You are on page 1of 30

PAGSULAT NG TALUMPATI

Ang pagtatalumpati ay isang proseso o


paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan
sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang
partikular na paksa. Ito ay karaniwang
isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig, ang isang talumpating isinulat ay
hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay
hindi mabibigkas sa harap ng madla.
Apat na uri ng talumpati batay sa
kung paano ito binibigkas sa harap
ng mga tagapakinig
1. Biglaang Talumpati (Impromptu) –
ang talumpating ito ay ibinibigay nang
biglaan o walang paghahanda. Kaagad
na ibinibigay ang paksa sa oras ng
pagsasalita.
2. Maluwag (Extemporaneous) – kung ang
biglaang talumpati ay isinasagawa nang
biglaan o walang paghahanda, sa
talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto
para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan
batay sa paksang ibinibigay bago ito
ipahayag. Kaya madalas na outline lamang
ang isinusulat ng mananalumpating
gumagamit nito.
3. Manuskrito – ang talumpating ito ay ginagamit sa
mga kumbensiyon, seminar, o programa sa
pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at
dapat nakasulat. Kailangan ang matagal na panahon
sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati
sapagkat ito ay itinatala. Limitado rin ang
oportunidad ng tagapagsalitang maiangkop ang
kanyang sarili sa okasyon. Karaniwan din ay
nawawala ang pakikipag-ugnayan ng tagapagsalita
sa kanyang tagapakinig dahil sa pagbabasa ng
manuskritong ginawa.
4. Isinaulong Talumpati – Ito ay kagaya rin ng
manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-
aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig. May oportunidad na
magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa
tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang
ginawang manuskrito kundi sinasaulo at
binibigkas ng tagapagsalita. Ang isang kahinaan
ng ganitong talumpati ay pagkalimot sa
nilalaman ng manuskritong ginawa.
Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin
Sa pagsulat ng talumpati mahalagang
makilala ang iba’t ibang uri ng talumpati ayon sa
layunin nito. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o
Kabatiran – ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid
sa mga nakiking ang tungkol sa isang paksa, isyu, o
pangyayari. Dapat maging malinaw at maktotohanan ang
paglalahad ng datos kaya mahalagang sa pagsulat nito
ay gumamit ng mga dokumentong mapagkakatiwalaan.
Ang ilan sa mga halimbawa nito ay panayam at
pagbibigay-ulat. Makatutulong din ang paggamit ng mga
larawan, tsart, dayagram, at iba pa sa pagsasagawa ng
ganitong uri ng talumpati. Pinakakilalang halimbawa nito
ang talumpati ng mga pinuno ng bansa o ang State-of-
the-Nation Address (SONA).
2. Talumpating Panlibang – Layunin ng
talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga
nakikinig. Kaya naman sa pagsulat nito, kailangang
lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may
kaugnayan sa paksang tinatalakay. Madalas
ginagawa ang ganitong talumpati sa mga salu-salo,
pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga
samahan.
3. Talumpating Pampasigla – layunin ng talumpating ito
na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Sa
pagsulat nito tiyaking ang nilalaman nito ay
makapupukaw at makapagpapasigla sa damdamin at
isipan ng mga tao. Higit na makakamit ang layunin nito
kung ang magsasalita ay handing-handa sa
pagsasagawa ng talumpati. Makatutulong ito upang
maging focused at interesado ang mga nakikinig.
Kaaniwang isinasagawa ang ganitong talumpati sa araw
ng pagtatapos sa mga paaralan at pamantasan,
pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan o
organisasyon, kumbensyon, at sa iba pang pagdiriwang
na kagaya ng mga nabanggit.
4. Talumpating Panghikayat – pangunahing layunin ng
talumpating ito na ikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa
pamamagitan ng pagbibigay ng katuwiran at mga patunay.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sermon naririnig sa
mga simbahan, kampanya ng mga politico sa panahon ng
halalan, talumpati sa Kongreso, at maging ang talumpati
ng abogado sa panahon ng pahlilitis sa hukuman.
5. Talumpati ng Pagbibigay-galang – layunin ng
talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng
samahan o organisasyon. Ginagawa rin ito bilang
pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang
tungkulin.
6. Talumpati ng Papuri – layunin ng talumpatimg
ito na magbigay ng appgkilala o pagpupugay sa
isang tao o samahan. Kabilang sa mga ito ang
talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na
opisyal, talumpati ng pagkilala sa isang taong
namatay na tinatawag na eulogy, talumpati sa
paggawad ng medalya o sertipiko ng pagkilala sa
isang tao o samahang nakapag-ambag nang Malaki
sa isang samahan o sa lipunan, at iba pang kagaya
ng mga ito.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Talumpati
A. Uri ng Tagapakinig
Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati,
mahalagang magkaroon ng kabatiran ang
mananalumpati tungkol sa kaalaman,
pangangailangan, at interes ng kanyang magiging
tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa
kanilang aklat na Sining ng Pakikipagtalastasang
Panlipunan, ang ilan sa dapat mabatid ng
mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig ay ang
sumusunod:
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig –
mahalagang alamin ang edad o gulang ng nakararami sa
mga tagapakinig. Iakma ang nilalaman ng paksa at
maging ang wikang gagamtin sae ad ng mga makikinigg.
Ang mga bata ay tiyak na hindi lubos na magiging
kabagot-bagot para sa mga matatanda.
2. Ang bilang ng mga makikinig – importante ring
malaman kung ilan ang mga taong makikinig sa
talumpati. Kung maraming makikinig, marami ring
paniniwala at saloobin ang dapat isaalang-alang ng
mananalumpati. Mapaghahandaan nang husto ang
talumpati kung batid ang dami ng makikinig.
3. Kasarian - madalas magkaiba ang interes,
kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan
sa kababaihan. Nagkaroon din ng magkaibang
pananaw ang dalawa hinggil sa isang particular na
paksa. Mahalagang malaman kung ang pagtitipong
pupuntahan ay binubuo ng kalalakihan,
kababaihan, o ng magkahalong kasarian.
4. Edukasyon o antas ng Lipunan – mahalaga ring
malaman ang antas ng edukasyon ng nakararaming
dadalo sa pagtitipon at maging ang antas ng kanilang
buhay sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng edukasyon
sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa
paksa. Kung ang mga makikinig ay kabilang sa masang
pangkat, mahalagang gumamit ng mga salitao
halimbawa na akma para sa kanila. Kung ang
karamihan naman sa mga makikinig ay mga edukado at
kabilang sa mataas na antas ng lipunan, iba ring
pamamaraan ng pagtalakay ang dapat gamitin sa kanila.
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga
nakikinig – dapat mabatid din kung gaano na
kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga
nakikinig tungkol sa paksa. Kung may alam na ang
mga tagapakinig tungkol sa paksa, sikaping
sangkapan ito ng mga mbago at karagdagang
impormasyon upang hindi sila mabagot o mawalan
ng interes.
B. Tema o Paksang Tatalakayin
Ang isang pang pangunahing bagay na dapat isaalang-
alang sa pagsulat ng talumpati ay ang tema ng okasyon ng
pagdiriwang o pagtitipon ng pagtatalumpatian. Mahalagang
matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang bubuoing
talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon. Ayon kina
Casanova at Rubin (2001) sa kanilang aklat na Retorikang
Pangkolehiyo, upang higit na maging kawili-wili ang talumpati,
dapat makitaan na may sapat na kaalaman ang mananalumpati
hinggil sa paksa. Ang kaalaman niya ay dapat na nakahihigit sa
kanyang tagapakinig. Ito ay nangangahulugan lamang na sa
pagsulat ng talumpati, kailangan ang sapat na paghahanda,
pagpaplano, at pag-aaral tungkol sa paksa. Narito ang mga
hakbang na maaaring isagawa sa pagsulat ng talumpati.
1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na
babasahin – ito ay maaring maisagawa sa pamamagitan
ng pagbabasa at pangangalap ng impormasyon sa
ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin, at dyornal.
Mula rito ay maaring kumuha ng mahahalagang datos o
kakailanganing impormasyon tungkol sa paksa kasama
ang sanggunian. Maari ding magsagawa ng interbyu sa
isang taong eksperto sa paksang tatalakayin upang higit
na maging makatotohanan ang nilalaman ng susulating
talumpati sa pamamagitan ng pagbanggit ng ga nagging
karanasan.
2. Pagbuo ng Tesis – matapos makapangalap ng sapat na
datos o impormasyon, ang susunod na hakbang na gagawin
ay ang pagbuo ng tesis o pangunahing kaisipan ng paksang
tatalakayin, ito ang magsilbing pangunahing ideya kung ang
layunin ng talumpati ay magbigay ang kabatiran,
pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng
talumpati ay manghikayat.
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto –
kapag may tiyak nang tesis para sa talumpati, maaari nang
alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing punto na
magsisilbing batayan ng talumpati.
C. Hulwaran sa pagbuo ng Talumpati

