You are on page 1of 33

1

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO

Panimula

Ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang TITIK na may unlaping PANG (na

naging PAN dahil sa tuntuning pangwika na pan ang gagamitin kapag ang kasunod na

salitang-ugat ay nagsisimula sa d, l, r, s, at t) at hulaping AN. Ito ang salitang panumbas

ng Filipino sa salitang Literatura o literature na kapwa nakabatay sa salitang Latin na

“litera” na ang ibig sabihin ay letra o tiitk. Ito ang pinag-ugatan ng salitang Panitikan

ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban.

Ang panitikan ay walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao

ukol sa pamahalaan, lipunan, mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnayan

sa iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,

pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang pagsulat ng tuluyan o

prosa at patula. Ang Patula ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng

maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng

mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang dito ang mga

sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan. Mga

tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay,

ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan. Ang mga halimbawa nito ay ang awit , korido,

epiko, balad, sawikain, salawikain, bugtong, kantahin, tanaga, at tula.


2

Samantalang ang Tuluyan o Prosa naman ay nabubuo sa pamamagitan ng

malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil

ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda sa paglikha ng kanyang sariling

panitikan. Kabilang dito ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat,

pabula, talambuhay, sanaysay, balita, editorial, anekdota, parabula, sanaysay,

talambuhay, talumpati, kuwentong bayan, salawikain, kasabihan, at alamat.

Subalit upang maiba ang panitikan mula sa ilang mga walang ganong saysay na

babasahin o patalastas lamang ay nililikha ito bilang mainam na pagsulat na may anyo,

pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may

hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang

sulating pampanitikan. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng

literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting

likhang pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.

Batid na marahil ng marami na ang panitikan ay may malaking impluwensya sa

buhay ng bawat tao lalo’t higit sa Pilipinas. Ano nga kaya ang dahilan kung bakit natin

kailangan malaman at mapag-aralan ang Panitikan? Ilan sa mga dahilang nakalap ng

mananaliksik ay ang mga sumusunod: (1) upang makilala ang kalinangang Pilipino,

malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating

pinagmulan; (2) upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na

nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t

ibang mga bansa; (3) upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at
3

makapagsanay upang maiwasto ang mga ito; (4) upang malaman ang ating mga

kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.

Nag-uugat ang lahat ng likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan

ng kalinangang pinagmulan nito. Dahil marahil ang mga Pilipino ay sadyang malikhain

kaya ganoon na lamang ang pagtangkilik sa lahat ng akdang pampanitikan. Bilang mga

Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-

aralan ang ating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling

atin.

Malaki ang kontribusyon ng Panitikan sa kasaysayan dahil dito natin makikita

kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, nobela, kantahin, o

talumpati nalalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at

sa kanilang mga buhay.

Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad

ng mga sulatin ni Dr. Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng

mga Pilipino noong panahon ng Kastila.

Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga

tekstong pampanitikan. Isa itong metodolohiya na nagpapakita ng mga bagay, karanasan,

at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat,

paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

Ngunit paano nga kaya ito itinuturo sa makabagong panahon ng mga guro lalo’t

higit ng mga guro sa hayskul? May bago kaya silang mga istratehiya o pamamaran para
4

mapagtuunan ito ng mga bata? Ano nga kaya ang ginagamit ng mga kasalukuyang

kaguruan sa pagtuturo ng panitikan?

Boses na marahil ang puhunan ng bawat guro, para na syang isang mang-aawit na

nais madinig ang kanyang tinig. Ngunit ano na lamang ang kahihinatnan niya kung sa

bawat pag-awit niya ay waring hangin lamang na pumapasok at lumalabas agad sa mga

tainga ng kanyang mga mag-aaral. Sa dami nang karibal ng mga mag-aaral sa atensyon sa

pag-aaral sa global na panahon, paano? Paano pa maituturo ang makalumang paksa para

sa kanila?

Ayon kay R.J. David (2008), ang makabagong teknolohiya at kalakaran ng

kapaligiran sa ngayon ay hindi maituturing na BANTA sa isang epektibong pagtuturo

bagkus ito ay magsisilbing HAMON sa isang guro, isang hamon upang makabuo ng

isang malikhaing guro o creative teacher, para makabuo rin ng isang malikhaing mag-

aaral at malikhaing klasrum pangwika o language classroom.

Ayon naman sa mga ekspertong sina Stevick at Curran (2006) na sinipi ni David

(2008), ang susi ng matagumpay na gawaing pagtuturo at pagkatuto sa loob ng klasrum

ay nakasalalay sa relasyon ng mga guro at mag-aaral. Madaling natututo ang mag-aaral

kung sila ay nasisiyahan sa kanilang pag-aaral, at higit na nagaganyak ang guro sa

kanyang pagtuturo kung nakikita niyang nasisyahan ang kanyang mga mag-aaral.

Dito na papasok ang paggamit nang naaangkop na estratehiya sa pagtalakay ng

isang panitikan. Ano nga ba ang estratehiya? Ang salitang estratehiya (strategy) “line of

attact” na nagsisilbing pamamaraan o planadong gawain para sa isang paksa. Ito ang mga
5

magagawang paraan ng isang guro upang maituro at maintindihan ng maigi ng mga mag-

aaral ang paksang kanilang tinatalakay. Layunin din ng mga guro na maging aktibo,

magkaroon ng tuluyan na talakayan at matatatak sa mga utak ng kanyang mga mag-aaral

ang kanyang mga tinatalakay lalo’t higit sa pag-aaral ng panitikan.

