You are on page 1of 8

QUIRINO STATE UNIVERSITY

DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_

BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

PANUNURING PAMPANITIKAN

Kasanayang Pampagkatuto

Natutukoy ang katuturan at kahalagahan ng Panitikan at nakapagpapahayag ng sariling


kaisipan tungo sa malalim na pang-unawa sa Panitikan na ikayayaman ng sariling kaalaman sa
kultura at lipunang kinagisnan at kinabibilangan.

Pagtalakay

Ang panunuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at


pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Ayon kay Reyes (1997), maraming elementong taglay ang panitikan, kasama sa mga ito
ang lipunan/ideolohiya na nagbibigay-daan at humuhubog sa pangkalahatang kaisipan ng
teksto na bunga ng maraming mga impluwensya, at ang mga mambabasa na tagatanggap ng
ssinabi o di-masabi ng akda at mga kamalayan nito. Kaya’t sa Panunuring pampanitikan ay
matatalakay ay mahihimay-himay ang mga nilalaman ng bawat akdang pampanitikan.

Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng


buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng
obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.

Isang Sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa


tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong
panitikan na ating binabasa.

Sinisikap ng mga Dulog sa panunuring pampanitikan na maipakita ang masusing


pagkabuo at ang kritikal na pormulasyon para unawain ang ugnayan ng mga akda at
katotohanan o ang teksto at realidad.

KAHALAGAHAN NG PANUNURING PAMPANITIKAN


Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman
ng akda at kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.

Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na binabanggit


ng may-akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang pagkakakilanlan ng isang
makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng mga pampanitikang kasangkapan (pananalita,

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 1
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
matalinghagang paglalarawan, simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang
iyon. At upang maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring
maunawaan ng nakararami. Kadalasan sa mga trabaho sa kapanahunan ngayon ay
nangangailangan ng pagsusulat ng mga ulat, mga panukala para sa trabaho, atbp. Upang
maayos ang trabaho, kailangan ng isang tao na may kakayahang ipahayag ang kanyang mga
kaisipan nang malinaw at partikular na nakasulat. Maaaring hindi siya magsulat ng mga
sanaysay sa literatura bilang pamumuhay, ngunit malamang na ang natutuhan niya mula sa
tungkuling iyon ay magiging kapaki-pakinabang sa ibang pagkakataon sa buhay.

Ang Panunuring pampanitikan ay mahirap-na-madaling gawin. Bagamat walang


matatanggap na depinisyon na buong-buo ang panunuring pampanitikan, ang karamihan ng
kritiko’y nagkaisa na ito’y isang pagtatangkang disiplinado para higit na mabigyang-halaga at
maunawaan ang isang akdang pampanitikan:Tula, Dula, Maikling Kwento o Nobela kaya.

Mahalaga ang panunuring pampanitikan na mabatid kung kailan isinulat ang akda
upang ito’y masuri batay sa panahong kinabibilangan nito. Dapat tandaang ito’y hindi
pamimintas. Ito’y pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan batay sa mga teorya at
pagtalakay.

Malaki ang naitutulong ng panitikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating
lipunan.

• Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at


ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
• Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil
tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at
kwestiyonin ang kasalukuyang sistema.
• Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito,
nagiging isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura
at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga
susunod na henerasyon.
• At Panghuli, asa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang
makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga
suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.

Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan (Ayon kina Dr. Soledad Reyes, Doc. Loline M.
Antolin, at Prop. Tomas O. Ongoco)
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at
marubrob na damdamin at ng tapat na mithi sa Kalayaan.
2. Kailangan ang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng
disiplina ng pagsusuri.
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 2
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
3. Maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.
4. Mahusay ang pagtalakay at organisasyon ng mga material, malinaw ang balangkas
na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay.
May naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikana at mahusay at
makinis ang pagkakasulat.
5. Sa pagsusuri ng Tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin.
Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain
nito.
6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan
ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at sukatin upang makagawa
ng makatarungang paghatol ay kung paano ang pagkatula.
7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan.
8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop nap ag-uugnay ng mga
sangkap ng pagsulat.

Kaibahan ng PANUNURI at KRITISISMO


PANUNURI KRITISISMO
Naghahanap ng estruktura Naghahanap ng mali
Naghahanap ng kung ano ang pwede Naghahanap ng kulang
Nagtatanong upang maliwanagan Nagbibigay agad ng hatol sa hindi nia
maunawaan
Nakalahad sa Mabuti, matapat at Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig
obhetibong tinig
Positibo Negatibo
Kongkreto at tiyak Malabo at malawak
Tumitingin kung ano lamang ang nasa Naghahanap ng pagkukulang sa
pahina manunulat at sa akda

MGA URI NG PAGDULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN

Kasanayang Pampagkatuto
Natatalakay at natutukoy ang kahulugan, at pagkakaiba-iba ng mga dulog na
ginagamit sa malalim na pagsusuri at paghihimay-himay para sa mabisang pang-unawa sa
malikhaing manunulat at mga akdang pampanitikan.

Pagtalakay

Ang panunuring pampanitikan ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay


ang Pagdulog at ang ikalawang sangay ay Pananalig.

Mga Uri ng Pagdulog

1. Pormalistiko

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 3
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa
kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang
kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-
unawa.

2. Moralistiko

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa


moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga
pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan
ayon na rin sa kaantasan nito.

3. Saykolohikal/Sikolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig


(factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang
tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

4. Sosyolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng


lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa
pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa
magpuksa sa mga katulad na suliranin.

