You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF CABADBARAN CITY
________________________________________________________________
FILIPINO - 10
SANAYANG PAPEL BLG. 32
Unang Markahan

Pangalan: Paaralan: Seksyon:


Guro:

I. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


 Nailalarawan ang kultura ng mga tuhan na
masasalamin sa kabanata. (F10PS-Ig-h-69)

Mga Tiyak na Layunin:

1. Mailarawan ang kultura ng mga tuhan na masasalamin


sa kabanata;
2. Makilala ang pagkaka-ugnay ng mga salita ayon sa antas
o tindi ng kahulugang ipinapahayag nito.

II. Alamin:

Ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang


halos pang- aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan
ng mga tauhan at diyalogo? Ito’y naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-
wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas. Ang
tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela ay
1.) isang kuwento o kasaysayan, 2.) isang pag-aaral, at 3.) paggamit ng
malikhaing guniguni. Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, bagaman
sa di-tahasang paraan, ito’y maaari ring magturo, magtaguyod ng isang
pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan, o magbigay ng isang aral. Mga
Pangyayari- Dahil binubuo ng mga kabanata, dapat na ang mga pangyayari
ay magkakaugnay. May panimula, papaunlad na mga pangyayari na
magsasalaysay ng tunggalian ng nobela, kasukdulan, at kakalasan na
patungo na sa wakas. Paglalarawan ng Tauhan – Ang lalong mahusay na
nobela ay naglalarawan ng tauhan. Ito’y ginagawa nila sa isang paraang
buhay na buhay, kaya’t parang mga tunay na tauhan ang kinakaharap natin
habang binabasa ang nobela. Sa kanilang bukambibig, sa kanilang mga kilos
at sa mga sinasabi ng may-akda tungkol sa kanila ay natutuhan nating
kilalanin at pahalagahan ang mga lalaki at babae ng isang katha na
naiuugnay sa mga taong nakapaligid sa atin.
1
Gawain 1: Linangin ang Salita!

Direksyon: A. Ayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng


kahulugan.

A.
Kagunggungan
Kahangalan
Kabaliwan
Kalokohan

B. Galit
Muhi
Poot
Ngitngit

C. Kinupkop
Inalagaan
Tinangkilik
Kinalinga

D. Hapis
Lungkot
Pighati
Lumbay

Gawain 2: Pag-unawa sa Akda!

Sagutan ang mga tanong.

_1. Ilarawan ang natatanging katangian na taglay ni Quasimodo. Ano ang


suliranin na bumabagabag sa kaniya?

_2. Bakit ninais ni Pierre Gringoire na makisali sa pangkat ng mga pulubi at


magnanakaw?

2
_3. Paano natagpuan ang kalansay ni Quasimodo sa loob ng libingan ni La
Esmeralda?

_4. Ano ang pananaw ng may-akda tungkol sa pamilya? Pag-ibig? Magbigay


ng patunay.

ANG KUBA NG NOTRE DAME

PAMILYA PAG-IBIG

_5. May mahalagang papel ba ang Katedral sa kuwento na nakapaloob sa


nobela? Pangatwiranan ang sagot.

_6. Anong kakaibang katangian ni Claude Frollo bilang kontrabidang


tauhan sa binasang akda?

_7. Mahusay bang naisasalaysay ang mga pangyayari sa paglalarawan ng


mga tauhan sa nobela? Patunayan.

_8. Sa iyong palagay, ano ang nais ipabatid ng may sa kanyang isinulat na
nobela na may kaugnayan sa bansang pinagmulan?

3
III. Tayahin:

Sa pananaw humanismo, ipinakikita na ang tao ay ang sukatan ng


lahat ng bagay kaya’t binibigyang-halaga ang kanayang saloobin at
damdamin. Matitiyak lamang ito kung tataglayin niya ang kanyang
kalayaan sa pagkilos, natatanging talas ng isipan at kakayahan.
Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang binasa at
paano ipinakikilala ang kultura o pagkakakilanlan ng bansang
kaniyang pinagmulan. Gayahin ang pormat sa pagsagot.

Paano ipinakita ang


mga namumukod na
Ano ang kaniyang
Tauhan Paano mag isip? katangian na mula sa
damdamin?
bansang kaniyang
pinagmulan?

Quasimodo

Claude Frollo

La Esmeralda

Phoebus

Sanggunian:
file:///C:/Users/Teacher/Downloads/Grade%2010%20LM%20Filipino%2010%20–%20Quarter
%201.pdf

Km. 1, Hinagdanan, Comagascas, Cabadbaran City,


Agusan del Norte
Tel. no. (085) 818-0345
Email: ISO 9001:2015
Quality Management System Certified

You might also like