You are on page 1of 5

Arellano University - Andres Bonifacio Campus 2022-2023

Pag-asa St. Brgy. Caniogan Pasig City

Aralin 12: Kakayahang Diskorsal


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Proponents
Germaine Aquino
Mark Christopher Ramirez
John Paris Dayao
Cedrick Gayle Laurenio
Denise Estillore
Myka Alexandra Mamuad
Ayisha Aguinaldo
Joshua Fesariton
Vince Bualan Aves

Research Adviser
Sherylene Ababao

KAKAYAHANG DISKORSAL - (Pagtiyak sa Kahulugan ng Teksto at Konteksto)


KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

i. Naipapaliwanag ang kahulugan ng kakayahang diskorsal


ii. Natutukoy ang panadang kohesyong gramatika na ginagamit sa komunikasyon ; at
iii. Nagagamit ang mga panadang kohesyong gramatikal sa pagpapaliwanag at pagbibigay-halimbawa sa
mga tiyak na sitwasyong komunitakibo sa lipunan.
Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugan ng “pag-uusap at palitan
ng kuro” (2010). Mula rito, mahihinuha na ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang
umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
DISKURSO
• Malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin, kaisipan o ideya sa kahit sinumang lahi ng tao sa
mundo. Kung kaya mahalaga ang pakikipagdiskurso sa buhay ng tao.
• Nagmula ito sa Middle English na“discourse” na mula sa Medieval at LateLatin na “discursus” at
“kumbersasyon.”
Sa makalumang kahulugan nito, tumutukoy ito sa kakayahang pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o
pagiging makatwiran ng isang tao.

KAKAYAHANG DISKORSAL
• Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugan rin pagsasama-sama at pag-uugnay
ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang pahayag.
• Maaaring ang mga pahayag ay naipapamalas sa ugnayan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap.
Maaaring magpahayag din nang mag-isa, gaya sa mga interbyu, talumpati, o pagkukuwento.
Samakatuwid, ang mataas na kasanayan sa wika rin isang tao ay pina-tutunayan din sa kaniyang
kapasidad na makilahok sa mga kumbersasyon at makalikha ng mga naratibo.
DISKURSO KAKAYAHANG DISKORSAL
Pag-uusap at palitan ng kuro Kakayahang umunawa at makapagpahayag ng
isang tiyak na wika.

DALAWANG URI NG KAKAYAHANG DISKORSAL


Diskursong Tekstuwal – tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na umunawa ng ibat’t ibang tekstong
nakasulat, sa pamamagitan ng pagbasa at pagsulat nito.
Diskursong Retorikal – tumutukoy naman sa kakayahang maghabi ng mga salita sa isang kumbersasyon.
Binubuo ng teksto at konteksto ang diskurso. Tumutukoy ang teksto sa anumang paksa na magiging
sentro ng kumbersasyon, habang ang konteksto ang kapaligiran ng teksto na magiging instrument sa
interpretasyon ng teksto. Ang konteksto ay maaaring institusyunal, kultural o kaya’t sitwasyonal.
DALAWANG PANUNTUNAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN
- Pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag
- Pakikiisa
Ayon kay Grice (1957, 1975; sa pagbanggit ni Petras 2015), may apat na panuntunan sa isang mahusay
na kumbersasyon na kinasasangkutan ng kantidad, kalidad, relasyon at kaparaanan.

Panuntunan sa Kumbersasyon, Grice 1957, 1975


Kantidad Gawing impormatibo ang ibinibigay na
impormasyon ayon sa hinihingi ng pag-uusap –
hindi lubhang kaunti o lubhang daming
impormasyon.
Kalidad Sikaping maging tapat sa mga pahayag; iwasang
magsabi ng kasinungalingan o ng anumang
walang sapat na batayan.
Relasyon Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin.
Paraan Tiyaking maayos, malinaw at hindi lubhang
mahaba ang sasabihin.

Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal, mahalagang sangkap sa paglikha ng mga pahayag ang;
KALIGAYAHAN KAISAHAN
Tumutukoy sa kung paanong nagdidikit ang Tumutukoy sa kung paano napagdidikit ang
kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa dalawang ideya sa linggwistikong ideya.
paraang pasalita man o pasulat.

PAGPAPAHABA SA PANGUNGUSAP
Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga – napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng mga
katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala, at iba pa.
Halimbawa:
May ulam.
May ulam ba?
May ulam pa.
May ulam pa ba?
May ulam pa nga pala.
May ulam naman pala.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring – napahahaba ang pangungusap sa tulong ng mga panuring
na na at ng.
Halimbawa:
Siya ay anak.
Siya ay anak na babae.
Siya ay anak na bunsong babae.

Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento – napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng


komplemento o ang bahagi ng panaguri na nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa. Ang iba’t ibang uri ng
komplemento ng pandiwa ay tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o sanhi, layon, at kagamitan.
a. Komplementong tagaganap – isinasaad ang gumagawa ng kilos. Pinangungu-nahan ng panandang ng,
ni, at panghalip.
Halimbawa:
Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain.
Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.
Ibinalot ng kaniyang kaibigan ang mga tirang pagkain.
b. Komplementong tagatanggap – isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos. Pinangungunahan ng
mga pang-ukol na para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa:
Naghanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.
Bumili ng laruan si Bryan para kay Jaye.
Nagpaluto ng pansit si Will para kina Eugene at Elyrah.
c. Komplementong ganapan – isinasaad ang.pinangyarihan ng kilos. Pinangu-ngunahan ng panandang sa
at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Namalagi sila sa evacuation area.
Namalagi sila rito.
Namalagi sila roon.
d. Komplementong sanhi – isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos. Pinangungunahan ng
panandang dahil sa o kay at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.
Dahil kay Alvin, naparusahan ni Michelle.
e. Komplementong layon – isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa. Pinangungunahan ng
panandang ng.
Halimbawa:
Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon.
f. Komplementong kagamitan – isinasaad ang instrumentong ginamit upang maisakatuparan ang kilos.
Pinangungunahan ng pariralang sa pamamagitan ng at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng impormasyon.
Magkakasundo lamang Gila sa pamamagitan mo.

Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal – napagtatambal ang dalawang payak na pangungusap sa


pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba pa. Ang mabubuong
pangungusap ay tinatawag na tambalang pangungusap.
Halimbawa:
Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa palengke ang kaniyang nanay.
Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak namang matataas ang kaniyang marka sa mga pagsusulit.

You might also like