You are on page 1of 5

QUIRINO STATE UNIVERSITY

MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Modyul IX: PAGSULAT NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
KAKAYAHAN

 Nakapagsusulat at nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan.

PAGTALAKAY
PAGSULAT NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN

MAIKLING KWENTO

 Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang


tauhan at may isang kakintalan o impresyon. Pinakapopular sa mga mambabasa
 Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.
 Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.

Katangian ng Maikling Kuwento


1. Maikli at kayang tapusin sa isang upuan lamang
2. Kakaunti ang tagpuan at mga tauhang gumaganap kompara sa ibang anyo ng panitikan
3. Mabilis ang galaw ng mga pangyayaring umaabot sa kasukdulan at nagtatapos sa isang
kakintalan

Bahagi ng Maikling Kuwento


1. Panimula. Lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang
kawilihan ng mambabasa. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod:
a. pagpapakilala sa tauhan
b. pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan.
c. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa
kuwento.
d. paglalarawan ng tagpuan
2. Saglit na kasiglahan. naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin
3. Papataas na aksyon
4. Kasukdulan. Sa bahaging ito unti-unting naaalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin,
dito natutukoy ang katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o
magtatagumpay.
5. Pababang aksyon/Kakalasan. Pagkakaroon ng saglit na kasiglahan sa mga pangyayari
sa kwento.
6. Wakas. Bahaging nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isipan ng mambabasa.

NOBELA
 Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na isang naratibong kalikasan at isang tiyak
na haba. Nasusulat ito sa prosa at nagsasalaysay ng mga kathang-isip na mga
kaganapan o batay sa totoong mga kaganapan.
 Ang nobela ay isa ring uri ng panitikan na may kasamang ganitong uri ng mga gawa. Ito
rin ang hanay ng mga akdang nobela ng isang may-akda, panahon, wika o istilo.
 Kung minsan ang salitang ito ay ginagamit din upang sumangguni sa isang pag-
imbento, kasinungalingan, kasinungalingan o fiction .
 Ang salitang ito ay nagmula sa nobela ng Italyano, naintindihan bilang balita,
pagsasalaysay o kathang-isip na kwento.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 1
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Mga Mungkahi sa Pagsulat ng Maikling Kuwento at Nobela
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
TANDAAN: Huwag kang mangongopya ng kwento ng iba, maaari kang humiram ng ideya
subalit hindi ng buong obra.

Sino ang iyong pangunahing tauhan (protagonista)? Ano ang gusto niyang gawin?

1. Makatotohanan ang mga tauhan, katulad ng tao sa iyong paligid na nagkakaroon


ng problema at suliranin.
2. Tukuyin ang itsura at kalagayan sa buhay ng iyong tauhan.
3. Isipin kung paano magsalita, magbihis at kumilos ang iyong mga tauhan.
4. Ano ang mga gagawin niyang pagkilos upang matupad ang kanyang nais na mangyari?
5. Ano ang mga hindi inaasahang pangyayari – kaugnay sa ikinilos protagonist – ang
magpapaigting sa damdamin ng kwento?
6. Anu-anong mga detalye sa tagpuan, usapan at umiiral na damdamin ang makatutulong
upang mabuo mo ang iyong kwento?
7. Anong desisyon ang gagawin ng iyong tauhan sa kasukdulan ng kwento? (Nararapat lamang
na makatarungan ang desisyong ito at hindi inaasahan ng mga mambabasa) Ipakita ito sa
mahusay na paggamit ng mga salita upang gisingin ang damdamin ng mga bumabasa.

Kung ikaw ay nahihirapan sa paghahanap ng isusulat mong kuwento ay basahin ang ilan
pang makatutulong upang magkaroon ka ng ideya.

1. Tumingin ka sa iyong paligid o dumungaw ka sa bintana. May kwentong mabubuo mula sa


iyong mga makikita. Bawat isang sandali ang may nabubuong isang himala. Ano ang mga
nakikita mong mga pangyayari sa iyong paligid o lipunang iyong ginagalawan.

