You are on page 1of 8

Lesson 12

Kakayahang Diskorsal
Tungo sa Paglikha ng Makabuluhang Pahayag
 Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay
nangangahulugan ng pagsasamasama at pag-uugnay ng
mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang
pahayag.
 Maaring ang mga pahayag ay napapamalas sa ugnayan ng
dalawa o higit pang taong nag uusap.
 Maaaring magpahayag din nhang mag-isa, gaya sa
mgainterbyu, talumpati, o pagkukuwento.
Ano ang Kakayahang Diskorsal?

 Ayon sa UP diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugan


ng “pag-uusap at palitan ng kuro”(2010.Mula rito, mahihinuha na ang
kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at
makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
Dalawa sa karaniwang uri ng kakayahang
diskorsal

 Kakayahang tekstuwal- Tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa


pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang
pampantikian, gabay instruksyonal,transkripsyon, at iba pang pasulat na
komunikasyon
 Kakayahang retorikal- tumutkoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na
makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito ang kakahayang unawain ang iba’t
ibang tagapagsalita at makapag bigay ng pang unawa o opinyon
Panuntunan sa Kumbersasyon (Grice 1957,1975)
Kantidad Gawing impormatibo ang binibigay na
impormasyon ayon sa hinihingi ng
paguusap hindi lubhang kaunti o
lubhjang daming impormasyon.
Kalidad Sikaping maging tapat sa mga
pahayag; iwasang nagsabi ng
kasinungalingan o ng anomang
walang sapat na batayan
Relasyon Tiyaking angkop at mahalaga ang
sasabihin
Paraan Tiyaking maayos,malinaw, at hindi
lubhang mahaba ang sasabihin.
 Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal, mahalagang sangkap sa
paglikha ng mga pahayag ang kaugnayan at kaisahan. Ang kaugnayan ay
tumutukoy sa kung paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap
o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.
Tingan ang halimbawa:
A: Ang kalat naman dito!
B: Aayusin ko lang ang mga libro.
Pagpapahaba sa Pangungusap

1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga – napahahaba ang pangungusap sa


pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala, at iba pa.
2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring – nagpapahaba ang pangungusap sa
tulong ng mga panuring na na at ng.
3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento – napapahaba ang
pangungusap sa pamamagitan ng komplemento o ang bahagi ng panaguri ng
nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa. Ang iba’t ibang uri ng komplemento ng
pandiwa ay tagatanggap, ganapan, dahilan o sanhi,layon, at kagamitan.
a) Komplementong tagaganap – isinasaad ang gumagawa ng kilos.
Pinangungunahan ng panandang ng, ni, at panghalip.
b) Komplementong tagatanggap – isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos.
Pinangungunahan ng mga pang-ukol na para sa, para kay, at para kina.
c) Komplementong ganapan – isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.
Pinangungunahan ng panandang sa at mga panghalili nito.
d) Komplementong sanhi – isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos.
Pinangungunahan ng panandang dahil sa o kay at mga panghalili nito.
e) Komplementong layon – isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa.
Pinangungunahan ng panandang ng.
f) Komplementong kagamitan – isinasaad ang instrumenting ginamit upang
maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan ng pariralang sa pamamagitan ng
at mga panghalili nito.
4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal – napagtatambal ang dalawang
payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit,
datapwat, subalit, saka, at iba pa. ang mabubuong pangungusap ay tinatawag
na tambalang pangungusap.

You might also like