You are on page 1of 5

GELOSO, JERALDINE J.

BAPS-11

A. Ipaliwanag at suriin kung anong uri ng di - berbal na komunikasyon

Sagot:

Di-Berbal na Komunikasyon- Hindi ito gumagamit ng salita o wika, bagkus ay naipapakita ang
mensaheng nais iparating sa kausap sa pamamagitan ng kilos at galaw ng katawan o bahagi ng
katawan ng tao.

I.Kinesika (Kinesics)
*Ito ay ang paggamit ng bahagi ng katawan sa pakikipagkomunikasyon. Ang paggalaw ng mga
ito habang ang isang tao ay nakikipagtalastasan.
*Tumutukoy sa lenggwahe ng bahagi ng katawan.

II.Proksemika (Proxemics)
*Ayon kay Edward T. Hall, ito ag katawagang nangangahulugang pag-aaral ng komunikatibong
gamit ng espasyo o distansya.
*Halimbawa: And pagsasalita sa harap ng mga estudyante at ang pag-uusap ng masinsinan ng
magkaibigan.

III.Kronemika (Chronemics)
*May kaugnay sa oras.
*Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ang mensahe.
*Halimbawa: Kung ang isang tao ay laging huli sa trabaho ay nangangahulugang siya ay tamad o
walang gana sa paggawa.
*Ang pagtawag ng hatinggabi ay maaaring ikagalit ng tinatawagan.

1.Teknikal o Siyentipiko- tumutukoy ito sa eksaktong oras na napagkasunduan.


2. Pormal na oras- Ito ang oras na ginagamit upang ipakita ang kahulugan ng oras bilang kultura.

IV.Haptik (Haptics)
*Ito ay ang paghawak ng isang tao o ang paggamit ng sense of touch.
*Halimbawa: pagpindot, pagpisil, pagbatok, paghawak at paghipo.

V.Bokaliks (Vocalics)
*Tinutukoy nito ang tono ng tinig (pagtaas at pagbaba). Pagbigkas ng mga salita o bilis ng
pagsasalita.
*Halimbawa: Pagsutsot, ungol, halingling at hikbi.

VI.Aykoniks (Iconics)
*Mga simbolo na nakikita sa ating paligid.
*Halimbawa: Kung ikaw ay nasa mall at ikaw ay pupunta sa palikuranay may simbolo para sa
panlalaki at pambabae.

VII.Olpatoriks (Olphatorics)
*Binibigyang-kahulugan ang amoy bilang isa sa mga di-berbal na mensahe.
*Maaaring nakapagpaalala ito ng nakaraan lalo’t ang amoy ay naging bahagi ng karanasan.

VIII.Kulay
*Ang mga kulay ay nagpapakita rin ng komunikasyong di-berbal
*Halimbawa: Kapag ang isang tao lalo na ang ka-Ilokanuhan ay Nakita mong nakasuot ng puting
panyo sa kanyang noo ay nangangahulugang siya ay namatayan.
*Kapag ikaw ay nasa lansangan ay nakita mo ang kulay ng traffic light ay pula. Ito ay
nangangahulugang hinto.

IX.Katahimikan
*Katulad ng pagsasawalang kibo, pagbibigay ng blangkong sagot sa isang text message ay
maituturing na mga mensahe sa isang akto ng komunikasyon.
*Ang pagbibigay ng blangkong mensahe ay maaaring tingnan sa aspeto ng aksidenteng
pagkakapindot sa telopono. Maaari rin itong tingnan sa anggulo ng kawalang pagpapahalaga sa
nakaalitan.

X.Kapaligiran
*Ang anumang kaganapan sa kapaligiran ay maaaring bigyan ng pagpapakahulugan ng mga
taong tumitingin dito.
*Ang pisikal na anyo ng pagdarausan ng isang palihan ay pagpapaalala kung gaano
pinaghandaan ng mga tagapangasiwa ang mahalagang okasyon sa araw na iyon.

