You are on page 1of 8

LA CARLOTA CITY COLLEGE

City of La Carlota
oOo
COLLEGE OF EDUCATION
Module in FIL. 24
st
1 semester, AY 2023-2024

TED EZRA M. JUANOLA MAEd


Contact # - 09128627954
Email – tedezra.juanola@gmail.com
Google account – tedezra2223@gmail.com
Facebook account – Ted Ezra Manuel Juanola

I. PAMAGAT NG KURSO: FIL. 24 (SANAYSAY AT TALUMPATI)

II. BILANG NG YUNITS: 3 Units

III. DISKRIPSYON NG KURSO: Ang Sanaysay at Talumpati ay sumasaklaw sa pag-aaral at


pagpapahalaga ng pangkasaysayang pag-unlad ng sanaysay na kaagapay ang pagsulat ng mga
kontemporaryong anyo nito, pati na ang pagsasanay sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati.
Tumutukoy din sa pag-aaral ng kontemporaryong dulog at metodo sa pagtuturo ng iba’t ibang anyo
ng panitikan upang makabuo ng angkop na pamamaraan sa pagtataya ng mga kaalaman at
kasanayang natamo.

IV. COURSE OUTCOMES:


1. Mapalawak ang kaalaman sa anyo, istilo, nilalaman, kasaysayan, simulain, hakbang, bisang
pampanitikan at pamantayan sa iba’t ibang genre ng panitikan.
2. Malinang ang kasanayansa pagbasa, pagbibigay kahulugan, pagtatanghal, pagbigkas, pagsulat ng iba’t
ibang genre ng panitikan.
3. Maipapakita ang mabuting ugnayan sa kapwa sa pakikipagpalitan ng pananaw, kaalaman at karanasan.
4. Maipapamalas ang mataas na antas ng kahusayan sa pagsusuri at paghahambing ng mga akdang
pampanitikan batay sa anyo, istilo, nilalaman at bisang pampanitikan.
5. Makabubuo ng positibong saloobin at pagpapahalaga sa mga nakapaloob na paksa o kaisipan sa mga
tinalakay na akdang pampanitikan.

V. COURSE OUTLINE:

A. PRELIM-FINAL PERIOD
Module 1 – Ang Sanaysay
Module 2 – Kontemporaryong Anyo ng Sanaysay
Module 3 – Ang Talumpati
Module 4 – Paraan sa Paghahanda ng Talumpati

VI. CONTENT DISCUSSION:

Module 2 – KONTEMPORARYONG ANYO NG SANAYSAY

Replektibong Sanaysay
- Ito ay pumapaksa sa mga karaniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na nangangailangan pa ng
mahabang pag-aaral.
- May Kalayaan ang pagtatalakay sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng
manunulat o pangyayaring kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997)
- Kaiba sa pagsulat ng talambuhay na tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng replektibong
sanaysay ay naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na salaysay at palutangin
ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan
(Arrogante, Golla, Honor-Ballena 2010)
- Mula sa subhetibong paksa patungo sa obhetibong pamamaraan
- Isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat
bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa.
- Maaaring sabihing isa ito sa akademikong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa
pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan.

Kaligirang Kasaysayan
- Sa panahon ng Kontemporaryong Panitikan ay nagsimula sa taong 1996 at nagpatuloy pa rin hanggang
kasalukuyan.
- Ito ay naganap matapos ang panahon ng Martial Law.
- Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring Pilipino.

Katangian
- Ang kontemporaryong literature ay iniimpluwensya ng mga panibago at mapamintas na teorya.
- Nagsimula ang pagpapalaganap ng panitikan sa iba’t ibang mga panitikan
- Mga manunulat sa panahong ito ay nagpapatuloy na sumulat ng mga tula, maikling kwento, nobela, at
mga sanaysay sa iba’t ibang kategorya.