2. Palagi kang magdala ng notbuk o iba pang susulatan. Dito ay mailalagay mo ang mga narinig
mong usapan, magagandang mga panananalita, imahen, ideya at interpretasyon ng mundo sa
paligid mo.

3. Regular kang magsulat. Umupo ka at bumuo ng mga pangungusap sa loob ng ilang oras araw-
araw.

4. Mangalap o mangolekta ng mga kwento mula sa mga taong nakikilala mo. Kalapin ang mga
kwentong kahanga-hanga, kaakiba, at mga hindi gaanong maintindihan upang magkaroon ka
ng ideya sa iyong susulatin sa hinaharap.
5. Magbasa nang magbasa. Pumili ng isang kilalang manunulat at sikaping maunawaan ang estilo
niya sa pagsusulat. Maaari ka niyang bigyan ng inspirasyon sa paraan ng iyong pagsulat.

Gawing kawili-wili ang mga unang pangungusap ng iyong kwento.

Aksyon agad. Iyan ang nararapat na mabasa sa unang pagtingin pa lamang sa iyong kwento.
Ipahiwatig na agad ang magiging tunggalian, o mga hindi inaasahan, o kakaiba sa unang mga
pangungusap pa lamang.

Linangin at paunlarin ang Karakterisasyon

a. Idebelop ang isang buhay, humihinga, at natatanging tauhan. Ipakila silang mabuti sa
iyong kwento sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang detalye tungkol sa kanila.

b. Ano ang hitsura ng iyong tauhan? Bigyan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa


pisikal na anyo ng iyong tauhan ang mga mambabasa.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 2
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


c. Paano kumilos ang iyong tauhan? Huwag lamang gumamit ng payak na
katagang tamad.COLLEGE OF
Ipakita ito saTEACHER EDUCATION
mga kilos at gawi ng tauhan.
d. Halimbawa: Narinig na ni Rosa ang sigaw ng ina para gumising na siya subalit mahigpit pa
rin ang pagyakap niya sa kanyang unan. Kanina pa siya gising subalit ayaw niyang
bumangon dahil tiyak na uutusan na naman siya na bumili sa tindahan.
e. Paano magsalita ang iyong tauhan? Ipakita ang paglinang ng tauhan bilang isang tunay
na tao at iaayon ang mga panalita niya sa antas niya sa lipunan, sa kanyang ugali at
katangian.
f. Paano mag-isip ang tauhan mo? Ilarawan ang mga proseso ng pag-iisip ng iyong tauhan,
ang kanyang mga takot, pangamba, alaala at adhikain sa buhay.

Sumulat ng Makabuluhang Usapan/Dayalogo

a. Bigyan ng sariling talata ang bawat nagsasalita. Maaari ring isulat dito ang ginagawa ng tauhan
habang nagsasalita?
Halimbawa:
“Saan ka pupunta?” usisa ni Restor habang minamasdan niya ang pagbabalot ng damit
ni Teresa.
Hindi lumingon si Teresa. Alam niyang masasaktan lamang si Restor. Subalit hindi niya
mapigilang ibulalas ang halos puputok na niyang puso. “Sa mga nanay. Huwag mo akong
subuking susundan.”

b. Huwag nang ipaliwanag pa ang ilang detalye upang sa gayon ay mahamon mo ang mga
mambabasa na makapagbigay ng sariling hinuha tungkol sa kwento.

Pumili ng angkop na paningin o pananaw.


Gagamit ka ba ng unang panauhan o ikatlong panauhan? Sino ang magkukwento – ang
pangunahing tauhan ba o ang katulong na tauhan? Mababasa ba ng nagsasalaysay ang isip at
damdamin ng lahat ng tauhan o ng isang tauhan lamang?

Gumamit ng angkop na tagpuan at konteksto.


Subukin mong pumikit at isipin ang tauhang kumikilos sa napili mong tagpuan. Ang
pagguguni-guni o imahinasyon ay makatutulong upang matamo ang ninanais na balanse ng
tagpuan at tauhan. Maglagay ng mga malilinaw na detalye tungkol sa tagpuan. Gamitin ang
mga pandama o senses (pang-amoy, paningin, pandinig, panlasa, pandamdam upang tumulong
na ipinta ang tagpuan at konteksto ng iyong kwento.