B. Ipaliwanag ang ss:

a. FORUM- Ang forum ay tumutukoy sa isang usapan o asembliya na binubuo ng dalawa o higit
pang tao. Ginagawa ito upang magkaroong ng palitan ng ideya tungkol sa isang paksa. Ang
forum din ay maaaring maging anyong lecture. Mahalaga ito upang magkaroon ng maayos na
diskurso sa pagitan ng mga tao. Ito ay nanganahulugan ding discussion.

b. LEKTYUR- Ang lektyur ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o


karunungan na kailangan ng tao para sa isang partikular na paksa o asignatura. Kasama rito ang
pagbabahagi ng mga kritikal na impormasyon, kasaysayan, mga teorya, at iba pa. Ang lektyur ay
nagbibigay ng orihinal na ideya at mga pagtuturo na nagmula sa materyal na nakikita sa libro.
Mas kontrolado ng instruktor ang pagdaloy ng pagtuturo at mas nabibigyang kahalagahan niya
ang objektib, layon at daloy ng presentasyon. Mas nabibigayang pansin din nila ang mga
estudyante at mas mabilis natutugunan and mga tanong ng mga estudyante.
c. SEMINAR- Ito ay isang pormal na akademikong instruksyonna maaaring ibigay ng
unibersidad o Pamantasan, mga komersyal o propesyunal na organisasyon. Tungkulin nito na
lipunin ang isang maliit na pangkat para sa mahalagang pag-uusap sa isang paksa na kung saan
ang bawat partisipant ay inaasahang makilahok sa naumang paraan. Ang magsasagawa ng
pagtalakay ay karaniwang naghahanda upang epektibong talakayin ang paksa na iniaatas o
ibinigay sa kanya.

d. WORKSHOP- Ang worksyap o workshop ay kinabibilangan ng mga elementong taglay ng


isang pantas-aral o seminar, bagamat ang malaking bahagi nito ay nakapokus sa “hand-on-
practice”. Ito ay idinisenyo upang aktwal na magabayan ng tagapagsalita o tagapangasiwa ang
mga partisipant sa pagbuo ng isahang awtput na bahagi ng pagtalakay. Ang workshop ay isang
salitang Ingles na tumutukoy sa maikling masinsinang mga workshop sa pang-edukasyon. Bilang
isang pangkalahatang tuntunin, ang mga workshop ay mga maikling programa sa edukasyon (sa
pagitan ng 45 minuto hanggang 2 araw) na nagsasangkot sa mga kalahok, na lumilikha ng
pakikipag-ugnayan sa pagitan nila, para sa pagkuha ng ilang mga teknikal o praktikal na
kasanayan, o ang pag-aaral ng ilang konsepto na bukas sa anumang saklaw.

e. SIMPOSIUM- Ang simposyum ay isnag pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na


kung saan ang mga participant ay mga paham o eksperto sa kani-kanilang larangan. Tinatalakay
ng mga eksperto o paham ang kanilang mga opinyon o pananaw sa partikular na paksa ng
pagtalakay. Karaniwan na nagkakaroon ng pagtatalakayan matapos na ang tagapagsalita ay
makapagbahagi na ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang talumpati.

f. KOMPERENSYAL- Ang koperensya ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong na kung


saan ang mga kasali o partisipant ay binibigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng kani-
kanilang pagtalakay sa iba’t-ibang paksa. Ang komperensya ay maaaring ganapin sa iba’t-ibang
larangan at hindi naman kailangan na palaging nakasentro ito sa larangan ng akademya.
Maaaring magaroon ng konperensya ang mga doctor, abogado, mga mamamahayag, at iba pa.
Ang komperensya ay mayroong higit na malawak na delegado kung ihahambing sa simposyum.

g. ROUND TABLE- Ang Pabilog na talakayan ay naglalarawan ng pagkakapantay-pantay ng


mga partisipant sa gawaing ito. Bawat isa sa kanila ay kani-kanilang karapatan na mapakinggan
at maging bahagi ng pagtalakay bagamat mayroong isang pangunahing tagapagsalita (key-note
speakers). Malaking bahagi ng agawaing ito ang talakayan o diskusyon.

h.SMALL GROUP – Ang komunikasyong ito ay kinasasangkutan ng tatlo o higt opang kasapi
ng pangkat na ang layunin ay impluwensiyahan ang iba gamit ang berbal at di-berbal na
komunikasyon. Sinasabi na ang antas ng komunikasyon ng mga kasangkot dito ay higit na
mababa kumpara sa interpersonal na komunikasyon. Ang komunikasyon sa maliit na pangkat ay
karaniwang makikita sa simbahan, palengke, umpukan. Ang pangkatang gawain din na ginagawa
sa loob ng klase ay isang halimbawa ng isang maliit na pangkat na nakatuon sa paraan na kung
paano nila mapapaunlad ang kanilang gawain sa pangkat.
i. DISCUSSION- Maaaring pormal at di-promal. Ito ay isinasagawa upang bigyang kasagutan
ang isang mahalagang usapin o pag-usapan ang isang bagay upang makamtan ang isang layunin.

