You are on page 1of 14

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO

Panimula

Ang guro ay isang instrumento sa karunungan. Taglay niya ang mga kasanayan,

karanasan at kaalaman na huhubog sa mga kabataan upang maging mahusay sa akademiko gayundin

sa pagbuo ng kanilang pagkatao at sa pamamagitan nito ay kanilang maipamalas ang pagpapahalaga sa

mundong kanilang ginagalawan na naaayon ang kilos at gawi sa ating Dakilang Lumikha.

Bilang guro sa asignaturang Filipino na humaharap sa mga milenyals na mag-aaral, nais

niyang mapaunlad pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng panitikan. Sapagkat sa digital

na panahon ngayon, madaming balakid na kinakaharap ang mga guro sa pagtamo ng mga

pamantayang nilalaman at kasanayang pampagkatuto ng programang K to 12. Ang pagkawili ng mga

mag-aaral sa multimedia na dala ng makabagong teknolohiya ay nakababahala sa pagkalugod sa

kasaysayang pampanitikan. Mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan ng panitikan sapagkat taglay nito

ang mga kasanayang lilinang sa kanilang kaalaman, damdamin at kaasalan na sandigan sa magandang

kinabukasan ng susunod na henerasyon. Kung kaya dapat pang pagtibayin ang paggamit ng iskema o

tinatawag na prior knowledge ng mga guro sa pagtuturo ng kasaysayang pampanitikan patungo

pagpapahalaga ng mga mag-aral sa pag-aaral nito. Batid ng mananaliksik na kung payayabungin pa ng

mga guro ang kanilang kalaman at karanasan sa pagtuturo ng mga akdang pamanitikan, tiyak na

makatutulong ang mga iskema na ito na pukawin ang kaisipan at damdamin ng mga mag-aaral sa

pagkalugod sa kasaysayang pampanitikan.

Ang guro ay isang behikulo sa paglalakbay patungo sa karungan. Inilalakbay tayo sa

mga kaalaman at karanasang magtuturo sa atin ng mga bagay na dapat matutunan sa pagdaupang ng

mga mag-aaral sa landas ng tunay na hamon ng buhay. Itinatawid din tayo sa isang landas na puno ng

sagabal na dapat malampasan upang makarating sa paroroonan. Kaya, upang maihatid ang mga mag-

aaral sa kanilang tatahakin; minabuti ng Kagawaran ng Edukasyon na maglabas ng mga pamantayan

sa pagkatuto alinsunod sa K to 12 na programa. Sa bagong kurikulum na ito matataya ang kahusayan

ng mga guro sa pagtuturo na tutugunan sa pangangailangan ng bansa, lipunan, at komunidad na


nangangailangan ng mataas na kalidad ng edukasyon. Sa pamamagitan ng kurikulum na ito, ang

kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral ay matatamo. Nakapaloob din sa mga kasanayang ito ang

pagharap sa mga gawaing lilinang sa pagdedesisyon at magbibigay kalinawan pa sa mga bagay-bagay

na dapat matutunan ng mga mag-aaral. Lalo pa’t maraming sagabal sa pag-aaral ngayon, mas

kinakailangan ng mga guro ng masusing pagplano, istratehiya at kagamitanng pampagtuturo na

pupukaw sa atensyon ng mga mag-aaral tungo sa pagkalugod sa pag-aaral ng kasaysayan ng

pampanitikan sa Pilipinas.

Ang isang mahusay na guro ay may kahandaan sa kanyang aralin at mayaman sa

kaalaman at karanasan lalo pa kung siya ay isang guro ng panitikan. Dahil sa pagtuturo ng panitikan,

kinakailangang siksik ng kaalaman ang guro kung saan nangangailangang batid niya ang kasaysayan

sa pagsulpot ng iba’t ibang panitikan sa kanya-kanyang panahon. Ito ay isang gabay ng guro upang

maituro nang may kalinawan at kawilihan ang mga akdang pampanitikan lalo na sa Filipino Baitang 8

na nakasentro ang mga aralin sa mga akdang pampanitikan sa iba’t ibang panahon.

