You are on page 1of 18

1

ANTAS NG KAKAYAHAN NG MGA MAG-AARAL SA IKAWALONG BAITANG


NG NAGLAOA-AN NATIONAL HIGH SCHOOL SA
PAGSULAT NG PANITIKANg HAIKU AT TANAGA

KABANATA I
ANG SULIRANIN
Panimula

Malaki ang ambag ng panitikan na maaaring gamitin ng mga tao upang ipahayag ang
saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat ng sanaysay, tula, nobela, talumpati, talambuhay at
marami pang ibang uri ng panitikan. DAGDAGAN

Mahalagang malaman ng lahat ang benepisyo ng pagsusulat ng panitikan bagamat


ang layunin nito'y hindi lamang ang maging daan sa pagpapahayag ng mga saloobin kundi
hinahasa rin nito ang kaisipan sa pamamagitan ng pagsusulat ng panitikan natututong
gumamit ng matatalinghagang salita ang mga manunulat. Dagdag pa ito hinuhubog ng
panitikan upang maging isang magaling na manunulat, at natututo rin maging kritikal sa
pagpapahayag ng damdamin.

Sa pang araw-araw maaaring gamitin ang panitikan upang ilahad at isalaysay ang
mga pangyayari sa buong araw. Sa paglalakbay, nandiyan parin ang panitikan upang
ipahayag pa rin ang damdamin ng tao sa pamamagitan ng pagkwekwento o paglalarawan sa
mga lugar na napuntahan.
Ayon kina Atienza et Al. mula sa aklat ni Abegail (2008,) Ang tunay na panitikan ay
yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa
reaksyon sa kanyang pang araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa
kaniyang kapaligiran at gayun dun sa kaniyang pagsusumikap na makita ang Maykapal.
Malaki ang epekto ng panitikan sa pag-unlad ng lipunan . Nahubog nito ang mga
sibilisasyon, binago ang mga sistemang pampulitika at inilantad ang kawalan ng katarungan.
Ang panitikan ay nagbibigay sa lahat ng isang detalyadong impormasyon ng mga karanasan
ng tao sa loob at labas ng politika. (Davis, 2021)
Ang panitikan kung gayon ay may malaking gampanin sa mga mag-aaral. Mula sa
pagpapanatili at pagpapahalaga sa mga panitikan na noo'y nabuo at nailimbag, Dahil dito
nababakas ang buhay na pinagmulan ng isang lipi, nasasalamin ang mga pangarap, kaugalian,
2

kaalaman at kagalingan ng isang lipunan. (Aguilar, 2008) Wala ito sa inyong Sanggunian
(Etoy ti missing guys)
Iba’t iba man ang uri at pamamaraan ang bawat manunulat ng pagpapahayag ng
kanilang damdamin at kaisipan, ang lahat ng ito ay matatagpuan sa panitikan na sumasalamin
sa buhay ng tao. Dahil dito, malaya ang bawat isang maipahayag ang anumang ninanais na
walang sinuman ang maaaring makapigil sa anumang istilong kanyang nanaisin. Sa
pamamagitan ng panitikan may mga obra ang bawat makata na nagiging dahilan upang
mabigyang buhay at kulay ang kanyang kasaysayan.
Maaari rin namang pagmulan ng saya o galak at higit sa lahat ay kapulutan ng aral ng
bawat mambabasa. Kakaiba man ang naging karanasan o pinagdaanan ng bawat manunulat sa
bawat isang mambabasa, malaking pagpapahalaga pa rin ang dapat na ialay dito dahil dugo’t
pawis ang naging puhunan at inilaan ng may akda sa pagkatha ng isang tula. Maraming oras
at panahon ang inilaan upang maiugnay ang sariling karanasan sa pagsulat ng isang tula at
upang mailahad ito ng may kasiningan at maiparating ang nais sa madla.
Sa pamamagitan ng isang masining at matalinong paglalahad ng isang tula gamit ang
mga sangkap sa pagbuo nito, tulad ng mga matatalinghagang salita, tugmang kaaya-ayang
bigkasin at pakinggan at mga mensaheng nakakaantig sa bawat mambabasa, ang bawat may
akda ay magiging matagumpay sa pagsulat ng isang tula.
Ang tula , ay isang kaisipan na naglalarawan ng damdamin, karanasan,  hangarin.
Nangangailangan ng maingat na pagpili ng mga gagamiting salita upang mabuo ang tula,
upang lalo pang maipabatid ang anumang hangarin o damdamin.
              Nailalarawan sa tula ang mga pangyayari sa buhay, nangyayari man o kathang-isip
lamang. Kailangan gamitan ito nang akmang o tumpak na mga salita at larawang diwa upang
mailarawan ang tunay na nadarama.
             Sa kasalukuyan ay tila nawawala na ang sukat at tugma ng tula, Mas marami ang
gumagamit ng malayang taludturan. Tila nakalulungkot isipin na sa kasulukuyan, ay tila
kumakaunti na ang mga mag-aaral na mahilig masulat ng tula. Bagamat may mga
nagtatanang sumulat ng Spoken Poetry –nakahihiligang isulat ng mga kabataan sa
kasulukuyan. Ito ay pormang tula din, na nagsasaad din nangkanilang “mga hugot” mula sa
ibat-ibang kuwento nang kanilang buhay.
                 Ayon kay Ortiz (2008), hindi dapat kalimutan ng mga guro na sa pamamagitan ng
pagtuturo ng tula, nasasanay ang mga bata upang gumamit ng mga malalalim na kaisipan o
makabuluhang diwa na nagreresulta sa pagkakaroon ng mga mag-aaral ng matalinong
kaisipan, at sa paggamit ng angkop at marikit na salita ang mga bata ay nasasanay upang
3

