You are on page 1of 4

May Day Eve

Tagapagsalaysay: Ipinag-utos ng mga nakatatanda na dapat tapusin ang sayawan pagpatak


ng ika-sampu ng gabi ngunit halos kalagitnaan nang gabi bago pa dumating ang mga
karuwahe.

*SINALUBONG ANG MGA BISITA NA MAY DALANG ILAW*

Tagapagsalaysay: Samantalang ang mga babae ay pinanatili na sa kwarto, ang mga


kalalakihan naman ay gustong gumala-gala upang aliwin ang kanilang mga sarili. Tatapusin
muna nila ang alak kahit na malapit na silang malasing at nagsasabog na ng katapangan, saya,
pagmamataas, at pagkainis dahil bagong dating galing Europa kaya iniaalay sa kanila ang
pagdiriwang.

*PAGTUNOG NG KAMPANA “Guardia Sereno-O! Alas dose handado-o-o!”*

Anastasia: At ngayo’y Mayo na naman, unang araw ng Mayo at laganap ang mga
mangkukulam ngayong gabi dahil ito ay ang gabi ng panghuhula, gabi ng magkasintahan at
yaong may pakialam ay ang makakasama sa salamin, at doon makikita kung sino man ang
iyong mapapangasawa.
Grand Lady: Tama na, tama na Anastasia! Gusto na naming matulog!!
Lady 1: Sige takutin mo ang mga lalaki matandang mangkukulam!
Lady 2: Hindi siya mangkukulam! Siya ay isang maga, ipinanganak siya bago pa man sumapit
ang pasko.
Lady 3: Sta. Anastasia, birhen at martir.
Lady 4: Ano? Imposible! Mayroon nga iyang pitong asawa. Birhen ka ba Anastasia?
Anastasia: Hindi, pero mas martir pa ako ng pitong beses dahil sa inyo mga babae!
Agueda: Hayaan natin siyang magpapropesiya! Sino ang aking mapapangasawa matandang
hitano? Sige sabihin mo!!!
Anastasia: Malalaman mo iyan sa salamin kung hindi ka takot.
Agueda: Hindi ako natatakot!! Pupunta ako!
Grand Lady: Mga babae ang ingay-ingay na natin. Maririnig tayo ni ina at pupuntahan niya tayo
rito at malilintikan talaga tayo. Agueda humiga ka na! At ikaw Anastasia, sinasabihan kita na
itikom mo na ang iyong bibig at umalis ka na.
Anastasia: Sabi ng iyong ina na manatili ako rito buong gabi, aking binibini!
Agueda: At hindi ako hihiga! Manatili ka matandang babae, sabihin mo sa akin kung ano ang
dapat kong gawin.
Ladies: Sabihin mo!! Sabihin mo sa kanya!!!
Anastasia: Una, dapat magdala ka ng kandila at pumunta ka sa isang kwarto na madilim at
may salamin doon, dapat mag-isa ka lang. Lumapit ka sa salamin at ipikit mo ang iyong mga
mata at sabihin mo, “Salamin, salamin ipakita mo sa akin kung para kanino ako!”. Kung
magiging maayos ang lahat, may mukha ng lalaki na lilitaw sa itaas ng kaliwa mong balikat at
siya ang mapapangasawa mo.
Agueda: At kung hindi magiging tama ang lahat?
Anastasia: Kaya, maaawa sayo ang Diyos.
Agueda: Bakit?
Anastasia: Dahil makikita mo ang diablo.
Mga babae: Ahhhhhh!!!!!
Agueda: Pero hindi makabuluhan! Ito ay taong 1847, wala ng diablo! Ngunit saan ako tutungo?
Oo nga pala, sa ibaba, sa sala. Mayroon doong malaking salamin at walang tao roon.
Lady 1: Huwag Agueda! Huwag!! Ito ay malaking kasalanan!!! Makikita mo ang diablo!!!!!
Agueda: Wala akong pakialam! Hindi ako natatakot! Pupunta ako!!
Lady 4: Oh ikaw nakakatakot na babae! Oh ikaw na nahihibang na babae!
Grand Lady: Kung hindi ka pa matutulog Agueda tatawagin ko na si ina.
Agueda: At kung gagawin mo yan, sasabihin ko sa kanya kung sino ang pumunta sa iyo para
bisitahin ka sa kumbento noong Marso. Sige na matandang babae!! Ibigay mo na sa akin ang
kandila. Pupunta na ako!!
Grand Lady: Huwag niyo siyang hayaang makalabas! Hawakan niyo siya!!

Tagapagsalaysay: Nakatakas si Agueda at pumunta na sa sala. Iniisip niya na maliwanag pa


ang sala, puno ng kasiyahan, sayawan at tugtugan. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at
sinabi ang mahiwagang salita. Akala niya habang buhay na siya roon. Nakarinig siya ng may
naglalakad sa kanyang likod kaya ibinuka niya ang kanyang mga mata.

