You are on page 1of 15

CvSU Mission

Cavite State University shall


CvSU Vision provide excellent, equitable and
Republic of the Philippines relevant educational opportunities
The premier university
in historic Cavite CAVITE STATE UNIVERSITY in the arts, science and technology
through quality instruction and
recognized for excellence Bacoor Campus responsive research and
in the development of SHIV, Molino IV, City of Bacoor, Cavite development activities.
morally upright and
It shall produce professional,
globally competitive skilled and morally upright
individuals. individuals for global
GNED 14 – PANITIKANG PANLIPUNAN competitiveness.

KABANATA 1

Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan

MGA BATAYANG SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

Ang mga sumusunod ay ilang simulain sa panunuring pampanitikan:

1. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga


sangkap ng pagsulat.

2. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan seryoso at


marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

3. Sa pagsusuri ng anumang akda ayn kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas


ng lakhok.Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.

4. Sa pagsusuri lng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang
wika at organisado ang paglalahad.

5. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon may matibay na kaisahan


makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitukan.

MGA PARAAN SA PAGSUSURI NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri kinakailangan ang kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng


akda paraan ng pagkakabuo nito at ang ginagamit ng awtor o estilo. Kinanakailangan din
ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha
kaya mahalagang siyay maging matapat . Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda
upang ihatid ang kahalagahan nito ay pamumuna . Dalawa ang layunin ng panitikan
magbigay aliw at magbigay aralkaya mahalaga din sa mga akda ang magkaroon ng bias sa
kaasalan.
MAPANURING PAGBABASA

Ang pagbabasa ay ang pagkilala sa mga simboloat salitang nakalimbag . Ito din ay
pagkakahulugan ng mga mambabasa sa isang akda na naghahatid ng ideya o mensahe.
Paano nga ba masasabi naten na mapanuri ang ating pagbabasa?

Mahala ang mapanuring pagbasa sapagkat itoy nagbibigay impormasyon , nagpapalawak


ng imahinasyon nagbibigay aliw at nagbibigay inspirasyon sa mambabasa .

PAGSASANAY

PANUTO; Ipaliwanag ang mga paraan sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at ang
mapanuring pagbabasa (10 puntos)

https://nellymarcial.wordpress.com/2016/11/25/mga-batayang-simulain-sa-panunuring-
pampanitikan//

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.
 Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong
nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan
o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong
pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.
Mga Sangay:
Ang Pagdulog ay may apat na uri:
 Pormalistiko o pang-anyo.
 Moralistiko.
 Sikolohikal
 Sosyolohikal-panlipunan.
Ang Pananalig naman ay may siyam uri:
 klasisismo
 romantisismo
 realismo
 naturalismo
 impresyunalismo
 ekspresyunalismo
 simbolismo
 eksistensiyalismo
 peminismo

Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan:

 Pamagat – binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa na


iyong ilalahad sa paghihimay
 Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang
pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis
 Paglalahad ng Tesis – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong
mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng
layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating
 Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto at
sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis
 Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-
katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan

Pakinabang ng Panunuring Panitikan:


Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng
akda at kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.

 Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na binabanggit


ng may-akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang pagkakakilanlan ng isang
makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng mga pampanitikang kasangkapan
(pananalita, matalinghagang paglalarawan, simbolismo) na ginamit ng may-akda upang
ipakita ang temang iyon. At upang maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang
lohikal na paraan na maaaring maunawaan ng nakararami. Kadalasan sa mga trabaho
sa kapanahunan ngayon ay nangangailangan ng pagsusulat ng mga ulat, mga panukala
para sa trabaho, atbp. Upang maayos ang trabaho, kailangan ng isang tao na may
kakayahang ipahayag ang kanyang mga kaisipan nang malinaw at partikular na
nakasulat. Maaaring hindi siya magsulat ng mga sanaysay sa literatura bilang
pamumuhay, ngunit malamang na ang natutuhan niya mula sa tungkuling iyon ay
magiging kapaki-pakinabang sa ibang pagkakataon sa buhay.

Kahalagahan ng Panitikan:

Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating
lipunan.

 Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at


ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
 Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil
tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin
ang kasalukuyang sistema.
 Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging
isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at
pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod
na henerasyon.
 Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano
ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang
maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.

https://bestschooleverblog.wordpress.com/2017/08/03/panunuring-pampanitikan//
Mga Dulog sa Panunuring Pampanitikan

https://www.slideshare.net/PjCastillo2/mga-teorya-at-dulog-sa-pagsusuring-pampanitikann

Pormalistiko – Ang layunin ng panitikan ay ang ipahiwatig sa mambabasa ang nais


nitong ipaabot na paksa o ideya gamit ang tuwirang panitikan.

Kaya, dapat pag-aralan ang istraktura o pagbuo ng isang akda (mga elemento,
teknik, sukat, tugma).

Moralistiko – Dito sinusuri o pinag-aaralan ang pagpapahalagang ginamit.


Pinapahalagahan ang moralidad, disiplina, at kaayusang nakapaloob sa akda.

Sosyolohikal/Historikal – Hinihinuha ang kalagayang panlipunan ng panahong


kinatha ang panitikan. Ang layunin ng dulog na ito ang ipakita ang karanasan ng
isang pangkat ng tao na siyang puwedeng gawing basihan ng kasaysayan at bahagi
ng pagkahubog.