maging malikhain.   Pagkatapos maituro ang kahalagahan ng tula at ang paggaawa nito ay
naiilinang din ang pangkaisipan (cognitive), pandamdamin (affective) at kilos o
(psychomotor).

Pagpapahayag ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral ng
Ika-walong Bitang ng Naglaoa-an National High School taong panuruan 2022-2023 sa
pagsulat ng mga tulang haiku at tanaga.
Layunin din nitong mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral ng ika-walong baitang sa pagsulat
ng mga sa tulang haiku at tanaga.
2. Mayroon bang pagkakaiba ang lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat
ng tulang haiku at tanaga base sa panonood ng bidyo.

Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sumaklaw lamang sa lebel ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng tula partikular sa haiku at tanaga. Lilimitihan ang pag-aaral na ito sa 48 na mag-
aaral sa ika-walong baitang ng Naglaoa-an National High School, Taong Panuruan 2022-
2023.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay napakahalaga sa mga sumusunod:
Sa mga guro. Ito ay magsisilbing gabay sa mga guro upang mapayabong ang
kanilang kaalaman sa kung papaano pa mapapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng tulang haiku at tanaga.
Sa mga mag-aaral. Magaganyak at makukuha ang interes ng mga mag-aaral na
sumulat ng tulang may sukat at tugma para mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagsulat
ng mga tulang haiku at tanaga.
Sa mga gurong nagsasanay. Ito ay magsisilbing patnubay sa mga gurong nagsasanay
para maging mas epektibo ang kanilang pagtuturo sa larangan ng panitikan.

Sa mga administrator. Sa pag-aaral na ito, ang mga administrator ang magsisilbing


gabay upang mailabas ng mga mag-aaral ang kanilang talento sa pagsulat sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga iba’t ibang patimpalak kaugnay sa pagsusulat ng panitikan.
4

Sa iba pang mananaliksik. Ito ay makagaganyak din sa iba pang mananaliksik na


magsasagawa rin ng ganitong pag-aaral upang bigyang halaga at mapanatili ang pagsulat ng
tulang may sukat at tugma.

Katuturan ng mga talakay


Para sa mas higit na ikalilinaw nag pananaliksik na ito at para mas madaling
ikauunawa ng mga mag-aaral, ang mga sumusunod na talakay ay binibigyang katuturan ayon
sa pagkakagamit nito sa pananaliksik.
Tula. Ito ay tumutukoy sa anyo ng tula na may sukat ang haiku at tanaga.
Haiku. Ito ay anyo ng tula na may labinpitong pantig at may tatlong taludturan.
Tanaga. Ito ay anyo ng tula na ginagamitan ng tamang sukat na binubuo ng apat na
taludturan na may pituhang pantig.
Pagsulat. Ito ay ang pagsulat ng tula na may sukat.
Kakayahan. Ito ay tumutukoy sa abilidad ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tulang
haiku at tanaga.
Bidyo. Ito ang magsisilbing lunsaran upang makasulat ng tulang haiku at tanaga.

Pagpapalagay o Hinuha
Ang pag-aaral na ito ay nakatakda sa pagpapalagay na ang mga mag-aaral ay
makakabuo o makakasulat ng tulang haiku at tanaga pagkatapos panoorin ang bidyo
presentasyon bilang paraan sa pagbuo ng haiku at tanaga.

Sapantahang Nais Mapatunayan


Ang pag-aaral na ito ay may mga sapantahang nais mapatunayan:
1. Masusukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tulang haiku at tanaga gamit
ang tamang sukat nito.
2. Makakasulat ang mga mag-aaral ng tulang haiku at tanaga gamit ang napanood na bidyo
presentasyon

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
5

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral, teoretikal na


balangkas at konseptuwal na balangkas na malaki ang naitutulong sa pagsasagawa ng
pananaliksik. Matutulungan nito ang mga mananaliksik upang lubos na maunawaan at
magkaroon ng malawak na perspektibo sa isasagawang pananaliksik.