Batay sa naging pananaliksik ni R. Ledesma (2017), ang pagbasa ay isang kompleks na

gawaing pangwika at pangkaisipan na kinapapalooban nang higit pa sa interaksyon ng mambabasa at

ng teksto. Ipinaliwanag din na ito’y isang kompleks na o masalimuot na gawaing nangangailangan ng

konsyus at di-konsyus na paggamit ng istratehiya o kasanayan sa gaya ng paglutas ng suliranin upang

makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang kompleks na prosesong

pangkaisipan, ang mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga

kasanayan at istratehiya na nakatutulong sa pag-unawa. Subalit ang pagbasa nang walang kalahok na

pag-unawa ay walang halaga sapagkat hindi nito mapapaunlad ang isipan.

Ayon kina G. San Juan, C. San Juan, Mag-asas, Carpio at Cabaysa (2011), ang

panitikan ay buhay, buhay-buhay ng tao. Naisasalaysay nito ang mga ugali, gawi at paraan ng

pamumuhay ng mga tao sa kani-kanilang kapanahunan. Naglalaman ito ng saloobin, kaisipan,

nadarama at nagaganap sa kanilang henerasyon na naipapahayag ng mga makata at manunulat ng

panitikan. Kaya naman masasabing ang panitikan ay repleksyon ng kahapon na nagsisilbing gabay ng

mga tao sa kasalukyan. Sa pamamagitan ng panitikan ay ating nababalikan ang bakas ng kahapon

kung saan matatalos natin ang unti-unting pagbabago nito patungo sa kasalukuyan. Mauunawaan at
makikita rin ang mga patunay na sadyang mayaman ang Pilipinas sa panitikan dala na rin ng

karanasan nito sa iba’t ibang panahon.

Ayon kina Sauco, Papa at Geronimo (2004), ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay,

pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng

damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,

pagkasuklam, sindak at pangamba.

Ayon din sa kanila, ang kahalagahan ng panitikan sa bawat bansa sa daigdig ay katulad

ng isang walang katapusang daloy ng tubig sa batisan. Magwawakas lamang ito kung ang mga

nakalimbag na titik ay mawawala sa daigdig at kung ang mga tao ay nawawalan na ng kakayahan sa

pagpapahayag ng kaisipan, damdamin at karanasan. Kaya nararapat na pag-ibayuhin ng mga guro ang

kanilang husay na mahikayat ang mga mag-aaral na magbasa ng mga kasaysayang pampanitikan.

Nang sa ganoon ay makalikha ng mga bagong manunulat na magkukuwento ng mga kasaysayang

pampanitikan upang hanggang sa mga susunod na henerasyon ay mabatid nila ang kasayasayan at

bigyang lugod ang pag-aaral nito.

Ayon kina Rubin, Casanova, Gonzales, Marin at Semorlan (2004), ang panitikan ay

nagpapayaman ng kaisipan at karanasan, nagpapalalim ng pag-kaunawa, lumilinang ng kamalayang

pansarili, panlipunan at pambansa, at nagpapahalaga ng mga karanasang magiging timbulan sa oras ng

pangangailangan.

Kaya naman ang Kagawaran ng Edukasyon katulong ang iba’t ibang dibisyon ay

patuloy ang pagsasagawa/pagbibigay ng mga seminars na makatutulong upang mas malinang pa ang

mga kaalaman at karanasan ng mga guro, lalong lalo na sa asignaturang Filipino nang sa gayon ay

patuloy na mapahalagan ang mga akdang pampanitikan at magpatuloy pa sa mga susunod na

henerasyon.