Kontemporaryong Anyo ng Sanaysay


 Ulat ng Pagsiyasat – pormal at sistematikong pagtatanong, pagsasaliksik o pag-aaral upang matuklasan
at maeksamin ang mga impormasyon, pangyayari, at iba pa patungo sa paglilinaw ng katotohanan.
 Panayam – pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao kung saan ang mga katanungan ay
nanggaling sa tagapanayam upang makakuha ng impormasyon mula sa pakikipag-usap sa paraan ng
pagsulat.
 Estilong dyornal – salaysay na karaniwang nagaganap sa buhay, mga naobserbahan sa pali-paligid,
naobserbahan sa kapwa at sa iba pa. Maikli lamang ito, paktwal at di pinapasukan ng sariling opinyon,
haka-haka o kuro-kuro. Maaaring ibilang dito ang tala ng mga pangyayari sa kanyang paglalakbay o
pakikipagsapalaran.
 Ulat Paglalakbay – tinatawag din itong travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang
pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay. Ayon kay Nonon Carandang, ito ay
tinatawag sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito ay binubuo ng talong konsepto: sanaysay,
sanay at lakbay.
 Talambuhay – Tala at buhay na may diwang “tala ng buhay” o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan
na nagsasaad ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon. Ito ay
tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na maaaring siya mismo ang sumulat o ito ay sinulat ng iban
para sa kanya.
 Ulat Teknikal – ay isinusulat upang bigyan ang mga mambabasa ng impormasyon, mga panuto, at
pagsusuri para sa mga gawain.
 Pagsusuri – ito ay ang proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliit na mga bahagi;
upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito.
 Photo Essay – isang koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkasunod-sunod
upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.

Gawain:
https://www.youtube.com/watch?v=YSm-yxy9VF8
Panuto: Gawan ng sanaysay ang napanood. (50 puntos)

Module 3 – Ang Talumpati

Kaligirang Kasaysayan ng Talumpati


TALUMPATI3
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Sining ito ng
pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.

TALUMPATI SA KASAYSAYAN
- Ang kakayahang manalumpati ay may kaugnayan sa kakayahang magsalita.

Panahon ni Kristo
- isa sa paksa ay tungkol sa pagpapakalat ng mga salita ng Diyos.
halimbawa: Sermon on the Mountain

Sinaunang Panahon sa Gresya


- Kinakailangan ng mga kalalakihan ng magbigay talumpati bilang bahagi ng kanilang mga tungkuling
pansibiko (civic duties).

Ayon kay Aristotle upang mahikayat ang mga makikinig sa isang talumpati:
Ethos - may kakayahang magbigay ng awtoridad ang mananalita at mapagkakatiwalaan ang talumpati.
Logos1 - kapag mayroong ebidensya na maaaring sumuporta sa mga argumento at binibigyang kakayahan ang
mga makikinig na mag-isip sa kalakasan ng argumento sa isang talumpati.
2
Pathos - emosyonal na apela upang makakuha ng pagtanggap ng mga makikinig sa talumpati.

Panahon ng mga Kastila4


- ginagamit sa pagpapahayag ng pagmamahal sa bayan, pagbibigay pugay sa mga matatapang na
kababayan, at pagpapahayag ng pagtuligsa sa karahasan ng kastilang gobyerno.
- Hal. Panghihikayat ni Bonifacio sa mga Katipunero (First Cry of Katipunan/ Cry of Balintawak).
Talumpati ni Jose Rizal sa Piging na Parangal sa mga Pintor na Pilipino.
Panahon ng mga Amerikano5
- sanaysay at talumpati ang naging instrumento sa pagpapahayag ng mga propaganda na magpapaalab
sa damdamin at kaisipan ng mga Pilipino.

Talumpati sa Kalagayan ng Bansa (SONA)


Ayon sa Saligang Batas ng 1899, tungkulin ng Pangulo ang pagbubukas, pagsususpinde, at pagsara ng
Kongreso. Kapangyarihan din ng Pangulo ang makipag-ugnayan sa Kongreso sa pamamagitan ng mga
mensaheng binasa sa harap ng National Assembly ng Kalihim ng Pamahalaan.

Panahon ng mga Hapon


- pagbabawal sa paggamit ng wikang Ingles.

Kasalukuyang Panahon
- mas maunlad at komrehensibo ang pagtatalumpatI.
- karaniwang paksa ang mga napapanahong isyu sa lipunan, pagpuna sa gobyerno, pagpaparating ng
mga saloobin, pangangampanya, at marami pang iba.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Talumpati


1. Tinig – dalisay, hindi matining, hindi magaralgal, malamig, bilog at malakas
2. Tikas – pagtayo, pagkilos, o pagkumpas at anyo ng mukha
3. Hikayat – paningin, salitang ginamit
4. Galaw/kilos – pagkakaugnay ng pagkilos sa pagbigkas. Kaisipan at damdamin ay maihatid
5. Kumpas – Naaayon sa sinasabi at limitahan

Layunin at Bahagi ng Talumpati


- Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon,
magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o
paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan ang
layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng pagdiriwang o okasyon.

