You are on page 1of 19

The Great Plebeian College

Alaminos City, Pangasinan


A.Y. 2021-2022

Modyul 1
Sa
LIT 101

PANITIKAN NG
REHIYON
8:00 – 9:30
TTH

Associate College Instructor:


JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: Joseph Rafanan
Email: josephrrafanangpc@gmail.com

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 1


I. Pamagat
PANITIKAN; MGA BATAYANG KAALAMAN

II. Lagom Pananaw


Dito sa unang bahagi ng module ay matatalakay ang mga batayang kaalaman sa
panitikan, depinisyon ng panitikan, kaalaman tungkol sa iba’t ibang uri ng panitikan na
magagamit para sa mga sususnod na talakayan. Matatalakay din dito ang kaligiran ng tula, mga
nakaimpluwensya sa ating panitikan at kung ano ang kahalagahan sa pag-aaral ng sariling
panitikan.

III. Layunin
 Nakakikilala at nabibigyang pagkakaiba ang mga panitikang nasa anyong tuluyan at patula
 Nababasa at napag-aralan ang mga pangunahing akda sa iba’t ibang rehiyunal na wika ng Pilipinas
 Natutuklasan ang mga teoryang pampanitikan na nakapaloob sa akdang pinahahalagahan

IV. Mga Nilalaman


 Depinisyon
 Uri Ng Panitikan
 Mga Akdang Tuluyan O Prosa
 Mga Akdang Patula
 Mga Impluwensya Ng Panitikan
 Kahalagahan Sa Pag-Aaral Ng Sariling Panitikan

V. Talakayan/ Deliberasyon

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 2


INTRODUKSYON

Nakalulungkot at nakababahala ang lumalalang kawalan ng interes ng maraming


kabataan sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan, lalo na ng ating mga sariling
obra, at ang waring patuloy na pagbaba ng pangmadlang literasi. Kung ang mga
kabataang mag-aaral man ay nagbabasa ng mga akda ay sapagkat pinababasa sila ng
mga guro sa paaralan. Mistula tuloy nagiging sapilitan ang pagbabasa ng panitikan. At
madalas, hindi nagagawang suriin nang malaliman at mapahalagahan man lang ang
mga akdang pinababasa sa paaralan!
Ayon sa maraming eksperto, may malaking kaugnayan dito ang paraan ng
pagtuturo-pag-aaral ng literatura sa mga paaralan. Tanggapin man natin o hindi, ang
kawalan ng interes ng mga kabataan sa pagbabasa at ang mababaw na pagsusuri ng
mga akda ay maaaring maisisi sa mga guro ng larangang ito.

Pansinin natin ang mga karaniwang kalakaran sa maraming klasrum ng asignaturang


ito. Madalas, ang mga akda ay ipinauulat sa mga mag-aaral nangg hindi man lamang
nagdaragdag ng input ang guro. Para sa amin, ito ay palatandaan ng katamaran at/o
kakulangan ng kaalaman sa mga paksang nakapaloob sa pag-aaral na ito. Bunga nito,
nagiging kabagot-bagot ang mga klase sa panitikan. Wala kasing kreeytibiti at barayti
sa estratehiya ng pagtuturo-pag- aaral sa klase. Kaya tuloy nagiging parusa sa
maraming mag-aaral ang pagbabasa ng mga akdang literari. Madalas din, hindi
nagagabayan ng guro ang mga mag- aaral upang malinang ang kanilang kakayahang
magsuri, magpahalaga at magsintesays. Kung may pagsusuri mang nagaganap sa
pagtalakay ay madalas na sa literal level lamang. Hindi tuloy nalilinang ang higher
order thinking skills ng mga mag-aaral. Maging sa pagtataya ng natutunan ay para
pang ginagawang kabisote ang mga mag-aaral bunga ng paulit-ulit na pagtatanong ng
Ano, Sino, Saan, Kailan na ang sagot ay naroroon din naman sa mga teksto mismo.
Samantala, may mga klase rin sa panitikan na hindi naman talaga tunay na
panitikan. Kung hindi kasi kasaysayan o heografiya ang pinagtutuunan sa klase ay
edukasyong pagpapahalaga ang itinuturo ng maraming guro nito. Tama nga si Dr.
Isagani Cruz (1998) sa isa niyang artikulo na marami sa ating mga guro ay without
exaggeration, the most misguided of all educators! Kaya nga ipinayo minsan ni Dr.
Paquito Badayos (1998) na panitikan ang dapat ituro at hindi kung ano pa man! Halos
gayon din ang iminungkahi ni Sloan (1975) nang sabihin niyang Literature must cast