Panitikan
Ayon kay Paglinawan mula sa aklat ni Gavino (2016), Ang pilipinas ay
napakayamang bansa pagdating sa panitikan. Mula sa pinanggalingan ng salitang Pilipinas
hanggang sa mga kaugalian, tradisyon, paniniwala, wika at kultura na makikita sa
nasasakupan. Ang panitikan ang ay buhay dahil ito ay repleksyon ng pamumuhay at
pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang lipunan .
Pinakikilos ng panitikan ang ating isip at binibigyang pintig nito ang ating puso. Nilalaman
din nito ang kasaysayan ng mga katutubong Filipino sa kanilang nakaraang kapanahunan na
tumatak sa isipan at damdaming nakabansa. Namatay ang mga tao at nagpalipat-lipat ang
mga henerasyon at lahing tao subalit nananatiling walang kamatayan ang panitikan.
Bilang karagdagan sinabi rin ni Battad mula sa aklat ni Orito (2021)ang panitikan
ay bahagi na ng ating kultura sa bansa. Mababakas dito ang buhay na pinagmulan ng isang
lipi, nasasalamin ang mga pangarap, kabiguan, kaalaman, kaugalian at kalinangan ng isang
Pilipinas. Ang panitikan kung gayon ay salamin ng ating kultura na kahit pa ito ay sumibol
noong unang panahon ay kailangan pa ring pahalagahan at panatilihin.
Sumasang-ayon din si Aguilar mula sa aklat ni Panaglima (2019), na ang panitikan
ay tunay na mahalaga sa isang bansa dahil bahagi ito ng kanyang kultura. Dito nababakas ang
buhay na pinagmulan ng isang lipi, nasasalamin ang mga pangarap, kaugalian, kaalaman at
kagalingan ng isang lipunan.

Sinabi naman ni Villanueva mula sa aklay ni Orito (2021), ang panitikan ay bahagi
ng kultura ng isang bansa. Mababakas dito ang buhay ay pinagmulan ng isang lipi,
nasasalamain ang mga pangarap, kaalaman, kaugalian, at kalinangan ng isang lipunan.

Ayon naman kina Gonzales et Al. mula parin sa aklat ni Orito (2021),Ang panitikan
ay isang pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang
nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat at sa paraang abot-kaya
ng mangangatha o manunulat.
6

Idinagdag din ni Quirante (2010), ang panitikan ay may mahalagang papel na


ginagampanan sa bawat bansa dahil ito ay bahagi ng kanyang kultura. Sinasabing ang
panitikan ay buhay at pamumuhay. Kung ano ang kultura, tradisyon, kabihasnan, at kaugalian
ng mga tao sa kanilang panahon siya rin ang isinasatitik at ito ay bahagi ng panitikan. Ang
bawat bansa ay nagtataglay ng sariling wika, katangian, paniniwala at iba pa na naglalarawan
sa kanyang sariling identidad, tanging pagkabansa at pagkatao. Ang lahat ng ito ay nasasalin
sa kanyang panitikan maging ito ay pasalita o pasulat. Ang panitikan ay isang matapat na
naglalarawan ng buhay na isinasagawa sa paraang makasining. Ito ay isang maayos na
pagtutugma-tugma ng mga karanasan ng tao alinsunod sa ninanais na paraan ng
pagpapahayag.( Missing guys)
Ayon naman kay Arrogante mula libro ni Palao (2018), isang talaan ng buhay ang
panitikang kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna
niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng
isang tao sa pamamagitan ng malikhaing paraan. Itinuturing ding ilaw ang panitikan na
walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao. Ito ay nagpapaliwanag sa kahulugan
ng kalingan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan dahil sa panitikan, ang mga tao sa
sandaigdigan ay nagkakalapit ng mga damdamin at kaisipan, nagkakunawaan at
nagkatutulungan.
Sinabi ni Aguilar (2008) Wala ito sa inyong Sanggunian sa kanyang pag-aaral na,
dito makikilala ang panitikan ay isang tuluyan at walang humpay na katapusan sa
pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin o saloobin sa anumang panahon kung kaya't ito
ay parang buhay na paglalahad ng mga gawain o mga pangyayaring nagaganap sa araw-araw.
Sa iba namang pananaw (Arrogante 1983), ang panitikan ay kalipunan ng mga akdang
nasusulat na makilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo,
pandaigdigang kaisipan, at kawalang maliw.
Sumasang-ayon (Bakit sumang dito si Aguilar sa nasa itaas na talala, magkaipba
naman ang ipinapahayag ng nasa itaas na talata sa binabanggit ni Aguilar dito?) dito si
Aguilar (2008), Wala ito sa inyong Sanggunian na: ang panitikan ay pagsulat. Sa
pamamgitan ng pagsulat ng mga kuwento, nobela, tula, dula at iba pang uri ng panitikan ay
nakakatulong sa pag-unlad ng isang tao sa mga aspeto ng kanyang buhay sa pagpapahayag ng
mga kaisipan, damdamin at saloobin.
https://filipino8.home.blog/panitikan/ sanggunian ni Arrogante
7