Isaaayos ang banghay o mga pangyayari sa kwento.


Piliin ang mga eksenang tiyak na magiging kapana-panabik sa mga mambabasa. Kung
nahihirapan pa rin subukan ang “brainstorming” tulad nito.
Halimbawa: Ikaw ay isang payak na maybahay at bigla na lamang umuwi ang iyong asawa
at sinabing hindi ka niya mahal at iiwan ka na niya. Ano ang maaaring mangyari sa iyo batay
sa sitwasyong ito?
 Magiging abala ka na lamang sa iyong gawaing-bahay.
 Magmumukmok ka kasama ng mga anak mo.
 Gugustuhin ng mga anak mong tumira sa piling ng kanilang ama dahil sa pakikitungo
mo sa kanila.
 Uuwi ka ng probinsya.
 Hahanap ka ng trabaho.
 Ibebenta mo ang inyong bahay at iba pang ari-arian.
 Hahanap ka ng bagong nobyo.
 Babalik ang asawa mong nagsisisi sa pag-iwan sa iyo.
 Hindi mo siya tatanggapin o kaya’y tatanggapin mo siya.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 3
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


 Titira ka sa iyong mga magulang.
 COLLEGE
Magpapakamatay OF TEACHER EDUCATION
ka. Magpapakamatay ang iyong asawa

Piliin lamang ang mga detalyeng makatutulong upang mabuo mo ang iyong kwento at
makapagbigay ka ng kakintalan sa iyong mambabasa.

Lumikha ng tunggalian at tensyon


 Hiwaga. Ipaliwanag lamang ang ilang bagay upang matukso ang mga mambabasang
basahin ang iyong kwento. Huwag ilalagay lahat ng mga detalye.
 Pagpili. Ibigay ang mabuti at masamang maaaring mangyari sa tauhan.
 Papahirap na mga pagsubok. Kakaharapin ng tauhan ang serye ng mga pagsubok na
dapat niyang mapagtagumpayan upang matupad niya ang kanyang layunin.
 Sanhi at Bunga. Ang mga tauhang nagkamali ay dapat maparusahan at bigyan ng
karampatang biyaya ang mabubuting kalooban.
 Sorpresa. Magbigay ng sapat na kahirapan sa akda upang hindi agad malaman ng
mambabasa ang kahihinatnan ng kwento.
 Pakikipagsimpatya. Hayaang makakuha ng simpatya ang tauhan sa mga mambabasa na
para bang sila ang nasa sitwasyong kinahantungan ng tauhan.
 Kaliwanagan ng isip o Inspirasyon. Hayaang makakuha ng kaliwanagan o inspirasyon
ang mambabasa buhat sa nabuo mong kwento.
 Unibersalidad. Maglahad ng isang pakikipagtunggali na kasisiyahan ng mambabasa kahit
na nga ang pakikipagtunggali sa sa isang natatanging pook o panahon.
 Kahalagahan. Kumbinsihin ang mamababasa na lubhang mahalaga at malaki ang
mawawala sa tauhan kapag hindi niya napagtagumpayan ang pakikpagtunggali sa kwento.

Linangin ang Krisis o Kasukdulan


Sikaping ang kasukdulan ay magaganap sa tamang sandali. Kapag napakaaga, aasa pa
ang mga mambabasa na may kasunod ito; kapag naman napakatagal ay kababagutan na ito
ng mga mambabasa.

Humanap ng Kalutasan sa Suliranin


Ang paglutas ng suliranin ay maaaring:
 Bukas. Ang mambabasa ang makakatagpo ng kahulugan.
 Sarado. Nalutas ang suliranin sa katapusan.
 Balik lamang sa simula. Katulad ng naunang sitwasyon o imahen.
 Monologo. Magbibigay ng komento ang tauhan.
 Dayalogo. Mag-uusap ang mga tauhan.
 Literal na imahen o larawang diwa – tagpuan o aspeto ng tagpuan na magiging
kalutasan o katapusan ng banghay.
 Simbolikong imahen. Detalyeng kumakatawan sa kahulugan lampas base saa
kahulugang literal.