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 3


off its Cinderella rags. or too long now, it has been a servant in the classroom to teach
reading skills, inculcate moral values, develop positive concepts, and/or provide
insights into the history of the people and other lands. Of course, it is true that
literature is useful in doing all of these things and more. But literature is first of all an
art and should be taught as literature for its own sake and for its own inherent values.
Everything associated with its study is of secondary consideration

Kaugnay ng mga nakalulungkot na katotohanang nabanggit, maingat na


plinano, inihanda, sinulat at pinalimbag ang aklat na ito na inaasahang makatutulong
kapwa sa mga guro at mag-aaral upang ang pagtuturo-pag-aaral ng panitikan ay
maging malikhain at kapaki-pakinabang. Hayaan ninyong banggitin dito ang ilang
katangian ng aklat na ito na ikinaiiba/ikinalalamang nito sa ibang katulad na aklat na
nasa sirkulasyon.

Una, tunay na rehiyonal ang paglalahad ng mgar akda sa aklat na ito at hindi
historikal. Bagama't may pahapyaw na pagtalakay hinggil sa heograpiya at
kasaysayan ng bawat rehiyon sa Pilipinas, ang higit na pinagtuunan ng pansin sa aklat
na ito ay ang maingat na pagpili ng mga representatibong teksto sa bawat rehiyon.
Sabihin pa, ang mga teksto sa bawat kabanata ay pinili batay sa panahon (may pre-
kolonyal, kolonyal at kontemporaryo), barayti ng genre (may iba't ibang uri ng tula at
prosa), at katutubong-kulay na eksklusibo sa isang partikular na rehiyon o mga
mamamayan nito sa isang partikular na panahon.

Ikalawa ay ang pagbibigay ng Gabay sa Pag-unawa. Gabay ito kapwa ng guro


at mga magaaral upang magkaroon ng direksyon ang pagtalakay batay sa angkop na
pagdulog at/o teoryang pampanitikan sa bawat teksto. Sa pamamagitan nito,
inaasahang magiging higit na malalim ang pagsusuri sa bawat akda at malilinang ang
higher order thinking skills ng mga magaaral.
lkatlo ay ang Mga Gawaing Interaktib-Kolaboratib na aming iminungkahi
matapos ang bawat teksto na maaaring magsilbing pagpapalawak ng karanasan at/o
alternatibong asesment ng natutunan ng mga mag-aaral. May barayti sa mga
iminungkahi naming gawain sa aklat na ito. Maaari itong isahan, dalawahan,
pangkatan o pangklase. Maaari rin itong pasalita o pasulat. Maaari itong gawaing
pangklasrum o kaya'y takdang-gawain sa labas ng klasrum. Maaari rin itong isang

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 4


analitik, prodaktib, o kreeytib na gawain. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito,
inaasahang ang pagtuturo-pag-aaral ng panitikan ay magiging interaktib, kolaboratib,
partisipatib, kreeytib at kawili-wili.
Ikaapat ay ang probisyon para sa Repleksyong Papel na inaasahang lilinang sa
replektibong pag-iisip ng mga mag-aaral.
Ikalima ay ang mga nakahanda nang Pagsusulit. Maaari itorng ituring na unang
panukatan ng pagkatuto o kaya'y hulwaran ng guro sa paghahanda ng iba pa o
karagdagang pagsusulit batay sa naging empasis ng pagtalakay sa klase. Ano't ano
man, ang mga pagsusulit na ito ay inaasahan naming makatutulong kahit paano sa
pagpapagaang ng mga gawain ng guro sa pagtuturo ng asignaturang ito.
Samakatwid, sa tulong ng aklat na ito, ang pagtuturo-pag-aaral ng panitikan ay
inaasahan nang magiging isang kawili-wili at kapaki-pakinabang na karanasan, upang
ang pagbabasa at ang pagsusuri, pagpapahalaga, pagsisintesays at iba pang higit na
matataas na kasanayang pampag-iisip ng mga mag-aaral ay maging kanilang mga
habits beyond the classroom, habang patuloy ang ating pagdakila sa ating mga sariling
sining at sa ating pagka-Pilipino!
Mabuhay ang mga panitikan sa Pilipinas! Mabuhay tayong lahat!