Haiku
Ayon kay Castillo (2021), Ang pagdating ng Hapon ay nagdulot ng isang magandang
aspeto sa Pilipinas, at iyon ay ang pagbabwal ng literaturang Pilipino sa Ingles, na kung saan
ay nagkaroon ng isang kanais-nais na epekto sa naglalahong literaturang Tagalog.
Ayon kina Gotera at Villaverde (2008), ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo
ng labingpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtud. Ang unang taludtud ay binubuo ng
limang pantig, ang pangalawang taludtud naman ay binubuo ng pitong pantig at ang ikatlong
taludtud ay binubuo ng limang pantig gaya sa una (5-7-5). Noon ay tinawag na hokku ang
nagbigay sa haiku ng pangalan nito ngayon ay isang manunulat na Hapones at siya si
Masaoka Shiki sa katapusan ng 19th century".
Pansinin na ang haiku ay laging may imahen ng kalikasan na itinutugma hindi lamang
sa damdamin sa loob ng tula ngunit maging sa ideya at pilosopiya ng makata (Ortiz, 2008).

Ayon kay Santiago mula sa aklat parin ni Castillo(2021) Ang pagsasalin ng haikung
Tagalog sa anumang wika (at bisebersa) ay mas mahirap kaysa sa pagsulat nito, dahil sa
nasisiyahan kami hindi lamang sa pagiging ekspresibo nito, sa kanyang diwa, sa kanyang
balangkas, ngunit gayon din sa palatulaang tunog nito. Habang ang tradisyonal na haikung
Ingles ay isang tulang may pantig na 5-7-5 at walang tugma, at ang haikung Hapon ay
umaasa sa simbolismo at may eksaktong bilang ng moras, ang haikung Pilipino o lokal na
kilala bilang Pinoy haiku, isang samu’t-sari ng haikung Hapon at mula sa dalawang taludtod
ng tanaga, ay nasusulat sa 7-5-7 na pantig at may huwarang rima na a-a-a, a-b-a, a-a-b, a-b-b,
o a-b-c.

The teaching and learning of haiku, a poetic form originating in Japan, has been
embraced and applied in diverse educational environments. Educators have included the
practice of writing haiku in the curriculum because of its therapeutic benefits (Biley &
ChampneySmith, 2003; Stephenson & Rosen, 2015). Haiku have also been taught as creative
writing to foster empathy in the classroom and to support transformative learning and the
use of art in practice (Gair, 2012).

Furthermore, haiku have been used as an aesthetic method in human and social
research to translate and analyze data so as to capture the depth and intensity of emotions,
engagement, and experiences of participants (Prendergast, et al., 2009).
8

Despite this trend, however, haiku are not yet officially taught in teacher education or
professional development programs; teachers and educators who are interested in practicing
haiku or integrating it in their curriculum might turn to online resources in searching for
ways of applying haiku. Yet, those who look for clarification concerning how to teach and
learn haiku might (a) become confused by the various teaching practices available in the
literature of teaching haiku, and (b) find scant empirical research on haiku-related topics
(Wilson, 2010).

https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1267770.pdf

Tanaga
Isang uri ng katutubong tula na may apat na taludtod at may pitong pantig sa bawat
taludtod nito ay may kinalaman sa pagpapahalaga sa pagkakaroon ng mabuting loob ng ating
mga ninuno (Evasco, 2008).
Isang maiklinh katutubong Pilipinong tula. Ito ay sinaunang anyo ng maikling tulang
tagalog na binubuo ng apat o walang taludtod ng tugmaan, may sukat na pito o walang pantig
sa bawat taludtod,at nagpapahayag ng isang buong diwa. Ang tanaga ay tulang palasak na
bago pa dumating ang mga kastila. Ito ay nahahawig sa haiku at maling naging palasat ang
mga tanaga sa panahon ng hapon. Ito rin ay itinuturing malayang tula at sagana sa
talinghaga.LyodNice (2020)

