You are on page 1of 8

KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA

[DATE]
FILIPINO

Republic of the Philippines


SORSOGON STATE COLLEGE
Bulan Campus
Zone 8, Bulan, Sorsogon, 4706
Week 4/ Linggo

MGA GAWAING
LEKSYON 3 PANGKOMUNIKASYON
NG MGA FILIPINO
“Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo. Sa larangang pambansa,
ang wika ng bayan ay ang bayan… ang karanasan at kaalaman ng gumagamit
na bayan”. -Virgilio S. Almario-

Bawat isa ay may karapatang magpahayag ng kanyang kaisipan at damdamin.


Bagamat may iba’t ibang kontekstong kultural, o maging ang pamamaraan,
gawi at paraan ng pagpapahayag ang tao. Upang maging maabisa at malinaw
ang pagpapahayag ng ideya may ginagamit na iba’t ibang pamamaraan ang
tao sa pakikipagkomunikasyon.

Ang wika ay isang mahalagang instrument sa pakikipagtalastasan ng tao.


Sapagkat isang instrument ang wika, kung gayon, ang wika ay maaaring
iebalweyt, baguhin, ayusin, kontrolin at paunlarin”,ayon kay Tauli (sa Haugen,
1971).

Para sa araling ito, layunin ng pag-aaral na:

1. Makapagbahagi ng sarling ideya mula sa awitin na nagpapakilala


sa kulturang Pinoy
2. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa
konteksto nang paksang napakinggan o napanuod sa balita mula
sa radio o telebisyon.
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraam ng
pagpapahayag ng mga Filipino sa iba’t ibang antas ng larangan.
4. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Filipino.

Panimulang Gawain:
Pakinggan o panuorin ang “Kanta Pilipinas theme” ni Lea Salongga. Pagkatapos
ay sagutin ang ilang tanong ukol dito.

1. Ano ang mensahe ng kanta/awit?


2. Ano-ano ang mga gawi, pamamaraan o pag-uugali ang ipinakita sa
bidyu?
3. Nagpapakita ba ng simbolo ng pagka-Pilipino? Magbigay ng
paghahalimbawa.
KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO [Publish Date]

ALAMIN

Ang komunikasyon ay nauugnay at nararapat na umayon sa


kontekstong kultural, may iba-iba ang mga pamamaraan, gawi, at ugaliin ng
pakikipagkomunikasyon sa bawat kultura. Katulad ng mga mamamayan sa iba’t
ibang bansa, ang mga Filipino ay mayroon ding natatanging kultural na
pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon. Iba- iba ito sa bawat pangkat etniko
na naninirahan sa libo-libong kapuluan ng bansa.
Esensyal na kakayahan sa mahusay na komunikasyon para sa lahat
ng tao. Mahalaga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa.
Mahalaga ito maging sa mga ordinaryong mamamayan at higit itong mahalaga
sa mga propesyunal sa pagganap sa kanilang mga trabaho. Malalaman ng
bawat isa ang kanilang kakakayahang komunikatibo at mahasa para sila’y
maging higit na epektibo sa mga komunikasyong kanilang kasasangkutan. Sa
pagtalakay ni Savignon (1997), tinutukoy ang apat na kakayahang
komunikatibong kinabibilangan ng kakayahang gramatikal, kakayahang
sosyolinggwistik, kakayahang diskorsal at kakayahang strategic. Ang
kakayahang gramatikal gramatikal ay tumutukoy din sa kakayahang
linggwistiko. Samantala, bilang suberya ng linggwistik na tumutulay din sa
paggamit ng wika sa konteksto ng lipunan o sosyolinggwistiko, pumapasok pa
ang isang kakayahang komunikatibo na kilala bilang kakayahang pragmatiko.
Mahalaga ang bawat kakayahan upang mapahusay ang pakikipag-ugnayan
sa iba.

a. KAKAYAHANG LINGGUWISTIK
Tumutukoy sa anyong gramatikal ng wika sa lebel ng pangungusap. Nahahanay
dito ang kakayahang umunawa sa mga morpolohikal (pagbuo ng mga salita sa
pamamagitan iba’t ibang wika), ponolohikal (pag-aaral sa tunog ng wika na
makakatulong sa pagkilala ng salita), sintaks (kakayahang sa pagbuo ng salita,
parirala, pangungusap) at semantics (kakayahang sa pabibigay kahulugan o
interpretasyon sa mga salita, parirala).