Sikolohikal – Dito pinag-aaralan at tinatalakay ang takbo ng isip ng may katha.

Ito’y sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan katulad ng pagtimbang sa antas ng


buhay, paninindigan, paniniwala, mga bagay na binibigyan halaga, at kung ano ang
tumatakbo na isipan at kamalayahan ng mga tao sa ginagawang aral.

Feminismo – Dito tinatalakay ang imahen, pagkakalarawan at gawain ng mga


kababaihan sa loob ng akda. Inilalantad ang mga de-kahong imahen at anumang uri
ng diskriminasyon sa mga babae.

Humanistiko – Ang dulog na ito ay nagsasabi na ang tao ang sentro ng daigdig.
Dito, binibigyang-pansin ang mga talento at talino ng tao sa maraming bagay.

Istaylistiko – Dito sinusuri ang istilo at mga kagamitang wika ng may akda katulad
ng:

 Wikang ginamit
 Paningin o pananaw ng pagkakasulat ng akda
 Paraan ng paglalarawan ng tauhan at tagpuan
 Tayutay

https://newsfeed.ph/facts/87098/mga-uri-ng-dulog-halimbawa-ng-dulog-sa-panunuring-
pampanitikan//
Ang Filipino sa Kritisismong Filipino
Virgilio 8. Almario

KUNG TAMA ANG tanda ko, 1964 nang biglang pumasok sa isip ko na magsulat ng
kritisismo. Nabubuwisit kasi ako noon sa mga nababasa kong mababaw na pamumuna sa
Liwayway, Taliba, at ibang babasahin samantalang naiiingit naman ako sa higit na masusing
pagsusuri ng panitikan sa Ingles. Ni hindi ko tiyak kung ano ang gagawin ko, ala-tsamba ang
aking paghahanap ng modelo at paraan ng pagbabasa ng akda, at kung hanggang saan
ang pupuntahan ko. Nito lamang magtatapos ang 1969, nang ibigay ko sa UP Press ang
una kong koleksiyon ng mga panunuring pampanitikan-ang librong Ang Makata sa Panahon
ng Makina (1972)-saka ko binuod sa introduksiyon ang ganitong mithiin:

Malinaw ang aming hangarin noon: una, mailunsad ang seryosong pagpapabulas sa
larangang ito na umaasa lamang halos sa "pag-aasteriko" ni A.G. Abadilla at "parolang
ginto" ni Clodualdo del Mundo; ikalawa, mabigyan ng paliwanag ang mga pagbabago at
eksperimentasyong pampanulaan na isinasagawa ng mga kabataang manunulat, lalo na
yaong aral sa pinakahuling "alimuom" mula sa Europa at Estados Unidos; ikatlo, masugpo
ang tinatawag naming "ugaling pangginggera" at patsismis na paraan na punahan sa sirkulo
ng mga manunulat, at maging "mulat-sa-panunuri" ang mga manunulat-alalaong baga'y
masanay sila sa tapat, tuwid na panunuri, ikaapat, magkaroon ng karagdagang gabay ang
mga guro sa pagtuturo at pagpapahalaga ng panitikang Pilipino, lalo na ng panulaan.

Tatlumput tatlong taon na ako sa larangang ito. Mahigit sandaan na sigurong sanaysay at
panayam ang aking naisulat kaugnay ng aking pagsubaybay sa panitikang Filipino. Mahigit
sampung aklat na ang aking naipalathala upang itanghal ang nagbabago kong pananaw
bilang kritikong Filipino, kalakip ang pag-asang bumubuti sa halip na sumasama kaysa dati.
Kaya't kapag binabasa ko uli ang Ang Makata sa Panahon ng Makina ay natatawa ako sa
aking mga kapangahasan.

May tama sa aking obserbasyon. Talaga halimbawang noong dekada sisenta, at kahit na
noong matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. ay naghahari na ang ugaling
pangginggera sa panitikan. Walang nangyayari kundi himasan ng magkakaibigan at
pataasan ng ihi ng magkaibang kapisanan. Ngunit may lisya kung hindi man mali sa aking
pahayag na "mailunsad ang seryosong pagpapabulas" sa kritisismo. Para bang ako ang
una, at itinuwid ako ng aking saliksik. Ako rin ang magsasabi ngayon na naganap ang unang
pormalistang panunuri sa pamamagitan ni Lope K. Santos at Julian Cruz Balmaseda noong
panahon ng Amerikano. Tulad ni Alejandro G. Abadilla, binalewala ko ang mahahalagang
pagsisiyasat nina Lope K Santos dahil hindi ko naiintindihan at sapagkat may ibang paraan
ng pagtingin sa panitikan na mithi ko (at ni Abadilla) na pairalin noong dekada sisenta.
Noong 1974 ko lamang maipaliliwanag na Balagtasista sina Lope K. Santos samantalang
Modernista naman si Abadilla (at ako) kaya may magkaibang kamulatang pampanitikan.
Kung bagamat baluktot at makitid, nililingon ko rin ngayon ang mga gawain ko gayundin ng
mga nakasama kong sina Rogelio G. Mangahas, Lamberto E. Antonio, Epilanio San juan Jr.,
Pedro Ricarte, at madaragdagan nina Bienvenido Lumbera, Nicanor Tiongson, Soledad
Reyes, at Isagani Cruz-na malaking ambag sa wikang Filipino. Nasa batalan sapagkat
kulang a pagkilala at pagpapahalaga kung hindi man tahasang minamaliit.