Pagsulat ng tula
Nagmula kina Encinas et al. (2022), ukol sa kahumalingan ni Alejandro Abadilla sa
pagsulat ng tula ay dahil nababatid nito na sa mundo nang panulaan ang bawat manunulat ay
siyang batas, sila ay may kakayahang makapagbuo ng sariling daigdig na hindi
panghihimasukan ng iba. Malaya silang makikinig sa takbo ng isip nang mailalapat sa bawat
linya ang nilalaman nitong damdamin. Sinasalamin nito ang tulang isinulat ng isang di
kilalang awtor na pinamagatang “Nagdurusang Mundo” ang manunulat ay nagpahayag ng
mga plano at solusyong kanyang nais na maisakatuparan upang matuldukan ang sakit ng
bayan. Siya ay nanghihikayat na ang lahat ay magtulong tulong upang maaksyunan ang
problema ng kahirapan dahil ito lamang ayon sa kanya ang natatanging paraan.
9

Ayon kay Llen (2011) ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng
damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong na siya namang binubuo ng mga
taludtod. Sinosoportahan nito ang kaayusan at istraktura ng tulang isinulat ng mga
mananaliksik.

Binanggit naman nina Cruz at Aguilar (2001) sa aklat parin nina Castillo et. al.,
(2021), ang karaniwang tula ay binubuo ng mga taludtod, may tugma, sukat, kariktan at
matalinhagang mga pahayag. Ang mga salitang ginagamit sa tula ay may angking aliw iw na
lalong nagpapatingkad at nagpapasidhi sa damdamin at kaisipang nakapaloob sa tula. Ang
tula ay binubuo ng pinakamabuting salita sa kanilang pinakamabuting pagkakaayos o
pagkakahanay.

Ang pagsulat ng tula ay nakaangkla sa malikhaing pagsulat na isang uri ng panitikan sa


Pilipinas.Sa ganitong mga pamantayan at kinakailangan taglayin ng isang mahusay na tula
kadalasan o karamihan sa mga mag-aaral ay hindi nakagagawa ng maayos na tula. Kadalasan
ang kanila lamang nagagawa ay ang malayang taludturan na kung saan ay nawawala na ang
tunay na dapat taglayin at elemento ng isang tradisyunal na tula. Patunay dito na kung
magpapagawa sa mga mag-aaral ng isang tula ay hirap silang makabuo ng kahit na dalawang
saknong lamang dahil sa impluwensya ng kanilang mga ginagawa o mga pinagkakaabalahan
tulad ng paglalaro o pagbababad sa kanilang mga gadgets. Ang karamihan ay gumagawa ng
makabagong pamamaraan ng pagsususlat. Maaari namang yakapin ang ganitong uri ng
pagsulat subalit ang tradisyunal sana’y mapanitili at lalo pang yumabong. (Orillan at
Catungal, 2020)

Bidyo Presentasyon
Tunay na di mapipigilan ang pagbabago ng ating mundo. Kaalinsabay nito ay patuloy
din tayong binabago nito. Hindi mapagkakailang hinaplos nito ang pang araw-araw na
pamumuhay ng nakararami. Mas napapadali ang pag-uunawa sa mga makabagong kaalaman
sa tulong ng mga educational videos na napapanood sa youtube. Kaya mula sa tradisyunal na
pagtuturo ay unti-unting napapalitan ito ng makamodernong pagtuturo ng mga guro. Lubos
na nakallatulong ito sa mga mag-aaral upang mas lalo nilang maunawaan at maanalisa ang
mga kaalaman na hindi nila gaano naunawaan sa loob ng silid aralan. Ang pagkuha ng mga
impormasyon ay napapabilis sa tulong ng mga educational na video na mapapanood online.
Tunay na napakadali nalamang ngayon ang pagbabahagi ng mga impormasyon higit na sa
10

mga mag-aaral. Mas higit nauunawaan ng mga mga-aaral ang kanilang mga pinag-aaralan sa
pamamagitan ng panonood ng mga educational videos. (Victoria, 2019)

Ayon kay Aton (2007), g edukasyon ay ang parte ng pag-aaral kung saan ang mga mag-aaral
ay tumatanggap ng impormasyon sa pamamagitan ng iba't ibang media. Nagpapatunay
lamang ang pag-aaral na ito na lubos na nakakatulong ang mga educational video sa larang
ng edukasyon.

Kaakibat ng mga ipinangakong pagbabago at pag-unlad ng ASEAN Integration 2015 sa


bansa ay ang pagkakaroon din ng pagbabago sa larang ng edukasyon. Ang edukasyon ang
may pinakamahalagang tungkuling ginagampanan tungo sa pag-unlad ng isang bansa ngunit
ito ay naapektuhan ng pabago-bagong panahon, kapaligiran at kaugalian ng mga tao (Bracelo
et al. 2007).

