You are on page 1of 3

Ang asignaturang Filipino ay lumilinang sa mga kasanayan na Pakikinig,

pagsasalita, pagbabasa, pagsulat, at pag-iisip. Ayon kay Liwanag (2003),


mayroong
dalawang layunin ang asignaturang Filipino. Una, ito ay itinuturo bilang isang subject
pangwika tulad ng itinadhanang Patakarang Edukasyong Bilinggwal. Ikalawa, upang
magamit ang wikang ito sa klase at sa iba pang subject na ginagamitan ng
Filipino
bilang wikang panturo.
Mula naman sa binagong kurikulum at framework ng asignaturang Filipino,
makikilala ito bilang isang pantulong na asignatura sa elementarya na kung saan
ay
binibigyang pokus ang paglinang sa apat na makrong kasanayan – pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, at pagsulat na dapat taglayin ng mga mag-aaral. Para sa baitang
4-6, marapat na malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral na gamitin
ang Filipino sa malikhain at kritikal na pag-iisip at maging mahusay sa
pakikipagtalastasan.

IBA'T IBANG TEORYA UKOL SA MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO NG PANITIKAN


Ano nga ba ang Teorya?
Ito ay tumutukoy sa pormulasyon ng paglilinaw sa simulain ng
mga tiyak na
kaisipan. Bilang karagdagan, ang teorya ay lumilikha din ng malinaw at sistematikong
paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol ditto.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nauunawaan ang mga dapat taglayin ng isang epektibong pagtuturo;
2. naiuugnay ang pamamaraan ng epektibong pagtuturo sa pagbuo ng
mahusay na banghay aralin; at
3. nagagamit ang iba't ibang estratehiya at metodo sa pagtalakay ng
Panitikan sa paglikha ng bahagi ng banghay aralin
Ano naman ang Teoryang Pampanitikan?
Ang teoryang pampanitikan ay isang sistematikong pag-aaral.
Saklaw din nito
ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan
na kinabibilangan ng layunin ng may-akda sa pagsulat.
Bilang karagdagan, sa pagtuturong panitikan ay kinakailangang ito ay may
basehan o pundasyon. Kinakailangan din na ang mga teoryang ito ay may layunin sa
pagtuturo ng panitikan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Teoryang Klasismo- ito ay isang teoryang pampanitikan na nagmula sa


bansang Gresya. Nagpapakita ito ng mas higit na pagapapahalaga sa kaisipan
kaysa damdamin. Ang layunin ng klasismo ay maglahad ng pangyayari ukol sa
pagkakaiba ng estado ng buhay, piling-pili na mga salita na nagtatapos ng may
kaisipan at nakatuon ang panitikan sa pinakamataas tungo sa pinakamababa na
uri.
2. Teoryang Humanismo- Ito ay umusbong noong panahon ng “Muling Pagsibol” o
ang Renacimiento (Renaissance). Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita ang tao
na siyang sentro ng mundo. Binibigyang pansindito ang kalakasan, mabubuting
katangian, talent, talino at iba na tinataglay ng tao. Ito din ay ang teoryang
nakasentro sa pananaw ng tao kaysa sa Diyos.
3. Teoryang Imahismo- sa taong 1900 at sa unang dalawang dekda ng ika-20
siglo ay lumaganap ang teoryang imahismo na nabkabilang sa kilusang
panulaan ng Estados Unidos at Inglatera. Ang layunin ng teoryang ito sa
panitikan ay gumamit ng imahen na kung saan ay higit na mahahayag ang
damdamin, kaisipan,ideya, salooban na nais pang iparating ng may-akda. Sa
teroyang ito ay kinakailangang gumamit ng matipid nat maingat na paggamit ng
nga salita upang makabuo ng konkretong imahen.
4. Teoryang Realismo- ang teoryang realismo ay nagpapahayag ng pagtanggap
sa katotohanan o realidad ng buhay. Isinusulong ng teoryang ito ang
katotohanan kaysa kagandahan. Kaya naman ang layunin nito ay ipakita ang
mga karanasan at nasaksihan ng aksa sa kanyang paligid sa makatotohanang
paraan.
5. Teoryang Pormalismo o Pormalistiko- ang pormalistikong teorya ay
nagpapaliwanang sa anyo ng akda na naglalayon ng pormalistikong pagsusuri.
Sa kabilang banda, hindi mababanaag dito ang buhay ng may-akda, kundi ang
pinupunto nito ay ang pisikal na katangian ng akda at ang pinakabuod ng
pagdulog.
6. Teoryang Sikolohikal- ito naman ay tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na
nagbibigay diin sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalman nito. Ang pokus ng

 
Pagtuturo ng Talumpati

 Pagbibigay ng layunin
 – 
 magbigay ng kabatiran, magturo,manghikayat, manlibang

 Paraan
 – 
 Daglian o biglaan (
impromptu)
 – 
 Maluwag
 (extemporaneous)
 – 
 Handa
 (prepared)
 
Pagtuturo ng Monologo

 Pagbibigay ng mga elemento
 – 
 tauhan, kasuotan, props

 Katangian
 – 
 Bawat tauhan ay kinakatawan ng aktor at tagapagsalaysay
 – 
 Kaunti lamang ang tauhan, kagamitan at props
 – 
 Inilalarawan ng aktor ang kanyang iniisip at nadarama kasabay ang kilosat galaw ng katawan

 
Pagganyak sa Pagsulat ng
 Iba’t
Ibang Panitikan

 Isaalang-alang ang panahon (era) ng mag-aaral na susulat nito,pinag-aralan, paraan ng pagkatuto
ng mag-aaral, layunin ngpagsulat, ibigay ang interes o hilig sa pagsulat, hikayatin angmag-aaral sa
kahalagahan ng pagsulat, ibigay ang angkop nadulog sa pagsulat, isaalang-alang ag mga
gagamitingkagamitan.

You might also like