Sa isang banda, talagang maaaring maliitin ang uri ng pagsulat sa panahong iyon na
nalalathala mga babasahing komersiyal. Sabi nga ni Lamberto Avellana, "bakya." Mababa
ang tingin sa pagsulat kaya mababa rin ang tingin sa wikang ginagamit sa pagsulat. Sa
kabilang banda, kulang sa pagkilala't pagpapahalaga ang panitikang Filipino sa kalahatan
dahil mababaw ang panunuri. Hindi sapat ang kasangkapang pansuri at pamantayang
nilikha nina Lope K Santos para ganap na maltanghal ang salimuot at birtud ng tradisyonal
na panitikan at lalo namang hindi angkop para ipantistis a bagol eksperimental na panitikan
sa kasalukuyan

Nasa salas na raw ngayon ang wikat panitikang Filipino. Kumupas na ang batik na "bakya."
Pinag-aaralan sa akademya ang panitikang Filipino kahanay at kapiling ng panitikan sa
Ingles. Inilalathala na ang Filipino sa mga university press at ginagawaran ng paggalang at
parangal na kapantay ng akda sa Ingles.

Nobenta porsiyentong bunga ito ng pagtaas ng antas ng kritisismong Filipino.

Una kong pinulutan ng instrumentong pansuri si T. S. Eliot. Mula sa kanya, tinuklas ko


pabalik ang panitikang Kanluranin bilang makata't kritiko, tinitigan ang mga katangian ng
mga nadaraanang kilusan (pinakamatiim ang mga Simbolista at Surrealistang Pranses), at
tinugaygayan ang sanhi ng bawat pagbabago. Ipinakilala sa akin pagkuwan ni Anacleto I.
Dizon ang Practical Criticism ni I. A. Richards. Nabili ko sa bangketa ng Azcarraga (Claro M.
Recto ngayon) ang gulanit na Seven Types of Ambiguity ni William Empson at isang libro
hinggil sa literaturang Griyego-Romano ni Gilbert Highet. Pagkatapos, napag-ipunan ko para
bilhin si John Crowe Ransom at si R. P. Blackmur. Para makatiyak sa trabaho ko, binasa ko
nang husto ang primer ni Elizabeth Drew. Laking tuwa ko nang makahiram ng lumang
edisyon ng Brooks & Warren.

Pumasok sa bokabularyo ko ang tension, objective correlative, wit, irony, aesthetic distance,
image, organic unity, foreshadowing, tone, at kung ano-ano pa mula sa mga nababasa ko.
Isina-Filipino ko ang ispeling ng "tensiyon"; hiniram ko ang Espanyol na "imahen para sa
image at "timbre" para sa tone; isinalin kong "organikong kaisahan" ang organic unity. Saka
ko lamang naunawaan na sinusunod ko ang pananaw, panlasa, at panunuring tinatawag na
New Criticism.

Nang suriin ng mga aktibista sa panahon ng Unang Sigwa, isa diumano akong "pormalista"-
isang tatak na para sa kanila'y kasimbaho ng "tuta ng Kano."
Sa isang banda, tama sapagkat sadyang itinuro ng New Criticism kung paano basahin ang
isang akda sang-ayon sa pamantayang Kanluranin. Siyempre, naapi ang maraming
tradisyonal nating tula dahil lumilitaw silang "pangit" sa banyagang pamantayan ng New
Criticism. Sa kabilang banda, Ibinukas ng pagsulat ko at ibang kasamang pormalista ang
kritisismong Filipino sa mga bagong tunguhin mulang Europa at Estados Unidos. Dumaloy a
wikang pambansa ang mga bagong katawagan at konsepto na humantong a pagtanggap at
paggalang sa salas-sa akademya. Kaugnay ng pagsigabo ng Filipinong pananaw sa agham
panlipunan, lalo na sa kasaysayan, sikolohiya, at pilosopiya, isang malaking ambag sa
modernisasyon ng wikang pambansa ang pormalistang kritisismo noong dekada sisenta
hanggang
sitenta. Tumindi at sumalimuot ang naturang tunguhin nitong dekada sitenta dahil Filipino
ang naging wika ng aktibismo at ng mga kilusang mapagpalaya. Inawat ng aktibismo ang
kritisismo palayo sa banyagang Criticism, ngunit upang bigyan ng banyaga ring modelo ng
Marxistang pansuri. Bukod kina Marx, Lenin, Stalin, at Mao Tse-tung, unang reperensiya ko
si Christopher Caudwell. Mabuti't nakalukso ako patungo kay Georg Lukacs.

Hindi ko natapos si Plekhanov dahil natuklasan ko si Brecht at si Trotsky. Ang paglaya ko


mula kina Mao at Caudwell ay hudyat din ng paglinang ko sa makalipunang pansuri ng
panitikan, mula sa Pangkat Frankfurt hanggang sa Sirkulong Prague at tungo kina Althusser,
Lacan, Jameson, Barthes, Foucault, at Bahktin. Nahumaling din ako kina Roman Jacobson
at Umberto Eco. Pinaghirapan ko rin sina Derrida, Bordiue, at Bataille. At kapag nawalan ng
tiyaga, binubuklat ko ang mga lagom at paliwanag nina David Lodge at Jonathan Culler.