Tatangkain ng mga mananaliksik na malaman ang mga estratehiya na ginagamit

sa pagtuturo ng Panitikan sa makateknolohiyang panahon. Sa panahong mas gamitin ang

mga teknolohiya sa pagtalakay ng samu’t saring paksa sa mga mag-aaral sa sekondaryang

antas. Teknolohiya na ba talaga ang gamit o may natitira pang tradisyunal na

pamamaraan sa pagtuturo ng panitikan na sa isip ng mga mag-aaral ay sadyang makapal

na ang alikabok na bumabalot dito. May pagpapahalaga pa nga ba ang mga mag-aaral sa

ibat’ ibang katha sa panitikan? Isa sa mga akdang nagtaas sa ating pagiging makatao sa

paniniil ng mga mananakop. Sapat nga kaya ang mga kaalaman ng mga guro sa pagtuturo

ng panitikan gamit ang iba’t ibang dulog na sinasabing gamitin sa pagtalakay? Ano kaya

ang maitutulong nito sa mananaliksik sa isasagawang pag-aaral ukol sa estratehiya? Ano

rin kaya ang magiging tugon ng mga mag-aaral sa estratehiyana sa kanila’y inilalapat ng

kanilang mga guro? Mas nakakabuti kaya ito sa kanilang pag-aaral tungkol sa panitikan,

bagama’t makaluma ang mga ito? Ano pa kaya ang maaring malinang sa mga mag-aaral

kung makabagong estratehiya ang sinusubok ng mga guro sa kanilang pagtuturo?


6

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang tukuyin ang mga estratehiyang

ginagamit sa pagtuturo ng Panitikan ng mga guro sa Dr. Felipe De Jesus National High

School, 2013-2014.

Naglalayon itong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang ilang demograpikong aspekto ng mga respondente na may

kaugnayan sa personal na impormasyon ng mga guro?

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Educational attainment

1.4 Tagal ng panahon sa pagtuturo

2. Anu-ano ang mga estratehiya na madalas gamitin ng mga guro sa pagtuturo ng

Panitikan?

2.1 Patulang anyo

2.1.1 Indibidwal na pamamaraan

2.1.2 Pangkatang pamamaraan

2.1.3 Paggamit ng iba’t ibang biswal at teknolohiya

2.1.4 Paggamit ng rubric

2.1.5 Pagtalakay sa moral na aral

2.2 Tuluyang anyo

2.2.1 Indibidwal na pamamaraan


7

2.2.2 Pangkatang pamamaraan

2.1.3 Paggamit ng iba’t ibang biswal at teknolohiya

2.1.4 Paggamit ng rubric

2.1.5 Pagtalakay sa moral na aral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahang natuklasan sa pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan sa

mga sumusunod:

Tagapagplano ng Kurikulum. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng

makabuluhang impormasyon tungkol sa paggamit ng angkop at napapanahong

estratehiya sa pagtuturo ng Panitikan. At mula dito, makabubuo sila o di kaya ay

maaaring makadagdag ito sa mas nararapat na kurikulum sa Filipino para sa nasabing

paksa. Sa madaling sabi, makatutulong ito upang mas mapaganda at maging epektibo ang

pagtuturo ng mga guro para sa kawilihan ng mga mag-aaral.

Mga Guro. Ito ay tutulong sa kanila upang makadagdag sa kanilang pagiging

epektibo sa pagtuturo ng Panitikan. Mas magiging kawili-wili ang talakayan sapagkat

sumasakto ang pamamaraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral ng panahong kasalukuyan.

Mga Mag-aaral. Ang interes ng kanilang pakikinig at pakikibahagi sa talakayan

ay malaki ang posibilidad na tumaaas sapagkat ang estratehiya na gagamitin para sa

kanila ay naaayon sa kawilihan ng mga mag-aaral sa panahon ngayon.


8

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nauukol sa kung anong estratehiya ang

pinakaginagamit sa pagtuturo ng Panitikan ng mga guro sa Dr. Felipe De Jesus National

High School, taong panuruan 2013-2014. Ito ay nakatuon sa paghahanap at pag-alam ng

naaangkop na estratehiya na nagdudulot ng malaking kabisaan sa pagtuturo ng panitikan.

Mula sa Dr. Felipe De Jesus National High School, sinakop ng pananaliksik na ito

ang lahat ng mga kaguruan na nagtuturo ng Panitikan sa asignaturang Ingles at Filipino

ng nasabing paaralan.

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan bilang paraan upang


maisakatuparan ang pag-aaral.

Katuturan ng mga Katawagan

Ang mga sumusunod ay mga mahalagang terminilohiya at kaisipan na ginamit ng

kasalukuyang mananaliksik na nakapaloob sa mga tinalakay na kabanata. Sinikap nitong

malapatan ng katuturan upang magsilbing patnubay at magbigay liwanag sa isip at pag-

unawa ng mga mambabasa ang mga naturang katawagan:

Panitikan- Ito ay walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa

pamahalaan, lipunan, mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnayan sa iba’t

ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,

paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.


9

Patula- Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga

taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng

mga taludtod sa bawat saknong.

Tuluyan o Prosa naman ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng

mga salita sa mga pangungusap.

Tala sa Kabanata I

Rodel Juala David, “Mungkahing Sariling Linangan para sa Paglinang ng

Kasaysayan sa Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa Ikalawang Taon sa Mataas na Paaralan

ng Don Bosco Academy”, (Di-nalimbag na Masteral Tesis, Bulacan State University,

Lungsod ng Malolos, Bulacan, 2008).

“Panitikan”, Binuksan noong Marso 4, 2014 mula sa

tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan

“Panitikan”, Binuksan noong Marso 4, 2014 mula sa

www.takdangaralin.com/filipino/panitikan/panitikang-pilipino-ang-panitikan-at-mga-uri-

nito/
10

Kabanata II

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Tungo sa mas malalim at higit na malawak na pagtakay at pag-unawa sa paksa ng

pag-aaral na ito, ang mga kugnay na teorya, literatura at pag-aaral ay inilahad sa

kabanatang ito. Ang mga datos na nagmula sa pagsusuri ng mga ito ay nagbigay

kaugnayan sa mga kaisipang dapat talakayin at katanungang binigyang kasagutan sa

ginawang pananaliksik.

Sa bahagi ring ito, makikita ang paradigma ng pananaliksik. Gayundin, ang mga

katuturan ng mga terminong ginamit sa pagsasaliksik.

Kaugnay na Teorya

Ang kaugnay na teorya ang nagsisilbing listahan ng mga gawing pinag-aralan at

lubos na pinagtuunan ng maraming panahon upang sa gayon ay mabigyang katwiran ang

mga bagay-bagay. Lalo’t higit sa mga nag-aaral sa iba’t ibang sulok at salik ng mga pag-

aaral na naisagawa, isinasagawa at isasagawa pa lamang.