Bahagi ang talumpati:


1. PAMBUNGAD o PANIMULA
 Bahaging inihahanda ang kaisipan ng mga nakikinig.
 Dapat iangkop ang haba ng pambungad sa katawan ng talumpati.
 Ang pambungad ay dapat mapagkumbaba at nakaaakit sa kalooban ng mga nakikinig.
 Ang pagpapatawa sa simula ng talumpati ay nakatutulong sa pagkuha ng kalooban ng mga
nakikinig.
2. PAGLALAHAD
 Ang bahaging nagpapaliwanag (katawan ng talumpati).

KATANGIAN ng bahaging PAGLALAHAD:


KAWASTUHAN – dapat ang talumpati ay maging wasto sa BUOD, PORMA at GRAMATIKA.
KALIWANAGAN – dapat maliwanag ang talumpati sapagkat hindi mapahihinto ng mga nakikinig ang
isang nagtatalumpati kung mayroong hindi maintintindihan.
PANG – AKIT – ang talumpati ay dapat umakit sa KATWIRAN, GUNIGUNI at DAMDAMIN ng mga
nakikinig sa pamamagitan ng mga salitang may kaugnayan sa limang senso (senses) ng
tao.
3. PANININDIGAN
 Bahaging kinaroroonan ng mga pagpapatunay ng magtatalumpati.
 Ang bahaging ito ay mabisa KUNG mapapaniwala at mahihikayat ng nagtatalumpati ang mga
nakikinig dahil sa kalakasan ng kanyang mga katwiran na tumimo sa pag – iisip at damdamin ng
mga tagapakinig.
4. PAMIMITAWAN
 Huling bahagi ng isang talumpati. Ito ay nararapat na hindi masyadong mahaba.
 Sa bahaging ito nag – iiwan ng isang marikit at maindayog na pangungusap na nag – iiwan ng isang
KAKINTALAN (lasting impression) sa nakikinig.

Uri ng Talumpati ayon sa Layunin:


 May iba’t ibang uri ang talumpati o pananalumpati. Ito ay ang talumpating pampalibang, naghihikayat,
nagpapakilala, pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla.

Talumpating Pampalibang
- Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito
ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.
Talumpating Nagpapakilala
- Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang
ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang
kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita.
Talumpating Pangkabatiran
- Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba
pang samahan ng mga dalubhasa sa iba t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang
makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.
Talumpating Nagbibigay-galang
- Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay
sa kasamahang mawawalay o aalis.
Talumpating Nagpaparangal
- Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa
nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.
Talumpating naghihikayat sa isang tao
- Ang talumpating ito’y ginagamit sa paglulunsad ng krusada, pagtatalumpati ng isang pulitiko,
pagpapasok ng panukalang batas ng isang mambabatas, pagtatanggol ng isang abugado sa kanyang
kliyente, at isang karaniwang taong may layuning akitin ang mga kababayan o kanayon na tumulong sa
kanyang inilunsad na proyekto

Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan


1. Impromptu o dagli - ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay
sa pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.
Narito ang ilang paalala sa biglaang pagtatalumpati:
- Maglaan ka ng oras sa paghahanda
- Huminga nang malalim. Dahan-dahan tumayo at lumakad patungong tanghalan. Gamitin ang oras na
ito sa pagbuo ng mga ideya na gagamitin mo sa pagbigkas. Mag-isip din ng magandang panimula.
- Magkaroon ng tiwala sa sarili
- Tingnan ang buong paligid at ngumiti sa mga tagapakinig.
- Tumindig nang maayos. Huwag ilalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa. Magsalita at kumilos nang
may tiwala sa sarili
- Magsalita nang medyo mabagal. Ang pagsasalita sa mabagal na paraan ay nakatutulong sa iyo na mag-
isip kung ano ang susunod mong sasabihin. Nakakatutulong din ito para mabawasan ang iyong
nerbyos.
- Magpokus. Magpokus sa paksa habang nagsasalita. Iwasang mag-isip ng negatibo dahil sa kawalan ng
kahandaan. Magsalita nang tuwiran sa mga tagapakinig at ibagay o iangkop ang sarili sa nakikitang
reaksyon ng mga tagapakinig. Panatilihing nakapokus ang paningin sa mga tagapakinig. Iwasang
magpaligoy-ligoy sa pagsasalita.
2. Extempore o maluwag - ayon kay James M. Copeland (1964), ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng
pagbigkas ng extempore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng kahandaan sa pagbigkas. Ang
paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng
paksa at mismong paligsahan. Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa
pagtatalumpati. Sa ibang paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal kung lalampas o kaya
aykulangin sa oras. Samakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan atang
konklusyon ay apektado sa itinakdang oras. Ang ikatlong kosiderasyon ay ang pag-uulit ng paksa. Ibig
ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga tungkol sa magkakaparehong paksa. Iminungkahi ni
Copeland na mas maganda kung orihinal at maayos ang organisasyon ng pagtalakay sa paksa.
3. Isinaulong talumpati o prepared - sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang
talumpati. Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang
memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.
4. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya - makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng
papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula,
katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.