Anak ni Agueda: Ano po ang iyong nakita ina? Ano po yooon?


Agueda: Nakita ko ang diablo.
Anak ni Agueda: Diablo mama? Ang diablo?
Agueda: Oo mahal ko at doon sa salamin, ngumingiti sa akin sa ibabaw ng aking kaliwang
balikat ay ang mukha ng diablo.
Anak ni Agueda: Kaawa-awang ina at natakot ka po ba?
Agueda: Hindi ka maniniwala kaya hindi dapat tumingin sa salamin ang mga mababait na
batang babae kung hindi ipinag-uutos ng kanilang ina. Kaya ihinto mo na ang masamang
gawaing ito. Palagi mong tandaan na sa bawat salamin na iyong madadaanan baka makakita
ka ng diablo.
Anak ni Agueda: Pero ina, ano po ang itsura ng diablo?
Agueda: Siya ang pinakagwapong diablo na nakita ko pero may peklat siya sa kanyang mukha.
Anak ni Agueda: Katulad po ng peklat ni ama?
Agueda: Oo, pero ang peklat na iyon ay peklat ng kasalanan, samantalang ang sa iyong ama
ay peklat ng karangalan.
Anak ni Agueda: Ipagpatuloy mo pa po ina ang tungkol sa diablo!
Agueda: Mayroon siyang bigote.
Anak ni Agueda: Tulad po ng kay ama?
Agueda: Hindi, ang sa ama mo ay marumi at mabaho ang amoy tulad ng tabako ngunit ang sa
diablo ay napakaitim at napakaganda.
Anak ni Agueda: Nagsalita po ba siya sa iyo ina?
Agueda: Oo naman, nagsalita siya sa akin.

Don Badoy: Palamuting tulad mo ay di na kailangan ng kandila. Hahaha! Naaalala kita!! Ikaw si
Agueda. Bata ka pa noong umalis ako at ngayon ay napakaganda mo na. At sumayaw ako ng
waltz kasama ka pero hindi mo ako isinayaw ng polka.
Agueda: Padaanin mo ako!!
Don Badoy: Ngunit gusto kong sumayaw tayo ng polka.
Agueda: Padaanin mo ako!!
Don Badoy: Hindi, hindi, hangga’t sa hindi ka pumapayag na sumayaw tayo.
Agueda: Pumunta ka sa diablo!
Don Badoy: Ano bang nasa ulo moa king serrana?
Agueda: Hindi ako ang iyong serrana!
Don Badoy: Sige, sino? Isang taong alam ko? Isang taong nagkasala? Dahil pinagalitan mo
ako, pinagalitan mo na rin ang lahat ng aking kaibigan tulad ng mortal na kaaway.
Agueda: Bakit hindi? Oh, paano kita hindi kasusuklaman makasariling lalaki? Pumunta kayo sa
Europa at bumalik kayo rito magagandang diyos at kaming mga aliping babae ay napakatanga
upang pasayahin kayo. Wala kaming ganda tulad ng mga Parisenyo, wala kaming apoy tulad
ng mga Sevillians, at wala kaming alat!
Don Badoy: Paano mo nalaman tungkol sa amin?
Agueda: Hindi ko ipinagmamalaki ang sarili ko.
Don Badoy: Ipinagmamalaki mo siguro ang buwan!?
Agueda: Oh!

*NAHULOG ANG KANDILA AT UMIYAK SI AGUEDA*

Don Badoy: Huwag kang umiyak! Patawarin mo na ako! Sige na, huwag ka nang umiyak! Ang
sama ko talaga, lasing lang ako, hindi ko alam kung ano ang aking sinasabi.
Agueda: Hayaan mo na ako!!!
Don Badoy: Ayoko!! Patawarin mo muna ako Agueda.
Agueda: *KINAGAT SI DON BADOY SABAY TAKBO*
Don Badoy: Ahh!! Yung babaeng yun talaga!!!! Magsisisi siya sa ginawa niyang ito!!!

Tagapagsalaysay: Inalala ni Don Badoy ang magandang balikat ni Agueda at napakabanayad


na balahibo. Nakita niya ang makinis na leeg at ang banat na dibdib sa likidong damit. Kumanta
siya sa madilim na kwarto at bigla na lang niyang napagtanto na nahuhulog na siya kay
Agueda.

