You are on page 1of 35

Magandang

Umaga Klase!
-Bb. Ocleana
Kumusta
Grade 10?
Makrong Kasanayan:
Nasusuri ang nobela sa pananaw realismo o alinmang angkop na
pananaw/ teoryang pampanitikan
(F10PB-IIf-77)
⚬Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa
pagsasagawa ng suring –basa o panunuring pampanitikan
(F10WG-IIf-69)
⚬Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng
teleserye na may paksang kaugnay ng binasa
(F10PD-IIf-72)
MOTIBASY
ON:
I-SHARE
KO LANG!
Bawat tao ay dumaraan sa isang
pagsubok na háhámon sa
kaniyang katatagan. Sa yugto ng
búhay mo
ngayon, nakaranas ka na ba ng
matinding pagsubok? Ano ang
maituturing mong pinakamahirap
na
pagsubok na pinagdaanan mo at
paano mo ito nalampasan.
ANO NGA BA
ANG
NOBELA?
⚬Ang nobela ay isang mahabang akda at salaysay ng kawil-
kawil na mga pangyayari at nagtataglay ng maraming tauhan.
ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad
ng mga pangyayari na hinabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas kaya nahahati ito sa iba’t ibang kabanata.
⚬Ang kathang ito ay hindi mababasa sa isang upuan lamang
sapagkat mahaba at madami ang mga kaganapan.
⚬Ang nobela, sa malawak na pagpapakahulugan, ay isang
mahabang naratibo o salaysayin na maaaring may tinatayang
60,000 hanggang 200,000 salita. Naglalaman ito ng detalyadong
banghay tungkol sa mga tauhan.
⚬Para kay Mikhail Bakhtin, isang pilosopo at iskolar, ang nobela ay
isang anyong pampanitikan na patuloy na nagbabago at umuunlad
sa pagdaan ng panahon. Isa itong anyong “hindi pa tapos” at
kasabay na sumusulong ng panahon sa iba’t ibang yugto nito.
⚬Napakahalaga ng tungkulin ng nobela sa pagbibigay-kahulugan sa
mundo. Nirerepresenta ng nobela ang kontemporaneong mundo,
ang kasaysayan nito, ang mga suliranin nito, at ang mga danas ng
mga taong pumanaw na at nabubuhay rito.
⚬Ang The Old Man and the Sea ay isang maikling nobela ni Ernest
Hemingway na nailathala noong 1952. Ito ang hulíng akda na
isinulat ni Hemingway at nailathala. Noong 1953, nagawaran ito ng
Pulitzer Prize for Fiction, isa sa mga kilalang gantimpala sa Estados
Unidos na kumikilala sa mahuhusay na akdang pampanitikan.
⚬Isinasalaysay ng nobela ang magiting na pakikipagsapalaran at
pakikibaka sa karagatan ni Santiago, isang matandang
mangingisdang Cuban, upang makamit ang inaasam na húli
matapos ang mahabang panahon.
⚬Si Ernest Hemingway (1899–1961) ay kinikilala bilang isa sa
pinakamahuhusay na nobelistang Amerikano ng ika-20 siglo.
Ginantimpalaan siya ng Nobel Prize for Literature,
MGA
ELEMENTO
NG
NOBELA
Mga Elemento ng
Nobela:
•Tauhan
•Tagpuan
•Banghay (plot)
•Paksang Diwa
•Paningin o Pananaw
•Simbolismo
•Pamamaraan o Istilo
•Pananalita
Mga Layunin ng
Nobela
•Gisingin ang natutulog na diwa
at damdamin
•Mapukaw ang damdamin ng mambabasa
•Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng
buhay at lipunan
4.Napupukas nito ang kaalaman ng tao sa
pagsulat ng nobela
•Magbigay inpirasyon sa mga mababasa
Mga Uri ng Nobela
•Nobela ng Kasaysayan
•Nobela ng Pagbabago
•Nobela ng Pag-ibig o Romansa
•Nobela ng Pangyayari
•Nobelang Panlipunan
•Nobela ng Tauhan
Aralin 5: "Ang Matanda
at ang Dagat"
Piling Bahagi ng
nobelang The Old Man
and The Sea ni Ernest
Hemingway
Salin ni Anna Cristina G.
Nadora
⚬Ang Humanismo ay isang kilusang pangkultura at kaisipan na
nakatuon sa pangangailangan, kakayahan, interes, kapakanan, at
halaga ng bawat nilalang. Itinatanghal nito ang bawat nilalang
gayundin ang karapatan at tungkulin ng sinuman para linangin at
paunlarin ang kanilang talino at kakayahan. Nag-ugat ang
Humanismo sa panahon ng Renaissance sa Europa noong ika-14
hanggang ika-17 siglo.
⚬Pinaniniwalaan ng mga humanista na maaaring nakakubli ang
kahulugan ng búhay at ito ay isang bagay na tanging ang tao lámang
ang makatutuklas para sa kaniyang sarili. Sa pamamagitan ng
kaniyang mga gawa, likha, kilos, paraan ng pamumuhay, o maging
ang pag-uugali at pakikitungo sa mga kaibigan at kapuwa, maaaring