SEMI-FINALS EXAM: FACE TO FACE

Module 4 – Paraan sa Paghahanda ng Talumpati

Paghahanda sa Talumpati
- Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili ang kaalaman, karanasan at interes
at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng talumpati. Kapag nakapili na ng paksa, maaaring magtitipon ng
mga materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na siya namang gagamitin sa isusulat
na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karanasan na
may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mgaawtoridad sa paksang napili.
Pagkatapos makatipon ng mga materyales na gagamitin sa talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng
mga ideya at hatiin sa tatlong bahagi: panimula, katawan at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang
talumpati sa paglinang ng kaisipan na kung saan nakapaloob ang mahalagang impormasyon na
sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan nainilahad sa balangkas.
- Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati na magkaroon ng magandang
personalidad, maging malinaw ang pananalita, may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay, may
mahusay na paggamit ng kumpas, at may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din tandaan ng
mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay diin at kaugnayan (rapport) sa madla.

MGA LAYUNIN NG TALUMPATI


1. Magpahatid ng mahalagang ideya tungkol sa isang paksa.
2. Pumukaw sa damdamin ng mga nakikinig.
3. Makaakit.
4. Makapagpaniwala.
5. Makapagbigay – kasiyahan sa mga nakikinig.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa


1. Kasapatan ng Datos – kinakailangang may sapat na impormasyon tungkol sa napiling paksa.
2. Limitasyon sa pag-aaral – ito ay ang deadline o oras kung hanggang kalian lamang pwedeng gawin ang
pananaliksik.
3. Kakayahang pinansyal – may mga paksa masyadong magastos o mabigat sa bulsa kaya dapat isaalang-
alang ang pinansyal na estado.
4. Kabuluhan ng paksa – sa pagpili ng paksa hindi sapat na ito ay napapanahon, sa halip dapat ito’y
makatulong din sa pananaliksik ng iba.
5. Interes ng mananaliksik – mas mapapadali ang gawa kung ito ay naaayon sa kagustuhan ng
mananaliksik.

Mga Hanguan ng Paksa


1. Sarili – nakabatay sa karanasan, nabasa, napakinggan at kaalamang natutuhan.
2. Dyaryo o magasin – makikita at mababasa ang mga napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa na
puwedeng pagkuhanan ng impormasyon.
3. Radyo at TV – katulad din ng dyaryo at magasin na nagtatampok ng mga nagyayari sa ating paligid
4. Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan – maaari tayong makabuo ng ideya mula sa impormasyong ibinigay
nila patungkol sa gagawing pananaliksik
5. Internet – mas mabilis ang pananaliksik at pagkalap ng impormasyon gamit ang makabagong
teknolohiya
6. Aklatan – mapagkunan ito ng mga impormasyon kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa
Edukasyon at Akademya.

Paano Gumawa ng Talumpati


- Pumili ng magandang paksa. Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon
tungkol sa napiling paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga babasahin na may
kaugnayan sa paksang gagamitin.
- Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula, katawan at katapusan.
- Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili at pansariling
kapakinabangan.
- Iwasan din naman na maging boring ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay magkaroon ng sense of
humor sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin ang iyong tagapakinig.

PAGKUMPAS
- Ang pagkumpas ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa ideyang nais ipahatid ng isang mananalumpati.
- May tatlong bahagi ang pagkumpas: PAGHAHANDA, PAGKUMPAS at PAGBABALIK ng KAMAY.