Paano Magsulat O Gumawa ng isang Tula?

Ang pagsulat ng tula ay isang bagay na kung titignan ay mahirap gawin. Ngunit, sa
kaunting pagsasanay lamang ay magiging natural na ito sa iyo. Tandaan na kahit sino ay
puwedeng sumulat ng tula. Hindi importante ang edad sa pagsusulat, ang importante lamang
ay pagpahiwatig ng iyong karanasan at damdamin.

Narito ang mga ilang mungkahi kung paano sumulat ng magandang tula:

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 4
QUIRINO STATE UNIVERSITY
MADDELA CAMPUS
Maddela, 3404 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Humanap ng inspirasyon – Eto ang pinaka importante sa lahat. Kung wala ito,
COLLEGE OF
hindi magiging kapanipaniwala TEACHER
ang iyong mgaEDUCATION
sulat.
Saan ba ako makakakita ng Inspirasyon? – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay
makakakuha ka ng inspirasyon. Minsan mayroong mga pangyayari o tao na bigla na lamang
bibigay sayo ng napaka tinding emosyon na para bang umaapaw. Pag nakita mo na iyon, dapat
handa ka ng mag sulat.

Magsimula sa Malayang Taludturan – Maraming pormal na paraan ng pag sulat ng tula na


gumagamit ng saktong sukat at tugma. Pero, mas maganda pa rin na mag simula ka sa
malayang taludturan.

Siguraduhing Alam mo ang Sinusulat mo – Hindi magiging kapani-paniwala ang iyong tula
kung hindi mo ito lubos na alam. Kung ang sulat mo ay tungkol sa korupsyon sa gobyerno,
dapat alam mo talaga kung anong nangyayari.
Ganun rin pagdating sa pag-ibig. Kung ikaw ay nasaktan na, gamitin mo ang karanasan na
iyon para maipahiwatig kung ano talaga ang naramdaman mo sa pagkakataong iyon.

Magbasa ng iba pang Tula – Hindi ka magiging mahusay na manunulat kung hindi ka
natututo sa iba. Sa pagbasa mo ng ibang tula, maaring makakakita ka ng ibang paraan ng pag
sulat na puwede mong kunan ng inspirasyon.

Gumamit ng talinghaga, metaphor o simile kahit simple lamang ito – Ang paggamit
ng simile at metaphor ay isang paraan ng paglalarawan sa mga pangyayari, tao, o bagay.
Maaari ring gamitin ang personipikasyon sa mga tula.

Kailangan ng kasanayan sa masining na paggamit ng wika


Mainam na matuto kung paano masining na maipahahayag ang damdamin gamit ang
wika. Kailangang malawak ang bokabularyo ng isang tao upang wastong makahanap ng
salitang katugma at pasok pa rin sa diwa ng tula.

Masining din ang pagpapahayag dahil gumagamit ng mga salitang hindi karaniwang
nasasambit sa araw-araw na talastasan na lalong nagbibigay kulay sa tula.

Kailangan ng tunay na damdamin sa pagsulat


 Ang tula ay parang paglikha ng isang awiting tunay na repleksyon ng damdamin ng
isang tao. Kailangan muna niyang hukayin mula sa puso ang damdamin upang
maramdaman ng babasa o makikinig nito na ang isinasalaysay sa tula ay totoo at tunay
na ekspresyon ng sumusulat.

Dapat ay may taglay na displina sa pagsulat


 Disiplina ang pinakamahalagang aspekto ng pagsulat ng tula. Ang mga manunula ay
dapat kayang tumalima sa mga itinakdang panuntunan tulad ng bilang ng saknong,
talutod, at pantig. Maging ang tema, anyo, at damdamin ay dapat sundin upang
maisagawa nang wasto ang isusulat na tula.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.
“Molding Minds, SHAping Future” Page | 5

You might also like