Katakot-takot ang dapat basahin. Kung maaari lamang sana, dapat itutok ang isang mata sa
mga akda sa Filipinas samantalang ang isa pang mata ay dapat itutok naman sa mga
panunuring Kanluranin. Kaya malimit maging sulimpat at duling ang pananaw ng kritiko.

Ang malaking problema: Umuunlad man ay puro hiram naman ang wika ng kritisismong
Filipino sa ngayon. Walang orihinalidad. Kaugnay nito ang problema na hindi pa rin ganap
na matuklas ang totoong kaakuhan ng panitikang pambansa.

Karaniwang daing ngayon na mahirap basahin ang kritisismo. Kahit naman sa Ingles ay
talagang mahirap intindihin ang kritisismo. Lalo na ngayong hitik sa terminolohiya at
pakahulugang wala sa Webster's. Kaya may sariling diksiyonaryo ang kritisismo na bukod
sa pagbibigay ng kahulugan ay nagdudulot ng impormasyon sa simula at kasaysayan ng
bawat salita. Sa ganitong pananaw, natural lamang na maging mahirap basahin ang
kritisismo sa Filipino.

Ngunit malimit na humihirap na basahin ang sanaysay dahil labis na nahumaling ang kritiko
sa paghiram at paggamit ng mga salita mula sa kritikang Kanluranin. Bawat pangungusap
niya ay may nakabudbod na jargon, kahit hindi kailangan.
Ang Kritika sa Panahon ng Krisis
Epifanio San Juan Jr.

SA GITNA NG permanenteng krisis ng sambayanan, ng laganap na karukhaan at


paghihikahos ng nakararami; sa harap ng matinding kahirapan ng mga manggagawat
pesante, ng mga biktima ng militarismo at low-intensity warfare ng mga maykapangyarihan,
at sa patuloy na pagsasamantala't panunupil ng mga dayuhan, maitatanong natin: Hindi ba
isang may-kalabisang luho ang papuri nating ginagawa para sa ilang libro? Ano ang silbi ng
sining sa harap ng nakaririmarim na kalagayan ng madlang hindi siguro makababasa ng
kahit isang librong maitatanghal dito? Ano ang katuturan ng proseso ng pagkilatis, panunuri,
at pagpapahalagang nakapaloob sa pagkakataong ito?

Ang nakasakdal ngayon ay dili iba kundi ang kritiko, ang sining ng kritika o mapanuring
kaisipan. Nakataya rito ngayon ang halaga at kabuluhan ng kritika sa lipunan natin, lalo na
sa pakikibakang pangkultura at pang-ideolohiyang bumubuhay sa atin. Itinatanong ng kritika:
anong uri ng kultura ba ang nililikha natin sa ngayon, isang kulturang mapagpalaya o
mapanupil?

Ang pagtatampok ng katanungang ito ay siyang tahasang sagisag ng inaadhika ng kritika:


ang walang pasubaling pagtatanong kung makatwiran ba o makatarungan ang umiiral na
kaayusan ng lipunan. Matatanggap ba natin ang namamayaning balangkas ng
kapangyarihan?

Tinutukoy ko rito ang malawak na pagpapakahulugan sa kritika, hindi lamang ang makitid na
denotasyon nito bilang panunuring pampanitikan. Ang kritika bilang panunuri at pag-aaral sa
likhang-sining ay isang rasyonal at sistematikong pagtalakay sa iba't ibang uri ng sining o
likhang-isip, ang pagpapaliwanag o pagpapahalaga sa mga pamamaraannito at produkto.
Mula kina Plato at Aristotle hanggang kina 1.A. Richards, T.S. Eliot, at Northrop Frye, ito ang
tradisyonal na gawain ng kritiko. Ngunit ang kritika, sa pakiwari ko, ay aksiyon ng diwang
sumisirat bumubuo, nagpapalit at nagbabago-isang rebolusyonaryong lakas ng tao. Sa
postmodernismong panahong kinasasangkutan natin, lalo na sa

isang neokolonyal na bansa sa tinaguriang Pangatlong Mundo tulad ng Pilipinas na


kasalukuyang dumaranas ng isang malubha't laganap na krisis, ang layon at motibasyon,
ang raison d'etre ng mapanuring kaisipan, ay hindi maikukulong sa limitasyong tradisyonal
na angkop sa belles lettres sa kultura ng kanlurang kaisipan. Ang prinsipyo at tadhana ng
kritika sa mga bansang nagsisikap makawala sa sumpa ng tradisyon ay nakasalig sa
matindit masalimuot na transpormasyong sumasaklaw sa buong kabuhayan, katawan, at
kaluluwa ng buong sambayanan.

Hindi tulad sa Kanluran, ang sining at kritika sa mga bansang dumaranas ng mga
rebolusyonaryong pagbabago ay hindi maibubukod sa krisis ng pulitika at ekonomiya-
magkatalik ang krisis at kritika sa bawat pangyayaring nagaganap sa mga lipunang ito.
Sa kabilang dako, kaagapay ng kawalang-kaunlaran ng isang neokolonya ang kawalan ng
awdiyens na may sapat na diskriminasyon at kaalaman, lalo na ng mga mambabasa para sa
literatura sa Ingles na unti unting naglalaho. Kung ang publiko natin ay hindi mag-aaksaya
ng panahon para sa manunulat-bago bumili ng libro, kain muna at sine-sa kritiko pa kaya?
Maski ang ating progresibong manunulat ay naniniwala sa opinyon ni Hemingway na ang
kritiko ay isang parasite sa katawan ng awtor. Kung ang katawan ng host/awtor ay anemiko,
sa ganitong pagturing, ano ang mapapala ng kritiko?