Layunin ng pag-aaral na ito na matulungan ang mga guro na mapayabong ang kanilang

kaalaman. Mapatunayan ang kahalagahan ng iskema o prior knowledge ay makatutulong sa

pagkalugod ng mga mag-aaral sa kasaysayang pampanitikan. Ito rin ay tutugon sa mga kasanayang

nakaangkla sa programa ng K to 12 na hubugin ang mga mag-aaral ayon sa mga pamantayang

pangnilalaman ng kurikulum. Upang matuklasan ang lahid ng iskemang taglay ng mga guro tungo sa
pagkalugod ng mga mag-aaral sa kasayasayang pampanitikan, ginamit ng mananaliksik ang Silangang

Distrito ng Dibisyong kanyang kinabibilangan.

Ang mananaliksik ay umaaasa na magamit ang pag-aral na ito ng mga guro sa pagpapa-

unlad ng kanilang kaalaman at pagtatagumpay sa pagkalugod ng mga mag-aaral sa kasaysayang

pamapanitikan; nang sa gayon ay makalikha sila ng isang komunidad na maunlad, payapa, pagkakaisa

at pagpapahalaga sa kanyang lahing pinagmulan.

Balangkas Teoretikal

Batay sa aklat nina Morong, Cruz, Gomez et.al (2013), Ang pagbabasa ay isang gawain kung

saan binibigyang kahulgan ng isang indibidwal ang mga nakasimbulong nakalimbag. Ayon kay

Goodman, ang pagbasa ay isang ”Psycholinguistic Guessing Game” sapagkat kasangkot ang mga

gawaing panghuhula, pagtataya, pagpapatunay, revisyon at pagpapakahulugan sa mga nakatalang

mensahe.

Ipinahayag din ni Coady na mahalaga ang dating kaalaman sapagkat nagagamit ito sa pag-

uugnay ng mga konsepto at sa gawaing pagkilala sa impormasyong nakasulat

Mga Teorya sa Pagbasa

1. Teoryang Bottom-Up- pananaw na nabuo dahil sa teryang behaviorist ni Skinner.

Binibigyang halaga nito ang ang mga elementong pangkapaligiran ng mambabasa. Para sa

paniniwalang ito, ang pagbasa ay isang gawain ng pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo na

siyang lalapatan ng katumbas na tunog. Ang pinakmahalagang hakbang sa teoryang ito ay ang

aktwal na pagbasa ng teksto. Inilarawan ito bilang Data Driven ni Smith.

2. Teoryang Top-Down- nakasalig sa sa paniwalang Holistic ng sikolohiyang Gestalt. Ang

teoryang ito ng pagbasa ay nakatuon sa mga nakatago o nakaimbak na kaalaman (prior

knowledge) at dahil dito ay nabibigyang pakahulugan ng mambabasa ang tekstong binasa.

Tgapagtaguyod ng teoryang ito sina Smith at Goodman, na naniniwalang ang mabisang

pagbasa ay kinasasangkutan ng sandaling panahon kung saan ang tagabasa ay nakapamili ng

mga hudyat na makatutulong sa pagpapakahulugan. Tinatawag naman itong Conceptually

Driven.
3. Teoryang Interaktibo- ang pagbasa ay mayroong direksyon o bi-directional. Sa pagbabasa,

ang awtor at mambabasa ay sumasailalim sa interasyon sa pamamagitan ng teksto.

4. Teoryang Iskema- batayan nito ang pagkakaroon dating kaalaman ng mambabasa ukol sa

paksa. Sanligang Kaalaman o Background Knowledge ang tinatawag sa mga nakaimbak na

impormasyon sa isipan ng bumabasa. Iskema (Iskemata, pangmaramihan) ang mga balangkas

pangkayarian (conceptual framework) ng mga sanligang kaalaman. Sa teoryang ito,

konsyusnes o diwa ay humugot sa isip ng tiyak na iskema na kaugnay o katumbas ng

nabasang paksa, mula dito ay maisasagawa na ang pagpapakahulugan.

