You are on page 1of 2

1. Ano ang Komunikasyon sa isang maliit na pangkat?

Magbigay ng halimbawa.
Ang komunikasyon sa isang maliit na pangkat ay
nagbibigay ng maayos at magandang pamamahala sa
pakikipag-usap at mapapaunlad nito ang ideya ng isa't isa
at makapagbabahagi ka ng mga karanasan at kaalaman.
Ang halimbawa nito ay ang Komunikasyong intercultural
isa ito sa mga mabisang paraan upang maipakilala ang
kultura ng ibang lahi at kung paano makapamuhay sa
kanilang magkakaibang kaasalan, kaugalian, mga papel na
dapat gampanan at mga alituntuning dapat sundin. At ang
komunikasyong pangkaunlaran ito naglalayoong mapabilis
ang pag-unlad at pagsulong ng isang bansa. Dito pinag-
uusapan ang magandang proyekto ng mga bansa kung
paano sila makakatulong sa isa't isa.
2. Ano ang programang panradyo?
    
Ito ay may layuning makapaghatid ng impormasyon sa
mamamayan at mag bigay ng kamalayan sa mga
mamamayan. At Ayon kay Elena Botkin- Levy,
Koordineytor ng Zumix Radyo, ito ay pagbibigay ng
oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang
mga opinion at saloobin kaugnay sa napapanahong isyu, o
sa isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng
pansin.
3. A. Ang halaga ng Radio iskrip 
        • Masiguro ang daloy kung tama ang ipinapahayag
na impormasyon sa mamamayan at upang masiguri na din
ang daloy ng programa.
        • Matiyak ang tamang teknikal ng impormasyon.
        • Masulit ang programa o airtime.
        
    B. Uri ng radio scripts
        • News Script
        • Interview Script
        • Drama Script
        • Documentary Script
        • Magazine Program Script
        • Spots o plugs
        
    C. Dapat tandaan sa radio scriptwriting
       • Doblehin o triplehin ang espasyo ng paglilimbag o
pagmamakinilya sa bawat linya o talata.
       • Lahat ng diyalogo o sasabihin ay nakasulat sa
malalaki at maliliit na titik.
       • Imakinilya ng malalaki upang mabasa ng
newscaster.
       • Nararapat na may duplicate ang iskrip 
       • Gawing malinis ang iskrip.
       • Tapusin ang bawat pahina ng talata bago gumamit
ng bagong papel.
       • Markahan ng "x" ang mga maling salita.
       • Gawin ang bawat pangungusap na talata.
       • Lahat ng panuto at hindi sinasalitang linya ay
nakamakinilya sa malalaking titik.
4. Hakbang/proseso sa radio script writing.
   • Alamin ang kung sino o ano anf iyong manonuod o
tagapakinig.
   • Gumawa ng pananaliksik tungkol sa paksa.
   • Gumawa ng balangkas
   • Sumulat ng burador
   • Basahin ng malakas, orasan.
   • Ilarawan o visualized ang iskript.
   • Balikan ang iskrip.
   • Rebisahin ang iskrip – istilo, timing at katumpakan.
   • Isulat ng tama matapos irebisa.

You might also like