You are on page 1of 23

Royal British College Inc.

Brgy. Marawoy, Lipa City


CONTACT NO. (043)702-6794

“Kakulangan sa GMRC:Pangunahing Dahilang ng Kawalan ng Respeto ng Mag-aaral sa


Baitang 11 sa Paaralang Royal British College Inc.”

Nina:

Barbado, Rob Antonio R.

Calingasan, Glen Adrei S.

Calingasan, Mharc C.

De Claro, Mark Ryan T.

Villamor, Aron Paul B.

Isinumite Kay:

Gng. Marjorie Medina

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t–ibang Teksto

Tungo sa

Pananaliksik
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Kabanata I

Suliranin at kaligiran Nito

Introduksyon

“We can imagine the confusion in our pupil’s heads. On one hand, we teach the
values of respect to others, the law and the State, and on the other hand, they see the
president on national TV using language of killing, misogyny ang vulgarity, and other top
officials following suit as if it is a fad,” ani Valbuena.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, nagbabago ang pag-uugali ng mga
bata ngayon at madalas itong sinisisi sa edukasyon. Ani Briones, una muna nilang ituturo
sa mga estudyante ang Good Manners and Right Conduct (GMRC), pagbibilang at
pagbabasa sa unang tatlong taon nito. Isama rin niya ang preventive drug education
para sa edad siyam. Sisimulan naman ang pagtuturo ng reproductive health sa mga nasa
sampung taong gulang.

Kahit sino namang babae, Presidente man o pulubi, hindi papaya g na i-beso-
beso nang kung sino-sino. At hindi sila talaga dapat basta halikan ng mga lalaki-
tagahanga man o tagmasid. Hindi kasungitan ang pag-iwas sa beso-beso. Kabastusan
ang pagpupumilit, nagsipilyo man o hindi. Ugaling Pilipino ang kabutihang-asal. Panahon
pa ng Kastila sinulat ang Urbana at Felisa. Dinagdagan pa ito ng good Manners and Right
Conduct (GMRC), na itinuro sa public schools ng mga Amerikano. At sa modernong
panahon, tinuturo parin ito sa mga bata, bukod sa pag-uulit sa mga tula at awit. Kung
hindi ito alam ng mga binata’t dalaga ngayon, pinapakita lang nila na wala silang pinag-
aaralan . absent sila o tulog habang nagle-lecture ang titser. Sa pagkakamay ng
dalawang tao, Halimbawa, maghintay dap tang nakakababana iabot ng nakataas ang
kamay. Nagtataas-taasan ang mababang nakikipag-kamay sa may ayaw. Kung babae’t
lalaki, dapat hintayin ng huli na mag-abot ng kamay ang una. Nantsatsansing ang
lalaking hindi makahintay. Sa pagpapakilala sa dalawang tao, unang binabanggit ang
nakataas bago ang nakabababa. Halimbawa: “Madame President, may I introduce to
you Mr. Juan dela Cruz.” Sa pila, wala dapat tulakan. Sa pagmamaneho, walang gitgitan.
Ang nakikipag-unahan, asal hampas-lupa. Hindi makahintay sa pagdating ng jeepney o
pag-abot ng ostiya sa simbahan, o pagtawid ng naunang sasakyan. Akala mo naman,
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