Ayon kay Lalunio, isinasaad sa teoryang sosyo kognitibo na ang pagkatuto ay ang batayang

panlipunan at ito ay isang prosesong interaktibo. Nangangahulugan ito na ang kognisyon o pag-unawa

ay naapektuhan ng maraming salik gaya ng iskema ng mga mag-aaral at ng konteksto.

Kaugnay nito, ang Kagawaran ng Edukasyon ang departamentong tagapagpatupad ng

pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamhala at pagpapanatili ng mataas na kalidad ng

edukasyon sa Pilipinas ay pinagtibay ang pagpapatupad ng bagong programa na K to 12 Kurikulum.

Na ang pangkalahatang layunin nito ay makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapaki -

pakinabang na literasi. Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang

komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga

mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang

pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na

pagbabagong nagaganap sa daigdig. Kung saan pagkatapos ng Ikawalong Baitang, naipamamalas ng

mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang

pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa

upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino. Isa sa kasanayang pampagkatutong nakapaloob dito ay

ang pag-unawa sa binasa na ayon sa batayan gabay pangkurikulum 2016 na hinango kina (Anderson,

Pearson at Spiro) na ito ay isang aktibong proseso sa pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng pag-

uugnay ng tagabasa ng bagong impormasyong hango sa binasang teksto sa kaniyang dating kaalaman

at karanasan.
Paradima ng Pag-aaral

Upang makamit ng pag-aaral ang mithiing ito, ipinakikita ng ilustrasyon ang paradima

ng pag-aaral na siyang magiging batayan sa pagtuklas ng mga kinakailangang datos.

MALAYANG BARYABOL DI-MALAYANG

BARYABOL

Ang mga kasanayang pampagkatuto 1. Ang pagsasalarawan ng mga

sa K to 12 Gabay Pangkurikulum karanasan ng mga guro sa lahid ng

tungo sa pagkalugod ng mga mag- iskemang taglay nila tungo sa

aaral sa kasaysayang pampanitikan pagkalugod ng mga mag-aaral sa

kaugnay ng mga sumusunod na kasaysayang panitikan sa

panahon ayon sa pagtatasa ng guro pamamagitan ng testimonya ng mga

mismo at mag-aaral. piling mga guro at mag-aaral.

Panahon ng Katutubo 2. Ang mga gawain na maaaring

Panahon ng Espanyol idulog para sa paglinang ng

Panahon ng Amerikano pagkalugod sa kasaysayang

Panahon ng Hapon pampanitikan.

Panahon ng Komonwelt

Panahon ng Kasarinlan

Panahon ng Kontemporaryo
Bisang Pangkaasalanayan

Pigyur 1
Paradima ng Pag-aaral

Sa unang kahon ay makikita ang malayang baryabols na tumutukoy sa mga kasanayang

pampagkatuto sa K to 12 Gabay Pangkurikulum tungo sa pagkalugod ng mga mag-aaral sa

kasaysayang pampanitikan kaugnay ng mga sumusunod na panahon ayon sa pagtatasa ng guro

mismo at mag-aaral; Panahon ng Katutubo, Panahon ng Espanyo, Panahon ng Amerikano,

Panahon ng Hapon, Panahon ng Komonwelt, Panahon ng Kasarinlan, Panahon ng Kontemporaryo.

Nakapaloob naman sa ikalawang kahon ang pagsasalarawan ng mga karanasan ng mga

guro sa lahid ng iskemang taglay nila tungo sa pagkalugod ng mga mag-aaral sa kasaysayang

panitikan sa pamamagitan ng testimonya ng mga piling mga guro at mag-aaral. Gayundin ang mga

gawain na maaaring idulog para sa paglinang ng pagkalugod sa pagkatuto kasaysayang

pampanitikan

Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing layunin ng pag-aral na ito ay matuklasan kung gaano makatutulong ang

lahid ng iskemang taglay ng mga guro tungo sa pagkalugod ng mga mag-aaral sa kasaysayang

pampanitikan.