Kaya nga, sa tingin ko, ang kritika ay isang proyektong namumukod sa akdang sinusuri
sapagkat ito'y isang likhang-sining din at may tanging kasarinlang nakaugat sa mga
pagbabagong pangkultura na masasaksihan sa lahat ng bansa sa Pangatlong Mundo tulad
ng Pilipinas. At sa krisis na laganap sa mga bansang ito, anumang pagbabago sa pulitika o
ekonomiya ay nakasalalay sa mga pagbabago sa kultura, mga pagbabago sa ideya,
damdamin, moralidad, kahalagahan, sa kamalayang mapanuri. Diyalektiko ang relasyon ng
mga ito.

Ang anti-imperyalistang pakikibaka ng Pangatlong Mundo ang dapat ituring na batayang


global ng anumang pagtitimbang sa halaga ng kritikang tubo sa mga bayang nais
makahulagpos sa mahigit isandaang taong pangungulila o pagkaalipin "four hundred years
of servitude," wika ni N.V.M. Gonzalez. Ang perspektibong internasyonal ang siyang
natatanging pangitain ng modernong kamalayan sa harap ng pangingibabaw ng
korporasyong transnasyonal at karisma ng dolyar at yen. Ngunit ang ganitong pananaw ay
hindi naman naliliha sa ating pambansang karanasan sapagkat ang kasaysayan natin ay
isang halos walang patid na naratibo ng paghihimagsik. Huwag nating kalimutan na ang
rebolusyon ng 1896 ay siyang nagpasinayang huwaran ng pagbabago o tangka ng
pagbabago sa buong asya. Bago pa man narinig sina Mao, Frantz Fanon, o Che Guevara,
sinulat na ni Rizal ang kauna-unahang kritika ng makabagong pagbabalikwas.

Sa sanaysay na "Ang Pilipinas Pagkaraan ng Isang Siglo," litaw ang sensibilidad at


kamalayang istorikal na sadyang kinakailangan upang makasulong ang masa tungo sa
tunay na kasarinlan:

Tungkol sa estetika, bawat lahi ay may kanyang ideya. May 414 milyong tao sa Tsina,
halimbawa, at siya'y nag-aangkin ng isang matandang sibilisasyon. Sa Tsina, ang lahat ng
mga taga-Europa ay tinuturing na pangit, tawag sa kanila ay mga pulang demonyo. Ang
kanyang estetika ay bumibilang ng 100 milyong kapanalig higit pa sa tagasunod ng estetika
ng mga taga-Europa. Iyan ang saloobin ni Rizal.

Sa diyalektikal na analisis, ang praktika ng panunuring pangkultura sa Pilipinas mula sa mga


Propagandista, kina Isabelo de los Reyes, at Lope K. Santos hanggang kina Salvador P.
Lopez, Amado V. Hernandez, at Jose A. Lansang Sr.-ay hindi maihihiwalay sa pulitikal na
paglalabanan ng mga uri, lalo na ng mga pag-aaklas ng mga magbubukid at manggagawa
laban sa mga uring kasabwat ng kolonyalistang poder ng Estados Unidos. Ang kritika at
sining ay bahagi ng larangan ng ideolohiya kung saan nagkakamalay ang lahat tungkol sa
halaga at kahulugan ng mga nangyayari sa kanilang buhay. Doon nabubuo ang kamalayan
at kolektibong kapasiyahan ng bawat lakas. at doon nabibigyang-tinig at direksiyon ng kritika
ang lakas ng masa. Samakatwid, ang kritika ay isang porma ng ideolohiya na may
puwersang pampulitika, may puwersang moral at intelektwal.

Kaya nga maidiriin dito na ang pagtatalo nina Jose Garcia Villa at S.P. Lopez noong dekada
'30 tungkol sa usaping panliteratura at pang-estetika, at ang humaliling pagtatagisan ng mga
kampon ng dalawang kategoryang ito noong dekada '60, ay isang pagtatalong pang-
ideolohiya at pampulitika. Ito ay tunggalian ng magkakontradiksiyong pananaw sa buhay
pananaw. sa-mundo, ng magkakaibang prinsipyo at simulaing umuugit at pumapatnubay sa
magkabuklod na lakas ng mga nagmamay-ari, sa isang dako, at, sa kabilang dako, sa lakas
ng masang matagal nang pinagkaitan ng katarungan at ngayon ay mabilis na bumabangon
at naghihimagsik Sa larangan ng kritika, maigting na nagtatalo at nagkakatalo ang mga
kontradiksiyon ng mga pampulitika't pang-ideolohiyang lakas ng isang lipunan.

Sa ating kasaysayan, ang posisyon ng intelektuwal ay tanda ng kapalaran ng kultura at


kamalayang mapanuri. Naipahiwatig na ni Antonio Gramsci, ang Italyanong pantas, na ang
organikong intelektuwal ng masa ay may kabuluhan lamang kung siya'y tumutulong sa
paglikha ng kamalayan ng bansa-taumbayan, sa pagbuo ng "national-popular will" Ang
kritikang pangkultura ay mabisang tagapamagitan sa pagbubuo ng kapasiyahang
pambansa, sa larangan ng kultura, kung saan malulutas ang problema ng identidad ng
rebolusyonaryong tagaugit ng kasaysayan.