1. Kronolohikal na Hulwaran – gamit ang hulwarang ito,


ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon.
2. Topikal na Hulwaran - ang paghahanay ng mga
materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing
paksa. Kung ang paksa ay kailangan hatiin sa mga tiyak na
paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito.
3. Hulwarang Problema-Solusyon – kalimitang nahahati
sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit
ang hulwarang ito – ang paglalahad ng suliraninn at ang
pagtatalakay sa solusyon na maaring isagawa.
Kasanayan sa Paghahabi ng mga Bahagi ng Talumpati

1. Introduksiyon – ito ang pinakapanimula ng talumpati.


Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang:
a. Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga
makikinig
b. Makuha ang kanilang interes at atensiyon
c. Maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping
pagtalakay sa paksa
d. Maipaliwanag ang paksa
e. Mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
f. Maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe
2. Diskusyon o Katawan – dito makikita ang
pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito
tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang
nais ibahagi sa mga nakikinig. Kailangang taglayin
na katangian ng katawan:
a. Kawastuhan – tiyaking wasto at maayos ang
nilalaman ng talumpati, totoo at maipaliwanag nang
mabisa nag lahat ng kailangang detalye upang
mapaliwanag ang paksa.
b. Kalinawan – kailangang maliwanag ang pagkakasulat at
pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga
nakikinig.
1. Gumamit ng angkop at tiyak na salitang mauunawaan
ng mga makikinig.
2. Umiwas sa madalas na paggamit ng mahahabang
hugnayang pangungusap.
3. Sikaping maging direkta sa pagsasalita at iwasang
magpaligoy-ligoy sa pagpapahayag ng paksa.
4. Gawing parang karaniwang pagsasalita ang
pakikipag- usap sa mga tagapakinig.
5. Gumamit ng mga halimbawa at patunay sa
pagpapaliwanag ng paksa.
c. Kaakit-akit – gawing kawili-wili ang paglalahad
ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.
3. Katapusan o Kongklusyon – dito nakasaad ang
pinakakongklusyon ng talumpati. Dito nilalagom ang
mga patunay at argumentong inilalahad sa katawan
ng talumpati. Maikli ngunit malaman.

4. Haba ng Talumpati - ang haba ng talumpati ay


nakasalalay kung ilang minute o oras ang inilaan
para sa pagbigkas o presentasyon nito.
Tunghayan ang isang halimbawa ng talumpati na maaaring maging
gabay sa susunod na mga gawain
Halimbawa ng Talumpati
Muling Maging Dakila
Ni Ferdinand Marcos
Sa araw na ito, animnapu’t siyam na taon na ang nakalipas,
namatay ang isang batang bayani at propeta n gating lipi sa knayang
minamahal na lupain. Isang bala ng diktador ang pumuslag sa kanya,
at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir ay tumubo ang isang bagong
bansa.
Ang bansang iyon ang nagging unang makabagong republika
sa Asya at Africa. Ito an gating bansa. Ipinagmamalaki nating matatag
an gating bayan sa isang rehiyong matatag; kung saan balota, at
hindi bala, ang humuhusga sa kapalaran at mga partido.
Kung kaya pinararangalan natin sa ating kasaysayan
ang Kawit at Malolos biilang mga halimbawa ng
pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan?
Sapagkat itinayo n gating mga ninuno ang matibay na haligi
ng unang republika sa Asya na taglay lamang ang tapang,
talino, at kabayanihan.
Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong
mapapansin, ngunit ito’y mahalaga pa rin. Kailangang ulitin
natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang mas
karaniwang panahon, malayo sa madugo at dakilang
pakikipagsapalaran – sa pamamagitan ng pagpapabilis ng
pagbabago n gating lipunan at kalakalan. Sapagkat ngayon,
tila nalimutan na ng Pilipino ang kanyang diwa, dangal, at
tapang.
Maaari pang muling maging dakila ang baying ito.
Paulit-ulit binabanggit ito. Ito ang aking pinaniniwalaan, at
ninanais ng Poong Maykapal na tayo’y magtulungan upang
isakatuparan ang ating sariling kasaysayan. Naisulat nang
ating mga ninuno ang kanila. Tangan ang lakas ng loob at
kahusayan, kailangang isulat natin ang atin.
Pangarap natin ito. Sa pagpili sa akin, inaako ninyo
ito. Samahan ninyo ako sa pagkamit ng pangarap ng
kadakilaan.
SALAMAT SA PAKIKINIG!!

You might also like