Mga Kaugnay na Teorya

Upang lubos na maging malawak at malalim ang pagkakaunawa at kaalaman ng

mga mananaliksik sa pag-aaral hinggil sa estratehiyang ginagamit ng mga guro sa

pagtuturo ng Panitikan sa hayskul. Ang mga mananaliksik na ito ay masusing nagbasa ng

iba’t ibang aklat, tesis, at mga lathalain na may malaking kaugnayan sa pag-aaral na ito.
11

Kapag Panitikan ang pinag-uusapan, dapat munang unahin ang mga prinsipyo o

ang tinatawag ni Dr. Rufino Alejandro na sinipi ni Lucas (2008), na mga pananalig.

Dapat malaman ng mga titser ang mga sumusunod upang hindi naman maging parang

iisang bagay lamang na titingnan ang isang akdang pampanitikan.

Klasismo. Sa pananalig na ito, nangingibabaw ang isip kaysa damdamin,

dalawang bias ng Panitikan na maaaring mangibabaw ang isa sa isa. Sa akdang klasiko,

mahalaga at pili ang mga kilos, salita at galaw ng mga tauhan, kung kaya maaaring

magkaroon ng pagpatay nang walang dugo, ng panghahalay na hindi kailangang hubaran

ang babae at isang pulot-gata na hindi kailangang masilip lamang.

Romantisismo. Kabaligtaran ng klasismo, dito’y damdamin ang nangingibabaw,

pag-ibig ang pangunahing halimbawa nito pagkat ang sinumang umiibig ay kadalasang

hindi ginagamit ang pag-iisip. Makakakita ang mga bata rito ng mga bagay o

pangyayaring hindi tunay na nagaganap sa buhay at nangyayari lamang sa bisa ng

damdamin tulad ng mga lumilipad na karpet o kaya ay mga lumilipad na kabayo sa

ibabaw ng bahaghari.

Realismo. Buhat sa salita pa lamang, hangad na ito ang katotohanan. Kung kaya,

kinakailangan dito ang dugo upang patayin, ang pagpunit ng damit at pagpapakita ng

maselang bahagi ng katawan upang may patunayang panghahalay, at mangyari pa, ang

mainit na eksena ng pulot-gata.

Naturalismo. Ayon kay Dr. Alejandro, kilala ito na “realism fotografico” pagkat

malapit na sa mga bawal (taboo). Sa naturalism, higit na hinihimay ang mga eksena.
12

Surealismo. Nababatay ito sa panaginip, kung ang mga akdang tulad nito ay hindi

agad mauunawaan ng mga nakikinig o bumabasa.

Marxismo. Ipinakikita rito ang kalimitang tunggalian: tao laban sa kanyang sarili,

sa kapwa tao, sa lipunan at maging sa kalikasan.

Eksistensyalismo. Ayon kay Villafuerte, walan tiyak na simulain ang

eksistensyalismo. Layon lamang nito ang pagkakaroon ng sistema ng paniniwalang

pinahahalagahnan upang mabuhay. Halimbawa nitoan akdang “ Ako ang Daigdig” ni

Alejandro G. Abadilla.

Feminismo. Isang radikal na paniniwalang kayan patunayan, kun hindi man

lagpasan ng kababaihan ang mga katangian n mga kalalakihan. Sa mga akdang tulad nito,

ang lalaki at hindi ang babae ang umiiyak, nawawasak ang pagkatao at nasisira ang

kinabukasan.

Dekonstruksyon. Mahalaga sa paniniwalang ito ang tekstwalidad. Para sa mga

paniniwala, an wika ang lahat. An mundo mismo ay isang teksto. Ang wika ay hindi

lamang nasa libro, kundi na sa pagsasalita, sa kasaysayan at sa kultura.

Modernismo. Isang paniniwalang dapat na wasakin ang kung ano man ang luma.

Ang tanging pinagtutuunan nito ng pansin ay ang mga bagay at akdang napapanahon.

Kapag malinaw na ang mga prinsipyo, dapat nang ilapat ang mga pagdulog. Nasa

ibaba ang mga pangunahing pagdulog na mabisang gamitin mula sa antas ng sekondarya.

Formalistik. Pagsusuri ito ng mga lantad ng katangian ng akda: ang porma, ang
13

ilang taludtod, ang pamagat, ang bilang ng mga kabanata at iba pa.

Sosyohohikal. Ang karakter ay ipinalalagay na biktima ng lipunang kanyang

ginagalawan. Siya ba ay nag-iisip, nagsasalita at kumikilos batay sa dikta ng kanyang

kapaligiran?

Historical-Biografikal. Mga pagdulog na ang layunin ay hukayin ang mga

nakalipas lalo pa’t ang akda ay kasasaliman ng karanasan ng mismong awtor o isang

impleksyon kaya ng isang takdang panahon.

Moral-Filosopikal. Pinipiga ng isang manunuri ang akda batay sa mga dayalog at

siping sabi na magpapatunay ng tunay na layunin ng pagkakasulat.

Arketipal. Isang mabusising pagsusuri na kinakailangan ang matiyagang pag-

aaral at paglalapat ng mga universal na simbolo at hulwaran (pattern). Sa ilalim ng

hulwaran, nariyan ang paglikha (Creation), Kawalang Kamatayan (Immortality) at

Arketaypal na Bayani (Hero Archetype).

Sinasabi ng modernong kritisismo na hayaan lamang natin ang akdang

umangkop sa buhay ng ating mga mag-aaral. Huwag nating ipilit ang hindi para sa kanila,

ngunit sikaping ilapat naman ang nararapat sa hayskul at sa kolehiyo (Garcia, 2001).

Ang mga teoryang nabanggit ay ginagamit sa pagtuturo ng Panitikan, partikular

na sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Bawat teoryang nabanggit ay may

kaukulang katuturan na magsisilbing batayan sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan.