Ang pagluwal at pagpapakilos ng kolektibong aktor ng pagbabagong pambansa, isang


pangkat na magbubuklod sa pinakamaraming sektor at grupo, ay siyang pinakaimportanteng
tungkulin ng mga manunuri sa kasalukuyang panahon. Sila ang maaaring magbuhay sa
hegemony o hegemonya ng bansang Pilipino na katumbas na rin ng paglikha ng isang
autentikong kulturang Pilipino.

Kapalit ng sinaunang kamalayang nakatuon sa paghulog ng himala at umaasa na lamang sa


mga panginoon, at kapalit din sa mga partidong nakukulong sa korporatistang
sektaryanismo, ang kritikal o mapanuring diwa ay maaaring gumanap ng papel ng
pagpupukaw at pagmobilisa ng sambayanan upang magkaisang balikatin ang isang
pambansang programa ng pagsulong.

Ano ang hinihingi ng kritikang ito mula sa mga manunulat? Naimungkahi minsan ng Apro-
Amerikanong awtor na si James Baldwin na ang pagsusulat ay isang gawaing sumisira sa
kapayapaan. Ito ang katungkulan ng isang alagad ng sining, wika niya. Dapat din nating
alalahanin ang nasabi ni Walter Benjamin na lahat ng akdang-sining ay dokumento hindi
lamang ng isang sibilisasyon kundi ng barbarismo. Makikita ang magkahalong sangkap at
dimensiyong ito sa anumang likhang-sining. Malinaw, kung gayon, ang dapat mabuong
konsiyensiya ng manunulat. Hindi Tendenzliteratura o pampropagandang akda ang
nararapat lamang kundi saloobing nagbubunyag ng nakukubling kabulukan ng sistema
(tulad ng naisakatuparan ng Noli at Fili), umaantig at bumubuwag ng mga ilusyon,
nagbubunga ng pagdududa at pagtatanong sa katalagahan at sa pagpapanggap.

Ilang Panukala sa Panunuring Pampanitikan


Epifanio San Juan Jr.

AYON SA INTERNAL na pagsusuri ng panitikan, ang tula o anumang uri ng Icatha ay isang
kayarian ng wika, isang gawain ng mga salita. Bilang isang gawain, pinupukaw ng
komposisyon ang mga karampatang tugon ng mambabasa ayon sa hugis ng akda. Ang
kalahatan ng mga tugon at reaksiyong ito'y katumbas ng mga likas na kayamanan at birtud
ng wikang ginagamit. Sa pagpapaliwanag ng matatalinghagang salita at ang mga abuloy
nito sa buhay na pagkakaugnay-ugnay ng mga sangkap at bahagi ng tula, ginagamit sa
pagkukuro ang batayan ng kaukulang tungkulin. Samakatwid, tutunghayan natin ang halaga
ng paraang ito sa proseso ng pagpapaliwanag ng kahulugan ng tula.

Sumasaksi ang paraang analisis na palayon sa uri ng tula bilang isang pagbubuklod ng iba't
ibang kahulugan, ang denotasyon at ang metaporikal na kahulugan ng salita. Totoo na hindi
masasagot ng paraang ito ang lahat ng tanong o suliranin, lalo na yaong hinggil sa mga
tungkuling dapat gampanan ng makata sa lipunan, mga problemang pampilosopiya, atbp.

Nang maisulat ni Keats na nawari niyang ang likhang-isip ay isang timon sa diwa,
binibigyang diin niya ang kahalagahan ng masusing pagpili ng makata ng mga salitang
babagay niya upang mapamahalaan ang pagsulong ng guniguni. Ang imahinasyon ay
mistulang layag na pinamumunuan naman ng kakayahang pagtuklas, ang bituin sa hilaga.

Sa panuntunang ito, kailangang bigyan ng kaukulang tensiyon ang mga porma ng


pangungusap, ang taguring modalities: pang-utos, pagpapasiya, paggulat, pagnanais.
Tinagurian itong mga bahagi ng sintaks na performatives pagkat bawat isa'y nag-aangkin ng
mga nais, kagustuhan, o layon ng tao sa buhay.

Ilang tuntunin ang dapat pag-ukulan ng pansin. Halimbawa: Ano ang proporsiyon ng teksto
na binubuo ng mga salitang nagloloob ng mga imahen, mga talinghaga at tayutay? Ano ang
ritmo ng dula, ang aksiyon (alinsunod kay Aristotle) ng isang likhang-sining? Maaari ba ang
balangkas na: adhikain-damdamin-pagkilala? Kay Eisenstein, ang bantog na direktor ng
pelikula, ang through-action ang siyang suhay ng balangkas sa likhang sining. Kung ano ang
"plot" o tuwirang takbo ng pangyayari sa kuwento, ganyan din ang pagsulong ng imahen.
Natural na mayroon ding subplot na maaaring tumbasan, tambisan o salantunay. Sa lirikong
tula, ang purong pagkilos ang siyang porma ng kapayapaan o katimyasan sa kaibuturan ng
tula. Ang uri ng ganitong kalagayan ay kapantay ng isip na ang Diyos ay tanging pure act.
2

Kung gayon, ang kahulugan ng tula ay umaalinsunod sa mapagkasundong lakas ng likhang-


isip na pumipigil at nag-aayos sa paglalaban ng maraming kahulugan ng mga salita sa loob
ng isang buong hugis ng paksa. Walang elementong lohiko na hindi humihingi ng asosasyon
o kaugnayan sa kapaligiran sa guniguni at ng pag-antig sa damdamin. Ang titik ng anumang
akdang pampanitikan ay may salik na katugon ng rason, damdamin at imahinasyon-mga
salik sa perspektibang mailalapat sa pagwatas ng pormang panloob o diwang buod ng isang
katha.