Nakapaloob pa sa libro ni Sampath et al., (2007), learning usually involves both a


student and a teacher. But in some of the recent innovations of the educational system, the
teacher needs not be physically present to teach. Kung kaya't gumagamit narin ng iba't ibang
makabagong kagamitan ang mga guro sa tulong ng teknolohiya upang mas mapabilis ang
proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Nabanggit din ni Jonassen (2008), knowledge is embedded in the technology ad


technology presents that knowledge to student. May kaugnayan ito sa ipinahayag nina Halal
and Leibowitz (1994) na, a powerful combination of earlier technologies that constitutes
anextraordinary advance in the capability of machines to assist the educational process.

Konseptuwal na Balangkas
Ang mga mananaliksik ay bumuo ng balangkas upang higit na maunawaan at mabatid
ang tunguhin ng pag-aaral na ito. Ito ay nakikita sa talahanayan sa ibaba.

PRE-TEST POST-TEST

Pagsulat ng tulang Pagsulat ng tulang


haiku at tanaga Bidyo haiku at tanaga
base sa kanilang presentasyon base sa naunawaan
sariling mula sa bidyo
pagkakaunawa
11

Larawan 1. Paradigm ng Pananaliksik


Kinapalooban ng pre-test na kuwadrado ang sinulat na tulang haiku at tanaga base sa
kanilang sariling pagkakaunawa ng mga mag-aaral na mga respondente. Ang bidyo
presentasyon naman ang papanoorin upang bumuo ng tula na nauugnay sa paksa. Habang ang
post-test naman ay ang pagsulat muli ng haiku at tanaga mula sa bidyong napanood nila.
KABANATA III
METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyo ng pananaliksik, sabjek ng


pananaliksik, instrument ng pananaliksik, paraan ng pagtitipon ng datos, at pagsusuring
istatistikal.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Aksyong Pananaliksik upang tukuyin ang antas
ng kakayahan sa pagsulat ng tulang haiku at tanaga ng mga mag-aaral sa Naglao-an National
High School na nasa ika-walong baitang taong panuruan 2022-2023 gamit ang bidyo
presentasyon.
Ang Aksyon Pananaliksik (a) ay tumutulong sa mga guro na bumuo ng mga bagong
kaalaman na direktang nauugnay sa kanilang mga silid-aralan, (b) nagtataguyod ng
mapanimdim na pagtuturo at pag-iisip, (c) nagpapalawak ng repertoire ng pedagogical ng
mga guro, (d) naglalagay ng mga guro sa pamamahala sa kanilang gawain, (e) pinagtitibay
ang ugnayan sa pagitan ng pagsasanay at tagumpay ng mag-aaral. (SAAN ito GALING?)

Sabjek ng Pananaliksik
Ang mga sabjek ng pananaliksik na ito ay magmumula sa mga mag-aaral ng ika-
walong baiting ng Naglaoa-an National High School, Taong Panuruan 2022-2023 na binubuo
ng (48) mag-aaral.

Instrumento ng Pananaliksik
12

Ang instrumento ng pag-aaral na ito ay gagamitan ng rubriks upang masukat ang


antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng katutubong panitikan na nakapokus sa
tula. Ang rubriks ay naglalaman ng mga karakteristiks ng sa pagsulat ng tula. Ito ay
mabibigyan ng puntos na naaayon sa antas ng kakayahan ng isipan sa gawain. Ang rubriks ay
gagamitin upang maebalweyt ang ginawa ng mga mag- aaral. Ito ay gagawin at ipapabalideyt
ng mga mananaliksik sa mga bihasang guro.

Rubriks: Pre-Test

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman


10 8 6
Ideya May sapat na kaalaman Bahagyang may Walang kaalaman
patungkol sa paksang kaalaman patungkol sa patungkol sa paksang
pag-aaralan na may paksang pag-aaralan na pag-aaralan na may
kaugnayan sa tulang may kaugnayan sa kaugnayan sa tulang
haiku at tanaga tulang haiku at tanaga haiku at tanaga.
Kaugnayan May kaangkopan ang Hindi gaanong Walang kaugnayan sa
sinulat sa paksang pag- naiugnay ang paksang pag-aaralan
aaralan na may sinulat sa paksang na may kaugnayan sa
kaugnayan sa tulang pag-aaralan na may tulang haiku at tanaga
haiku at tanaga kaugnayan sa
tulang haiku at
tanaga.
Nilalaman Naipahayag ng maayos Naipahayag ngunit Hindi naipahayag
at konkreto ang sinulat hindi gaanong at napalutang ang
na may kaugnayan sa napalutang ang paksang pag-
tulang haiku at tanaga paksang pag- aaralan na may
aaralan na may kinalaman sa
kinalaman sa tulang tulang haiku at
haiku at tanaga. tanaga
Kaangkupang Ang buong tula ay may May sukat ngunit Ang buong tula ay
tamang sukat hindi ang naaayon walang sukat na
sukat
sa tulang ginamitan. batay sa
nakapaloob sa
bidyo.
13