mauubos ang jeepney o ostiya o kalsada. Paupuin ang matanda at babae, lalo na ang
buntis, sa bus, tren o sinehan. Magbigay galang sa matatanda, sa bahay man o sa kalye.
Magsanay sa mabuting asal. Kung ang kordero ay lumuluod para sumuso, tao pa kaya.
Sa panahon ngayon paiba na ng paiba ang kilos at ugali ng kabataan kung ikukumpara
ito sa nakaraang mga kabataan na mga disiplinado at ay respeto sa kanilang mga guro.
Sa pagtagal nga ng panahoy pasama nan g pasama ang ugali ng mga kabataan at hindi
na sila rumerespeto sa kanilang mga guro at kapag silay pinagalitan ay sila pa ang galit at
may lakas na loob para magsumbong sa kanilang mga magulang sa ginawa ng guro sa
kanila na nag layunin naman ay ayusin ang ugali ng kanilang mga tinuturuan. Ang GMRC
ay isa sa mga tinuturo ng mga guro upang mapaayos ang ugali ng mga kabataan para sa
pagtungtong nila sa high school at kolehiyo ay maging disiplinado sila magkaroon ng
wstong pag-uugali ngunit sa panahong ito parang hindi sinasabuhay ng mga kabataan
ang aral na nakuha nila sa asignaturang GMRC dahil marami parin ang hindi
rumerespeto sa kanilang mga guro. Ang pag-iingay sa klase at ang pagseselpon ng mga
estudyante habang nagkaklase at ang pagsagot sa guro ng pabalang ay iilan pa lamang
sa mga ugaling meron ang estudyate sa panahong ito. Maraming mga guro ang
naiistorbo ang kanilang pagtuturo dahil sa mga malig ugaling nakasanayan nila na
nakuha nila sa bahay o kayay sa environment na kaniyang ginagalawan.

Bakit nga ba ganito ang ugali ng kabataan ngayon? Siguro dahil din sa maling
pagpapalaki ng magulang o kaya naman ay magulo ang buhay na kaniyang nararanasan.
Malaki ang epekto ng paghubog ng magandang disiplina ng mga magulang sa kanilang
mga anak dahil magiging disiplinado ang mga ito at rerespeto sa lahat ng tao na
makakasalumuha nila. Kapag magulo ang buhay na kinalakihan ng isang bata maaaring
makuha niya ang mga katangiang meron sa kanilang lugar at maaaring gawin ang mga
ugaling ito sa paaralan. Malaki ang pananagutan ng mga magulang sa kanilang mga anak
dahil ang mga magulang ay repleksyon ng kanilang anak kaya nakakahiya sa isang
magulang na ang anak na kanilang pinalaki ng maayos ay malalaman nilang walang
respeto sa ibang tao.

Kung ibabalik natin ang nakaraan mas pabor ang nakararamihan kung lalonglalo
na ang mga guro dahil hindi maiistorbo ang kanilang pagtuturo dahil sa isang taas lang
ng kilay ay tatahimik na agad ang batang nagiingay sa kanyang klase. Sa pagkawala ng
paghahampas, pangungurot at pambabato ng chalk ng mga guro at ang mas pagbibigay
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

ng pabor ng mga estudyante ay malaki ang epekto dahil naging wild ang mga estudyante
at nagbunga pa ito ng kawalan ng respeto sa mga guro na kinakaharap ng halos lahat ng
eskwelahan mapa publiko o pribadong paaralan. Sa mga reklamo ng mga estudyante sa
mga guro sa mga pangungurot at panghahampas ay naging iba na ang paguugali ng mga
estudyante at naging abuso na sila dahil hindi na sila pwedeng saktan ng mga guro at
mas binigyan pa sila ng karapatan para magsumbong kapag sinasaktan sila ng mga guro
kaya doble pasakit ang kinakaharap ngayon ng mga guro kasi maliit na nga ang kanilang
sweldo, doble pa ang nagging pagod nila at pagtitimpi sa mga estudyante na walang
respeto sa kanila. Dahil nga sa pakawala ng asignaturang GMRC mas nahihirapan na ang
mga guro na magturo dahil sa karamihan ngayon sa mga estudyante ay nawawalan na
ng respeto sa mga guro.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Layunin ng Pagaaral

Ang layunin ng pagaaral na ito ay imulat ang mga mata ng bawat estudyante sa
paaralan ng RBC at ituro ang dapat ugaliing taglay ng mga estudyante. Ang mga
impormasyon na aming nakalap ay makakatulong na hubugin ang ugali ng bwat
estudyante at mabawasan ang maling ugali na nakagawian ng mga estudyante sa
paaralan.

Layunin din ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na mga


katanungan.