Huwag kalilimutan ang apat na elemento sa pagsusuri ng estilo: ang litaw na kahulugan,
damdamin, saloobin o tono at pangkalahatang layon.

Nabanggit ko sa The World of Abadilla na sa lakas ng salita, sa mga katangiang lininang at


ipinag-ugitan sa kapakanan ng paglalahad, nalilikha at naibubunyag ng makata ang kanyang
tahanan sa daigdig. Upang maging tahanan at tirahan ang mundo: ito ang kardinal na mithiin
ng anumang panulaan. Musika, ang sikdo at tibok ng utak, ang apoy at karimlan ng
pangitain at pag-arok sa hiwaga ng pag-iral, lahat ay binubuhay sa harapang pakikipag-
ugnay sa daigdig sa ating pang-araw-araw na karanasan. Bawat kulay, tono, anyo ay dulot
ng udyuk-damdamin, isip, intuisyon at kirot sa laman o pagluwal ng kaliwanagan sa ugat ng
kaluluwa, sa puso ng paglilirip.

Nais kong imungkahi rito ang ilang paksang dapat pangatawanin ng dalubhasa:
Kinakailangang isulit ang mga kaugnay ng abstrakto at kongkretong salita, aliterasyon at
asonansya, at ang kaugnayan ng mga katangiang ponetiko sa kahulugan ng mga salita: ang
mga imahen ng limang pandama na dapat isaayos sa isang sistema; mga personipikasyon,
sinestesiya at iba pang uri ng analohiya. Kasama na rito ang kaisipan. Lalo na ang pang-uri
at ano ang nangyayari sa pangangalap sa isang parirala kung ito'y napapaligiran ng mga
pang-uring ibat iba ang antas ng kalawakan o kalapitan a pandama.

May mga mambabasa na makatatanda pa sa mga panukala ko sa Poetika Pilipina L. Ang


karugtong nito ay humihingi ng lakas at panahon na hindi ko pa maidudulot sa ngayon,
ngunit ang balangkas ng proyekto ay buo na noon pa man: II-Istruktura at Tekstura ng Tula,
Disertasyon tungkol sa Teknik; Katayuan ng teorya ng tulang Pilipino (Kundi lumpo,
gumigiray-giray. Tila pintakasing binubusbos ng tarik ng kamusmusan?) III-Balarila at
Makalikhang Sensibilidad ng Tao. Dadaliriin ko rin sa isang prolegomena ang mga paksang
sumusunod: Ang daigdig ng sining, Penomenolohiya ng Tula, Diyalektiko ng Materyal at
Kalooban, Intensiyon o Panagano ng Pagkilala sa Realidad, Pagtuturo sa Paghahambing at
Paggamit ng mga Halimbawa; Metonimiya, sinekdoke, mga tinig, mga uri ng pagsulong,
mga dalawahing kahulugan (ambiguities), ang kaisahan o kabuuan ng tula: interpretasyon at
balangkas ng isang metodo sa panunuri.
3

Ngayon, ilang obserbasyon sa ilang makata.

Mapanggayumang pangarap-iyan ba ang ating minana sa mga sibol ni Jose Corazon de


Jesus? Ngunit tila kakaiba ang katuturan ng kanyang mga salita, ang sariling pahayag ni
Huseng Batute: sapagkat sa mga tulang ukol sa buhay ng tao ay hindi mabulaklak ang
harding kinauukulan, at tagni pa sa dahop sa kabanguhan, kaya mahirap ipagtamo ng
mauugong at walang hulaw na palakpak o pagpuri sa may-akdang manunulat.

"Ang Pagbabalik" ay palagiang nasa bibig ng madla, bata man o matanda. Dapat
ipagpatuloy ang uri ng dramatic monologue pagkat naghahari pa rin ang paniwalang ang
makata'y isang propetang hinlog ng mga bathala sa Parnaso gayong ang pinaniniwalaan ng
madla ay mga nilalaman ng propaganda at iba pang haka-hakang watak-watak at hindi
tumutungo sa isang istandard o isang pamantayan ng kahalagahan. Kailangan ang mahigpit
na pangangalaga sa sitwasyon at dapat huwag kalimutan ang panauhing gumaganap ng
papel sa isang tagpo, pagkat ang motibasyon ng tagpong lyan ay nasasalalay sa
magkakaibang palagay ng mga panauhan. Samantala, ang soliloki ay pangungulilang
kadalasa'y nagpapatibay na walang pinaglilimi ang makata kundi sariling pusod,
minamagaling niyang lubos ang pagtatanghal ng kaakuhan na walang laman.