 Patinig (a,e,I,o,u) hal: /a/ : aliw /e/: eroplano


 Katinig (b,d,f,g,h,j,…..) hal: /b/ balot, /w/: wagas
 Diptonggo (w/ at /y/ hal: /w/: awtor , /y/: eywan

b. KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK
Ayon kay Savignon (1997), sinabi niyang ang kakayahang sosyolinggwistik ay
isang kakayahan ng gumagamit ng wika na nangangailangan ng pag-unawa
sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito ginagamit.

MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON


Ayon kay Hymes, gumamit ng akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. upang
matiyak na magigiing mabisa ang komunikasyon.

1. Setting (Saan nag-uusap)


2. Participants (Sino ang kausap?
3. Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap)
4. Act Sequence (Paano ang takbo ng usapan?)
5. Keys (Pormal o Impormal ang usapan?
6. Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?)
7. Norm (Ano ang paksa ng usapan ?)
8. Genre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo/nagmamatuwid?
Naglalarawan? o Nagpapaliwanag/ naglalahad)

c. KAKAYAHANG DISKORSAL
KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO [Publish Date]

Ito ay nakatuon hindi sa interpretasyon ng mga indibidwal na pangungusap


kundi sa koneksyon ng magkakasunod na mga pangungusap tungo sa isang
makabuluhang kabuuan (Savignon, 2007). Abilidad na maunawaan at
makalikha ng mga anyo ng wika na mas malawig kaysa sa mga pangungusap.
Kabilang dito ang mga kuwento, pag-uusap , mga liham at iba pa.

KOHISYON at KOHIRENS
Sa pagdidiskorso, kailangang pagtuunan ng pansin ang kohisyon at kohirens.
1. KOHISYON- ayon kina Halliday at Hasan (1976), ay tumutukoy sa ugnayan
ng kahulugan sa loob ng teksto. Maituturing na may kohisyon ang mga
pahayag kung ang interpretasyon ng isang pahayag ay nakadepende sa
isa pang pahayag. Makikita ito sa halimbawa.
Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah. Naging madalas na ang
kanyang pagdalo sa mga gawain sa komunidad. Napapadalas na rin ang
pagboboluntaryo niya upang manguna sa mga gawain.

Mayroong elementong nag-uugnay sa bawat pahayag. Tinatawag itong


cohesive links. Sa halimbawang ito, ito ay may mga panghalip na
ginagamit upang iugnay isa pangngalang (Sarah←kanya(ng) ←niya).

2. KOHIRENS- tumutukoy naman ang kohirens sa kaisahan ng lahat ng


pahayag sa isang sentral na ideya. Dapat malaman ng isang
nagdidiskurso na may mga pahayag na may leksikal at semantikong
kohisyon ngunit walang kaisahan.
Halimbawa: Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah. Naging
madalas na ang kanyang pagdalo sa mga gawain sa komunidad.
Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya upang manguna sa mga
gawain. Si Sarah ay may asawa.

Kung tutuusin, may kaugnayang leksikal ang huling pahayag (Sarah←


kanya (ng) ←niya ←Sarah) sa lahat ng mga naunang pahayag dito, kung
gayon ay kohisib ito, subalit wala itong paisahan sa pinakatuon na
mensahe ng pahayag- ang pagbabago sa pakikitungo ni Sarah. Makikita,
kung gayon , ang kawalan ng kohirens sa sitwasyong ito.
Ang kohirens ay hindi talaga nag-eeksist sa wika kundi sa mga taong
gumagamit nito (Yule, 2003). Nakadepende sa kaisahan sa mga pahayag
sa persepsyon ng nakikinig o bumabasa ng diskurso.

Mga salik na Nakakaapekto sa Gawaing Pangkomunikasyon

Lugar. Tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa ang komunikasyon.


Nagtatakda sa uri, paraan at gawi ng pananalita at isinasaalan-alang ang
lugar sa pagsasakatuparan ng paghahatid ng mensahe at kung paano
maaaring isagawa ang daloy ng usapan.

Halimbawa:
Wen,win, at wën (ilokano) – kahulugan ay “oo” sa tagalog
Agalwad kayo/ agannad kayo (iloko)- sana’y maging ligtas kayo sa inyong
pag-uwi o simpleng “ingat kayo”.