Kahalagahan ng Pagaaral

Mahalagang mapagaralan ang kahalagahan ng GMRC upang maibalik ang dating


respeto na unti unting nawala at nagbabago ng iba’t ibang henerasyon, kung kaya ito ay
naglalayong magbigay kaalaman sa mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral

Mahuhubog ang ugali ng mga magaaral na kumilos ng naaayon at maging


disiplinado sa lahat ng lugar. Maimumulat ang mga magaaral sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng disiplina. Makakatulong ito upang mas mapabuti at mabago ang ugaling
nakasanayan ng mga estudyante.

Para sa mga may Propesyon

Ang GMRC ay sumasalamin sa pagkatao ng isang indibiduwal, dahil ito ang


basehan ng mga bagay na natutunan nila mula sa mga guro na gumabay at sumuporta
sa kanila. Ito ang depinisyon ng ugali at pagkatao ng isang propesyonal sa aspeto ng
buhay at dignidad. Ito ang sukutan ng husay at galing na sa atin ay tuluyan ng nawala;
ngunit sa kabila ng mga bagay na kanilang ginagawa nandyan padin ang mga magaaral
na binabalewala ang mga magagandang asal na sa kanila ay pinunla ng kani-kanilang
mga guro. Ang GMRC bilang asignatura ay isa sa mga sukutan at husay at galling ng
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

isang propesyonal, dahil ito ay kumakatawan sa ugali ng bawat indibiduwal lalo na sa


paghahanap ng trabaho.

Ang ugali o attitude ay isa sa mga salamin ng mga taong propesyonal, ito ang
mga pinagtutuunan ng pansin ng mga employer dahil kahit na may kakayahan ka kung
masama naman ang ugali ng isang employee balewala din dahil mas dominante ag ugali
kesa ganda at kakayahan, gaya nga ng isang lumang kasabihan: “Attitude comes first
before beauty.”

Sa mga Estudyante. ang pagaaral na ito tungkol sa elektreonikong babasahin ay


napakahalaga dahil sa panahon nagyon na sobrang bilis ng pagunlad ng teknolohiya ay

dapat makasabay angmga kagamitan ng mga estudyante lalong-lalo na ang libro sa


pagtaas na lebel ng teknolohiya. Ang pagaaral na ito ay tiyak na makakatulong sa

paglawak ng kanilang kaalaman at kakayahan na makakatulong upang malinang ang


mga estudyante at mapagtagumpayan nila ang mga problema bilang estudyante sa
kanikanilang larangan.

Sa mga Propesor. Makakatulong din ito sapagkat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng


elektronikong babasahin ay magkakaroon ng mga bagong paraan an gating mga
minamahal na guro. Mabibigyan din nila ng pagkakataon ang mga estudyante na
malinang ang kanilang mga kaalaman at kakayanan sa kanilang mga kurso sa ginhawa ng
kani-kanilang ‘’smartphones”.Kaming mga mananaliksik ay lubos na nasisyahan dahil sa
pamamagitan ng aming pag-aaral, makakatulong kami hindi lamang sa mga estuyante
kundi sa ating mga propesor upang malinang ang kanilang galling sa kanilang mga
larangan.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral nito ay para sa mag-aaral na patuloy na nangbabastos sa kapwa


mag-aaral, guro, at iba pang tao na nakapaligid sa kanila. Ito ay eksklusibo lamang sa
mga mag-aaral na nag-aaral sa Royal British College Inc. Ang limitasyon ng pag-aaral na
ito ay:

 Sensitibong mga mag-aaral


 Magkaroon ng pagkadawit ang ibang asignatura
 Mga mag-aaral na mababa ang pang-unawa

Tatalakayin dito ang kahalagahan ng merong disiplina at wastong paguugali na dapat na


tinataglay ng mga estudyante sa paaralan na tinuro ng mga guro.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