Pagsusumikapang sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Gaano nakatutulong ang lahid ng iskemang taglay ng mga guro tungo sa pagkalugod ng mga

mag-aaral sa kasaysayang pampanitikan kaugnay ng mga sumusunod na panahon ayon sa

pagtatasa ng mga guro mismo at mga mag-aaral?

1.1 Panahon ng Katutubo

1.2 Panahon ng Espanyol

1.3 Panahon ng Amerikano


1.4 Panahon ng Hapon

1.5 Panahon ng Komonwelt

1.6 Panahon ng Kasarinlan

1.7 Panahon ng Kontemporaryo

2. Paano nagkaroon ng pagkakaiba ang pagtatasang isinagawa ng dalawang grupong tagasagot

hinggil sa nabanggit na lahid ng iskemang taglay ng mga guro na nakatutulong tungo

pagkalugod ng mga mag-aaral sa kasaysayang pampanitikan?

3. Paano isinalarawan ng mga piling guro at mag-aaral ang kanilang karanasan sa lahid ng

iskemang taglay na nakatutulong sa pagkalugod ng mga mag-aaral sa kasaysayang

pampanitikan?

4. Ayon sa testimonya ng piniling guro at mag-aaral, ano ang karaniwang paksang nabuo base sa

nabanggit na lahid ng iskemang taglay?

5. Ano ang mga gawain na maaaring idulog para sa paglinang ng pagkalugod ng mga mag-aaral

sa kasaysayang pampanitikan?

Ipotesis

Walang makabuluhang pagkakaiba ang pagtataya ng dalawang pangkat ng tagasagot sa

lahid ng iskema tungo sa pagkalugod ng mga mag-aaral sa kasaysayang pampanitikan sa

iba’t ibang panahon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na pag-ibayuhin ang paggamit ng iskema sa pagtuturo tungo sa

pagkalugod ng mga mag-aaral sa kasaysayang pampanitikan.

Sa mga Mag-aaral. Magsisilbi itong gabay sa mga mag-aaral na pahalagan ang

kanilang dating kaalaman sa pag-uugnay sa mga akdang pampanitikang kanilang babasahin at bigyang

lugod ang pagbabasa ng mga kasayasayang pampanitikan. Makatutulong rin ito upang mahimok ang

mga mag-aaral na maging aktibong makilahok sa talakayan upang lubusan nilang maihayag ang

kanilang saloobin at mapalawak pa ang kanilang pag-unawa kaalaman.


Sa mga Guro. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga guro, higit sa mga guro ng

Filipino na pag-ibayuhin ang paggamit ng iskema lalong lalo na sa mga akdang pampanitikan sa

Filipino, maihatid ang kasaysayan ng nakaraan sa kasaluyan gayundin ang kasalukuyan sa nakaraan na

labis ang pakinabangan sa pagtuturo ng mga akdang pamapanitikan. Nang sa gayon ay pahalagan ng

mga mag-aaral ang pag-aaral ng panitikan. Magagamit din itong batayan ng mga guro sa pag-tamo ng

kanilang kahusayan sa patuturo o pagsukat sa kanilang epektibong pagtuturo.

Sa mga Punongguro. Ang mga pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga

punongguro sa kanilang pangunguna at pagpuna sa kanilang mga guro upang lalong malinang ang

mga kakayahang dapat pang pagtuuunan ng pansin tulad ng paggamit ng iskema sa kanilang pagtuturo

ng mga akdang pampanitikan tungo sa kahalagan ng pag-aaral nito at sa pagkamit ng kasanayang

pampagtuturo ng bagong programa ng DepEd na K to 12 Kurikulum para sa pagkakaroon ng

magandang hinaharap ang mga kabataan gayundin ng bansa.

Sa mga Magulang. Ang mga magulang ay hinihikayat na makiisa sa layunin ng

paaralan upang maging katuwang sa paggabay sa kanilang mga anak sa pagkamit ng layunin ng

edukasyon, nang matugunan ang kaninaan ng ilang mag-aaral lalong lalo na sa asignaturang Filipino.