Mga taong naninirahan sa lugar. Ito humuhubog ang kultura ng lugar, mga
paniniwala, ugaliin, gawi at uri ng pamumuhay at maging kaisipan ng mga
bagay-bagay sa kanilang paligid na nagtatakda ng paksain o usapin.
Ang kultura ay sinasabing komunikasyon sapagkat may malaking bahagi
ito sa kung paanong ang mga mensahe ay naihahayag at naiintindihan
kaya nahuhubog ang natatanging kilos, ugaliin, at pananalita at gawaing
komunikasyon sa isang etnikong pngkat.
KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO [Publish Date]

Sosyo- ekonomiko. Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ng kanyang


estadong sosyo-ekonomiko ay naiuugnay sa gawaing pangkomunikasyon.
Minsa’y iniaayon ang gawi ng komunikasyon sa iba’t ibang antas ng
pamumuhay ng mga tao.

Edukasyon. Ang gawaing pangkomunikasyon, pamamaraan at nillalaman


ng pahayag ay naiimpluwensyahan ng edukasyon ng isang tao. Ang
paggamit ng antas ng salita ay may kaugnayan sa edukasyon.
Halimbawa:
Guro, doctor - salitang pormal ang wika
Palengke, umpukan, kwento kanto, barter ng dyip- impormal na wika.
Kasarian. May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginamit
ng lalaki ay hindi ayon sa kaniyang kasarian. May mga gawi at paraan ng
komunikasyon ay apektado dahil sa kasarian.
Halimbawa:
Besh o kaya beshie na higit na angkop gamitin ng mga babae at ang bro
o brod na malimit na gamitin ng mga lalaki sa kapwa lalaki. Bagamat sa
kasalukuyan, ang ganitong kalakaran sa paggamit ng mga salita bilang
bahagi ng gawi ng komunikasyon ay hindi na batayan kung sino ang
kausap o anu ang kausap sanhi ng usapin ang gender awareness and
development kung saan tanggap ng lipunan ang paggamit ng alinmang
salita.

URI NG KOMUNIKASYON

a. Berbal na Komunikasyon
-ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog at sa pamamagitan ng
pagsalita. Ito rin ay tumutukoy sa pagpaparating ng mensahe o ideya sa
pamamagitan ng salitang nagpapakita ng mga kaisipan
 Denotatibo-Tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita
 Konotatibo-Ito naman ay maaring magtataglay ng pahiwatig ng emosyon
o pansaloobin. Ito rin ay ang proseso ng pagpapahiwatid ng karagdagan
o kahulugang literal

b. Di-Berbal na Komunikasyon
tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng kilosng
katawan at ang tinig na iniaangkop na sa mensahe.

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

TSISMISAN
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang kastila na “chismes”.
Karaniwan, kapag sinasabing tsismis ay mga kuwento o pangyayari na
maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi ng kuwento o
pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito’y
maging usap-usapan hanggang tuluyan nang magkakaroon ng iba’t
ibang bersyon. Nangyayari sapagkat mabilis itong nagpapasalin-salin
mula sa isang tao tungo sa iba’t ibang indibidwal. Intriga, alimuom, sagap,
sabi-sabi, bali-balita o kaya ay bulong-bulungan at alingasngasito kung
tawagin. Kadalasa’y hindi kabutihan ang dulot nito dahil sa nakasira ito sa
ugnayang pantao, reputasyon at nagbubunyag ng mga lihim na
maaaring wala naman talgang katotohanan.

UMPUKAN
Ang umpukan ay gawaing pangkomunikasyon na tumutukoy sa
pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya, makakapatid,
KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO [Publish Date]

magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada na may magkakatulad


na gawi, kilos, gawain at hangarin. Naiiba ang umpukan sa tsismisan
sapgkat higit na mabuti ang tunguhin ng usapin ng umpukan.
Napakaimpormal ng umpukan madalas nangyayari na hindi binabalak.
Ang umpukan ay walang paksang tinatalakay kundi biruan lamang.

PAGBABAHAY-BAHAY
Ito ay isang gawaing panlipunan, nakatuon ang pakikipag-usap sa
mga mamamayan sa kanilang mga bahay. Karaniwang mga isyung
panlipunan gaya ng barangay na nais magbigay- alam ng isyu. Sa
pamamagitan nito nagkakaraoon ng impormasyin hinggil sa mga gawain
at layuning nais isakatuparan sa lugar.