- RAB, 2018

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 5


PANITIKAN: MGA BATAYANG KAALAMAN

Literatura. Panitikan. Dalawa sa marami pang ibang kasingkahulugang salita sa


iba't ibang diyalekto at lengguwahe na ang tinutukoy ay ang kabuuan ng mga akda o
ang disiplina ng pag-aaral nito. Ngunit bago pa man naging isang disiplina, ang
panitikań bilang isang natatanging kabuuan o body of works ay umiiral na. Ito ay sa
kadahilanang likas sa tao ang magpahayag at lumikha. Naging bunga ang panitikan ng
pagnanasa ng taong makapagpahayag at maging malikhain. Simula lamang nang
mapagtanto ng tao ang kahalagahan ng panitikan sa kanyang pagkatao nagsimulang
maging isa itong disiplina ng pag-aaral. Mula noon, ang dating behikulo lamang ng
ekspresyon at manipestasyon ng pagkamalikhain, ang panitikan ay naging isang
karunungang kailangan ng tao at ng kanyang sibilisasyon.
Sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng panitikan ay isang pangangailangang pang-
edukasyon sa halos lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pag-aaral nito ay gumanap/
gumaganap ng iba't ibang tungkulin - iba-iba sa bawat panahon, sa bawat lugar, sa
bawat antas.
Sa ating kasalukuyang kaayusang pang-edukasyon, partikular sa antas-
kolehiyo, ang pag-aaral ng panitikan ay nakabatay sa dalawang pangunahing aspeto:
kognitibo at kultural, bukod sa iba pa. Lunsaran ang panitikan ng pagpapaunlad ng
mga kasanayang kognitibo o pampag-iisip ng mga mag-aaral. Bukod dito,
kasangkapan din ito, partikular ang pag-aaral ng ating sariling panitikan, sa
pagpapatibay ng ating sariling kabansaan at pagkakakilanlan. Hindi kaiba sa iba pang
disiplina, ang pag-aaral ng panitikan ay isang prosesong debelopmental. Kaya bilang
pagpapatuloy ng pag aaral nito na inyo nang nasimulan sa elementarya at hayskul at
bilang pagsisimula ng mas mataas na antas ng pag-aaral ng panitikan, talakayin natin
ang mga batayang kaalamang nauukol dito, na ang ilan o maging ang karamihan ay
balik-aral na lamang.

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 6


DEPINISYON

Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan.


May mga nagsasabing ang panitikan daw ay talaan ng buhay. Ayon kay Arrogante
(1983), talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing
paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na
kanyang kinabibilangan at pinapangarap.

Ayon naman kina Salazar (1995:2), ang panitikan ay siyang lakas na


nagpapakilos sa alin mang uri ng lipunan. Maaalalang nagsilbing titis sa mga
Amerikanong may kulay ang pagkakabasa nila sa Uncle Tom's Cabin ni Harriet
Beecher Stowe upang kanilang ipakipaglaban ang kanilang pantay na karapatan sa
mata ng batas at katarungan na humantong sa kanilang tagumpay sa Digmaang Sibil
sa Amerika.

Pinukaw naman ni Jean Jacques Russeau sa kanyang Social Contract ang


isipan ng mga Pranses. Sa pamamagitan ng akda ni Russeau, nabatid nilang sila'y
biniyayaan din ng Diyos ng karapatan at katarungan at natutunan nilang iyo'y kanilang
ipakipaglaban. Nang patuloy iyong ipagkait sa mga Pranses, ang pakikipaglaban nila
sa katarungan at karapatan ay humantong sa isang himagsikan sa Pransya. Dito sa
Pilipinas man ay makakatukoy ng napakaraming katibayan kung paano pinakilos ng
panitikan ang lipunan. Nagsilbing inspirasyon sa mga katipunero ang mga akda ni
Rizal upang maglunsad ng isang himagsikan laban sa mga Kastila. Ang mga
mapanghimagsik na dulang itinanghal noong panahon ng mga Amerikano ay ikinapiit
ng mga may-akda niyon at lalong nagpagalit sa maraming Pilipino.