Ang lahat ng mga pamamaraan, istratehiya at maging ang mga pagdulog o lapit sa
14

pagtuturo ay nakasalig o nakabatay sa bawat teorya. Hindi ganap na magiging mabisa ang

anumang pamamaraan o istratehiyang gagamitin sa pagtuturo kung walang pananaliksik

na isinagawa ng mga ilang dalubhasa sa isang siyentipiko paraan. Ito ay may mga salik

na nakapaloob at prosesong pinagdadaanan bago ito maituturing na teorya.

Bagaman ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga mabisang istratehiya sa

pagtuturo ng guro sa Panitikan sa Hayskul. Gayunpaman, sa paggamit ng mga istratehiya

maaaring pumaloob ang mga nasabing teorya bilang batayan ng mga istratehiyang ito.

Nabanggit din sa kaugnay na teorya ang iba’t ibang paraan ng pagbasa maging iba’t

ibang pagdulog. Bagaman ang pokus ng pag-aaral na ito ay sa mga istratehiya lamang na

ginagamit sa pagtuturo ng Panitikan ng mga guro sa hayskul mula sa Dr. Felipe De Jesus

National High School.

Kaugnay na Literatura

Ang kaugnay na literatura ay sasakop sa napakalaking parte sa pagbuo ng isang

pag-aaral. Isa rin itong batayang naglalaman naman ng samu’t saring ideya tungkol sa

pag-aaral. Lahat ng kinakailangan o nauugnay na akda, depenisyon at iba pa ay

mapapabilang dito.

Mga kaugnay na Literatura

Ayon kay Sloan (1975), na sinipi ni Lucas (2008), kinakailangan alisin sa

pagtuturo ng Panitikan ang nakasanayang paraan ng pagtuturo nito na mala-kwentong

Cinderella. Matagal na ring itinuturo sa loob ng klasrum ang kasanayan sa pagbasa,


15

pagkintal ng mga moral na pagpapahalaga, paglinang ng positibong konsepto, o di kaya

ay maglahad ng mga pananaw sa kasaysayan ng lahi at isang bansa. Totoong ang

Panitikan ay gamitin at makabuluhan sa pagtupad ng mga bagay na nabanggit at marami

pang iba. Ngunit, ang panitikan una sa lahat ay isang sining at kinakailangan maituro sa

sariling kakayahan at pamanang pagpapahalaga. Lahat ng kaugnay sa pag- aaral ng

panitikan ay pumapangalawa lamang sa dapat isa alang-alang.

Ayon kay Sloan, kailangan ituro ang Panitikan sa sarili nitong kakayahan at sa

natatangi nitong pamamaraan. Katulad sa pag-aaral na ito ang mananaliksik ay nag

hangad ding maipakita ang mga mabibisang istratehiya na ginagamit sa pagtuturo ng

Panitikan at ang nagging epekto sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sinabi naman ni Fader (1976), ang mabuting literatura ay humihikayat sa

kabataang mambabasa na basahin nang paulit-ulit ang paboritong aklat. Ang paulit-ulit na

pagbabasa na ito ay humihila sa mga bata na tuklasin ang mga mahahalagang element

ng kaalamang decoding tulad ng relasyon ng titik at tunog na paboritong salita,

paggamit ng kontekstong pahiwatig para malaman ang kahulugan ng bagong salita.

Pinakakagat natin sa bitag na libro ang mga kabataang mambabasa, “hooked on books”,

upang sila ay magbasa nang magbasa ng paborito nilang karanasang panliteratura. Kapag

nahuli na sila sa bitag magkakaroon na sila ng higit na pagkakataong kumilala ng mga

salita at ito ay nagreresulta sa automatic na kasanayan sa decoding.

Ang binanggit ni Fader ay hinggil sa mga teknik sa pagbabasa ng Panitikan,

samantalang ang pag-aaral na ito ay binibigyang pansin ang mga estratehiyang ginagamit
16

ng guro sa pagtuturo ng Panitikan at mga teknik sa pagbabasa ng Panitikan ay maaaring

pumaloob lamang sa mga pistratehiyang ito.

Binanggit naman nina Taylor at Strickland (1986), ang literatura ay mahalaga sa

pag-develop ng emergent literacy sa tahanan at paaralan. Ang mga magulang na

binabasahan ang mga anak ay inihahanda ang mga ito sa magiging karanasan sa pagbasa

sa darating na panahon sa paaralan.

Sa kasalukuyang pag-aaral, ang katungkulan lang ng mga guro sa pagtuturo ng

Panitikan ang binibigyang pansin gaya ng paggamit ng mga iba’t ibang istratehiya at

kung gaano kabisa ang mga ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Walang kinalaman dito

ang tungkulin ng mga magulang sa pagkatuto ng kanilang mga anak o ng mga mag-aaral.

Sinabi naman nina Clay (1989) at Cochran-Smith (1984), ang palagiang

pagbabasa nang malakas sa mga bata ang isa sa pinakamahalagang magagawa ng mga

magulang sa pagdevelop ng literasi. Nadedevelop ang kanilang kasiyahan sa pagbabasa,

nalalaman nila na ang pagbabasa ay mula kaliwa pakanan, na ang nasusulat na salita ay

may kaugnayan sa sinasalitang wika, ang kwento ay may tiyak na istruktura, ang mga

titik ay ginagamit para makabuo ng pangungusap at iba pa.