PULONG- BAYAN
Usaping political ang karaniwang paksa ng pulong-bayan. Ito ay
ay nauukol sa mga gawain at layuning pambarangay at pambayan.
Kinabibilangan ito ng pangkat ng mga namumuno sa isang barangay o
bayan. Higit itong pormal kapag ang mga opisyal ang kasangkot. Ngunit
ito ay hindi nagiging pormal kapag ang pinuno ng bayan ay
nagsasagawa lamang ng anunsyo sa pangkat ng mamamayan sa
pamamagitan ng pamaraang pasalita.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
Ito ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa
pamamagitan ng samo’t saring bagay maliban sa mga salita. Gumagamit
ng 93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di-
berbal na komunikasyon.
Maaaring isagawa sa pamamagitan ng ss:
1. Paggalaw ng kahit isang bahagi lang ng katawan
2. Kombinasyon ng mga galaw ng ilang bahagi lang ng katawan.
3. Panahon ng pagsasalamuha, bagal o bilis, kawalan o dalas at oras o
araw ng interaksyon
4. Pook at kaligiran ng pagsasalamuhaan.
5. Kasuotan o burloloy sa katawan
6. Iba pang simbolo gaya ng kulay.

A.Kinesika
a. Tindig(paraan ng pag-upo, paglakad,pagtayo pagkilos ng ulo)
b. Pagkumpas (pagkaway, pagturo, pagkuyom ng palad,
paglalahad ng lapad)
c. Ekspresyon ng mukha (mukha ay isa sa mga bahagi ng katawan
na nakapagpapahayag ng maraming ekspresyon at kahulugan
ayon kay Hans 2015)
d. Occulesics/pagtingin (paggamit ng mata sa pagpapahayag
maaaring nagpapakita ng pagkawili, pagmamahal o pagsinta,
poot at maging pagkagusto.ayon pa kay Hans at Hans (2015),
maaaring makapag –usap sa pamamagitan ng ating mga mata.

B.Pandama (haptiks)- pandama tulad ng paghawak,


nakapagpahayag ng iba’t ibang kahulugan. Halimbawa, mariing
pakikipagkamay at pagtapik sa balikat ay may magkaibang kahulugang
inihatid. Maaaring galit, nakikiramay, nagmamahal o nambabastos ang
kahulugan ng paghawak.

C.Proksemika (proxemics)- tumutukoy sa komunikasyon gamit ang


distansya. Ang pagiging malapit, malayo o kaya’y malapit na malapit ng
mga taong nag-uusap ay naghahatid ng iba’t ibang kahulugan ayon sa
KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO [Publish Date]

kung sino ang mga kausap. Ang espasyo ay nakapaghahatid ng mga


kahulugan tulad ng kapalagayan ng loob, pagkamapusok o pagiging
agresibo, pangingibabaw (dominance) at pagmamahal o pagsuyo.
Inilahad nina Hans at Hans (2015) na ang espasyo ay may mga kahulugang
taglay tulad ng isinasaad ng “Proxemics Zones of Personal Space”.

 Publiko – 12 ft. o higit pa


 Sosyal/panlipunan – 4 -12 ft.
 Personal 1 1/2 – 4 ft
 Intimate – hanggang sa 1 – 1/2 ft.

D.Paralengguwahe (paralanguage)- ay higit na tumatalakay sa


kung paano nasabi o kung ano ang paraan ng pagkasabi ng isang salita
kaysa sa kung ano ang kahulugan ng mga nasabi. Halimbawa, ang bilis o
bagal ng pagsasalita, tono, implekasyon ng boses, pagtawa, paghikab,
buntong-hininga, pag-ungol at kahit na ang pananahimik o hindi pag-imik.
Iba’t iba ang naipararating ng simpleng pagngiti sa lakas ng paggawa,
iba rin ang kahulugan ng humahalakhak sa karaniwang pagbungisngis. Isa
pang halimbawa, ay kapag ang isang tao ay pahinto-hinto o pautal-utal
sa kaniyang pagsasalita na naiiba rin kapag ang karaniwang paghinto
(pause) sa pagsasalita ay ginagamit para maging maayos na maiparating
ang mensahe.