Sinikil ng dating Pangulong Marcos ang laya sa pamamahayag ngunit


hindi niya napigilan ang paglaganap ng mga akdang naglalarawan sa
pagmamalabis ng kanyang administrasyon. Iyon ang isa sa maraming dahilan ng
pagwawakas ng kanyang pamumuno noong 1986 sa EDSA.

Ayon naman kay Webster (1947:557), ang panitikan ay katipunan ng mga


akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag,
aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw. Kung ang panitikan ay

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 7


katipunan ng mga akdang nasusulat, maituturing bang panitikan ang mga tula,
tugmaan, kasabihan, awit at iba pang pasalin-salin sa bibig ng tao lalo na noong
panahong bago dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan? Ang sagot ay oo,
panitikan din ang mga iyon. Kailangang bigyang-diin na ang kahulugan ni Webster ay
modernong pagpapakahulugan sa panitikan sa panahong ang tao ay marunong nang
sumulat at sa panahong ang panitikang pasalin-dila ay naisalin na sa anyong pasulat.

Kung tutuusin, maging ang palabuuan ng salitang panitikan ay nagbibigay-diin


sa pasulat na katangian nito. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang-ugat na
titik, kung gayon, naisatitik o nasusulat. Ngunit lahat ba ng nasusulat ay maituturing
nang panitikan? Ang sagot naman sa tanong na ito ay hindi. Kung babalikan natin ang
kahulugang ibinigay ni Webster, matutukoy natin ang iba pang pangangailangan
upang ang isang bagay na nasusulat ay maituring na panitikan - malikhaing
pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw

Kung gayon, ano ang tunay na panitikan? Ang tunay na panitikan ay


pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na
nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong
anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan,
natitiyak ang kawalang-maliw nito.

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 8


URI NG PANITIKAN

Ang panitikan, saan mang bahagi ng daigdig, ay maaaring mauri batay sa paraan ng
pagsasalin sa ibang henerasyon at batay sa anyo. Batay sa paraan ng pagsasalin, ang
panitikan ay maaaring pasalin-dila o pasulat.

Pasalin-dila ang panitikan kung ito ay naisalin sa ibang henerasyon sa


pamamagitan ng bibig ng tao. Ito ang paraan ng pagsasalin ng panitikan noong
unang panahon nang ang pagsulat ay hindi pa natututunan ng tao. Ang mga
halimbawa nito ay ang mga epiko, awiting-bayan, alamat, kasabihan, salawikain,
bugtong at maging mga palaisipan na isinalin ng ating mga ninuno sa mga
nakababatang henerasyon sa pasalitang paraan.
Pasulat naman ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang
matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat. Kung gayon, ang mga dating panitikang
inaawit, ikinukuwento, tinutula o binibigkas lamang ay naisatitik na. Lalong
yumaman ang panitikang pasulat nang maimbento ng tao ang imprenta dahil sa
pagsasalimbag at pagsasaaklat ng mga ito.

Sa dalawang anyo ng panitikan ng ito, higit na mahalaga ang panitikang pasulat


dahil higit na naiingatan ang mga ito. Samantala, ang panitikang pasalin-dila ay
maaaring magbago, mag iba o di kaya'y malimutan kalaunan. Ito ang dahilan kung
bakit pinagsusumikapan ng mga nagmamalasakit sa mga panitikan sa ibat't ibang
rehiyon ng bansa na mailimbag ang mga yamang panitikan ng kani-kanilang mga
pangkat-etniko upang mapangalagaan ang mga iyon sa gitna ng lumalaganap na
kawalan ng interes ng mga kabataan sa mga katutubong panitikan.

Batay naman sa anyo, ang panitikan ay maaaring mauri bilang Tuluyan/Prosa


o Patula.
Tuluyan ang isang panitikan kung ito'y nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap at sa patalatang paraan. Samantala, ang panitikanng patula naman ay
yaong nasusulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaalalang may
sukat at tugrhaan o malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 9


GAWAIN 1; Paghahambing
1. Sa pamamagitan ng VENN DIAGRAM, paghambingin ang dalawang uri ng
panitikan.