Sinang-ayunan naman ito nina Tunnel at Jacobs (1989), ang katulad na karanasan

sa naunang dalawang pahayag na ang paulit-ulit na pagbabasa ng mga akdang

pampanitikan ay makatutulong sa pang-unawa ng mga mag-aaral at makatutulong din ng

malaki ang pagbabasa ng mga magulang sa kanilang mga anak sa paglinang ng kanilang

literasi.
17

Bagaman, maaaring pumasok ang pagbabasa ng Panitikan sa mga estratehiyang

ginagamit ng guro sa pagtuturo ng Panitikan, hindi ang iba’t ibang paraan sa pagbabasa

ang nais pag-ukulan ng pansin sa pag-aaral na ito, kundi ang kabuuang estratehiyang

ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Panitikan. Wala ring kinalaman sa pag-aaral na

ito, ang papel ng mga magulang sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ayon naman kina Haris at Sipay (1990), ang literature ay may malaking epekto sa

interes, motibasyon at tugong emosyunal, tatlong mahalagang aspektong afektiv. Ang

mabuting literatura ay nakapupukaw ng interes at nahihikayat sa mga mag-aaral. Ang

mga interes ng mga mambabasa ay naglalaan ng higit na panahon sa pagbabasa kaysa

higit na maraming kapaki-pakinabang na karanasang nakukuha. Sila ay handang maglaan

ng panahon sa pagkilala sa mahihirap na salita, manghula sa mga kahulugan ng mga di-

pamilyar na salita at mag-isip ng kritikal sa kanilang binabasa. Ang may interes na

mambabasa ay nahikayat na mambabasa na madaling natututo sa mga karanasan sa

pagbabasa. Ang literatura ay nakakatulong din sa mga mag-aaral sa nakikipagsapalarang

mauunawaan ang katotohanan ng buhay. Sa madalas na pagkakataon ay nakukuha sila ng

suportang emosyonal sa mga kwentong ang pinapaksa ay ukol sa hinahangad nilang

maunawaan-kamatayan, pagmamahal, takot, ugnayang-personal, respeto sa sarili.

Ipinapakita ng literature na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga nadarama at madalas ay

nagbibigay ito ng solusyon sa mga isyung pansariling konsern.

Pangunahing layunin ng kabataang mambabasa ay madevelop nang otomatiko

ang kasanayan sa dekowding o husay sa pagbabasa. Ang otomatikong dekowding ay

nagpapahintulot sa mga mambabasa na magpokus ng atensyon sa kahulugan ng teksto at


18

sa kanilang reaksyon, ang komprehensyon at reaksyon ay napagbubuti sa pamamagitan

ng pagdevelop sa otomatikong dekowding.

Ayon naman kay Natividad na sinipi ni Lucas (2008), ang mga kaalaman sa mga

pamamaraan sa pagtuturo na Panitikan ay makapipili ng mga nilalaman, makapag-aayos-

ayos ng mga kagamitang pampagtuturo at malikhain sa mga aralin sa pagsasanay. Ang

mabisang pagtuturo ng Filipino ay nagagawa ng mga gurong may sapat na kaalaman sa

mga malikhaing pamamaraan at iba pang mabisang paraan ng pagtuturo.

Ang kaalaman sa Panitikan ay makatutulong sa isang Guro sa pagtukoy ng mga

layunin sa pagkatuto sa pagkaalam sa mga paraan o pamamaraan ng pagtuturo sa pagtaya

sa kaangkupan ng isang pagbabago sa pagtuturo ng Panitikan at sa pag-aayos ng mga

dapat ituro sa Panitika. Ang isang gurong may nalalaman sa araling pagpapahalaga, sa

mga teknik sa pagtuturo ay higit na magiging matagumpay sa kanyang mga gawain kaysa

sa isang gurong mga teknik lamang ang alam.

Sa mungkahing patnubay sa mabisang pagtuturo dapat na isaalang-alang ang mga

pamamaraan at istratehiyang gagamitin. Dapat alalahanin ang katumpakan ng

pamamaraan, gayundin ang kaalaman ng guro sa paggamit nito. Sa puntong ito

inaasahang may sapat na kasanayan ang guro sa paggamit ng mga pamamaraan at

istratehiya sa pagtuturo, kaalaman sa sikolohiya ng mga batang mag-aaral at sikolohiyang

pang-edukasyon.

Ayon kay Badayos na sinipi ni Lucas (2008), may malaking bagay na nagagawa

ang paraan ng pag-aaral at pagtuturo ng Panitikan sa ating mga paaralan. Hinahayaan


19

nating magdaos ng paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng nilalaman ng

Panitikan. Naging maluwag tayo sa pagsasabing “magaling” sa sinumang makasasagot

ng mga tanong na ang simula ay Sino, Ano, Alin, Kailan, Saan tungkol, sa itinakdang

aralin sa Panitikan.

Idinagdag pa ni Badayos, hindi tumutugon sa tunay na kalikasan ng Panitikan ang

karaniwang pag-aaral nito. Sa pag-aaral ng isang akdang pampanitikan, malimit nang

sinasabi ng guro kung ano ang makikita at madarama sa akda. Ang tungkulin niya na

iparanas sa mga mag-aaral ang kabuuan ng akda ay tuluyan nang kinalilimutan.

Huwag pa rin nating kalilimutan ang pagiging malikhain. Isang pambihirang

katangian ng guro ang pagiging malikhain. Ito’y isang katangiang dapat taglayin ng

bawat guro upang ang pagtuturo at pagkatuto ay magaan, mabilis, makahulugan, mabisa

at kasiya-siya.

Binigyang pansin naman ni Badayos ang nagiging epekto ng tradisyunal na

paraan ng pagtuturo ng Panitikan na higit na tutok sa pagmememorya. Nararapat daw na

maging malikhain ang guro sa pagtuturo ng Panitikan. Ang kaugnayan nito sa

kasalukuyang pag-aaral ay makikita sa resulta ng pag-aaral na ito ang mga mabibisang

istratehiya na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Panitikan at kung anu-ano sa mga

istratehiyang ito ang higit na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral, maging ito

man ay tradisyunal man o makabago.

Ayon kay Simbulan na sinipi ni Lucas (2008), hindi natin maituturo ang Panitikan

sa pamamagitan ng labi lamang, dapat tayong magkaroon ng isang pusong nakakaunawa


20

upang makayang pakahulugan ang mga damdamin ng may akda, ang kanyang hinagpis at

kaligayahn, isang makata, masilipang nakatambad na daigdig ng kagandahan at

kapangitan nang buong kaluwalhatian at pagkilala, maunawaan ang kahulugan ng isang

hungkag na tagumpay, ang pamumulaklak ng isang pag-ibig at ang mabilis na paglipas

nito. Kailangan natin ang puso upang malaman at mapahalagahan ang lahat ng ito. Dapat

tayong making sa pintig ng karungan ng puso.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga kaugnay na pag-aaral ay ang nagsilbing napatotohanang mga nailimbag

patungkol sa pag-aaral ng mga mananaliksik. Kaakibat nito ang pag-aaral ng maigi sa

pananaliksik nilang naisagawa.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Marami nang dulog at paraan ang napatunayan ng ilang mga mananaliksik na

ginagamit ng mga guro para sa mabisang pagtuturo ng panitikan. Maging ang mga

edukador sa ibang bansa na alam nating maunlad at nangunguna sa larangan ng

edukasyon ay nagbibigay-diin sa ilang mga dulog na maaaring gamitin ng mga guro.