Mga Uri ng Pananalig


1. Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba
ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
2. Romantisismo
Ang Romantisismong Pagdulog ay reaksyon sa klasisismo ang romantisismo dahil
nangingibabaw dito ang damdamin kaysa sa isip. Pinahahalagahan dito ang emosyon kaysa sa
katwiran kung kayat pinaniniwalaan na ang buhay ay bahagi ng mga problemang walang
kalutasan. Pinahahalagahan sa romantisismo ang iba’t ibang damdamin o emosyon na ayon kay
Agcaoili (2005:377) ay ang pagkamaramdamin, pagmamahal sa kalikasan, may simpatiya sa
nakaraan, mahilig sa kababalaghan. Sa mga kwentong kababalaghan ay maihahalimbawa ang
mga kwentong engkantada na napasimulan sa Germany na matatagpuan sa koleksyon nina Jakob
at Wilhelm Grim na naging bahagi ng panitikang pambata. Sa Pilipinas, ang ganitong uri ng mga
kwento ay karaniwang matatagpuan sa mga akda ni Severino Reyes na kilala bilang si Lola
Basyang. Isinaaklat ang mga kwentong ito ni Reyes at pinamagatang Mga Kuwento ni Lola Basyang.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 4
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
Ang tema ng kababalaghan ay matatagpuan din sa alamat na di-etyolohikal na pumapaksa sa
mga supernatural na nilalang at maging sa mga himala ng mga santo at santa.
Bukod sa mga pantasya at kababalaghan, sinabi sa aklat nina Magracia at Laron-Valdez
(2005:155) na naniniwala ang mga romantisista na hindi kayang magapi ng karunungan ng isang
tao ang kasawian. At dagdag pa nina Ines-Ramos at Mendiola na sa akda raw ng mga romantisista
lalo na ang mga tula ay mababasa ang tila waring konpesyon ng mga manunulat.
3. Realismo
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao,
anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan,
at katarungan para sa mga naapi.
Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Hangad
ng Realismo ang makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at
lipunan, at alin pa mang pwedeng mapatunayan sa pamamagitan ng pag-iisip ng tao. n Higit
na binibigyang-pansin ng Realismo ang paraan ng paglalarawan at hindi ang uri ng paksa ng
isang akda. Kahit na ang paksa ay buhay ng mababa o pangkaraniwang tao at hindi ng
mayayamang tao (gaya ng Klasismo), tanggap pa rin ito sa panitikan. Ang tunay na mahalaga
ay ang pagiging obhetibo ng awtor.
4. Naturalismo

Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang walang malayang kagustuhan ang isang


tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang herediti at kapaligiran.

Ang mga akdang nagbibigay – diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring
natural at nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito.
Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng
katarungan, sa mga tauhan nito. Ito’y isa sa mga namamayagpag sa kasalukuyan.Ito ay
nagtataglay ng mga pinakamasidhing katangian ng teoryang Realismo. Itinuturing na
mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalabanlabang mga tao at mas detalyado ang
mga kasuklam – suklam na mga pangyayari sa buhay ng tao.

Teoryang nag-uugnay ng syentifikong pamamaraan sa pilospiya sa pamamagitan ng


paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkalawakan ay natural at ang lahat ng
karunungan ay maaaring dumaan sa masusing pagsusuri. Naging popular ang naturalismo
noong dekada 1930 at 1940 sa Estados Unidos dahil kina F.J.E. Woodbridge, Morris R. Cohen,
John Dewey, Ernest Nagel at Sidney Hook. Sa panitikan, layon ng naturalismo na ipakita nang
walang panghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
May pagkakapareho ito sa realismo, kaya tinawag din itong ekstensyon ng realismo.
Nagpapakita na kahit simpleng tao ay dumadaan rin sa mahirap na suliraning panlipunan.
Ang akdang literari sa teoryang ito ay naglalarawan ng kasamaan ng tao sa daigdig na higit na

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 5
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
maganda ang marumi at karumal-dumal na pangyayari. Nabibigyang pansin din sa teoryang
ito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.

5. Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).
Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan
halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.

6. Peminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae
at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Ang Feminismo ay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang
kuwento o akda.

7. Arketipal/Simbolismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa
akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat
ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng
simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

8. Dekunstruksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw
ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding
mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhayin ang mga namatay na sa akda.

9. Siko-analitiko
Nakatuon sa kalagayan ng isang tao. Maaaring sa pag-iisip o sa kanyang pag-uugali.
Pag-aaral sa kilos o gawi ng mga tauhan at pananalitang ginagamit ng tauhan.

10. Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 6
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa
loob ng panitikan.
Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o
pagbibigay anyo sa mga ideya.

11. Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-
tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, pinaniniwalaan na ang
tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.
Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala
ang kultura.
Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao.

12. Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na
ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga
akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga
salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong
nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan,
ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya.

13. Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na
siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na
inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang
nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang
ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na
akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda
upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito
ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa
mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.

14. Markismo/Marxismo

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 7
QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Ge12:_Panitikang Panlipunan_
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa
adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

15. Kultural -

Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi


nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at
ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

SANGGUNIAN

https://prezi.com/6g3pijm3tpvs/panunuring-pampanitikan/
https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/teoryang-naturalismo/
http://ironmao.weebly.com/uploads/5/4/1/6/54162303/mga_teorya_sa_panunuring_pampa
nitikan.pdf
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html
https://www.coursehero.com/file/18781201/Teoryang-Pampanitikan/
https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003
https://www.youtube.com/watch?v=MgUT_nSCYPk – MGA DULOG SA PANUNURING
PAMPANITIKAN

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence and Develop competent and morally upright professionals and generate
prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino Province appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino Province
and Southern Cagayan Valley. and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” 8

You might also like