Sa mga Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik

upang maging batayan ng kanilang pag-aaral/pananaliksik sa pagkuha ng impormasyon. Maaaring sa

pamamagitan ng pananaliksik na ito ay makakuha sila ng paraan upang mapukaw nila ang atensyon ng

mga mag-aaral sa pagkalugod ng pag-aaral ng kasaysayang pampanitikan. Ito rin ay maaaring maging

gabay ng mga mananliksik sa kanilang pagtuturo ng kasaysayang pampanitikan sa hinaharap.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na matuklasan ang lahid ng iskemang nakatutulong sa

pagkalugod ng mga mag-aaral sa kasaysayang pampanitikang alinsunod sa mga kasanayang

pampagkatuto sa K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum. Kung saan ang pagtatasa ay isinagawa sa

Silangang Distrito, Dibisyon ng Calamba ng mga guro at mga mag-aaral.


Ang pokus ng mananaliksik ay matuklasan ang lahid ng iskemang nakatutulong sa pagkalugod

ng mga-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Filipino sa Baitang 8 sa kasayasayang pampanitikan. Ang

mga paaralan na kabilang sa pagkukuhanan ng datos ay ang Calamba Bayside National High School,

Calamba National High School, Castor Alviar National High School, City Science National High

School, E.,Barreto Sr. National High School, Lecheria National High School, Looc National High

School, at Makiling National High School mga paaralang kabilang sa Silangang Distrito ng Dibisyon

ng Calamba.

Ang bilang ng mga gurong nagtuturo ng araling Filipino sa baitang 8 ay binubuo ng

labingwalo (18), at labing-dalawang bahagdan (12%) ang pinili mula sa kabuang bilang ng mga mag-

aaral sa bawat paaralan na may tatlong daan at animnapu’t apat (364) na mga maag-aaral, sa kabuuang

tatlong daan at walumpu’t dalawang (382) mga guro at mag-aaral ang siyang naging tagatugon.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Upang lalong mapalinaw ang pagkaunawa sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na

terminolohiyang ginamit ay binigyang kahulugan.

Edukasyon. Ito ay tulay na mag-uugnay patungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang

bansa.

Gabay Pangkurikulum. Ito ay naglalaman ng pamantayang pangnilalaman, pamantayang

pagganap at kasanayang pampagkatuto na magsisilbing gabay sa mga guro sa kanilang pagtuturo para

sa inaasahang bunga ng K to 12 Kurikulum.

Integrasyon. Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa

kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.

Istratehiyang Pagtuklas ay isang istratehiya ng pagtuturo na bukod sa nagdudulot ng

kawilihan ay humahamon pa sa mga kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip at tumuklas ng mga

bagong kaalaman na may kaugnayan sa kanilang paksain.


K to 12 Kurikulum. Ito ang programang ipinatupad ng pamahalaan at ng

kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang

sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Ang K to 12 ay ang

karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung

nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng

pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo.

Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay ang departamentong tagapagpatupad ng

pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamhala at pagpapanatiling mataas ang kalidad ng

edukasyon sa Pilipinas. Ito ang pangunahing taga isip ng mga polisiyang pang-edukasyon at

responsable sa sistemang pang-elementarya at pang-sekondarya dito sa Pilipinas.

Kasanayang Pampagkatuto. Ito ay may layuning lilinangin ng mga guro sa pagtuturo

ng Filipino. Ito rin ay may mga domain

Kurikulum. Ito ay mga plano at disensyo ng mga aralin na siyang magiging gabay ng guro

pati na rin ng mga mag-aaral.

Lahid ng Iskema. Ito ay ang epekto ng lahat ng ating naranasan at natutuhan na nakaimbak sa

ating isipan o memorya,na nagiging dating kaalaman.