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakapareho

2. Mula sa dalawang uri ng panitikan, bakit nasabi na mas nabibigyang halaga ang
panitikang pasulat? Bigyang paliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 10


MGA AKDANG TULUYAN O PROSA

Maraming mga akda ang nasa ilalim ng akdang tuluyan. llan sa mga halimbawa
nito ay ang nobela o kathambuhay, maikling katha o maikling kuwento, dula, alamat,
pabula, parabula, anekdota, sanaysay, talambuhay, balita at talumpati.

Ang nobela ay isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na


pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng
maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata. Ang isang nobela ay maaaring
mauri batay sa pagbibigay-diin sa isa o ilang sangkap nito. Kung gayon, ito ay
maaaring maging nobela ng pangyayari kung ang binibigyang-diin ay ang mga
pangyayari tulad ng Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco; nobela ng tauhan kung
ang binibigyang-diin ay ang katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan tulad
ng Nena at Neneng ni Valeriano H. Peña; nobela ng romansa kung ang nobela ay
nakatuon sa pag-iibigan tulad ng Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos; nobela
ng pagbabago kung ang diin ng akda ay ang paghahangad ng may-akda ng mga
pagbabago sa lipunan at pamahalaan tulad ng Noli me Tangere at El Filibusterismo
ni Dr. Jose P. Rizal, o nobela ng kasaysayan kung nagsasalaysay ng mga
pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng isang bayan tulad ng Paghihimagslk ng
Masa ni Teodoro Agoncillo.
Ang maikling kuwento ay isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon. Katulad
ng nobela, ang maikling kwento ay maaaring mauri batay sa sangkap na binibigyang
diin sa salaysay. Kung gayon, ang isang maikling kuwento ay maaaring máging
pangkatauhan kung ang binibigyang-din ay ang katauhan o personalidad ng
pangunahing tauhan tulad ng Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute;
makabanghay kung ang binibigyang-diin ay ang pagkakawing-kawing ng mga
pangyayari sa katha tulad ng Bahay na Bato ni B.L. Rosales; pangkapaligirarn kung
ang kuwento ay nakatuon sa tagpuan at atmospera ng akda tulad ng Yumayapos ang
Takipsilim ni Genoveva Edroza-Matute; pangkatutubong-kulay kung ang akda ay
nakatuon sa paligid, kaayusang panlabas at kakanyahang pampook ng isang lugar o
komunidad tulad ng Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda; pangkaisipan kung ang
binibigyang-diin sa katha ay ang kaisipan o ang makabuluhang diwang taglay tulad
ng Ang Pag-uwi ni Genoveva Edroza-Matute; o sikolohikal kung ang akda ay

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 11


nakatuon sa paraan ng pag-iisip ng pangunahing tauhan tulad ng Dugo at Utak ni
Cornelio Reyes.

Ang dula ay isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o


tanghalan. Karaniwang nahahati ang isang dula sa tatlo o higit pang yugto bagama't
marami rin ang mga dulang isahing-yugto. Ang dula ay maaaring mauri batay sa
paksa nito. Kung gayon, ang isang dula ay maaaring maging komedya kung ang paksa
ay katawa-tawa tulad ng Ang Piso ni Anita ni Julian Cruz Balmaceda; trahedya kung
ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing tauhan at karaniwang
nagtatapos sa kanyang kamatayan tulad ng Lakambini ni Patricio Mariano; o
melodrama kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap ng mga
tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay tulad ng Minda Mora ni Severino
Reyes.
Ang alamat ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kuwentong ito dahil ito'y mga likhang
isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang
pinanggalingan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga
kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at
bibliya. Isang mahusay na halimbawa nito ay ang Alamat ng Pinya.

Ang pabula ay mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at


maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba'y tunay
na mga tao. Hubad din sa katotohanan ang mga kuwentong ito ngunit may layuning
pukawin ang isipan ng mga bata sa mga aral na makahuhubog sa kanilang kilos at
påg-uugali. Ang Pagong at ang Matsing ay isang mahusay na halimbawa nito.

Ang parabula naman ay mga kuwentong hinango sa Banal na Kasulatan.