Higit na kawili-wili at nagiging epektibo ang pagkatuto ng aralin sa wika man o

sa iba pang asignatura kung may baryedad sa mga gawain dahil nawawala ang pagkainip,

pagkabagot, pagkasawa at panlalamig sa pag-aaral (David, 2008).

Anumang estratehiya ay mabisa kung ito ay naaangkop sa uri ng aralin,

kapaligiran, layunin ng pagtuturo, mag-aaral pagdating sa edad, antas ng pag-aaral, at

kahandaang kognitibo at sosyo at emosyonal.


21

Ayon kay Corpuz (1995) sa kanyang isinagawang pag-aaral na sinipi naman ni

Lucas (2008), sa mga estratehiya ay naging mabisang-mabisa sa mga mag-aaral ang

moralistiko at pakwento, samantalang ang pormalistiko, sikolohikal, sosyolohikal, araling

pagpapahalaga, komiks strip at historikal o pangkasaysayan ay mabisa lamang.

Sinabi ni David na ang mga suliraning nararanasan ng mga guro sa pagtuturo ng

Panitikang Filipino katulad ng pagiging tamad ng mga mag-aaral, hindi palabasa,

lumiliban sa klase at di sumasali sa mga gawaing pampanitikan ay hindi naman gaanong

malala. Isang malaking salik lamang ang nagiging dahilan upang maging hindi mabisa

ang pag-aaral sa Panitikang Filipino kung di sapat ang mga audio-visual aids tungkol sa

aralin, nakalilito ang kagamitang pampagtuturo kung paano ito gagamitin, kulang ang

mga karagdagang babasahin ng mga mag-aaral at kulang ang mga kagamitan sa panitikan

sa mga silid-aklatan.

Sa pag-aaral ni Pagkalinawan (2010), binigyang pansin niya ang Pagtuturong

Nakapokus sa Mag-aaral (Learner- Centered Teaching). Ayon sa kanya binibigyang

halaga nito ang pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral o pagkatuto ng mga mag-

aaral.

Ang panahon ngayon ay global na, ang mga mag-aaral ay nahaharap sa

makabagong teknolohiya gaya ng internet at iba pang makabagong paraan ng

komunikasyon. Isa sa nagiging malaking problema ng mga guro ay ang mapanatili ang

interes at atensyon ng mga mag-aaral sa aralin sa loob ng klasrum. Sang-ayon sa isang

pag-aaral, ang dating 30-40 minutong tagal ng interes at atensyon ng isang adult learner
22

ay nagiging 15-20 minuto na lamang.

Sinabi ni Willing (1988; Nunan, 1991; Badayos, 1999) na ang isang gurong

sensitibo at isinasaalang-alang ang istilo sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay makatutulong

upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto (Pagkalinawan, 2010).

Sa pag-aaral ni Willing, pinangkat niya ang mga mag-aaral sa apat at

nagmungkahi siya ng mga naaangkop na estratehiya sa bawat uri.

Uri ng Mag-aaral Estratehiya ng Pag-aaral

1. mga laro
2. mga larawan
Mag-aaral na 3. VCR tapes
“concrete” 4. Pair work
5. Pagsasanay ng wika sa labas ng klasrum
1. pag-aaral ng gramtika
2. pag-aaral ng maraming aklat sa wika
3. pagbabasa ng mga pahayagan
Mag-aaral na 4. pag-aaral nang mag-isa
“analitikal” 5. pag-alam sa pagsusuri ng mga kamalian
sa wika
6. pagtuklas ng mga solusyon sa mga
suliraning inilahad ng guro
1. pagmamasid at pakikinig sa mga
katutubong nagsasalita ng wika
2. pakikipag-usap sa kaibigan na gamit
Estudyanteng ang wikang pinag-aaralan
“communicative” 3. panonood ng programa sa TV sa
23

wikang pinag-aaralan
4. pag-aaral ng mga bagong salita sa
pamamagitan ng pakikinig dito at
paggamit ng akwal na pakikipag-usap
1. mas gusto ang magpapaliwanag nang
lahat tungkol sa wika
2. may sariling batayang aklat
Estudyanteng 3. isinusulat ang lahat ng impormasyon sa
“authority oriented” notbuk
4. pinag-aaralan ang balarila
5. nagbabasa para matuto
6. natutuhan ang mga bagong salita kung
makikita ang mga ito
Talahanayan Blg. 1: Uri ng Mag-aaral at Naaangkop na Estratehiya ng pag-aaral

Dapat paniwalaan ng mga guro na ang mga makabagong teknolohiya at kalakaran

ng kapaligiran sa ngayon ay hindi maituturing na banta sa isang epektibong pagtuturo

bagkus ito ay magsisilbing hamon sa isang guro, isang hamon upang makabuo ng isang

malikhaing guro o creative teachers, para makabuo rin ng isang malikhaing mag-aaral o

creative students.

Ayon sa mga ekspertong sina Stevick, Curran at mga kasama, ang susi ng

tagumpay sa gawaing pagtuturo at pagkatuto sa loob ng klasrum ay nakasalalay sa

relasyon ng mga guro at mag-aaral. Madaling natututo ang mag-aaral kung sila ay

nasisiyahan sa kanilang pag-aaral, at higit na nagaganyak ang guro sa kanyang pagtuturo

kung nakikita niyang nasisiyahan ang kanyang mag-aaral (Pagkalinawan, 2010).