INPUT PROCESS OUTPUT


Mga mag-aaral na Pagsasagawa ng Magsisilbi itong
nasa baitang 11 survey at interview. repleksyon sa ugali
Mga mag-aaral na Pagsagot sa mga at asal ng isang
nasa edad 15-20 tanong na ibinigay mag-aaral
Mga mag-aaral na ng mga interviewee
nabibilang sa
ikatlong kasarian,
babae, at lalaki.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Depinisyon ng mga Teknolohiya

 GMRC- Good Manners and Right Conduct

 Employee- empleyado o kawani

 Employer- may pagawa, amuin o amo

 Attitude- kilos, kiyas, tanaw, at turing

 Respeto- galang; pakundangan

 Disiplina- kapanutuhan o pagkatuto

 Respondante- mga taong sumagot sa survey

 Survey- isang pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon

 Bias- pagkakaroon ng pinapanigan sa gitna ng mga partido

 Tabular-
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Kabanata II

Mga Kauganay na Pag-aaral at Literatura

Ayon kay Belaro, Nilalayon ng subject na GMRC na maitatak sa isipan ng


kabataan ang pagrespeto sa sarili,sa kapwa at mga nakakatanda gayundin sa
pagpapahalaga sa pagpapasensya, pagtitiyaga, katapatan at mabuting layunin sa
pakikihalubilo sa ibang tao .Napapanahon na ibalik ang pagtuturo sa mga kabataan ng
tamang asal lalo na sa katapatan, pagiging balanse at mahabang pasensya. Sa ilalim ng
House Bill 6705 o ang Revival of Good Manners and Right Conduct Act of 2017, ito ay
magtatakda sa GMRC bilang hiwalay na subject sa basic education curriculum.

Ayon kay Belaro, mahalaga ang papel ng katapatan sa lipunan na dapat simula sa
tahanan, paaralan at maging sa lansangan lalo na sa pagsunod sa batas trapiko at rule of
law. Matatandaan na inalis sa bagong curriculum ng K to 12 program ang GMRC bilang
regular subject at isinama na lang sa Social Studies o iba pang katulad nitong subject sa
eskwelahan.

Ayon kay Benjo Basas ang chairman ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC),maging
ang mga guro ay nagrereklamo sa pag-uugali ng mga kabataan na tila hindi na
gumagalang sa mga nakakatanda.”We are willing to give them inputs at wala naman
tayong pagtutol doon, in fact yung mga teachers nga isa sa nirereklamo ngayon yung
mga bata ay medyo iba na ang ugali.”bahagi ng pahayag ni Basas sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Basas na dapat maging malinaw sa pagsusulong ng GMRC kung


saan nakapaloob ito sa Values Education na sa kasalukuyan ay tinatawag na edukasyon
sa pagpapakatao upang maabot ang iba’t-ibang aspeto. Sinabi ni Basas na dapat maging
malinaw sa pagsusulong ng GMRC ang kulturang tinutukoy dito dahil sa mahigit 40-
libong paaralan sa bansa ay may iba’t-ibang kulturang pinahahalagahan.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Batay sa panukala ng Department of Education idadagdag ang GMRC sa


kasalukuyang Curriculum sa lahat ng antas ng K-12 Program upang matugunan ang
pagbabago sa lipunan na nakakaapekto sa pag-uugali ng kabataan.

Sa mensahe ni Pope Francis sa Italian Association of Catholic Teachers iginiit


nitong bukod sa mga guro ay malaking gampanin ng mga magulang ang paghuhubog sa
pagkatao sa kanilang mga anak partikular na ang pag-uugali ng bawat bata.

Ayon kay president Benjamin Valbuena ng Alliance of Concerned Teachers


malilito ang mga bata dahil iba ang itinuturo ng kanilang mga guro sa napapanood nila
kay Duterte.”We can imagine the confusion in our pupil’s heads. On one hand, we teach
the values of respect to others, the law and the State, and on the other hand, they see
the president on national TV using the language of killing, misogyny and vulgarity, and
other top officials following suit as if is a fad” ani Valbuena. Magiging isang hamon
umano sa mga guro ang pagtuturo ng GMRC sa mga estudyante sa ilalim ni Pangulong
Duterte.