Tulad ng pabula, may layunin din itong mag-iwan ng aral na kapaki-pakinabang sa
buhay. Isa sa pinakapopular na halimbawa nito ay ang Parabula ng Alibughang Anak.

Ang anekdota at maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral


sa mga mambabasa. Maaari ring ito'y kasangkutan ng mga hayopo ng mga bata.
lsang mahusay na halimbawa nito ay ang Ang Gamugamo at ang Munting llawan.

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 12


Ang sanaysay ay isang pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng isang may
akda hinggil sa isang suliranin o paksa. Ang sanaysay ay maaaring maging pormal
kung ang paksa nito'y hindi karaniwan at kung gayo'y nangangailangan ng
matiyagang pag-aaral o pananaliksik. Maaari rin naman itong maging impormal
kung ang paksa ay karaniwan lamang at kung gayo'y hindi na nangangailangan
ng pag-aaral o pananaliksik. Karaniwang hugot sa sariling karanasan lamang ng
isang may-akda ang paksa ng isang impormal na sanaysay o di kaya'y
pagpapahayag lamang ng kanyang pansariling obserbasyon o pananaw. Ang mga
editoryal na inilalathala sa mga pahayagan at iba pang babasahin ay mga
mahuhusay na halimbawa ng sanaysay.

Ang talambuhay ay kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring maging


pansarili ang isang talambuhay kung ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling
talambuhay tulad ng Ang Mabuting Pakikipaglaban ni Manuel L. Quezon. Ang mga
talambuhay naman na isinulat ng ibang may-akda tulad ng Itinadhana sa
Kadakilaan ni Anacleto I. Dizon ay tinatawag na talambuhay na paiba.

Ang talumpati naman ay isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga


tagapakinig. Ang talumpati ay nauuri batay sa iba't ibang layunin. Kung gayon,
ang isang talumpati ay maaaring may layuning humikayat, magbigay-impormasyon,
magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinyon o paniniwala o lumibang.

GAWAIN 2:
Malawak ang panitikan sa ating bansang Pilipinas, sa gawaing ito ikaw ay naatasang
manaliksik ng iba’t ibang halimbawa buhat sa mga nakasaad na akdang pampanitikan.

Nobela Parabula

Maikling Kuwento Anekdota

Dula Sanaysay

Alamat (Sariling Bayan) Talambuhay

Pabula Talumpati

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 13


MGA AKDANG PATULA

Ang mga akdang patula ay may apat na uri:


Tulang Pasalaysay, Tulang Pandamdamin O Liriko, Tulang Padula O Dramatiko At
Tulang Patnigan.

 Ang tulang pasalaysay ay kuwento ng mga pangyayari at nasusulat nang


patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung
gayon, nasa ilalim nito ang epiko, awit at kurido.

Ang epiko ay tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at


pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring
hindi kapani-paniwala. Dalawa sa pinakakilalang halimbawa nito ay ang Biag ni
Lam-ang ng mga lloco at ang Indarapatra at Sulayman ng mga Muslim.

Ang awit at korido naman ay mga patulang salaysay na paawit kung basahin.
Pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay nito.
Kinapapalooban ito ng romansa o pag ibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan
at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan. Kung gayon,
karaniwang kinapapalooban ang mga ito ng mga pangyayaring hindi kapant
paniwala tulad ng mahika, kababalaghan at mga kapangyarihang super natural
Ang kaibahan ng awit at korido ay nasa anyo, sa sukat. Ang awit ay may taludtod
na lalabindalawahing pantig tulad ng sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas at
Buhay ni Segismundo ni E. Julian de Tandiana. Samantala, ang korido naman ay
wawaluhing pantig ang bawat taludtod tulad ng sa Ibong Adarna ni Jose de la Cruz

 Ang mga tulang pandamdamin o liriko ay mga tulang tumatalakay sa


marubdob na damdamim na maaaring ng may akda o di kaya'y ng ibang tao. Nasa
kategoryang ito ang mga tulang awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda.

Ang mga awiting-bayan ay maiikling tulang binibigkas nang may himig


Karaniwan itong nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng
bibig ng tao, bunga nito'y hindi na matukoy kung sino ang may-akda ng maraming
mga kantahing bayan. Karaniwang pinapaksa ng mga awitingbayan ang pag

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 14


ibig. kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at
kalungkutan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Chit Chirit Chit, Leron-Leron
Sinta at Bahay Kubo.