Rubrik: Post-Test

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman


15 10 5
Nilalaman Naipahayag ng maayos Naipahayag at Hindi gaanong
at konkreto ang napalutang ang naipahayag at
mensahe sa napanood mensahe sa napanood napalutang ang
na bidyo sa na bidyo sa mensahe sa napanood
pagkakasulat ng tula pagkakasulat ng tula na bidyo sa
pagkakasulat ng tula
Komprehensyon Lubos na naunawaan Hindi gaanong ang Hindi naunawaan ang
ang mensahe na mensahe na mensahe na
o Pag-unawa
nakapaloob sa bidyo nakapaloob sa bidyo nakapaloob sa bidyo
presentasyon. presentasyon. presentasyon.
Pagkakabuo Angkop at wasto ang May ilan sa mga Hindi wasto ang mga
mga salitang ginamit salitang ginamit sa salitang ginamit sa
sa pagbubuo ng tulang pagbubuo ng tulang pagbubuo ng tulang
haiku at tanaga. haiku at tanaga ay haiku at tanaga.
hindi angkop at wasto.
Kaugnayan Angkop na angkop ang Kunti lamang ang mga Walang kaugnayan sa
lahat na nailahad sa pahayag na nailahad sa paksa ang mga
tula na may kaugnayan tula na may kaugnayan nailahad sa tula na
sa bidyo sa bidyo may kaugnayan sa
bidyo.
Istilo Ang ginamit na istilo Ang istilo sa Ilan sa mga nasulat ay
ay malinaw, masining pagkakasulat ay hindi malinaw at
at nababasa. malinaw at nababasa. hindi gaanong
nababasa.
Kaangkupang Ang buong tula ay May sukat ngunit hindi Ang buong tula ay
may tamang sukat ang naaayon sa tulang walang sukat na batay
sukat
ginamitan. sa nakapaloob sa
bidyo.

Paraan ng Pagtitipon ng Datos


14

Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng mga impormasyon mula sa mga aklat sa


Filipino, aksyong pananaliksik sa panitikan, mga tesis sa mga silid aklatan ng College of
Teacher Education at paaralang graduado ng University of Northern Philippines at sa internet
para sa pagtitipon ng mga datos na kaugnay para sa isasagawang pag-aaral. Magsusulat ang
mga mag-aaral ng tulang haiku at tanaga. Gagawa rin ang mga mananaliksik ng rubriks na
akma sa pagsulat ng tulang haiku at tanaga bilang pamantayan sa pagbibigay ng puntos.

Paraan ng Pag-aaral
Una, pagplaplano, Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng mga impormasyon at
magtitipon ng mga datos, artikulo at mga kaugnay na literatura sa pananliksik.
Ikalawa, paggawa ng banghay aralin, Ang mga mananaliksik ay gagawa ng
banghay aralin upang maging gabay nila sa kanilang pagtatalakay.

3. ipapawasto ang banghay aralin sa cooperating teacher at sa …

Ikatlo, Pagbuo ng mga pamantayan, Ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang

rubriks upang magsilbing pamantayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tulang haiku at


tanaga.

Ang nabuong rubriks ay kanilang ipapabalideyt at ipapaebalweyt muna sa mga guro


sa Filipino. Bago matapos ang balidasyon at ebalwasyon, irerebisa nila ang krayterya upang
matiyak ang kaangkupan ng instrument sa pag-ebalweyt sa kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng tulang haiku at tanaga.

Ika-pat, Pagsasagawa ng Pre test. Ang mga mananaliksik ay magpapasulat ng tulang


haiku at tanaga sa mga mag-aaral base sa kanilang pagkaunawa dito.

Ika-lima, pagtatalakay, Ang mga mananaliksik ay tatalakayin ang tulang haiku at


tanaga. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng bidyo presentasyon upang mas lalong
maunawaan ng mga mag-aaral ang tula.

Ika-anim, bidyo presentasyon. Sinikap ng mga mananaliksik na maghanap ng bidyo


clip na naayon sa tulang tanaga at haiku at ito ay gagamitin nila upang mas lalong
maunawaan ng mga mag-aaral ang tulang tanaga at haiku.

Ika-pito, Pagbibigay ng post-test. Ang mga mananaliksik ay magbibigay ng posttest


upang gagawa ang mga mag-aaral ng tulang haiku at tanaga base sa kanilang naunawaan sa
15

tinalakay ng mga mananaliksik at ito ang magsisilbing pinal na awtput para sa gagawing
balangkas. Ang mga paksa ay nakabatay mga karakteristik ng tulang haiku at tanaga.