Tagapagsalaysay: Ngunit, alas, nakalimot na ang puso, puso ay nagambala. Lumipas na ang
Mayo, tag-init na nagpahiram, bagyo ay winasak ang ibabaw ng mga uri ng daga sa taniman at
tumanda ang puso. Habang ang mga oras, mga araw, mga buwan, at mga taon ay nagpatong-
patong hanggang sa nagkagulo na ang isipan, nalilito, mga sapot ng gagamba ay dumami pa,
mga dingding na umitim at nagsimulang mabulok, alaala’y nawala na. At dumating ang panahon
na umuwi si Don Badoy patungo sa kanilang bahay. Kalagitnaan ng gabi, unang araw ng Mayo,
nang hindi na maalala, walang pakialam kung maaalala pa ba. Nang papalapit na siya sa
pintuan at sa loob ng kadiliman na bahay. Buong walang pakialam sa gabi ng Mayo hanggang
sa kanyang daanan pababa sa bulwagan, umaasang makakita sa sala, nanginig siya, huminto
siya dahil nakakita siya ng mukha sa salamin. Ang mala-multong liwanag ng kandila na may
mukha na nakapikit ang mga mata at kumikilos ang mga labi.

Voltaire: Oh lolo, tinakot mo po ako!


Don Badoy: Ikaw pala yan makulit kong apo. Ano ang ginagawa mo dyan sa ganitong oras?
Voltaire: Ginagawa ko lang po … Ginagawa ko lang po … Wala po lolo hehe.
Don Badoy: Oo ikaw lang dakilang senyor at ikinagagalak kong makilala ka. Ngunit kung hindi
lang talaga kita apo ay malamang ipinalo ko na sa iyo itong baston ko sa ulo mo.
Voltaire: Kahalangan lang iyon lolo. Sabi po nila makikita kop o ang aking mapapangasawa.
Don Badoy: Asawa? Anong asawa?
Voltaire: Sabi po ng aking mga kaklase, kapag unang gabi po ng Mayo, humarap daw po ako
sa salamin na may dalang kandila at sasabihin ang katagang “Salamin, salamin ipakita mo sa
akin kung para kanino ako!” at makikita ko daw po ang magiging asawa ko.
Don Badoy: Ngayon, ilagay mo muna ang kandila at may sasabihin ako sayo. Gusto mo na
bang nag-asawa? Gusto mo na bang Makita mo siya? Pero alam mo ba apo na nakakatakot
ang larong ito dahil maaaring mailagay ka sa kapahamakan nito.
Voltaire: Binalaan na po ako nila lolo, na kapag daw po di ako nagtagumpay makikita ko daw
po ang mangkukulam.
Don Badoy: Talaga! Maaari kang mamatay dahil sa takot. Papatayin ka niya at isusumpa, ang
mas malala ay kakainin ka niya at iinumin ang iyong dugo.
Voltaire: Lolo umayos nga po kayo!! Nasa taong 1890 na po tayo, wala na pong mangkukulam.
Don Badoy: Apo paano kung sasabihin ko sayo na nakakita na ako ng mangkukulam?
Voltaire: Saan po lolo?
Don Badoy: Dito mismo sa silid na ito doon sa salamin.
Voltaire: Kailan po lolo?
Don Badoy: Hindi pa gaanong katagalan. Noong matanda pa ako sayo ng kaunto, napakasira
ko talaga at pakiramdam ko may sakit ako noong gabing iyon at gusto kong humiga kung saan
at mamatay na lamang.Hindi ako makakadaan sa pintuan kung hindi ako hihinto at titingin sa
salamin. Kung ano ako kapag namatay at ng pinalo ko ang ulo ko para malaman kung ano ang
dapat kong makita sa salamin, pero ….
Voltaire: Ang mangkukulam!!! Isinumpa ka po ba niya?
Don Badoy: Oo apo, isinumpa niya ako! Pinatay niya ako, kinain niya ang puso ko at ininom
niya ang aking dugo.
Voltaire: Kaawa-awa kong lolo. Bakit hindi mo po sinabi sa akin? Nakakatakot po ba ang itsura
niya?
Don Badoy: Hindi, hindi siya nakakatakot apo! Siya ang pinakamagandang nilalang na nakita
ko. Pareho kayo ng mata. Buhok niya ay sing-itim ng gabi. Balat niya ay napakakinis.
Nagsasalita siya, dapat nalaman ko na noon pa kung gaano siya kabangis at nakamamatay.
Voltaire: Nakakatakot pala talaga ang salaaming ito.
Don Badoy: Bakit mo nasabi iyan?
Voltaire: Dahil nakakita ka po ng mangkukulam ditto lolo at sabi po ni ina na sinabihan po siya
ni lola na nakakita daw po si lola ng diablo ditto. Ito po ba ang dahilan kung bakit namatay si
lola?

Tagapagsalaysay: Nakalimutan ni Don Badoy na wala na pala si Donya Agueda kaya


napahinto siya. Malaya na siya sa mga paghihirap ditto sa mundo mula sa bitag ng gabi ng
Mayo. Wala ng natira sa babaeng lumitaw ang kagandahan sa salamin sa liwanag ng kandila,
isang gabi ng Mayo, matagal na matagal na panahon na ang nakakalipas. Inaalala niya kung
paano umiyak si Donya Agueda at kung paano nito kinagat ang kanyang kamay at kung paano
ito kumanta sa madilim na silid, at kung paano nasurpresa ang puso sa madaliang pag-ibig.

You might also like