Mga dapat tandaan sa pagkumpas


1. Dapat na galing sa kalooban ang natural na pagkumpas.
2. Dapat na ibagay sa mga salitang binibigkas ang pagkumpas.
3. Ang bisig at sikong tuwid na tuwid ay hindi makapagdaragdag ng diin.
4. Ang pagkumpas ay dapat na una kaysa pananalita.
5. Ang pagkumpas ay nagsisimula sa balikat at nagtatapos sa dulo ng daliri.
6. Hindi dapat gumamit ng napakaraming kumpas o kaya ay wala ni isa man.
7. Ang pasulpot-sulpot na napakaraming kumpas ay nakababawas diin.
8. Dapat na may hangganan ang paggalaw ng kamay. Hindi dapat iunat ang kamay nang malayung malayo
sa tagiliran kapag kumukumpas. Ang kamay ay di dapat sumakop sa kabilang hati ng katawan kapag
kumukumpas.
9. Hindi dapat isagawa ang pagkumpas na parang nagwawalis.
10. Kapag nauuna ang kanag paa sa pagtayo, ang kanang kamay ang gamitin sa pagkumpas, kapag nauuna
ang kaliwang paa, ang kaliwang kamay ang gamitin sa pagkumpas, at kapag dalawang kamay ang
ginagamit, dapat na magkapantay sa pagkakatayo ang mga paa.

URI NG KUMPAS
1. Palas na itinataas habang nakalahad – Nagpapahiwatig ito ng dakilang damdamin “Kami’y nananalig sa
iyong kapangyarihan, Dakilang Bathala.”
2. Nakataob na palad at biglang ibababa – Nagpapahayag ito ng marahas na damdamin. “Huwag kayong
padala sa simbuyo ng inyong damdamin.”
3. Palad na bukas at marahang ibinababa – Ito’y nagpapahiwatig ng mababang uri ng kaisipan o
damdamin. “Ibig kong malinawan ang mga bagay na may kinalaman sa naganap na kaguluhan...”
4. Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad – nagpapahayag ito ng pagkapoot o galit at pakikipaglaban.
“Ipagtatanggol natin ang ating bayan laban sa mga mapagsamantala.”
5. Paturong kumpas – Ang kumpas na ito’y nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghahamak.
“Sino kang huhusga sa aming pagkatao?”
6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting ititikom – nagpapahiwatig ng
matimping damdamin ang uring ito. “Hindi ko akalaing ang kasiglahang ipinamalas niya sa’kin ay
balatkayo lamang, mahinang-mahina na pala siya dahil sa taglay na karamdaman.”
7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita – Ito’y pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan
ng nagsasalita. “Ang puso ko’y tigib ng kaligayahan sa mga sandaling ito sapagkat kapiling ko angaking
mga mahal sa buhay.”
8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad – Ipinahihiwatig nito ang pagtanggi, pagkabahala at
pagkatakot. “Matitiis ko ang pagdaralita sukdang magdildil ng asin huwag ka lamang malayo sa aking
piling, aking ama.”
9. Kumpas na pahawi o pasaklaw – Ito’y nagpapahayag ng pagsaklaw ng isang diwa, tao o pook. “Nilupig
ang bayan, inalis ang mga karapatan ng mga mamamayan at sila ang nangugsiupo sa trono ng
kapangyarihan.”
10. Marahang pagbababa ng dalawang kamay- Ito’y ginagamit sa pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan
ng lakas. “Wala na! Wala na ang pag-asa naming makaahon sa karalitaang malaong panahon na
naming
kinasasakdalan.”

Tinig
- Ang tinig na tinatanggap ng mga nakikinig ay tinig na kasiya – siya sa pandinig, matatas at nagbabagu-
bago. Mapauunlad ang kakayahan sa pagsusuri ng sariling tinig sa mamagitan ng pagsasanay sa tulong
ng tape recorder. Huwag asahang mapauunlad ang tinig sa paminsan-minsang pagtatalumpati.

Mga dapat tandaan sa paggamit ng tinig:


1. Iangkop sa piyesa ang uri ng tinig na gagamitin.
2. Tuwirang mangusap sa madla.
3. Kailangan ang malinaw na pagbigkas upang maunawaan.
4. Taimtim na mangusap sa mga nakikinig.
5. Iwasang gumamit ng mga mapagkunwaring pananalita na maaaring magbigay ng alinlangan sa mga
nakikinig.
6. Magkaroon ng tiwala sa sarili. Ang kakimian ay sagabal sa pagtatalumpati. Ito’y nakapagpapaudlot sa
mabisang daloy ng pananalita.