makabuo at mabigyan ng tao ng kahulugan ang kaniyang búhay.
Mga Teoryang
Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
• Moralistiko Klasismo/Klasisismo
• Sosyolohikal Realismo
• Formalismo Dekonstruksyon
• Imahismo Kultural
• Humanismo Feminismo
• Marxismo/Marksismo Bayograpikal
• Arkitaypal/Arketipal Historikal
• Eksistensyalismo Queer
• Romantisismo Sikolohikal
Pangmadlang
Komunikasy
on
Pangmadlang Komunikasyon
Ang pangmadlang komunikasyon o mass communication ay
paraan ng pagbabahagi ng impormasyon sa maraming bilang ng
mga tao. itong ginagawa ng isang tao, grupo
ng mga tao, o ng isang organisasyon na nagpapadala ng mensahe
gamit ang isang daluyan ng komunikasyon o mass media. Ang
daluyang ito ay maaaring broadcast,
print, o digital.Sa pamamagitan ng pangmadlang komunikasyon,
mas maraming tao ang nakapagpapadala at nakatatanggap ng
mensahe sa isang pagkakataon kaysa
interpersonal na komunikasyon. Upang maisakatuparan ito,
nangangailangan ng teknolohiya at paggamit ng mga
kagamitang elektroniko ang pangmadlang komunikasyon.
Pangmadlang Komunikasyon
Nagiging tulay ang mass media para likhain at unawain ng tao ang
kaniyang realidad. Nasasaksihan din ng tao
ang mga programa at pangyayari, kailanman at saanman, na hindi niya
makikita nang personal.
Ipinakikita ng media ang mga kaisipan at gawain ng iba’t ibang mga tao
sa iba’t ibang panig ng daigdig dahilan
upang mas pahalagahan ng tao ang iba’t ibang kultura, tradisyon, at ang
mundong kaniyang ginagalawan.
Ngunit ayon sa media scholar na si David Buckingham, hindi palaging
malinaw ang mga representasyong
ipinakikita ng media dahil may mga pagkakataong kulang o pinipili ang
bersiyon ng mundong ibinubunyag
nito.
Mga Layunin ng Pangmadlang
Komunikasyon
•Gabayan ang publiko
•Magsaliksik ng katotohanan
•Tulungan ang publiko
•Makalikha ng masayang
tahanan at nagkakaisang
lipunan
4 na Uri ng Pangmadalang
Komunukasyon
1. Traditional/Print Media – Ito ay paraan ng komunikasyon sa
pamamagitan ng mga nakasulat at nakalimbag na mensahe.
Hal.Dyaryo,Magazines,Periodicals,Libro,Comic
books,Posters,Postcards
2. Broadcast Media – Ito ay pagbibigay ng impormasyon at
libangan na napapanood at napapakinggan sa pamamagitan ng
electronic
broadcasting platforms.
Hal.Talumpati,Dokumentaryo,Anunsyo,Panayam,araw-araw na
balita
4 na Uri ng Pangmadalang
Komunukasyon
3. Outdoor & Transit Media – Ito ay pagpapalaganap ng
impormasyon sa mga pampublikong lugar at sasakyan.
Hal.Billboards,Karatula o plakards sa loob at labas,sports
stadium
4. Digital/New Media – Pinakapopular sa kasalukuyan, ito
ay ang pagsasanib ng iba’t ibang anyo ng media na maaaring
ma-access gamit ang
internet at mga offline at online application at platform. Hal.
Social Media,Advertising,Holograms,Digital Art,Augmented
Reality,
Pagkliklino
Clining:
•PAGPAPASIDHI NG
DAMDAMIN ay
tinatawag din KLINO.
Clining:
• Ay isang paraan ng
pagsusunod-sunod ng mga
salita ayon sa tindi/intensidad
o antas na ipinapahayag na
damadamin o kaisipan.
Mahalagang Tanong:
Ipaliwanag ang ibig sabihin ng may-
akda sa kaniyang pahayag na, “Huwag
mong subukang magsulat hangga’t
hindi mo naiigpawan ang iyong
narsisismo o pagkamakasarili,
hanggang sa mahipo ka ng malasakit
para sa lahat ng bagay na may búhay.”
Paglalapat:
⚬sa pamamagitan ng pagsusuri gamit ang mga bahagi o
sangkap ng nobela.Suriin at tukuyin ito sa nobelang
binasa.
Ebalwasyon:
Sagutan ang 4,5 at 6 sa pahina 165 ng genyo books. Ipaliwanag
ang sagot ng maiksi ngunit nasa naipakita ang punto.
4. Sa pakikipagtunggali sa pating na Mako, paano itinulak
si Santiago ng pag-asa para magtagumpay?
Paano ito mabilis na nawala matapos ang kanilang
tunggalian?
5. Bakit nasabi ni Santiago na isang kalokohan at kasalanan
ang mawalan ng pag-asa? Tinitingnan niya
rin bang isang kasalanan ang pagpatay niya sa marlin at sa
pating na Mako? Ipaliwanag ang sagot.
6. Sa hulíng bahagi ng teksto, bakit kayâ hinihiling ni
Santiago na isang panaginip lámang ang lahat ng nangyari?

You might also like