You are on page 1of 4

Grade 10 filipino Mabisang Paraan ng Pagpapahayag: Kalinawan, Kaugnayan, at

Bisa

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na nagagamit mo ang mabisang paraan ng
pagpapahayagkalinawan, kaugnayan, at bisa.

Paano natatamo ang mabisang paraan ng pagpapahayag?


Alamin ang sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin!
Pagpapahayag
 Ang pagpapahayag ay pagbabahagi ng mga saloobin, maaaring ito ay
nasa anyong pasalita o pasulat.

 Sa pamamagitan ng pagpapahayag ay nagiging ganap ang pagkatuto ng


isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang
kaisipan buhat sa kaniyang pakikinig sa pahayag ng iba.

 Nakapagbabahagi rin ito ng kaalaman sa iba.

 Ngunit, hindi lahat ng mga pahayag ay masasabi nating makabuluhan,


sapagkat mayroong mga pahayag na hindi pinag-iisipan kung kaya’t
naghahatid ito ng negatibong impresyon para sa nagsalita.

 Mayroong mga dapat tandaan sa pagpapahayag na isinasagawa.


Basahin ang mga ito sa loob ng kahon na nasa ibaba.

Ang mga nabanggit na dapat tandaan sa pagsasagawa ng pagpapahayag ay


magbubunsod sa kalinawan, kaugnayan, at bisa ng pagpapahayag.
Pag-aralan Natin!
Kalinawan, Kaugnayan, at Bisa
Ang isang mabisang pahayag ay dapat na nagtataglay ng tatlong pangunahing
katangian−kalinawan, kaugnayan, at bisa.

Kalinawan
 Ang kalinawan ay tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita sa isang
pahayag, gayundin ang angkop na pagkakabuo ng mga pangungusap.

 Nagiging malinaw ang mga pahayag kung ang mga salitang ginagamit
ay angkop para sa kontekstong nakapaloob sa pahayag.

 Iwasang maging maligoy upang hindi magbigay ng kalituhan ang


pahayag na inilalahad.

Kaugnayan
 Maituturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa anumang uri
ng pagpapahayag, kung mahusay ang pagkakahanay ng mga ideya o
pangyayaring tinatalakay.

 Sa pamamagitan nito, magiging tuloy-tuloy ang daloy ng diwa ng


pagpapahayag.

Bisa
 Ang bisa ng isang pahayag ay tumutukoy sa bigat ng isang pahayag.

 Ipinapalagay na mabisa ang isang pahayag kung nagtataglay ito ng


sumusunod na katangian−makatotohanan, nababakas ang katapatan,
at binibigyang pagpapahalaga ang dignidad ng isang tao.

Halimbawang Pangungusap
Basahin ang dalawang halimbawang pangungusap at suriin kung alin ang
nagtataglay ng kalinawan, kaugnayan, at bisa.
Pangungusap A:

 Masyadong maligoy ang pahayag, sapagkat maraming salitang ginamit


na ang ilan ay hindi tama ang gamit para sa konteksto ng pahayag.

 Hindi rin tama ang pagkakahanay ng mga salita kung kaya’t hindi
nagkaugnay ang mga pangungusap ng buong pahayag.

 Bunga nito, hindi naging malinaw, hindi magkakaugnay, at walang bisa


ang naturang pahayag.

Pangungusap B:

 Masasabing ang pahayag na ito ay malinaw na naihatid ang konteksto,


sapagkat tama ang pagkakagamit at paghahanay ng mga salita.

 Masasabi ring mabisa ang pahayag, sapagkat taglay nito ang katapatan
at katotohanan sa nilalaman.

 Bagaman maikli ay taglay ang kalinawan, pagkakaugnay, at bisa ng


mga pangungusap ng buong pahayag.

Mga Paalala
 Sikaping maging organisado ang ideya ng mga ipinapahayag upang
maiwasang maging maligoy sa paglalahad.

 Laging isipin muna kung ano ang ipahahayag at kung paano ito
ipahahayag.
Mahahalagang Kaalaman
 Ang pagpapahayag ay pagbabahagi ng mga saloobin, maaaring sa
paraang pasalita o kaya ay pasulat.

 Ang mabisang pagpapahayag ay nagtataglay ng kalinawan,


kaugnayan, at bisa ng pahayag.

You might also like