J. RADIO TV PROGRAM- Ito ay isang paraan upang makapagbigay ng impormasyon sa


pamamagitan ng radio at telebisyon. Ito ay itinuturing na "hardware," ang programming ay ang
mahalagang "software" na talagang tumutukso sa mga tao na gamitin ang mga device na ito. Ang
pangunahing tungkulin ng istasyon o network ay ang magbigay ng content ng programming na
makakaakit sa ilang bahagi ng audience. Ang kakayahan ng isang istasyon na maabot ang
ninanais na madla nito ang magdedetermina ng tagumpay nito. Ang misyon at diskarte sa
programming nito ay kritikal sa posibilidad na mabuhay nito. Dahil dito, ang programming ay
ang pinaka nakikita at pinakamahalagang kalakal ng telebisyon.

k. VIDEO CONFERRENCING- Ang kumperensya ng video ay tumutukoy sa pagsasagawa ng


isang kumperensya ng video o teleconference ng video kung saan nakikipag-ugnay ang dalawa o
higit pang mga hanay ng hardware at software habang sabay na nagpapadala at tumatanggap ng
mga signal ng video at audio mula sa dalawa o higit pang mga lokasyon ng heograpiya. Ang mga
kumperensya sa video ay maaari ring kasangkot sa pagbabahagi ng mga dokumento, iba't ibang
mga materyales sa pagtatanghal, mga whiteboards, mga tsart ng flip at mga katulad na pagtulong
sa pagtatanghal ng pangkat. Ang isang sistema ng telepresence ay madalas na ginagamit sa antas
ng korporasyon o kumpanya at kumakatawan sa mga sistema ng conferencing ng high-end na
video. Ang mga kumperensya ng video ay naiiba sa mga tawag sa telepono ng video, na
nagsisilbi sa mga indibidwal kumpara sa isang kumperensya.

l. KONSEPTONG SOCIAL MEDIA - Ang social media ay computer-mediated na mga


teknolohiya na nagpapadali sa paglikha at pagbabahagi ng impormasyon, mga ideya, mga interes
sa karera at iba pang anyo ng pagpapahayag sa pamamagitan ng mga virtual na komunidad at
network. Ang iba't ibang mga stand-alone at built-in na serbisyong panlipunan media na
kasalukuyang magagamit ay nagpapakilala ng mga hamon ng kahulugan; gayunpaman,
mayroong ilang karaniwang mga tampok:

Ito ay isang konsepto na tumutukoy sa media na ang sinuman ay maaaring lumahok at lumikha at
gumamit ng panlipunang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng teknolohiya ng impormasyon sa
pagpapakalat ng Internet. Ito ay isang konsepto na nagpapahiwatig na ito ay isang medium na
naiiba mula sa tradisyonal na mass media tulad ng TV at pahayagan. Gaya ng tradisyonal na
mass media na nagpapadala ng impormasyon unilaterally sa umiiral na, halos sarado na
komunidad, pagtanggap ng kaalaman at impormasyon (mga mamimili) din sabay na pagpapadala
(producer) May posibilidad na ang komunidad mismo ay bagong binuo sa pamamagitan ng
interactivity. Gayunpaman, may ilang mga pag-aalinlangan na opinyon kung ang komunidad na
ipinanganak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman at impormasyon ay nag-iisa ay
maaaring bumuo ng isang bagong lipunan.
C. PUMILI NG NAPAPANAHONG SITWASYONG LOKAL AT PAMBANSA-

Pagbabago ng Klima o Climate Change-


Ang pagbabago ng klima ay isinisisi sa pagtaas ng greenhouse gases na siyang nagpapainit sa
mundo. Sinasabing ito ay nakapagbubunga ng mga sakuna katulad ng baha at tagtuyot na dahilan
ng kamatayan at sakit ng tao.

Sanhi ng CLIMATE CHANGE

Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:

1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon.
Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na
nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa
mundo.

2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang
greenhouse gases ) GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng
carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya
sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na
nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.

Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE

Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.

Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:


- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan
nito.

You might also like