24

Sa tradisyonal na talakayan sa klasrum, ang guro ang laging sentro ng talakayan,

siya ang may malaking bahagdan ng gawain lalo na sa pagsasalita samantalang ang mga

mag-aaral ay tagapakinig o tagasunod lamang. Ang mahusay na klasrum ay yaong may

aktibong interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral, at mag-aaral sa kanyang kapwa

mag-aaral. Ang guro ang nagsisilbing tagapatnubay/pasiliteytor (facilitator) lamang sa

iba’t ibang gawain sa klasrum at ang mga mag-aaral naman ay aktibong nakikilahok sa

iba’t ibang gawaing pampanitikan.

Batay naman sa pag-aaral nina Hwang at Embi (2007), ang mga gurong kanilang

nakatulong upang maisakatuparan ang kanilang pag-aaral ay nagpapakita ng malaking

layon sa paggamit ng paraphrastic approach at information-based approach sa pagtutro

ng Panitikan sa wikang Ingles naman. Malinaw na ang mga mag-aaral ay hinihiling na

magbasa ng malakas para sa buong klase. Kasunod nito ang pagbibigay halimbawa at

paliwanag ng guro patungkol sa akdang binasa. Ganunpaman, mapapansin din na ang

mga guro ay binabasang muli ang akda sa buong klase, kasunod ang paglilinaw sa mga

di-pamilyar na salita na matatagpuan sa akda.

Haypotesis sa Isinagawang Pag-aaral

Ang paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ay makapagdudulot ng

mabisang pagkatuto sa mga mag-aaral kung mailalapit ng maayos. Ang pamamaraan ng

pagtuturo ay makasasabay sa napapanahong pag-unlad ng teknolohiya lalo’t higit ay sa

mga global na mag-aaral sa kasalukuyan


25

Konseptuwal na Balangkas

Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng kuryusidad kung ano ang ginagamit na

mga estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng panitikan. Ginagamitan na nga ba nila

ngayon ang mga mag-aaral ng napapanahong estratehiya sa pagtuturo ng panitikan

upang sa ganon ay hindi sila mawalan ng interes at magpatuloy sa pakakaroon ng ideya at

pag-ibig sa pag-aaral ng panitikan. Dito nabuo ang konsepto ng pag-aaral na ito.

MALAYANG BARYABOL DI-MALAYANG BARYABOL

1. Personal na impormasyon
1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Educational attainment
1.4 Tagal ng panahon sa pagtuturo

2. Estratehiya sa pagtuturo ng Ginagamit na estratehiya ng mga guro


panitikan sa pagtuturo ng panitikan.
A. Patulang anyo
B. Tuluyang anyo
2.1 indibidwal na pamamaraan
2.2 pangkatang pamamaraan
2.3 paggamit ng iba’t ibang biswal
at teknolohiya
2.4 paggamit ng rubric
2.5 pagtalakay sa moral na aral

Dayagram 1: Balangkas ng Konseptuwal ng Pag-aaraAng arrow na nasa gitna ng


dalawang kahon ang nagpapakita ng koneksyon o daloy ng mga baryabol mula sa
malayang baryabol patungong di-malayang baryabol.
26

Tala sa Kabanata II

Diana Hwang at Mohamed Amin Embi, “APPROACHES EMPLOYED

BY SECONDARY SCHOOL TEACHERS TO TEACHING THE LITERATURE

COMPONENT IN ENGLISH”, Faculty of Educational Studies, University Kebangsaan

Malaysia, 43600 UKM Bangi, Selangor, Malaysia 2007.

Dr. Leticia Cantal – Pagkalinawan, “Isang Malikhaing Pagtuturo ng

WikaTungo sa Paglinang ng Kasanayang Pangkomunikatibo: Mga Tunguhin at

Estratehiya”, January 2010.

Fe Fuentes Faundo, “Mukhang Sanaysay Aklat ng Wika at Pagbasa para sa

Mag-aral sa Ikalimang Batay sa Basic Education Curriculum”, ”, (Di-nalimbag na

Masteral Tesis, Bulacan State University, Lungsod ng Malolos, Bulacan, 2005).

Rhea David Lucas, “Mga Mungkahing Istratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan

sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo”, (Di-nalimbag na Masteral Tesis, Bulacan State

University, Lungsod ng Malolos, Bulacan, 2008).

Rodel Juala David, “Mungkahing Sariling Linangan para sa Paglinang ng

Kasaysayan sa Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa Ikalawang Taon sa Mataas na

Paaralan ng Don Bosco Academy”, (Di-nalimbag na Masteral Tesis, Bulacan State

University, Lungsod ng Malolos, Bulacan, 2008).

Julius B. Villanueva, “Mga Salik na Nakakaapekto sa Pang-unawa sa Pagbasa

sa Asignaturang Filipino II ng mga Mag-aaral sa Systems Plus College

Foundation”, (Di-nalimbag na Masteral Tesis, Bulacan State University, Lungsod ng

Malolos, Bulacan, 2009).


27

“Pamamaraan, istratehiya at dulog sa pagtuturo ng Filipino”, Binuksan

noong Enero 25, 2014 mula sa syndicaeduc.blogspot.com/2012/09/pamamaraan-

istratehiya-at-dulog-sa.html

“Panitikan sa Pilipinas”, Binuksan noong Enero 25, 2014 mula sa

tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan_sa_Pilipinas

“Noli Me Tángere”, Binuksan noong Enero 25, 2014 mula sa

tl.wikipedia.org/wiki/Noli_Me_T%C3%A1ngere

“Jose Rizal”, Binuksan noong Enero 25, 2014 mula sa

tl.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal
28

Kabanata III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan na ginamit para sa pananaliksik.

Kasama sa pagpili ng mga respondente at instrumentong ginamit sa pagkalap ng mga

datos na kinakailangan upang masagot ang mga suliranin sa pag-aaral na ito.

Pamamaraan at Teknik sa Pananaliksik

Sa pangangalap ng sapat na impormasyon at datos, ang mga mananaliksik ay

gumamit ng:

Talatanungan. Ito ang pangunahing instrumento na gagamitin ng mga

mananaliksik sa pagkalap ng mga impormasyon. Ito ay ibabatay sa mga isinagawang

pagbasa at paghahanap ng karagdagang impormasyon ng mga mananaliksik sa mga

sangguniang aklat at mga kaugnay na pag-aaral ukol sa estratehiyang ginagamit ng mga

guro sa pagtuturo ng Panitikan. Ang talatanungan ay nakalaan lamang para sa mga guro.