E.Bagay (object language)- malimit itong tawaging material


culture. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga kahulugan sa mga bagay-bagay na nakikita sa
paligid (material artifacts). Karaniwan, nauukol ito sa arkitektura tulad ng
disenyo ng mga gamit, damit, mga sasakyan at iba pa. Ang pagkakaayos
ang mga kagamitan sa isang bahay o opisina ay nagtataglay rin ng
mensahe na nagbibigay kahulugan ng tumitingin. Ang pananamit at uri ng
pananamit ay ginagamit bilang isang paraan ng pagsasaad ng mensahe
tulad ng lahi, kalagayan, antas at uri ng pamumuhay at kalagayang
ekonomiko.

 Katahimikan – nagbibigay ng oras na mag-isip ang tagapagsalita


 Kapaligiran – ang lugar na gagamitin sa anumang pulong
 Simbolo – ang mga makikita sa paligid na nagsasaad ng mensahe
 Kulay – nagpapahiwatig ng emosyon
 Bagay – ang paggamit ng bagay sa pakikipagtalastasan
KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO [Publish Date]

TASAHIN:
Pangalan:_______________________ Puntos:______________
Kurso at Taon:___________________ Petsa:_______________

I. Tukuyin ang uri ng komunikasyong di-berbal.Isulat ang tamang sagot


bago ang bilang.

1. Panlalaki ng mata (galit, gulat, hindik at pagtataka)


2. Pagtaas ng kilay (pang-iisnab, pagtutol, panlalait, pagmamataas)
3. Pagnguso( pagtatampo, may itinuturo)
4. Pagkunot ng noo (naguluhan, yamot, nag-iisip nang malalim)
5. Pag-umang ng nakakuyom na kamao (laban o astang palaban)
6. Pagkagat ng labi (pagsisisi, pagdadalamhati, nasasalktan)
7. Pagkibit ng balikat (pagwawalang bahala)
8. Pagsuot o pagburloloy sa katawan
9. Pagpunta sa mga lugar na malalawak o malaaliwalas na paligid
10. Pagkuyakoy ng mga hita o binti habang nakaupo (ninenerbyos o
sobrang sigla)

II. Basahin mabuti ang pahayag sa bawat aytem upang matukoy ang
konseptong binabanggit. Isulat ang sagot bago ang bilang.

1. Usaping political ang karaniwang paksa nito na nauukol sa mga


gawain at layuning pambarangay at pambayan.
2. Kabuuan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at
karanasan na nabuo sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng
mga tao sa loob ng iisang pangkat.
3. Ito ang salik sa gawaing pangkomunikasyon na nagtatakda sa uri,
paraan at gawi ng pananalita.
4. Tumutukoy sa pagpapangkat- pangkat ng isang pamilya o
magkakapatid, magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada, o
magkakakilala na may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at
hangarin.
5. Isang gawaing panlipunan na tumutukoy sa pakikipag-usap sa mga
mamamayan sa kanilang mga bahay upang maghatid ng
impormasyon.
6. Ang salik sa gawaing pangkomunikasyon na nauukol sa paggamit
ng mga salitang pormal at impormal at nauugnay sa antas ng
napag-aralan.
7. Isang salik sa gawaing pangkomunikasyon na tumatalakay sa
paggamit ng mga salita ng iba – ibang kasarian.
8. Tumutukoy ito sa antas ng pamumuhay ng mga tao na nauugnay sa
gawing pangkomunikasyon.
9. Salik na humuhubog sa kultura ng isang lugar.
10. Isang gawing pangkomunikasyon na kadalasa’y hindi kabutihan
ang dulot dahil sa minsa’y nakakasira sa ugnayang pantao,
reputasyon, at nagbubuyag ng mga lihim na walang katotohanan.

III. Huhulaan kung anong sinasabi o iniisip ng mga tauhan sa mga kasunod
na larawan, batay sa di-berbal na pahiwatig (distansiya, mata, mukha,
pananamit, kaanyuan, tindig,kilos at kumpas). Isulat ang iyong mga
sagot sa loob ng bawat dialogue balloon. 5 puntos bawat larawan
*para mailagay ang iyong sagot, maaaring lagyan ng insert box sa
bawat kahon o dialogue ballon*
KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO [Publish Date]

You might also like