Pagbasa. Ito ay isang makrong kasanayan na kailangang pagtuunan ng pansin sapagkat

malaki ang kapakinabangan nito sa tao kung siya ay marunong bumasa gayundi nagagamit niya ito sa

pang-araw-araw na pamumuhay.

Pagkalugod. Ito ay pagkawili ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng kasaysayang pampanitikan.

Panitikan. Ito ay pangunahing salamin ng kultura ng isang samabayanan. Dito nalalarawan

ang kanyang kahapon, ngayon at bukas.

Panahon ng Amerikano. Sa panahong ito ay ipinahayga nang buong tapang ang tunay nilang

damdamin, dumami ang panitikang limbag at samahan ng panitikan at lumitaw din ang

makatotohanang panitikan.
Panahon ng Espanyol. Ang naging paksa ng panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan

at simbahan, at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magising, magkaisa at maghanda upang

matamo ang minimithing kalayaan.

Panahon ng Hapon. Bagamat napakahirap ng buhay ng mga Pilipino noon ay napaunlad pa

rin ang mga tula (haiku at tanaga), at maikling kuwento sa panahong ito.

Panahon ng Kasarinlan. Ito ay panahon kung saan nakamit na ng Pilipinas ang kalayaan sa

ilalim ng mga mananakop. Maraming akdang pampanitikang napatanyag sa panahong ito partikular

ang Maikling kuwento at Dula.

Panahon ng Katutubo. Ito ay panahon kung saan ang mga Pilipino ay may sariling kabang-

yaman na ng panitikan at payak na pamumuhay.

Panahon ng Komonwelt. Ang Pilipinas ay may sariling pamahaalaan ngunit nasa ilalim ng

pangangalaga ng Amerikano, sanaysay ang partikular na umusbong sapanahong ito.

Panahon ng Kontemporaryo. Nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng

modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya.

Teorya. Ito ay isang pag-aaral o pagsasaliksik sa isang bagay o pangyayari. Ito ay

ginagamitan ng siyantipikong pamamaraan upang matukisaasan pa o masaliksik pa ang isang bagay o

pangyayari.
ANG LAHID NG ISKEMA SA PAGKALUGOD NG MGA MAG-AARAL
SA KASAYSAYANG PAMAPANITIKAN SA BAITANG 8
NG SILANGANG DISTRITO, DIBISYON NG CALAMBA

Tesis na iniharap sa mga Kagawad ng Lupon ng Gwadradong Paaralan ng Laguna College of


Business and Arts
Lungsod ng Calamba, Laguna

Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan


sa Pagtatamo ng Titulong Pagkadalubhasa
sa Sining ng Edukasyon
Medyor sa Filipino

REMELYN P. VILLANUEVA

TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA

1. Ang SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO

Panimula …………………………………..………………………… 1

Batayang Teoretikal …………..…………..…………………………… 7

Paradima ng Pag-aaral …………………………………………… 12

Paglalahad ng Suliranin …………………………………………… 13

Ipotesis …………………………………………………………….. 14

Kahalagahan ng Pag-aaral ………..………………………..… 15

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ….....………………..…… 17

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit …………………… 18

2. MGA AKDANG MAY KAUGNAYAN SA PAG-AARAL

Kakayahan at kabisaan ng guro ………………………………….… 21

Ang mga mag-aaral ………………………...…………………... 27

Kahalagahan ng Edukasyon ……...………………………….... 29

Programang K to 12 …….……………………………………… 32

Sintesis ………………………………………..……………….…… 35

3. PAMAMARAANG GINAMIT SA PAG-AARAL

Disenyo ng Pananaliksik ………………………..….……………..… 37

Lokal ng Pananaliksik ………………………………………..…… 38

Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral…………..…….……….… 41

Pamamahagi at Paglikom ng mga Datos …...………..…….. 42

Konsiderasyong Etikal ………………………………………….…. 43

Istatistikang Ginamit ……………….……………………………. 44

You might also like