Sa pagkilatis ng mga tula ni Hernandez ay matutugunan ang tanong: Ano ang kalalabasan
ng pagpapalit ng tono mula sa soliloki, pag-uusap ng dalawang tao o kumbersasyon, at
monologo? Paano ang mga paghalo-halo ng estilo, ng mga panagano? Isang pagpapasok
ng bisa, ng kabihasnan, ang partkalang pabula, ang realistikong paghawak sa tema at
panunudyong paglalarawan, bukod pa sa mga pagbatikos na pasablay na pagsasalaysay ng
isang kuwento. Tinuturan ko ang mga tulang "Ang Kubrador," "Help Wanted," "Luma at
Bagong Kabihasnan at iba pang munting komedya ng buhay.

Dalawang tula tungkol sa buhay, ngunit alin ang talagang buhay: yaong kay Manuel Car.
Santiago o yaong kay Nemesio Caravana? (Tingnan ang mga tula sa Parnasong Tagalog ni
Abadilla.)

Paimbabaw ang paghahawig ng kay Caravana. Pangkaraniwan ang mga itinuturo, at lantad
na lantad sa pabulaanang sisikapin ninuman. Sa kabilang dako, uliran ang kay Car.
Santiago: masasalat, mararamdaman ang mga talinghagang iniaangkop sa iba't ibang panig
ng paglalarawan sa penomena ng buhay. Mula sa mga metapora (tuwang nanulay sa ugat,
antuking ilaw) nagbubuhat ang pangkalahatang hinuha o pagkilala sa hiwaga ng
katotohanan.

Ang lalong dapat malirip ay ang paghahawak at pagsasaayon ng mga pandiwa, at


pinaglangkap na pandiwa at pangngalan-ano ang nangyari sa dalawang ito? Mapapansin na
nasa pagbigkas ng tula ang bisa ng pagpapahiwatig ng makata sa kahulugan ng mga
karanasang nakasakay sa takbo ng himig at pananagisag ng wika.

Maganda at karapat-dapat ang salitang linangin o kalinangan upang itumbas sa cultivate,


develop at culture, discipline, sa larangan ng panunuring pampanitikan. Dapat ngang linisin
at suyurin ang isip, hinuha, hinagap at iba't ibang aksiyon ng sensibilidad. Kailangan din ang
impetus, ang panghihikayat at pagganyak na magbubuhat sa kalooban, o kaya'y pang akit at
hamon na alay ng mga sitwasyong panlabas, ng kalagayan ng lipunan at pakikipagkapwa-
tao.

Malaking pagkukulang ang kawalan natin hanggang ngayon ng isang matatag na saligan o
batayan sa panunuri. Nasaan ang ating tradisyon sa gawaing ito? Ano ang nagawa nina
Abadilla, Clodualdo del Mundo, Agoncillo at iba pang kinikilalang manunuri? Hanggang
ngayon ay wala tayong matinong teorya ng literatura tungo sa pagpapaliwanag ng porma at
kahalagahan ng mga kathang-isip. Ano ang ating nakikita? Pagpuri o pagsira, dalawang
direksiyon ng pag-ikot ng kamalayang polemiko, tungayawan kahit sino'y puwedeng sumali.

Sa ganang akin, ang gawaing pagsusuri ng kaayusan at kahulugan ng isang katha ay isang
disiplina ng buong pagkatao, isang pagsasanay ng karakter.

Siguro'y alam na ng marami na ang pagkagiliw sa isang tula ay katumbas ng pagkagiliw sa


tamang pangangatwiran; kung mali o saliwa ang pagkakaintindi, isang pagkukunwari lamang
ng ating utak ang ipakikitang pagkagiliw. Hindi maihihiwalay ang pagkaunawa at pagkagusto
sa sining. Sa pagpapaunawa, hindi lamang eksplikasyon ang nasasangkot kundi pati ng
buong aktibidad ng ulirat, ng sensibilidad na, ayon kay Blackmar, nasasaklaw sa pariralang
theoretic form of our life.

Dapat malaman ng lahat na ang aking pangunahing layon ay ang paghahanda ng isang
diyalogo sa mga diwang buhay, masikhay sa pagtarok ng hiwaga ng kalikasan ng tao, at
matapat ang pagkilala sa katotohanang mapait man ay isang saligan ng anumang
panaginip, pag-asa o kaisipan ng tao. Anupa't kung walang tensiyon at paghahatakan ng
sari-saring lakas, ayon nga kay Herakleitos o sa Tao te Ching walang buhay o kamalayan
ang türal sa mukha ng daigdig. Di upang itanghal ang mga ego kundi upang ibunyag ang
katotohanan ng kalagayan ng taong nasasalamin sa sining-ito lamang ang abang nais ko.
Humatol sana nang may katimpian at pagpipigil ang matatandang paham na walang
simpatiya sa mga kaisipang nailahad ko rito.

Bilang pangwakas sa mga punang ito, pasumala at pansamantalang mungkahi, sagutin


natin ang tanong na ito: Ano ang tahasang pananagutan ng tagasuri sa panitikan? Sa ibang
pagkakataon, naisip kong isusog bilang sagot ang ilang berso sa Mga Taga Corinto I:
27: Kung nagsasalita ang sinuman ng wika, maging dalawa, o huwag hihigit sa tatlo, at
sunud-sunod; at ang isa'y magpaliwanag
28: Datapwat kung walang tagapaliwanag, tumahimik siya.

https://books.google.com.ph/books?id=tvz1_SRJjpAC&pg=PA17&hl=fil&source=gbs_toc_r&
cad=3#v=onepage&q&f=true

You might also like