PAGKATAPOS MAKAPAGBIGAY NG POST TEST ANO NA ANG MGA


SUSUNOD NIYO PANG GAGAWIN?

Pagsusuring Istatistikal
Upang masukat at masuri nang mabuti ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
ika-walong baiting ng Naglaoa-an National High School, ang sumusunod ay gagamitin sa
pagsusuring istatistikal sa mga datos na nalikom.

Mean. Ito ay ginamit sa pagkakaiba sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng


tula.
PUMUNTA NA KAYO KAY SIR MARK UPANG TANUNGIN ANO ANG
ANGKOP NA ISTATISTIKAL TOL NAGAGAMITIN NIYO SA INYONG PAG-
AARAL. IPAKITA ANG INYONG PAGLALAHAD NG SULIRANIN.
Hindi pa naman kayo pumunta kay sir Mark at nandito pa ang bilin ko noon sa inyo.
16

MGA SANGGUNIAN
PAKIBASA AT UNAWAING MABUTI ANG BINIGAY KUNG KOPYA SA
PAGSULAT NG APA 7TH EDITION.

Dito sa sanggunian dapat alphabetically arrange


Ang mga binanggit niyo dito sa inyong sanggunian ay karamihan ay wala naman sa
loob ng inyong pananaliksik si Ortiz , Orillian at Catungal, at Evasco lang ang Nakita
ko.
Panaglima, M. (2019) Ang Panitikan
https://www.slideshare.net/MarlenePanaglima/ang-panitikan-198812758

Davis, B. (2021) Paano Nakaapekto Ang Panitikan sa Lipunan


https://firstpresdayton.org/what-is-review-of-literature-in-research

Gavino et. al., (2016) Final Proposal


http://aprelboy.blogspot.com/2016/06/final-proposal.html?m=1

Abegail. (2008). Ano ang Panitikan


https://www.coursehero.com/file/73521530/PANITIKANdocx/

Palao, J. (2018). Lakbay Sa Panitikan


17

https://lakbaysapanitikan.wordpress.com
Gotera at Villaverde (2008). Tula: Haiku, Tanka, Tanga.
https://www.scribd.com/document/426989279/Tanka-Haiku-Tanaga
Castillo, J. (2016) Sulyap Haikung Pilipino
https://www.academia.edu/22637390/SULYAP_HAIKUNG_PILIPINO

Encinas, M. et., Al (2022)


https://www.studypool.com/documents/10561829/final-thesis?
fbclid=IwAR0V2caZW7ptMx6Qeib0IH5tbE34pbO11R7ddncS3njuFvuncREwJ3Tjkns

Victoria.( 2019). Pananaliksik Epekto ng Educational Video.

https://www.coursehero.com/file/139389580/406124620-Pananaliksik-Epekto-Ng-
Educational-Videodocx/

Aton.(2007). Papel ng Pananaliksik, Kabanata I


https://translate.google.com/translate?hl=en&sl=tl&u=https://www.academia.edu/
34377631/Papel_pananaliksik_KABANATA_I&prev=search&pto=aue

Sampath et al., (2007) Thesis Final I. Kabnata I. Kaligiran at Suliranin pahina 2


https://www.academia.edu/28402119/THESIS_FINAL_1

Bracelo.(2007).Pananaliksik: Epekto ng Pagkatuto sa pag-aaral ng mag-aaral ng Baitang 11.


https://www.studypool.com/documents/6740861/pananaliksik

Jonassen (2008). Thesis Final I. Kabnata I. Kaligiran at Suliranin pahina 2

https://www.academia.edu/28402119/THESIS_FINAL_1

Orito, R. (2021). Panunuring Pampanitikan


https://www.academia.edu/13013128/panunuring_pampanitikan

Ortiz. (2008).Thesis 123


https://www.scribd.com/doc/285084885/thesis-123
18

SAAN KO A KAYAT NGA DURING THE PROPOSAL KET DAGUITAN TO LANG


SANGGUNIAN ITI RRL ITI ICOMCOMMENT DA MANEN NGA SAAN MAKITA
DITA SANGGUNIAN YON. ISU NGA UBRAEN U DAYTA SANGGUNIAN NIYO.

INAASAHAN KO NA MAY VIDEO PRESENTATION NA KAYO PARA SA POST TEST


NIYO. KAILANGAN MAKITA NILA ITO DURING THE PROPOSAL. SAAN KO
KAYAT NGA INTO NO FINAL DEFENSE KET IBAGA DA WRONG OR
NAMAYMAYAT KOMA NO ITI VIDEO PRESENTATION DA KET KASTOY….
ATLEAST INTO PROPOSAL KET MAKITA DAN TA MAKAPAGSAUGGEXT DAN ITI
SABALI NO HINDO PASADO YANG PINILI NIYO.

You might also like