Nahati ito sa dalawang bahagi, una ay ang profayl ng mga guro at ang ikalawa ay ang

mga estratehiyang ginagamit sa pagtuturo ng Panitikan.

Ang dimensyong ginamit sa pananaliksik na ito ay deskriptib. Ang deskriptib na

pananaliksik ay ang paggamit ng mga metodo at pag-iimbestiga kasama na rin ang

pangongolekta ng mga datos upang makabuo ng tentatibong solusyon o ang tinatawag na

hipotesis para sa maresolba ang problemang kinahaharap. Ang kalakasan ng deskriptib na


29

pananaliksik ay nakabatay sa tamang depinisyon at pagkakasunod-sunod ng mga datos na

nakalap (Gay; Avendano et. al, 2013).

Lugar at Kalahok sa Pag-aaral

Isinagawa ang pagkalap ng mga datos sa Dr. Felipe De Jesus National High

School sa Agnaya, Plaridel, Bulacan. Nakatuon ang mga mananaliksik sa mga guro na

nagtuturo ng asignaturang Ingles at Filipino sa nasabing paaralan.

Instrumento ng Pananaliksik

Inilarawan sa bahaging ito ang paraang ginamit ng mga mananaliksik sa

pangangalap ng mga datos at impormasyon. Sa pangangalap ng mga datos ay naghanda

ng isang talatanungan (Survey Questionnaire) ang mga mananaliksik na naging paraan

upang masuri ang estratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Panitikan sa

hayskul.

Ang Sarbey ay isang malawakang paraan sa pagkuha ng mga datos o

impormasyon sa isang deskriptikong pananaliksik. Madalas itong gamitin sa pagsusuri ng

kalagayan ng lipunan, pulitika at edukasyon. Gamitin din ito sa pagkuha ng presensya,

pananaw, opinsyon, damdamin, paniniwala ng isang particular na sampol ng mga

respondente na kumakatawan sa kabuuang populasyon ng isang pangkat. Maaari itong

isagawa sa pamamagitan ng kwestyuner o di kaya’y sa pamamagitan ng personal na


30

pakikipag-usap sa mga taong kaugnay sa nasabing pananaliksik. (Chan, et. al, 2002

binanggit ni Bernales, R., 2003)

Ang Talatanungan (Questionnaire) naman ay listahan ng mga planadong tanong

kauganay ng isang tiyak na paksa, naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan ng mga

respondente at inihanda para sagutan ng maraming respondente (Good, 1963; Lucas,

2008).

Talatanungan na Tsek List ang pangunahing instrumentong ginamit sa paglikom

ng mga datos. Sa papamagitan nito ay mas naging mabisa at madali ang paraan ng

pagkalap ng mga kinakailangang datos at impormasyon na nagbigay ng kaangkupang

tugon sa suliraning inilahad sa Kabanata II.

Upang mapagtibay ang naging resulta ng pag-aaral, nagsagawa ang mga

mananaliksik ng pangangalap ng mga impormasyon sa iba’t ibang hanguan katulad ng

mga aklat, hand-outs at tesis. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon

sa Intenet upang lalong maging malinaw at matibay ang paglalahad ng mga detalye

kaugnay sa nasabing pag-aaral.

Mga Hakbang na Sinunod

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng dalawang klase ng liham na pahintulot,

ang una ay para sa punong guro ng Dr. Felipe De Jesus National High School upang

makahingi ng pahintulot na magsagawa ng pananaliksik sa kanilang nasasakupang


31

paaralan. Ang ikalawang liham ay para sa mga guro ng mga asignaturang Ingles at

Filipino sa nasabing mataas na paaralan. Ang liham para sa mga guro ay inilakip na ng

mga mananaliksik kasama sa inihandang talatanungan.

Istatistikal na Tritment at Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga nakalap na datos ay sinuri, itinala, inanalisa at inilahad upang makita

ang mga sagot ng respondente. Deskriptibong istatistika ang ginamit sa pag-aanalisa ng

mga datos upang matamo ang kasamang frequency at percentage distribution.

Pormula na gagamitin sa Pagkuha ng Porsyento:

f
C/O = x 100
n
Kung saan

f – bilang ng mga tugon o response

n – kabuuang bilang ng mga respondent

Ang Pormula para sa weighted mean

ΣWf
Wm =
N
Kung saan:

Wm = weighted mean
32

ΣWf = Summation of the product of five point scale and their corresponding

frequencies

N = kabuuang bilang ng mga repondente

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga sumusunod na pagsukat upang


mapadali ang pag-aanalisa at pag-iinterpret ng mga datos na nakalap.

Istatistikal na Hanay Deskriptibong Ebalwasyon


4.50 – 5.00 Napakadalas (N)

3.50 - 4.49 Madalas (M)

2.50 - 3.49 Medyo madalas (MM)

1.50 – 2.49 Bahagyang dalas (BD)

1.00 – 1.49 Hindi (H)


33

Tala sa Kabanata III

Paquito B. Badayos, et.al, “Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik”,

(Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc. 2007).

Rhea David Lucas, “Mga Mungkahing Istratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan

sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo”, (Di-nalimbag na Masteral Tesis, Bulacan State

University, Lungsod ng Malolos, Bulacan, 2008).

Avendano, et. al, “Isang Pananaliksik ukol sa mga Sagabal sa Pagkatuto ng

mga Mag-aaral sa Ikaapat na Baiting ng Mababang Paaralan ng Pamarawan” , (Di-

nalimbag na Pag-aaral, Bulacan State University, Lungsod ng Malolos, Bulacan, 2013).

”Hyper stat”, Binuksan noong Pebrero 17, 2014 mula sat

davidmlane.com/hyperstat/Factorial.ANOVA.html

Pamagat ng Pananaliksik- ESTRATEHIYANG


GINAGAMIT NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
PANITIKAN SA HAYSKUL TAONG PANURUAN
2019-2020

You might also like