You are on page 1of 2

ARALIN 5

SAYSAY NG PAGSASALAYSAY AT PAGLALARAWAN BILANG


HULWARAN SA AKADEMIKONG LARANGAN (AKADEMIKO)
Likas na hilig ng tao ang magkwento at makinig sa mga kwento. Noon pa mang panahon n gating mga ninuno,
mayroon na tayong mga salaysay tulad ng kwentong-bayan, alamat, pabula at parabola na nagpalipat lipat sa bibig ng mga tao.
SAYSAY NG PAGSASALAYSAY
Ang pagsasalaysay ay diskurso na naglalahad ng mga pangyayari na madalas ay tapos na. Masasabi natin na ang
pagsasalaysay ang pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko, at mga kwentong-bayan.
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay, gaya ng pagkukwento ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat
man o pasalita. Karaniwan ay gumagamit ng salitang kilos para ilarawan ang kawil ng mga pangyayari. Ang pagsasalaysay ay
kapaki-pakinabang na gamit para sa pagsusunod-sunod o pagsasaayos ng mga detalye at impormasyon sa lohikal na
kaayusan, madalas kronolohikal.
KATANGIAN
1. Ang pagsasalaysay ay may maayos na pagkakasunod-sunod.
2. Ginagawaa ang pagsasalaysay ng malinaw at may tiyak na kaayusan.
3. Ang binibigyang pansin lamang ay ang mga pangyayaring totoong mahalaga.
4. Gumagamit ng punto de vista sa pagsasalaysay.
5. Naghahatid ng mahalagang mensahe.
KAHALAGAHAN
Nagagawa ng pagsasalaysay na maibahagi, maihatid at mapahalagahan ng impormasyton nang may maayos na
pagkakasunod-sunod. Dagdag pa rito nakagagamit ito ng mabisa, masining at angkop na wika na makatutulong sa
akademikong sulatin.
PAGLALARAWAN

KAHULUGAN
Ang palarawang diskurso ay pagbibigay hugis, anyo, kulay, katangian sa mga tao, bagay, lugar o pangyayari.
Layuninnitong makapagbigay ng pangkaisipang imahe.
KATANGIAN
1. Nakatuon sa pangunahing katangian.
2. Gumagamit ng mga salitang makahulugan at matalinghaga.
3. Nasasangkot sa iba’t ibang pandama.
KAHALAGAHAN
Nagagawa ng paglalarawan na maipakita ang kagandahan ng daigdig sa pamamagitan ng paningin at pandama.
Gayundin nagawang maging konkreto ang mga abstrakto.
MGA SULATING MAIUUGNAY SA PAGSASALAYSAY AT PAGLALARAWAN
DYORNAL
Ayon kay Bisa at Sayas (1995), ang dyornal ay pansariling tala na naglalaman ng mga obserbasyon, kaisipan at
damdamin ng manunulat.
TALAARAWAN
Ang talaarawan ay pang-araw-araw na tala ng mga pansariling karanasan, damdamin at kaisipan ng isang tao.
TALAMBUHAY
Pansariling tala ng mga pangyayari sa buhay ng isang nilalang ang talambuhay.
REPLEKSYON
Ito ay personal na pagpapahayag ng tai ng kaniyang mga saloobin.

PAGSASANAY: Sumulat ng isang sanaysay na magpapakita ng iyong karansang hindi malilimutan.

Inihanda ni: Sanggunian aklat: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademiko at Sining)
JOAHNA ESPERANZA O. AZORES Nina LOLITA T. BANDRIL at VOLTAIRE M. VILLANUEVA
Guro sa Asignaturang Pagsulat Ng Vibal Group, Inc. p.36-39
PAGLALAHAD AT PANGANGATWIRAN BILANG SANDIGAN SA AKADEMIKONG KALAKASAN
(AKADEMIKO)

PAGLALAHAD
Ang paglalahad ay uri ng diskurso na nagpapaliwanag o naglalarawan ng isang paksa. Ang layunin nito ay
magpaliwanag at magsuri ng mga impormasyon sa pamamagitan ng paglalahad ng ideya, mahalagang ebidensya at angkop na
pagtatalakay.

KATANGIAN
Upang maging mabisa ang paglalahad, kailangan ang malawak na kaalaman sa paksa. Mahalaga rin na mahusay ang
pagkahanay ng mga impormasyon. Makatutulong ng malaki ang pangsangguni sa makabuluhang aklat, magasin, dyornal at
iba pang mahalagang sanggunian para maging mapanghawakan ang mga impormasyonng ibibigay.
Ang pagsasalaysay at paglalarawan ay ginagamit sa paglalahad kung ito ay maktutulong sa gagawing pagpapaliwanag.

KAHALAGAHAN
Ang paglalahad ay maaaring nagbibigay ng depinisyon at tumutukoy sa sanhi at bunga sa paraan ng pagsasagawa,
problema at solusyon.
Para maisagawa nang mahusay ang paglalahad, mahihikayat tayo na maging palabasa, mapanaliksik at mapagmasid
nang mapaunlad an gating kakayahan.

AKADEMIKONG SULATING MAIUUGNAY


Ang akademikong sulating pwede nating ipagawa at kaugnay ng diskursong ito at ang mga ulat, pamanahong papel,
personal na liham, liham pangangalakal, mga sanaysay na nagpapaliwanag kung paano at iba pa.

PANGANGATWIRAN
Ang layunin ng pangangatwiran ay mapatunayan ang validity ng ideya o ang pagiging mapanghahawakan nito. Ito ay
maglalahad ng matitibay na pangangatwiran, argumento at pagtatalakay na lubusang humihikayat sa mambabasa.
Karagdagang layunin nito ang mapakilos ang mga mambabasa. Ang mga halimbawa nito ay: editorial, liham sa editorial,
resume, liham aplikasyon, liham ng rekomendasyon at kritikal na pagbasa.

KATANGIAN
1. Karaniwang binibigkas sa pamamagitan ng talumpati
2. Layuning manghikayat sa pamamagitan ng mga katwiran
3. Inaasahang mapaniwala at mapakilos ang iba
4. Maaaring manawagan sa emosyon o isipan
5. Ginagamitan ng magaganda at mabisang pananalita

PAGSASANAY: Magsaliksik ng isang isyu sa lipunan kung saan mayroon kang sariling posisyon at paninindigan. Sumulat ng isang
sanaysay na pangangatwiran upang maipahaya ng iyong posisyon sa isyu.

Inihanda ni: Sanggunian aklat: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademiko at Sining)
JOAHNA ESPERANZA O. AZORES Nina LOLITA T. BANDRIL at VOLTAIRE M. VILLANUEVA
Guro sa Asignaturang Pagsulat Ng Vibal Group, Inc. p.44-48

You might also like