“Bukod sa mabuting asal makikita natin ang pagtuturo tungkol sa mga halaga ng
katotohanan, katarungan at karapatang pantaoay dapat na strengthened at dapat na
tinalakay sa loob ng konteksto g ating kasaysayan at kasalukuyang lipunang ito ay
makakatulong sa aming mga nag-aaral upang mas mahusay na malaman ang
karapatan.” dagdag ni Valbuena. Sinabi ni Valbuena na ang problema sa K to 12
curriculum ay nakadisenyo ito para gumawa ng empleyado na may murang suweldo.

Sa muling pagtingin sa mga penomenong nagaganap mula sa ganitong


perspektibo, umuusbong din ang higit na pagkaunawa na ang kilos, paniniwala,
halagahin, ekspresyon, at pati pananaw sa buhay ng isang indibiduwal ay nahuhugis at
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

naiimpluwensyahan nga ng kanyang pinanggalingang kalinangan. Pinatatag pa ito sa


paglabas ng mga patunay na ang tao ay nagkakaiba bata’y sa kanilang kontekstong
pinagmumulan (Keesing, 1974; Geertz, 1995; Shweder, 1995).

Hinihubog naman ng mga pakahulugang ito at tinutulungan ang bawat tao kung
paano dapat makipag-ugnayan sa loob ng lipunan. At ang mga nabuong pakahulugang
ito ang humuhugis at nagdidikta sa kilos, reason, isipan at damdamin na dapat ay
naiintindihan din ng sinumang kabahagi sa grupong iyon (Shweder, 1995).

Kung susuriing mabuti, tila may baligtarang (vice versa) realasyon ang lipunan at
ang indibiduwal. Sa loob ng mga lipunan o grupo nagkakaroon ng ugnayan ang mga tao
kung saan nabubuo ang sistema ng kanilang pakahulugan (meaning systems).
Hinuhubog naman ng mga pakahulugang ito at tinutulungan ang bawat tao kung paano
dapat makipag-ugnayan sa loob ng lipunan. At ang mga nabuong pakahulugang ito ang
humuhugis at nagdidikta sa kilos, reaksyon, isipan at damdamin na dapat ay
naiintindihan din ng sinumang kabahagi sa grupong iyon (Shweder, 1995).
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Kabanata III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay bubuo ng pamanahong papel sa paamagitan ng sarbey


kwestyoner. Nakapaloob dito ang mga kasagutan ng mga estudyante sa RBC sa baitang
grade 11 na makatulong sa mga mananaliksik upang magampanan nila ang tunay na
layunin ng kanilang- pagaaral. Ang pagpili ng respondante sa sarbey kwestyoner ay
ginamitan ng “Simple Random Sampling” na pipili lamang ng ilang miyembro ng isang
organisasyon na walang kahit anong batayan upang maiwasan ang pagiging “bias” sa
gagawing pag-aral. Sinisigurado din ng mananaliksik na hindi sila magtatanong ng mga
sensitibong pahayag na maaaring ikagalit ng kanilang respondent.

Sa pagkuha ng datos ang mga mananaliksik ay mamamahagi ng sarbey


kwestyoner sa labing limang estudyante sa grade 11 sa RBC. Gagamitin ng mga
mananaliksik ang araw na huwebes upang maisagawa ang sarbey sa paaralan ng RBC.
Bibigyan ang mga estudyante sa RBC ng sapat na oras upang punan ng mga kasagutan
ang nasabing kwestyoner. Pagkatapos mangalap ng mga datos pagsasamasamahin ng
mga mananaliksik ang mga kasagutan sa kwestyoner upang maipresenta ang mga
persepsyon ng mga estudyante sa RBC sa pamamagitan ng tekstuwal at tabular o grapik
na presentasyon, bibigyan ng enterpretasyon ng mga mananaliksik ang mga nakalap na
datos.

