You are on page 1of 25

Loa Ng Mga Ilonggo:

Pagtitipon at Pagsusuring
Sosyo-Kultural
Ni Lulubel C. Claro
Marso 2013
Iniulat ni:
Jane Bryl Hembra-Montialbucio
Pangunahing Layunin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong


magtipon at magsuri ng mga loa ng mga
Ilonggo.
Teoryang Batayan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay salig sa dalawang


teorya: una ang Oral Tradition Theory at ang ikalawa
ay ang Teorya ng Pagsusuri.
Ang unang teorya, ang Oral Tradition Theory ay
hango sa pag-aaral ng oral tradisyon na kilala sa
berbal na pagpapahayag ng tao ng kanyang
kaalaman sa kanyang lipunan kaya masasabing
palipat-lipat sa mga bibig ng tao.
Teoryang Batayan ng Pag-aaral

Nagkakaroon ng harapang relaasyon sa pagitan


ng tagahatid at tagatanggap ng mensahe. Ang
mensahe ay maaaring sa paraan ng pagsasalita o
awit gaya ng kwentong-bayan, kasabihan, awitin,
komposo at panunudyo sa anyong tugma.
Naipapakita nito ang mayamang pagbabahagi ng
damdamin at karanasan ng tao (Nono, 2008). Sa
ganitong paraan, nagiging possible para sa
Teoryang Batayan ng Pag-aaral

lipunan ang paghahatid ng oral na kasaysayan, oral


na panitikan, oral na batas at mga kaalaman mula sa
henerasyon tungo sa susunod pang henerasyon na
walang sistema ng pagsulat. Ang tradisyong oral na
ito ay may kakaibang paraan ng pag-alam at
paghahanap ng kaalaman na maaaring palaganapin,
panatilihin, paunlarin upang maipasa sa mga susunod
pang henerasyon.
Teoryang Batayan ng Pag-aaral

Ang ikalawang teorya ay tungkol sa pagsusuri.


Ayon sa teoryang ito, ang pagsusuri ay isang
disiplinang pagtatangka para maunawaan at
mabigyang-halaga ang akdang pampanitikan. Ito ay
hindi lamang basta-bastang pagsusuri, pamumuna o
pamimintas, kundi ito ay tumatalakay kung papaano
mapahalagahan ng isang mambabasa ang alinmang
akdang panliteratura gaya ng tula, kwento, dula at
nobela (Lemon, nasa Sustento, 1999).
Teoryang Batayan ng Pag-aaral

Idinagdag pa ni Rabulan (2009), na ang


pagsusuri ay isang paraang nagpapahalaga,
nagtitimbang at nagpapasya. Hindi lamang ito
pamimintas na halos walang nakikitang buti sa bagay
na sinusuri kundi tumutukoy sa mga bagay na
isinaalang-alang.
Paradima ng Pag-aaral

Pagsusuring Sosyo-Kultural

Pagpapangkat

Pagtitipon

Mga Loang Ilonggo


Tiyak na Layunin

Bilang pagtitiyak, sinagot ng pag-aaral na ito


ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-anong mga loa ang nagbibigkas at


nababasa ng mga Ilonggo?
2. Anong uri ng pamumuhay at kulturang
Ilonggo ang masasalamin sa mga loa?
Kagamitan sa Pagtitipon ng Datos

Sa pagtitipon ng mga datos mula sa panayam


na kailangan sa pananaliksik na ito ginamit ang mga
sumusunod: patnubay sa pagtatanong, tape
recorder at digital camera.
Patnubay sa pagtatanong. Ginamit ito upang
matukoy ang mahahalagang impormasyon kaugnay
sa mga impormante – ang kanilang pangalan, edad
at tirahan. May limang (5) katanungan ang
napapaloob sa patnubay na ito: (1) kon may mga
Kagamitan sa Pagtitipon ng Datos

belasyon pa bala nga gakatabo o ginahimo sa lugar


sang`mga impormante, (2) kon sila may nahibaluan
nga loa, (3) paano nila ini nahibaluan, (4) anu-ano
ang mga nahibaluan nila nga mga loa kag kon
pwede nila masaysay o mahambal, at (5) ano ang
kaaangtanan sang mga loa nga ini sa pangabuhi
kag kultura sang mga Ilonggo?
Kagamitan sa Pagtitipon ng Datos

