aking sarili sa anak na nasa kanta at akin naming tinanong ang aking sarili, “Totoo ba ang
pagmamahal na ibinibigay sa akin ng aking mga magulang? O kundi kaya’y ako ay kanila lamang inaalagaan
upang maiangat sila sa kahirapan?”

Ang aming pamilya ay madalas nagkakaroon ng mga alitan, at ang karaniwang dahilan ng aming mga alitan
ay pera. Hindi kami mayaman, may awa lamang ang Diyos at nabubuhay pa rin kami hanggang ngayon dahil
sa perang ibinibigay ng aking mga Tito at Lola na nakapag-abroad na. Subalit, dahil sa dinarami-rami at
kamahalan ng mga gastusin sa panahon ngayon, ang kanilang mga ibinibigay sa amin ay kulang pa. Dahil
dito, minsan ay pinagsasabihan ako ng aking mga magulang na panatilihin ang aking kabutihan sa pag-aaral
upang mabigyan na ng kapayapaan ang aming tahanan, kaya naman aking ginawang inspirasyon sa pag-aaral
ang sitwasyon n gaming pamilya upang aking makamit ang aking mga mithiin at upang guminhawa na rin ang
buhay namin. Dahil sa laging pagpapa-alala ng aking mga magulang sa akin ang kahalagahan ng pag-aaral,
akin namang laging sinisigurado na matataas ang aking mga nakukuhang marka sa paaralan hanggang sa
kasalukuyang panahon. Ngunit ngayon, ako ay unti-unti nang nawawalan ng gana mag-aral. Ang simula ng
unti-unting pagka-ubos ng aking pag-aaral ay matagal na panahon na ang lumipas, noong ako’y isang musmos
na bata pa lamang. Ang lahat ng ito ay nagsimula noong ako’y kanila nang simulang pagsabihan ng “Anong
klaseng mga grado? Dapat ikaw ang mag-top 1 sa inyong klase! Dapat matalo mo silang lahat! Lamangan mo
sila!” Dahil sa mga salita nilang ito, naging negatibo ang aking pag-iisip tungkol sa pag-aaral, ang lahat ng
bagay sa aking mga mata ay para nang isang kompetisyon na kung saan kailangan ko silang matalo lahat. Ito
ay nabago muli nang nalaman ko na ako ay pinag-uusapan at pinag-iisipan ng masasamang mga bagay-bagay.
Sila ay palihim na may galit sa akin dahil sa aking hindi maganda na pag-uugali. Dahil ditto ako naman ay
nadismaya’t nalungkot. Lahat sila ay galit sa akin, dahil lamang sa aking nais na matigil ang pagsasabi sa akin
ng aking mga magulang ng masama dahil sa aking mga grado sa paaralan. Ngayon, kahit sabihan na naman
nila ako muli ng gantong mga uri ng bagay ay hindi na ako nagkakaroon ng anumang uri ng reaksiyon dahil sa
rami ng beses na nia akong pagsabihan na dapat ko pang galingan sa pag-aaral. Bakit ba gustong-gusto ng
aking mga magulang na aking malamangan ang lahat? Bakit ba nila gustong ako ang dapat na mas mataas
kaysa sa iba kong mga kamag-aral? Aking napili ang kantang ito dahil sa nakita ko ang sarili ko sa bata na
nasa kanta, na ninanais lamang magkaroon ng kalayaan mula sa puder ng kaniyang mga magulang. Nahumali
ako sa kantang ito dahil rin sa liriko nitong “ Every step that I take, is another mistake to you.” Ako ay
nahumali sapagkat kuhang-kuha ng lirikong ito sa iisang pangungusap ang aking nararamdaman para sa aking
mga magulang, sapagkat pakiramdam ko lahat ng bagay na aking ginagawa hindi lamang sa pag-aaral, kundi
ay pati na rin sa iba pang aspeto ng aking buhay, ay nagbibigay lamang ng sakit ng ulo sa aking mga
magulang.

Ako ay may maraming mga katanungan para sa aking mga magulang. Mga tanong na tungkol sa kung ano ang
nais nila na mangyari sa akin, anong gusto nila na aking gawin, at iba pa. Oo, marami akong katanungan, pero
sa aking palagay ay matagal nang nailathala sa akin ang mga sagot sa aking mga katanungan na matagal na
panahon ko nang nais makamit. Aking napagtanto na ako ay laging pinagsasabihan ng aking mga magulang
ng mga ganitong klaseng bagay ay dahil sa hindi nila akong nais na maitulad sa kanila. Ayaw nila na maulit
ang masamang kasaysayan ng aming pamilya’t nais nilang magkaroon ng pagbabago tungo sa kapayapaan ang
Aming tahanan. Nagkaroon man ng mga masamang epekto sa akin ang kanilang mga pamamaraan ng
pagtuturo, ngunit alam ko na ito ay dahil lamang sa kanilang takot, pangamba, at pagmamahal para sa akin.
Dahil dito, masasabi kong TOTOO ang pagmamahal ng aking mga magulang para sa akin.

You might also like