Professional Documents
Culture Documents
• Pagbati
Mapagpalang umaga sainyong Magandang umaga po
lahat.
• Pagtalaga ng alituntunin
Bago natin simulan ang bagong
aralin may mga alituntunin ako na
dapat sundin sa loob ng silid.
Mga alituntunin:
1. Irespeto ang nag sasalita
2. Huwag mag-iingay sa oras ng
talakayan.
3. Itago ang mga bagay na hindi
angkop o kailangan sa ating
asignatura.
4. Inaasahan ang Kooperasyon.
Nauunawaan po ba?
Opo.
• Balik-aral
Noong nakaraan ay tinalakay ninyo
ang patungkol sa magasin.
• Pagganyak
Bago tayo dumako saating pormal
na talakayan may inihanda akong
gawain dito. Ang gawaing ito ay
tinatawag na, NUMERO KO!
ISATITIK MO!
Ang larong ito ay isang pampatalas
ng isip, mag bibigay ako ng mga
numero at tutumbasan ninyo ito ng
titik hanggang makabuo ng salita.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
A B C D E F G H I J
4, 1, 7 ,12, 9 = DAGLI
1. Paglalahad
Ang aking mga pinakitang larawan
ay mga halimbawa ng maikling
kuwento. Ang ating paksang
tatalakayin ngayon ay kaugnay ng
maikling kwento ngunit ito ay mas
maikli kumpara sa maikling kwento
ito ay ang kontemporaneong dagli.
2. Pagtatalakay
Una nating tukuyin ang kahulugan
ng dagli, pakibasa nga Jonard! At
ibigay ang iyong ideya. Kontemporaneong Dagli – isang
anyong pampanitikan na maituturing na
maikling kuwento. Ito ay tinatayang
lumaganap noong unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano. Ito ay
wala ring tiyak na sukat, subalit
sinasabing hindi ito aabot sa haba ng
isang maikling kuwento.
Katangian ng Dagli pakibasa nga Cjay! Ang dagli noon, ayon kay Aristotle
Atienza na patungkol sa antolohiya ng
kanilang mga nakalap na daglit, ay
nagpakikita ng mga kwentong:
Sa pamamagitan ng pagbabasa,
natutuklasan ang mga damdamin,
tono, layunin at pananaw ng
manunulat sa pagsulat ng teksto o
akda. Sinasadya man o hindi,
mababakas ang saloobin at
karanasan ng may-akda sa kanyang
isinulat. Matutukoy ang mga ito sa
pamamagitan ng mga salitang
ginamit niya sa teksto.
Silya
3. Pangkatang Gawain
Ngayon ay mag kakaroon tayo ng
pangkatanggawain, Hahatiin ang klase
sa apat na grupo.
Pamantayan:
Batayan Puntos
Nilalaman 40%
Presentasyon 30%
kooperasyon 15%
Natapos sa 15%
takdang oras
Kabuuang puntos 100%
4. Paglalahat
Kung talagang naintindihan ng lahat
ang ating tinalakay may mga
katanungan ako para salahat.
5. Paglalapat
IV. Pagtataya
I. Panuto: piliin ang titik ng tamang sagot na hinihingi sa bawat bilang.
1. Ito ay isang anyo ng panitikan na maituturing na maikling kwento. Ito ay
tinatayang hindi aabot sa haba ng maikling kuwento.
a. Dagli
b. Dalgi
c. Dalhi
d. Pahayagan
2. Tumutukoy sa saloobing nilikha ng mambabasasa teksto.
a. Layunin
b. Damdamin
c. Tono
d. Pananaw
3. Tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat.
a. Layunin
b. Damdamin
c. Tono
d. Pananaw
V. Takdang-aralin
1. Gumawa ng sariling dagli na pumapaksa sa pagmamahal sa bayan.
2. Mag saliksik ng mga stratehiya sa pangangalap ng datos. Isulat sa isang
buong papel.
Inihanda ni:
Jan Enar L. Pateño
Mag-aaral