Tape recorder. Ginamit ito upang maitala ang


mga loa na binibigkas ng mga impormante na
kinakailangan sa pananaliksik. Pagkatapos ng
pagrerekord, isinalin ng mananaliksik ang lahat na
mga nairekord na loa.
Digital camera. Ginamit ang instrumentong ito
upang magkaroon ng video at larawan na
magpapatunay ng pakikipanayam ng mananaliksik
sa mga Ilonggo na nagmula sa iba’t ibang lugar sa
Iloilo.
Tagubilin /Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, inihain ang


mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Para sa mga mag-aaral, bigyang-pansin ang


halaga ng ating sariling panitikan kagaya ng mga loa
sa dahilang isa ito sa yaman ng ating lahing Ilonggo.
Dahil sa ito ay nagsisilbing yaman, dapat itong pag-
aralan at mabigyan ng pagkakataon na makasulat o
makalikha ng mgatula o tugma upang mas lalong
mapahalagan at mapamahal sa sariling panitikan.
Tagubilin /Rekomendasyon

2. Para sa mga guro, mahalagang ilakip bilang


bahagi ng pag-aaral at talakayan sa silid-aralan ang
mga loa sa higit na ikakaunawa ng mga mag-aaral sa
dahilang ito ay repleksyon ng kultura at uri ng
pamumuhay nating mga Ilonggo. Maliban dito, maging
behikulo sana ito upang lubos na mapaunawa sa mga
Tagubilin /Rekomendasyon

mag-aaral na mahalaga ang mga tradisyong oral gaya


ng loa, na ngayong unti-unti nang nakakalimutan at
nawawala dahil sa pagpasok ng mga makabagong
teknolohiya.
Tagubilin /Rekomendasyon

3. Para sa mga administrador, himukin ang mga


mananaliksik na gumawa ng mga pag-aaral na may
kaugnayan sa Panitikang Ilonggo tulad ng iba pang mga
loa na hindi natalakay sa pag-aaral na ito. Maliban dito,
kahit na naipasok na sa kurikulum sa antas tersarya,
ang mga rehiyunal na panitikan, isang lubhang
Tagubilin /Rekomendasyon

pangangailangan pa rin ang pagtuturo ng mga akda


ng rehiyong VI sa kurikulum ng hayskul at elementarya.
Kailangan ding suportahan nila ang mga programa na
may kaugnayan sa pagpapabatid ng halaga ng
panitikang Ilonggo.
Tagubilin /Rekomendasyon

Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-apruba ng mga


seminar, pagsasanay at symposia na gaganapin sa
paaralan. Maaari na ring magkaroon ng mga
patimpalak sa pagsulat at pagtanghal ng mga akdang
pampanitikan gamit ang sariling wika o bernakular na
wika.
Tagubilin /Rekomendasyon

4. Para sa mga mananaliksik, magkaroon ng


kahawig na pag-aaral ngunit sa ibang genre ng
panitikan nang sa gayon lalo pang dadami ang mga
kaalaman ng mga Ilonggo sa sariling panitikan. Sinupin
pang maigi ang ilan pang mga tradisyong oral ng
Panitikang Ilonggo upang mapahalagahan lalo ng mga
Ilonggo at iba pang mga Pilipino at maituturing na
Pambansang Panitikan.
Tagubilin /Rekomendasyon

5. Para sa sector ng pamahalaan, maglaan ng


ponding local na gagamitin sa pagpapalimbag ng mga
anyo ng panitikang oral (tulad ng loa) para magkaroon
ng kalipunang magagamit sa pag-aaral sa silid-aralan,
maging sa aklatang pambayan. Isa ring mainam na
inisyatibo na sila ay magtaguyod ng mga kultural na
Tagubilin /Rekomendasyon

presentasyon o mga palabas na inilalakip ang


banggianay, komposo at iba pa upang
mapahalagahan ang mga katutubong panitikan.
Tagubilin /Rekomendasyon

6. Para sa Departamento ng Edukasyon, Komisyon


ng Lalong Mataas na Edukasyon at ng iba pang sangay
ng pamahalaan na may kinalaman sa pagkakaroon ng
pagpapahalaga sa edukasyon, ang pagkakaroon ng
kompresensibong programa na magpapatuloy at
magpapaunlad ng mga panitikang rehiyunal upang
Tagubilin /Rekomendasyon

mahikayat pang lao ang mga manunulat sa bawat


rehiyon, lalo na sa Rehiyon VI na sumulat at lumikha ng
mga akdang makikitaan ng mga pagpapahalaga at
kulturang Ilonggo para na rin maunawaan at
mapahalagahan ang sariling wika at panitikan.
Tagubilin /Rekomendasyon

7. Ang mga ahensyang pampamahalaan na


itinalaga upang isulong ang sining at kultura gaya ng
Pambansang Komisyon ng Sining at Kultura ay mas lalo
pa sanang magbalangkas ng mga programang kaugnay
sa pagpapahayag ng ating mga katutubong panitikan at
ipabatid ang mga ito sa ating mga kabataan sa paraang
Tagubilin /Rekomendasyon

gamit ang makabagong teknolohiya. Sa ganitong


kaparaanan marahil ay mapipigilan natin ang tuluyan
ng pagkalaho ng magandang yamang pampanitikan ng
ating mga ninuno gaya ng loa.

You might also like