Mula sa mga espisipikong datos na nakalap, ang mga mananaliksik ay


makakabuo ng isang panibagong kongklusyon ukol sa kanilang ginawang pag-aaral. Ang
kongklusyon na ito ay magsisilbing bagong teyorya na makakatulong sa susunod na
bagong henerasyon. Magagamit ito na bagong batayan sa kanilang gagawing mas
malalim na pag-aaral ukol sa kakulangan ng respeto ng mga estudyante sa kanilang mga
guro na nakakasalamuha.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, nakalahad ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa


pamamagitang ng graph na presentasyon. Dito nakalahad ang analysis o pagsusuri ng
ginawa ng mga mananaliksik.

Natuklasan sa pagaaral na ito ang sumusunod na datos at impormasyon:


Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Graph 1
Distribusyon ng mga Respondante ayon sa Edad.

60% 55%
50%

40%
30% 16
17
30%
15% 18

20%

10%

0%
16 17 18

Tatlo (3) sa mga respondante ay nasa edad labing anim (16) na taong gulang, na
15% na kabuuang porsyento ng mga respondante. Labing-isa (11) na respondante
naman ang nasa edad labing-pito (17) na taong gulang, na may kabuuang 55% na mga
respondante. Anim (6) naman ang respondante na nasa edad labing-walong (18) taong
gulang, na may kabuuang 30% na porsyento. Samakatuwid ito ay may kabuuang
isangdaang porsyento (100%) o dalawampung (20) respondante.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Graph 2
Ituro ang GMRC sa sekondaryang paaralan

0%

Sang-ayon
Hindi Sang-ayon

100%

Lahat sa mga respondante ay nagbigay tugon ng sang-ayon at walang


respondante ang pumabor sa hindi sang-ayon.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Graph 3
Seminar para sa mga mag-aaral

40%
Sang-ayon
Hindi Sang-ayon

60%

Karamihan sa mga respondante ay nagbigay tugon sa hindi sangayon. May


kabuuang 40% ang sumang-ayon dito o walong (8) respondante. Sa hindi sang-ayon
naman ay may kabuuang 60% o katumbas ng labing dalawang (12) respondante.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Graph 4
Maling pagpapalaki ng magulang ang isang dahilan ng pagkawala ng respeto o
paggalang.

Sang-ayon
50% 50% Hindi Sang-ayon

Pantay ang sang-ayon at hindi sang-ayon ng mga respondante. Sa aming nakalap


sampu (10) para sa mga sang-ayon at sampu (10) rin ang hindi sang-ayon.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Graph 5
Dahil nga sa pakawala ng asignaturang GMRC mas nahihirapan na ang mga guro na
magturo dahil sa karamihan ngayon sa mga estudyante ay nawawalan na ng respeto
sa mga guro.

5%

Sang-ayon
Hindi Sang-ayon

95%

Karamihan sa tanong na ito ay pabor at sangayon. Batay sa nagawang sarbey 95% ang
sang-ayon o labing siyam (19) na respondante.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

Graph 6
Nakakaimpluwensya ang nasa paligid sa ugali ng tao.

0%

Sang-ayon
Hindi Sang-ayon

100%

Lahat sa mga respondante ay nagbigay tugon ng sang-ayon at walang


respondante ang pumabor sa hindi sang-ayon.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Bilang huling kabanata ng pananaliksik, laman ng kabanatang ito ang mga bagay
na napagtanto ng mga mananaliksik ukol sa pinag-aralng paksa. Narito ang ilang bagay
na nais irekomenda ng mga mananaliksik.

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isang pag-tatangkang malaman ang msamang epekto ng


pagkawala ng asignaturang ukol sa Good Manners And Right Conduct (GMRC) sa mga
sekundaryang paaralan.

Gamit ang disensyong deskriptibo – analitikal, ang mga mananaliksik ay disenyo


ng surbey –kwestyuner na pinasagutan sa dalawampung mga respondante mula sa
baitang 11 ng Royal British College Inc. Mula sa mga espisipikong datos na nakalap, ang
mga mananaliksik ay makakabuo ng isang panibagong kongklusyon ukol sa kanilang
ginawang pag-aaral. Ang kongklusyon na ito ay magsisilbing bagong teyorya na
makakatulong sa susunod na bagong henerasyon.