Ang soneto ay tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at


kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa. llan sa mga halimbawa
nito ay ang Sonnet ni Jose Garcia Villa at Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon.
Ang elehiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang
minamahal. lan sa mga halimbawa nito ay ang Elegy ni Thomas Gray at Awit sa
Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos.

Ang dalit ay isang tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na


Birhen.
Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay. Ang Dalit kay Maria ay isang
mahusay na halimbawa nito.

Ang pastoral ay mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa


kabukiran. Isang halimbawa nito ay ang Bayani ng Bukid ni AI Q. Perez.

Ang oda naman ay isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay. Ang Ode
to the Nightingale ay isang mahusay na halimbawa nito.

 Ang mga tulang padula o dramatiko ay mga tulang isinasadula sa entablado


o iba pang tanghalan. Ang La India Elegante y El Negrito Amante ni Francisco
Baltazar ay isang mahusay na halimbawa nito. Pansinin din ang paraan ng
pagsasalita ng mga tauhan sa mga senakulo at panunuluyan, patula hindi ba? Kung
gayon, iyon ay mauuri rin natin sa ilalim ng kategoryang ito. Maging ang parsa at
saynete ay mahusay ring halimbawa ng tulang padula o dramatiko.

 Ang mga tulang patnigan ay mga laro o paligsahang patula na noo'y


karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan. Ilan sa mga halimbawa nito
ay ang karagatan, duplo, ensilada at juego de prenda. Maging ang paligsahan sa
patulang pagtatalo o pangangatwiran na kalauna'y nakilala sa tawag na balagtasan ay
mauuri sa ilalim ng kategoryang ito.

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 15


Gawain 3: Likhain Mo Ako!!
Sa paglipas ng panahon at mga pagbabagong naganap. Ang pagsulat o pagkatha
ng mga tula ay nakasabay sa mga pagbabagong ito. Sa pagkakataong ito ikaw ay lilika
ng iyong sariling tula sa paraan ng malayang taludturan:
 Ang isang malayang taludturan ay mga tulang hindi sumusunod sa bilang ng
panting. Subalit nilalapatan ng tugma sa hulihang bahagi upang mas
mapaganda ang likhang tula.
Mamarkahan ang iyong likha sa pamamagitan ng pamantayan na nasa ibaba:

Mensahe-------------------------30%
Gamit ng mga salita-----------20%
Wasong gamit ng bantas-----10%
Orihinalidad---------------------40%
Impak sa mambabasa---------10%
Kabuuan -------------------------100%

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 16


ANG IMPLUWENSYA NG PANITIKAN
Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba't ibang panig
nito, may matutukoy na isa o ilang tanging akda na naghatid ng malaking
impluwensya sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao.
llan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
A. Banal Na Kasulatan o Bibliya - ang naging pinakabatayan ng
pananampalatayang kristiyano sa buong daidig.
B. Koran Mula Sa Arabia - ang pinakabibliya ng mga muslim.
C. Illiad At Oddysey Ni Homer - kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat
sa gresya.
D. Mahabharata - tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa indiya.
Ipinapalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
E. Canterburry Tales Ni Chaucer - naglalarawan sa pananampalataya at
pag-uugali ng mga ingles noong unang panahon.
F. Uncle Tom's Cabin Ni Harriet Beecher Stowe nagbukas sa mga mata ng
amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at naging simula ng paglaganap
ng demokrasya sa buong daigdig.
9. Divina Comedia Ni Dante nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali ng mga italyano noong panahon.
H. El Cid Compeador - naglalarawan sa katangiang panlapi ng mga kastila
at kasaysayan ng espanya.
I. Isang Libo At Isang Gabi- akdang nagmula sa arabya at persya. Naglalarawan
ito ng pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga arabo at persyano.
J. Analects Ni Confucius katipunan ng mga kasabihan at ideya na
pinagbatayan ng confucianismo sa tsina.
K. Aklat Ng Mga Patay - naglalarawan ng mga kulto ni osiris at tumatalakay
sa mitolohiya at teolohiya ng ehipto.
L. Awit Ni Rolando - kinapapalooban ito ng doce pares at roncesvalles ng
Pransya. Isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 17


