You are on page 1of 4

4.

KOMUNIKASYON PANGMASA O PANG- MIDYA


Tawag ito sa antas ng komunikasyon na kung saan ang tagahatid ng mensahe ay gumagamit ng
mga kagamitang pang-midya gaya ng television, radio at pahayagan upang maihatid ang kanyang
mensahe.
5. KOMUNIKASYONG PANG-ORGANISASYON
Komunikasyon na naglalayong higit na mapagbuti ang pagpapatakbo ng isang samahan o
organisayon.
6. KOMUNIKASYONG PANGKULTURA
Antas ng komunikasyong nagaganap kung ang mga mensahe ay ukol sa mga usapin at paksang
cultural ng mga kalahok.
7. KOMUNIKASYONG PANGKAUNLARAN
Ito ang komunikasyong naglalayong maging mabisa a mabilis ang pag-unlad ng bansa.

DALAWANG URI NG KOMNIKASYON
1. KOMUNIKASYONG VERBAL
Komunikasyong verbal o ginagamitan ng wika. Maaari itong pasulat o pasalita.
Halimbawa ng komunikasyong pasalita:
Ang pang araw-araw na pakikipag-usap natin sa ating mga kasambahay, magulang, kapatid at
mgakaibigan.
Pasulat naman ang komunikasyon kung gumagamit tayo ng mga instrument gaya ng bolpen at
papel, ng komputer o kaya naman ng celfone para sa text message upang makapaghatid at
makakuha tayo ng mensahe.
2. KOMUNIKASYONG NON-VERBAL
Hindi wika kundi ibat ibang simbolo an gating ginagamit upang makapaghatid ng mensahe.
Tinatangap natin ang mensaheng ito sa pamamagitan ng ng ating pandama. Kabilang ditto ang
kumpas ng kamay, expresyon ng mukha, lakas o hina ng tinig,kulay, simbolo, anyo, paggamit ng
oras maging ang disansya sa pagitan ng mga nag-uusap ay may mga kahulugan



MGA URI NG KOMUNIKASYONG NON-VERBAL:
1. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG PAGHIPO O PANDAMA
Ito ang kauna unahang komunikasyong non verbal na nararanasan natin bilang sanggol.
Pagyapos, pagkalong, pagtapik at paghalik sa atin, ito ay unti-unti rin nating natututunan at
nagagamit sating paglaki upang ipahayag ang damdamin.
2. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG KATAHIMIKAN O PAGTAHIMIK
Ang hindi pagkibo o pagtahimik ay may tiyak na kahulugan din upang maituring na kominikasyong non-
verbal. Maari itong magpahiwatig ng pagkagalit, pagdaramdam o kawalan ng interes na makipag-usap.
3. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG MENSAHE
May apat na uri ng distansya o espasyo
(1.) Distansyang personal na ang mga kalahok ay may layong isat kalahati hanggang apat na
talampakan para sa magkaibigan o sa mga taong ay higit na ugnayan
(2.) Distansyang pantapatang loob na kung ang mga kalahok ay higit na mas malapit kaysa sa
distansyang personal, ang paksa ng pinaguusapan ay madalas na lihim at mahinang boses
lamang kung nag uusap.
(3.) Distansyang sosyal. Angkop na uri bg espasyong ito sa mga talakayan sa pagtitipon at ang huli;
(4.) Distansyang pampubliko.na kung saan ang mmga kalahok ay magkakalayo ng hanggang sa
labindalawang talampakan o higat pa.

4. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG ORAS
Ang pagdating ng maaga sa oras kung ikaw ay may kausap na tao ay nagpapakita ng interes
samantalang ang pagdating naman na huli ay ang kabaliktaran nito. Ang mga Pilipino ay may
lebel sa paggamit ng oras, kilala tayo sa tinatawag na Filipino time.
5. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG SENYAS
Ibat ibang senyas na nagpapahayag ng mga kahulugan . nakakatulong ang mga ito upang higit na
maunawaan ang mga kahulugan ng salitang binibigkas,
6. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG PAGGALAW O AKSYON
Kabilang ditto ang paggalaw ng alinmang bahagi ng katawan maliban sa kamay. Ang mga
nakakakita sa galaw na ating nalilikha ang nagbibigay ng kahuluagan sa mga ito.
7. KOMUNIKASYON SA PAMAMAGITAN NG EXPRESYON NG MUKHA
Sinasabi na mababasa sa mukha ang iniisip at nadarama ng isang tao. Ang mukha ay maaring
makalikha ng napakaraming expresyon tulad ng tuwa, galit, lungkot, gulat at iba pa.

MGA KONSIDERASYON SA MABUTI AT EFECTIVONG KOMUNIKASYON
Ayon kay Dell Hymes , may mga dapat tayong bigyang konsiderasyon sa tuwing makikisangkot
tayo sa pakikipagkomunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. sa kanyang
pagpapaliwanag.
1. SETTING (LUGAR NG PAG-UUSAPAN)
Saang lugar nagaganap ang paguusap? Ibang iba ang katangian ng paguusap sa loob ng palengke.
Subukan mong sumigaw sa loob ng simbahan habang nagmimisa ang pari at pagtitingainan at
babawalin ka ng mga taong naroon.
2. PARTISIPANTS (SINO ANG MGA KASANGKOT SA PAKIKIPAG-USAP)
Dapat din nating bigyn ng konsiderasyon kung sino ang ating kausap. Hindi mo maaaring gamitin
ang estilo ng pakikipag usap mo sa iyong kabarkada kung ang kausap mo ay ang iyong mga
magulang.
3. ENDS ( BAKIT NAKIKIPAG-USAP)
Anu ang iyong layunin sa pakikipas-usap? Kung nais mong humingi ng baon sa iyong magulang
ay hindi kailangan sumigaw at magsalita ng pabalang. Dapat ay humingi ka sa paraang maayos
upang ikaw ay bigyan nila.
4. ACT SEQUENCE (PAGKAKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARI SA PAKIKIPAG-USAP)
Sinasabing ang komunikasyon ay dinamiko, sa makatuwid wala itong tiyak na simula at
katapusan. Hindi natin maaaring idikta ang takbo ng usapan. May mga usapang nagsisimula sa
tawanan na sa huliy nauuwi sa iyakan o vise versa.
5. KEYS ( FORMAL BA O DI FORMAL ANG USAPAN )
Kung ang titser na pumasok sa inyong klasrum ay hindi angkop ang pananamit, hindi nakaayos
ang buhok at nang magsalita ay daig pa ang baklang manggugupi sa iyong buhok, ano ang
magiging impresyon mo sa titser na ito? Igagalang mo ba siya?
6. INSTRUMENTALITIES (ANO ANG MIDYUM NG USAPAN )
Dapat din nating isalang alang ang wikang ating gagamitin sa pakikipag-usap. Ag wika bang ito
ay maiintindihan n gating kausap o hindi? Ano ang mararamdaman mo kung ang iyong mga
kabarkada ay nagsasalita sa wikang hindi mo alam gayong kaharap ka nila.

7. NORMS (ANO ANG PAKSA NG USAPAN )
Kung limitado o hindi sapat ang kaalaman natin sa isang tiyak na paksa ay siguradong wala
tayong masasabi tungkol dito a malamang na ikaw ay magsilbing agapakinig lamang.
8. GENRE (ANONG PARAAN NG PAGPAPHAYAG ANG IYONG GAGAMITIN )
Dapat na alam kumilala ng paraan ng pagpapahayag ang isang indibidwal upang maiangkop nya
ito sa paraang kanyang gagamitin. Siya ba ay maglalarawan, magpapaliwanag , mangangatwiran o
magsasalaysay?

You might also like