KONKLUSYON

Batay sa inilahad na mga datos, ang mga mananlisik ay humantong sa mga


sumusunod na konklusyon:

Ang naging resulta ng aming sarbey nalaman namin ang mga dahilan kung bakit
ganun ang ugali ng mga estudyante sa paaralan na lubos na nakatulong sa aming
pananaliksik.

 Muling ituro ang GMRC sa mga sekundaryang paaralan.


 Magkaroon ng seminar para sa mga estudyante.
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

 Maayos na pag-papalaki ng mga magulang ay maaring nakakaapekto ito sa


maaaring maging ugali ng isang bata.
 Muli pagbabalik ng asiganturang GMRC lalong lalo na sa mga guro na
nagbabahagi nito sa mga estudyante.
 Malaki ang impluwensya ng nasa paligid pagdating sa ugali ng isang indibiduwal.

Ang pagbabalik ng asignaturang GMRC sa mga sekundaryang paaralan ay malaki


ang maitutulong upang maibalik ang dating respeto ng mga mag-aaral sa mga kanilang
guro. Dahil sa pagkawala ng asignaturang ito sa mga sekundarya paaralan maraming
mga estudyante ang walang respeto sa kanilang mga guro. . Ang GMRC ay isa sa mga
tinuturo ng mga guro upang mapaayos ang ugali ng mga kabataan para sa pagtungtong
nila sa high school at kolehiyo ay maging disiplinado sila magkaroon ng wstong pag-
uugali ngunit sa panahong ito parang hindi sinasabuhay ng mga kabataan ang aral na
nakuha nila sa asignaturang GMRC dahil marami parin ang hindi rumerespeto sa
kanilang mga guro. Ang pag-iingay sa klase at ang pagseselpon ng mga estudyante
habang nagkaklase at ang pagsagot sa guro ng pabalang ay iilan pa lamang sa mga
ugaling meron ang estudyate sa panahong ito. Maraming mga guro ang naiistorbo ang
kanilang pagtuturo dahil sa mga malig ugaling nakasanayan nila na nakuha nila sa bahay
o kayay sa environment na kaniyang ginagalawan.

Rekomendasyon

Dahil sa pagkawala ng GMRC sa mga sekundaryang paaralan unti-unting


nawawala ang moralidad na itinuro sa primaryang paaralan. Malaki ang impluwensya ng
nasa paligid ng bawat indibiduwal na maaring makaapekto sa magiging ugali ng mga ito.
Bilang isang mananaliksik tungkol sa Good Manners And Right Conduct (GMRC)
iminumungkahi na muling ibalik ang asignaturang GMRC sa mga sekundaryang paaralan
at bigyang pokus ang pag-uugali ng mga mag-aaral at iba pang kasangkot sa pananaliksik
na ito. Sa pamamagitan nito posibleng maibalik muli ang magandang pag-uugali na
ngayon ay unti-unti ng nawawala at nakakalimutan. Maaring magkaroon ng seminar na
makakapagbukas muli sa asignaturang GMRC na makakatulong upang magkaroon ng
Royal British College Inc.
Brgy. Marawoy, Lipa City
CONTACT NO. (043)702-6794

ideya ang bawat indibiduwal tungkol sa asignaturang ito upang magbukas ng bagong
ideya.

Sa mag-aaral dapat maging disiplinado tayo sa eskwelahan lalo na kapag


nagtuturo ang guro at mag-bigay ng respeto sa nakakatanda at sa lahat ng taong
nakakasalamuha. Pumili ng wastong kakaibiganin.

Sa mga magulang palakihin ang kanilang mga anak ng maayos ng may respeto sa
mga taong kanilang nakakasalamuha at turuan sila ng magaganda at tamang asal o pag-
uugali. Maging mabuting ehemplo sa mga anak.

You might also like