Mukha
- Tumingin sa mga mata o mukha ng mga nakikinig. Iwasan ang pagtingin sa kisame, bintana at sahig.
Ang mga nakikinig ay nagkakaroon ng interes kung nadarama nilang sila’y kinakausap ng
nagtatalumpati. Ang maiilap na mata at magalaw na ulo ay nakalilito sa mga nakikinig at
nakapagbabawas ng kanilang kawilihan.
- Ang wastong pang-intelektwal at emosyonal na kahulugan ng mga salita ay nailalahad ng anyo ng
mukha. Ang damdaming nakapaloob sa paksa ay napapalutang sa pamamagitan ng wastong
ekspresyon ng mukha. Magiging katawa-tawa ang isang nagtatalumpating nakangiti habang
nagpapahayag ng isang malungkot na paksa.
- Ang ekspresyon ng mukha ay dapat ibagay sa sitwasyon at kahulugan ng mensahe.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA


1. Kahandaan
- Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang pagtatalumpati sa panimula o
introduksyong bibibigkas ng tagapagsalita. Kung maganda amg panimula, makukuha agad ang
atensyon ng mga tagapakinig. May dalawang mahahalagang salik para sa panimula ng pananalita: (a)
kilalanin ang tagapakinig at (b) isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-pormal. Layunin ng
dalawang ito na makapukaw ng atensyon ng tagapakinig. Kung alam ng tagapakinig kung sino-sino ang
kanyang tagapakinig, mailulugar niya ang pagpapatawa, pagtatanong at iba pang teknik o istratehiya
para makuha ang atensyon nila.
2. Kaalaman sa paksa
- Ang sapat na kaaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay masasalamin sa paraan ng pagbigkas o –
pagtatalakay na ginagawa niya. Makikita ang kanyang kahusayan sa paksang tinatalaky sa paraan ng
pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpreyasyon, paglalapat, paghahambing, pag-uulit ng padron at ang
pagbibigay ng problema at solusyon. Madaling matuklasan kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita
dahil mararamdaman ito sa kanyang tinig at ikinikilos.
3. Kahusayan sa pagsasalita
- Madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang
mananalumpati/tagapagsalita. Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nililalaman ng kanyang
talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na
salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita. Mahalaga na maunawaan ng tagapakinig
ang mensahe kaya nararapat na ibigay ang lenggwaheng gagamitin sa uri ng tagapakinig.

GAWAIN: Pagsasagawa ng Talumpati


FINAL EXAM: FACE TO FACE

Sanggunian:
Aklat
Catacataca, Pamfilo D. et al. (1985) Sanaysay, Debate at Talumpati, National book store.
Villafuerte, Patrocinio V. (2002). Talumpati, Debate at Argumentasyon, Lungsod ng Valenzuela: Mutya
Publishing House.
Emily V. Marasigan, Alma M. Dayag (2004), Pluma IV (Wika at Panitikan Para sa Mataas na Paaralan), Phoenix
Publishing Co, Inc.
Evasco, Eugene Y. et. Al. (2013). Malikhaing Sanaysay, Anyo, Kasaysayan, Antolohiya. Quezon City. C & E
Publishing Inc.

Internet
https://www.scribd.com/document/361085133/sanaysay-at-talumpati-docx#
https://www.coursehero.com/file/72317425/MODULE-2-SANAYSAY-AT-TALUMPATIdocx/
https://www.scribd.com/document/528208672/Sanaysay-at-Talumpati-ppt
https://www.slideshare.net/mj_llanto/mga-dapat-tandaan-sa-epektibong-pagsasalita-at-mahusay-
napagtatalumpati
https://www.slideshare.net/lighterthanblue/pagtatalumpati
https://www.slideshare.net/RaymorRemodo/talumpati-127820736
https://www.slideshare.net/SarahJaneReyes1/tatlong-uri-ng-talumpati-at-layunin-nito
https://www.slideshare.net/ricafritz/talumpati-61692235?next_slideshow=1
https://prezi.com/tnglpqknwisu/mga-uri-ng-kumpas-sa-pagbigkas-ng-tula-at-talumpati/
https://dokumen.tips/documents/talumpati-kumpas-2.html?page=27
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-san-agustin/filipino-sa-ibat-ibang-disiplina/talumpati-
1-grade-12/1657069
https://www.youtube.com/watch?v=P1YSRfoXHY8
https://prezi.com/6fwnchgmkcvj/kontemporaryong-panitikan/

You might also like