You are on page 1of 5

ARALIN 4 : SANAYSAY NG

PAGSASALAYSAY AT
PAGLALARAWAN BILANG
HULWARAN SA AKADEMIKONG
LARANGAN
Pagsasalaysay - Ito ay diskuro kung saan inilalahad ang mga pangyayati madalas ay
tapos na. Masasabi natin ang pagsasalaysay ang pinakamatamdang yri ng pagpapahayag sa
pagkat dito nagsimula ang epiko , alamat , at mga kuwentong bayan.

Katangian
1. May maayos na pagkakasunod-sunod.
2. Ang pagsasalaysay ay malinaw at may tiyak na kaayusan.
3. Ang binibigyang pansin ay pangyayaring totoo at mahahalaga.
4. Gumagamit ng punto de vista sa pagsasalaysay.
5. Naghahatid ng mahalagang ideya.
6. Nangangailangan ng mahusay na paggamit ng wika.

Kahalagahan
Nagagawa ng pagsasalaysay na maibabahagi , maihatid , at mapahalagahan ng impormasyon
nang may maayos na pagkakasunod-sunod. Gumagamit ng masining , mabisa at angkop na
wika.
Kahulugan
Ang palarawang padiskurso ay pagbibigay hugis , anyo , kulay , katangian sa mga tao , bagay
, lugar , o pangyayari. Layunin niyong makapagbigay ng pangkaisipang imahen.

Katangian
1. Nakatuon sa pangunahing katangian.
2. Gumagamit ng mga salitang makahulugan at matalinghaga.
3. Nasasangkot ang iba't-ibang pandama.

Kahalagahan
Nagagawa ng paglalarawan na maipakita ang kagandahan ng daigdig sa pamamagitan ng
paningin at pandama.
Halimbawa :
Dyornal
Talaarawan
Talambuhay
Repleksyon
GAWAIN:
Ilarawan ang isang gadget na madalas mong gamitin
( Halimbawa : tablet , cellphone , laptop ). Banggitin ang
mga features nito at kung paano mo ito ginagamit sa
araw-araw. Siguraduhin mong mailalarawan ito nang
lubusan.
TAKDANG ARALIN :
Pumili ng isa sa mga naging pangulo ng Pilipinas na hinahangaan mo. Hanapin
ang kaniyang talambuhay sa mga libro o sa internet. Basahing mabuti ang
nilalaman nito. Sumulat ng reaksiying papel na nagbibigay pansin sa :

•Pagkakasunod -sunod
•linaw ng Mensahe
•Insipirasyong hatid ng sulatin

You might also like