You are on page 1of 4

St.

Matthew Academy of Cavite


“A Christ Center School”
Niog I, Bacoor City, Cavite* Tel. No. (o46) 417 – 3348

FILIPINO SA PILING LARANGAN-AKADEMIK


KAHALAGAHAN NG PAGSULAT AT AKADEMIKONG PAGSULAT

LAYUNIN NG PAKSA

• NAIPAPAHAYAG ANG DATING KAALAMAN HINGGIL SA PAGSULAT


• NAKIKILALA ANG MAHALAGANG KAISIPAN TUNGKOL SA PAGSULAT
• NAIISA-ISA ANG MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG
PAGSULAT
• NAKAKAPAGPAHAYAG NG PARAAN SA PAGIGING RESPONSABLENG
MANUNULAT

ANO ANG PAGSULAT?

• ANG PAGSULAT AY ISANG ANYO NG KOMUNIKASYON KUNG SAAN ANG


KAALAMAN O MGA IDEYA NG TAO AY ISINALIN SA PAMAMAGITAN NG
MGA TITIK AT SIMBOLO
• ANG PAGSULAT AY ISA SA PANGUNAHING GAWAIN NG MGA ESTUDYANTE.
DITO NILA IPAPAHAYAG ANG KANILANG MGA NAIISIP

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
1. KAHALAGAHANG PANTERAPYUTIKA
• Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito upang maihayag ng
inidibidwal ang kanyang saloobin
2. KAHALAGAHANG PANSOSYAL
• Likas na sa ating mga tao ang pakikihalubilo at pakipagpalitan ng
impormasyon sa ating kapwa. Mahalaga ang ginagampanan ng mga sulatin
sa ating lipunan.
3. KAHALAGAHANG PANG-EKONOMIYA

Ang pagsusulat ay maari ring ituring bilang isang propesyonal na Gawain.
Sa pagkakaroon ng mataas na kaalaman at kasanayan sa pagsulat,
nagagamit ito ng isang inidibidwal upang matanggap sa mgqa trabaho.
4. KAHALAGAHANG PANGKASAYSAYAN
• Isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kasaysayan ay pagtatala at
pagdodokumento dito. Ang mga nailimbag ng mga libro at mga naisulat na
balita sa kasalukuyang panahong ay maaring magamit na reperensya sa
hinaharap.

BAKIT KAYA MASASABING ANG PAGSULAT AY ISANG MENTAL AT PISIKAL NA


GAWAIN?
MENTAL
▪ Ito ay mental sapagkat pinapairal dito ang kakayahan ng tao na mailabas ang ideya sa
pamamagitan ng pagsatitik sa mga ito
PISIKAL
▪ Ito ay pisikal sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay

AKADEMIKONG PAGSULAT
▪ Ito ay isang uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip.
▪ Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip
▪ May kakayahan din siyang mangalap ng impormasyon o datos , mag organisa ng mga
ideya, mag-isip ng lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at onibasyon,at magsuri at
gumawa ng sintesis.
HALIMBAWA NG AKADEMIKONG TEKSTO
▪ POSISYONG
▪ PAPEL
▪ KATITIKAN NG PULONG
▪ PHOTO ESSAY
▪ LAKBAY- SANAYSAY
▪ BIONOTE
▪ ABSTRAK
▪ TALUMPATI
▪ SINTESIS
▪ REPLEKTIBONG SANAYSAY
PAGKAKAIBA NG AKADEMIKO AT PERSONAL NA PAGSULAT

PERSONAL NA PAGSULAT AKADEMIKONG PAGSULAT

Impormal ang wika Pormal ang wika

Magaan ang tono at kumbersasyonal Seryoso ang tono

Madalas ay maligoy ang paglalahad Hindi maligoy at direct to the point ang
paglalahad

Nangangailangan ng hindi literal na pag-basa Literal ang pagbasa at hindi ginagamitan ng


mabubulaklak na pananalita

Karaniwan ay bunga ng imahinasyon Pinahahalagahan ang kawastuhan ng mga


impormasyon

Bunga ng masinop na pananaliksik

URI NG AKADEMIKONG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN


IMPORMATIBONG SULATIN
-Nagbibigay ng kaalaman at paliwanag

Halimbawa:
balita, lahok, sa encyclopedia, ulat na nagpapaliwanag ng estadistika, konseptong papel,
sulatin tungkol sa kasaysayan, tesis

MALIKHAING AKDA
- Nagbibigay ng impormasyon ngunit higit ang layunin nitong makapagbigay-aliw sa
mga mambabasa

Halimbawa:
Autobiography, diary, memoir, liham, movie review

SULATING NAGHIHIKAYAT
- May layuning kumbinsihin o impluwensyahan ang mambabasa na pumanig sa isang
paniniwala, opinion, o katuwiran
Halimbawa:
Konseptong papel, mungkahing saliksi, posisyong papel, manifesto, editorial, talumpati

You might also like