You are on page 1of 9

KAKAYAHANG

PANGKOMUNIKATIBO
(DISKORSAL)
TATLONG ANTAS NG KOMUNIKASYON

A. Komunikasyong Intrapersonal- nagaganap ang


komunikasyon sa isipan ng tao.
B. Komunikasyong Interpersonal- tumutukoy sa
pakikipagtalastasan sa ibang tao, maaaring sa pagitan ng
dalawang tao o sa maliit na grupo.
C. Komunikasyong Pampubliko- saklaw nito ang
pagtatalumpati, komunikasyong pampolitika,
panlipunang pamimili at pagtitinda, pagpapatatag ng
Samahan at estratehikong pananaliksik.
KAKAYAHANG DISKORSAL

 Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o


pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.
 Dalawang dapat isaalang-alang para malinang ang
kakayahang diskorsal:
-Cohesion o pagkakaisa
-Coherence pagkakaugnay-ugnay
 Masasabing may kakayahang diskorsal ang isang taong
nagpapahayag nang may kaisahan at magkakaugnay na mga
salita.
DALAWA SA KARANIWANG URI NG
KAKAYAHANG DISKORSAL
 Kakayahang tekstuwal- tumutukoy sa kahusayan ng
isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang
teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay
instruksiyonal,transkripsiyon, at iba pang pasulat na
komunikasyon.
 Kakayahang retorikal- tumutukoy naman sa kahusayan
ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon.
Kasama rito ang kakayahang unawain ang iba’t ibang
tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o
opinyon.
MGA URI NG DISKURSO

1.Paglalarawan
2.Pagsasalaysay
3.Paglalahad
4. Pangangatwiran
3. PARAAN NG PAGLALAHAD

 Pagbibigay ng kahulugan – maaaring kahulugang


denotatibo (literal) at konotatibo (talinghaga).
 Pag-iisa-isa –nasa ayos na tila magkakasunod-sunod.
 Pagsusunod-sunod – pag-aayos ng detalye ayon sa
hakbang. Maaaring sikwensiyal, kronolohikal, o prosidyural.
 Paghahambing at pagkokontrast
 Problema at solusyon
 Pangangatuwiran
PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP
 1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga – napahahaba ang pangungusap sa
pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala, at iba pa.

2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring – napahahaba ang pangungusap sa


tulong ng mga panuring na na at ng.

3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento – napahahaba ang pangungusap


sa pamamagitan ng komplemento o ang bahagi ng panaguri na nagbibigay ng
kahulugan sa pandiwa.
 4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal – napagtatambal ang
dalawang payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit,
datapwat, subalit, saka, at iba pa. Ang mabubuong pangungusap ay tinatawag na
tambalang pangungusap.
IBA’T IBANG URI NG KOMPLEMENTO NG
PANDIWA
 a. Komplementong tagaganap – isinasaad ang gumagawa ng
kilos. Pinangungunahan ng panandang ng, ni, at panghalip.

b. Komplementong tagatanggap – isinasaad kung sino ang
nakikinabang sa kilos. Pinangungunahan ng mga pang-ukol na
para sa, para kay, at para kina.

 c. Komplementong ganapan – isinasaad ang pinangyarihan ng


kilos. Pinangungunahan ng panandang sa at mga panghalili nito.
 d. Komplementong dahilan o sanhi – isinasaad ang dahilan
ng pangyayari o mga kilos. Pinangungunahan ng panandang
dahil sa o kay at mga panghalili nito.

 e. Komplementong layon – isinasaad ang bagay na


ipinahahayag ng pandiwa. Pinangungunahan ng panandang
ng.
f. Komplementong kagamitan – isinasaad ang instrumenting
ginamit upang maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan
ng pariralang sa pamamagitan ng at mga pang.

You might also like