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG SARILING PANITIKAN

Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit isinama
ang pagaaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pagaaral. lan sa mga
kapakinabangang matatamo sa pagaaral ng ating sariling panitikan ay ang mga
sumusunod:

A. Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang pilipino at matatalos natin
ang minana nating yaman at talinong taglay ng ating lahing pinagmulan,

B. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating mga sariling


tradisyon at kultura, maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na
siyang naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan,

C. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na


ang pagpapakasakit ng ating mga ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at
kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon,

D. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga


panitikan ng iba-ibang rehiyon at matututunan nating ipagmalaki ang ating pagka-
Pilipino,
E. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa
gayo'y napag-ibayo pa ang ating mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas
ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga pagkakamali
bilang isang indibidwal at bilang isang komunidad,
F. Mapapangalagaan natin ang ating yamang literari na isa sa ating
pinakamahalagang yamang panlipi,
G. Mahuhubog natin ang magiging anyo, hugis, nilalaman at katangian ng
panitikan sa kasalukuyan na siya namang magiging sanligan ng panitikan sa
hinaharap,
H. Malilinang ang ating pagmamalasakit sa ating sariling kultura at maging ang
ating malikhaing pag-isip na ilan sa mga mahahalagang pangangailangan upang tayo
ay umunlad bilang isang bansa.

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 18


GAWAIN 4:

MGA GAWAING NTERAKTIB-KOLABORATIB


Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa isa sa mga sumusunod na paksa:
A. Ang Kahulugan ng Panitikan sa Aking Sariling Pananaw
B. Mga Inaasahan kong Kapakinabangan ng Pag-aaral ng Panitikan
C. Ang Akdang Pampanitikang Nakaimpluwensya nang Malaki sa Aking Buhay
Rubrik sa Pagsulat

Kategorya Higit na Inaasahan Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor
(5) Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatunayan
(4) Inaasahan (2) (1)
(3)
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw ang *Hindi nakita
ang introduksyon. introduksyon ang introduksyon ang introduksyon at sa ginawang
Malinaw na pangunahing pangunahing paksa ang pangunahing sanaysay.
nakalahad ang paksa gayundin subalit hindi sapat paksa. Hindi rin
pangunahing paksa ang panlahat na ang nakalahad ang
gayundin ang pagtanaw ukol pagpapaliwanag panlahat na
panlahat na pagtanaw dito. ukol dito. pagpapaliwanag
ukol dito. ukol dito.
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan sa Hindi nadebelop *
bawat talata dahil sa may sapat na detalye ang mga
husay na detalye pangunahing ideya
pagpapaliwanag at
pagtalakay tungkol sa
paksa.
Organisasyon ng Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay na *
mga Ideya ang pagkakasunud- debelopment ng pagkakaayos ng organisado ang
sunod ng mga ideya; mga talata subalit mga talata subalit pagkakalahad ng
gumamit din ng mga hindi makinis ang ang mga ideya ay sanaysay.
transisyunal na pagkakalahad hindi ganap na
pantulong tungo sa nadebelop.
kalinawan ng mga
ideya.
Konklusyon Nakapanghahamon Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan at *
ang konklusyon at pangkalahatang naipakita ang walang pokus ang
naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay o pasya
palagay o paksa batay batay sa mga tungkol sa paksa
sa katibayan at mga katibayan at mga batay sa mga
katwirang inisa-isa sa katwirang inisa- katibayan at mga
bahaging gitna. isa sa bahaging katwirang inisa-isa
gitna. sa bahaging gitna.
Mekaniks Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at
sa mga bantas, pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
kapitalisasyon at mga bantas, mga bantas, mga pagkakamali
pagbabaybay. kapitalisasyon at kapitalisasyon at sa mga bantas,
pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyon at
pagbabaybay.
Gamit Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at *
sa estruktura ng mga pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
pangungusap at estruktura ng mga estruktura ng mga pagkakamali sa
gamit ng mga salita. pangungusap at pangungusap at estruktura ng mga
gamit ng mga gamit ng mga pangungusap at
salita. salita. gamit ng mga
salita.
Kabuuan

LIT 101 PANITIKAN NG REHIYON 19

You might also like